CHAPTER 53
Chapter 53: Pretend
Rue
"P'SST!"
"Rue!"
"Gising!"
"Tulog mantika talaga ang isang 'to. Uy!"
Napahawak ako sa ulo ko nang may tumamang isang maliit na bagay roon. Tang na juice naman!
"Kuya ano ba! Paano ka nakapasok sa kuwarto ko? Umalis ka na nga rito!" bugnot na sabi ko habang napapikit. May tumama ulit sa ulo ko sa ikalawang pagkakataon. "Ano ba, kuya! Ganiyan ka na ba ka broken kaya ako ang binubwisit mo, ha?" Napamulat na ako pero medyo wala akong maaninaw dulot ng kadiliman.
"Anong kuya? Kaklase mo 'ko! Ano ka ba, Rue." Nagpalinga-linga ako pero wala naman akong nakikitang tao. "Sa harap mo! Nandito ako, oh!" Napatingin ako sa harap ko pero wala naman akong nakitang tao.
"Ha? Wala naman ah? Kaboses mo si Owen. Ikaw ba 'yan?"
Pilit kong inalala kung bakit ako nandito. Oo nga pala!
"Malamang ako 'to. May gwapo ka pa bang nilalang na kilala sa balat ng lupa? Ako 'to si Owen na mahal na mahal mo!" Napatawa siya pero mahina lang 'yon.
Nandiri ako sa huling sinabi niya. Bakit parang nadinig ko na 'yang linyang 'yan? Saan ko nga ba narinig 'yon? Ay ewan, bahala siya!
Pilit kong inaninaw ang nasa harapan ko. Nagulat ako ng may makitang pares ng mga mata sa dilim. Bwisit na Owen 'to.
"Ikaw nga! Bakit andyan ka?"
"Malamang dahil nakatali ako rito. Kalagan mo ako ,dalian mo."
Oo nga naman Rue. Hay naku! Saan utak mo Rue ha? Lumapit ako sa kanya pagkatapos.
"Ayaw makalag. Ang dilim dito Wen!" Inis kong sabi habang pilit na kinakalagan ang mga kamay niya.
Bakit ba 'to nakatali? E, ako hindi? Parang tanga 'yong may pakana nito. Syempre kapag nagkamalay ako, edi kakalagan ko talaga ang kasama ko.
"Teka? Kung kamay mo ang nakatali, paano mo ako nabato ng kung ano sa ulo ko?" Taka kong sabi.
"Malamang gamit ang mga paa ko. Rue naman. Dalian mo na. Kung ayaw makalag, ngatngatin mo na lang," demand nito.
"Teka lang naman! Anong akala mo sa 'kin daga? Ikaw kaya ngumatngat nito para malaman mo!" Mahinang singhal ko.
Naghanap ako pinaghigaan ko kanina ng magagamit na matalim na bagay. Doon lang kasi nasisinagan ng buwan kaya malaya kong nakikita ang mga nakakalat sa semento. Nakaisip ako bigla ng ideya.
"Saan mo 'ko balak dalhin Rue ha? May balak ka sa 'kin no?" Mahinang anito.
"Kingina! Manahimik ka nga Owen. Naririndi ako sa boses mo! Baka mahuli tayo rito sa kaingayan mo!" Singhal ko.
"Ikaw nga ang lakas ng boses d'yan. Ako pa sinisi mo."
"Isa pa talaga Owen! Isasaksak ko 'tong hawak ko sa 'yo."
"He-he ang ganda mo talaga Rue. Heto na nga mananahimik na ang gwapong ako."
Napairap ako sa kawalan dahil sa kahanginang taglay ng isang 'to. Nasa delikado na nga kaming sitwasyon, may gana pang maghangin at puriin ang sarili. Iba rin!
Unti-unti kong hinila ang upuan niya sa may liwanag hanggang sa maabot ko 'yon. Sinimulan kong kalagin ang tali gamit ang basag na bote. Sinigurado kong hindi matatamaan ang kamay niya dahil kapag sumigaw ang lokong 'to baka mahuli pa kami at hindi na talaga makalabas. Ilang sandali lang ay nakalag ko rin.
"Nice! Galing." Tumayo na siya at nag-unat-unat.
"Teka nga! Bakit ka ba nandito? I mean bakit ka nahuli?" Tanong ko.
"Umihi lang ako tapos biglang may pumukpok sa ulo ko. Tangina! Hindi ko mapapatawad ang may gawa sa 'kin no'n. Paano kung magasgasan ang gwapo kong mukha sa pagpalo niya? Edi wala na akong chicks!"
Nandiri ako sa sinabi niya. Para na siyang si Cyril. Nahawa na yata sa kahanginan ng isang 'yon. Nakakahawa pala 'yon?
"Ewan ko sa 'yo. Kailangan na nating makalabas dito!" Mahinang sabi ko.
May maliit na bintana sa bandang kaliwa namin pero napakataas no'n. Tiyak na hindi namin maabot 'yon.
"Tang na juice naman!" Singhal ko.
Sabay kaming napatingin ni Owen sa pinto nang may mga yapak na papalapit. Hinahap ko ang upuan ni Owen kanina at ang tali.
Mukhang nakuha niya naman ang nais ko dahil siya na mismo ang kumuha ng upuan at nilgay 'yon sa pinanggalingan niya kanina. Nahiga na rin ako at nagkunwaring tulog.
Sapat lang ang mga segundong natitira bago bumukas ang pinto. Pinakiramdaman ko ang mga taong pumasok sa loob.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. T*ng na juice. Hindi ko na mabilang dahil parang ang dami. Sunod-sunod ang bawat yapak kaya hindi ko masundan ang bilang nila.
"Mapapasakin na ba siya?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Palihim akong napakuyom. Bwisit na babaeng pusa na 'to.
"Cazzy will you shut your mouth? Kanina ka pa. Ikaw na lang kaya ang gawin kong hostage? Nakakarindi 'yang bunganga mo!" Kilalang kilala ko ang may ari ng boses na 'yan. Paano ko makakalimutan ang kinaiinisan kong tao aber? Kahit kahibla lang yata ng buhok niyan ay titirisin ko kapag nakita ko na.
Bakit kasama niya si Cazzy? Akala ko siya ang may pakana no'n, 'yon pala ay kasabwat niya ang pusang 'yon. Walang duda, nauto yata ang pusang 'yon ng isang higad na katulad niya.
"Excuse me ha! Tinulungan kitang makuha ang kapatid niyang 'yan dahil sa isang kondisyon. Mapapasakin si Eziel dahil 'yon ang sinabi mo!"
Napatigil ako sa narinig. Gusto kong tumawa ng malakas sa harap nila pero hindi puwede. Tanga! Nagpauto ka naman! Hinding-hindi ka dapat magtiwala sa isang higad.
"Sinabi ko ba 'yon?" Maang-mangang sabi nito.
"Paige! You promised me! You bitch! Ouch!" palahaw ni Cazzy.
Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa pusang 'yon. Parang na-tempt tuloy akong imulat ang mata. Traidor talaga ang higad na 'yan. Bwisit na 'yan.
"Manahimik ka dahil baka ipakain ko sa 'yo ang bala nito!" sigaw ni Paige sa kanya.
Kumukulo talaga ang dugo sa babaeng 'to. Kasuklam-suklam. Kailan ba 'to magbabago? Magbabago pa ba ang isang 'to? Mukhang natakot si Cazzy sa sinabing 'yon ni Paige dahil wala akong narinig na kahit isang imik sa kanya.
Patuloy pa rin ako sa pagkukunwaring tulog. Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Hindi ko alam kung ilan talaga lahat ng kalaban namin. Kailangan huwag maging padalos-dalos ang kilos dahil baka buhay ang maging kapalit ng maling aksyon namin.
"Gising na ba 'yan?" tanong ni Paige sa kasamahan. Alam kong ako ang tinutukoy nito.
"Hindi pa 'yan magigising dahil sa pampatulog na binigay ko sa kanya kanina," saad ni Cazzy.
"May silbi ka nga talaga ano?" Humalakhak si Paige. "Magaling! Hayaan na muna ninyo 'yan! Pahihirapan ko 'yan mamaya. Gigil na gigil ako sa malanding babaeng 'yan." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay narinig ko ang hakbang nito papalapit sa 'kin.
Ako malandi? Baka sarili niya ang tinutukoy niya? Rue pigilan mo ang sarili mo! Just calm down. Mas pinag-igihan ko ang pag-a-acting na tulog at hinanda ang sarili sa kung anong susunod na gagawin niya.
"Ito ang bagay sa isang malanding katulad mo!" Tinadyakan niya ako sa sikmura. Muntik na akong mapasigaw sa sakit pero mas pinili kong indahin 'yon at magkunwaring wala pa ring malay. Amputeks! Ang sakit! Kinginang babaeng 'to.
"You said na kunin lang natin 'yan, bakit mo sinasaktan?" Cazzy said. Nandoon pa rin ang pagkamataray nito sa tono ng boses niya.
"H'wag kang mangialam sabi, e!" sigaw nito at nagpaputok ng baril.
"Oh my gosh!" Tili ni Cazzy ang narinig ko.
"Sa susunod na bubuka pa 'yang bunganga mo, sa 'yo ko na talaga ipuputok 'to!" Banta ni Paige sa kanya.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay naglakad na siya papalabas. 'Yon din ang siyang sunod ng mga alagad niya. Hanggang sa marinig ko na ang pagsara ng pinto at pag-lock nito. Doon ko na naimulat ang mga mata. Napaupo ako at napaubo dahil kanina ko pa pinipigilan 'to.
"D*mn. Rue ayos ka lang?" Bulong ni Owen at agadakong dinaluhan. Inilalayan niya ako sa pinaupo sa upuan niya.
"T*nginang Paige na 'yon!" Nasapo ko ang tyan kung saan niya ako sinipa. Ilang minuto lang ay tumayo na ako. "Kailangan na nating makalabas dito Wen," sabi ko.
"Kailangan natin ng isang mataas na bagay para mapatungan at makalabas sa bintanang 'yan," mahinang sabi ni Owen.
Naghanap kami ng pwedeng mapatungan. Bawat paghakbang ko ay siyang pag-arangkada naman ng puso ko. Habang lumilipas ang oras ay mas lalo akong kinakain ng kaba.
May nakita kaming mga box na gawa sa kahoy sa isang sulok kaya iyon ang kinuha namin. Inumpisahan naming ipatong-patong 'yon pero hanggang gitna lang ang abot no'n.
"Pwede na 'to," wika ni Owen.
Napatigil kami ng may ingay na nagmumula sa labas ng pinto. Nalalaki ang mga mata naming nagkatinginan. Mas lalong tumibok ng mabilis ang puso ko. Kulang na lang ay marinig ito ni Owen. Napatigil ako sa paghinga na kahit 'yon ay baka marinig nila.
Nagtatawanan nila sa labas pero makalipas ang ilang minuto ay walang nagbubukas ng pinto. Napahinga kami ng maluwag.
"Saan ka pupunta?" Tarantang sabi ko.
"Teka lang, sisilipin ko lang. Shhh." Sumenyas siya na huwag gumawa ng ingay at naglakad patungo sa pinto 'saka sinilip ang sa labas.
Nakatunganga lang ako sa kanya habang ginagawa 'yon nang biglang dali-dali siyang naglakad patungo sa 'kin.
"Kailangan mong makalabas!" Madaling-madali na sabi nito. Umakyat na aiya sa pinagpatong-patong naming mga box at nilahad ang mga kamay matapos na makasampa roon. "Dalian mo Rue,kailangan mong makalabas."
"Ano bang nakita mo sa labas Owen?" Taka kong sabi. Kinabahan ako sa inakto niya.
"And'yan na sila! Dalian mo! Kunin mo na ang kamay ko. Kailangan mong maligtas ang sarili mo!" Sabi nito.
"Pero. . . paano ka? Ayoko! Dito lang ako Owen. Hindi kita iiwan." Tanggi ko sa kanya.
"Rue! Kahit ngayon lang. Makinig ka sa 'kin!" Seryosong saad niya. Nakagat ko ang labi habang nakatitig sa mga kamay niyang nakalahad at sa nakakunot nitong noo.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng marinig ang mga yabag ng mga paa. Napalunok ako. Kailangan ko ba talagang iwan si Owen dito? Napakawalang kwenta ko namang kaibigan. Ayoko! Ayoko siyang iwan, baka ano pang mangyari sa kanya. Ayoko!
"You need to get out of here. Don't mind me, kaya ko ang sarili ko. Ikaw ang mas inaalala ko Rue. Kailangan kitang protektahan. You're Z's girl afterall. Papatauin ako no'n kapag napahamak ka.Trust me, magiging okay ako. Ako kaya si Mighty Owen." He gave me a smile of assurance.
"Pangako? Susunod ka?" paninigurado ko.
"Y-yeah." Ngumiti siya.
Parang may nagtutulak sa 'kin na huwag abutin ang kamay niya, na manaliti lang ako rito at kailangan naming harapin ang mga kalaban ng sabay. Nanarili sa ere ang kamay ko pero siya na mismo ang humawak do'n. Napasampa ako sa likod niya kaya naabot ko ang bintana.
"Bilisan mo! Rue bumaba ka na!" anito.
Napatingin kaming pareho sa pinto ng marinig ang mga kalansing ng mga susi.
"Pangako Owen ah? Lalabas ka rito ng walang galos. Hihingi ako ng tulong kina Z," sabi ko sa kanya sa huling pagkakataon.
Napatingin ako sa baba. Sobrang taas pala nito. Sh*t. Napabaling ulit ang tingin ko kay Owen na ngayon ay nakapwesto sa likod ng pinto at may hawak na kahoy. Sinenyasan niya akong umalis na kaya napabitaw ako ng wala sa oras nang bumukas ang pinto.
Hindi mawala-wala ang kaba ko at inaalala si Owen. Bakit ba ako pumayag na umalis do'n? Baka kung ano ang gawin nila kay Owen. Pero bago 'yon, kailangan ko munang intindihin ang babagsakan ko. Tang na juice! Walang kahit ano kundi semento. Wala man lang sasalo sa 'kin.
Nang malapit nang bumagsak ay hinanda ko na ang sarili sa magiging impact no'n. Saktong papalapit na ako sa semento ay siyang labas naman ng isang lalaki sa babagsakan ko. Pinigilan kong huwag gumawa ng ingay dahil baka makatunog sila.
"Argh!" anito nang tumama ako sa kanya.
Siya na ngayon ang nakasalampak sa semento. Malamang ay hindi inasahan na may anghel na nalaglag sa langit.
"Ah! Sh*t! Ang sakit!" Nagpagulong-gulong ako dahil namaliang paglanding ko sa lalaking 'yon. Agad akong tumayo kahit na sobrang sakit ng paa ko. Nabalian yata ako!
Napatingin ako sa bewang niyang may baril. Nanlaki ang mata ko kaya agad kong tinadyakan ang mukha niya nang akmang babangon ito. Ayon tulog. Dali-dali kong kinuha ang baril niya kahit hindi naman ako marunong gumamit 'yon. Mas mabuti nang may armas kaysa wala.
Napalingon ako sa paligid. Mukhang walang tao rito. Siguro nasa taas lahat. Paika-ika akong naglakad at mas binilisan pa iyon hanggang sa maging takbo kahit hirap na hirap ako.
Owen! Hihingi lang ako ng tulong.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top