CHAPTER 51
Chapter 51: Gone
Rue
"WOOOH! Bilis pa! Bilis!" sigaw ko kay Z.
"Kami ang mananalo!" sigaw ni Cyril na angkas sa likod si Owen. "Owen, huwag kang malikot! T*ngna! Itataob ko talaga 'tong jet ski na 'to! Isa pa talaga!"
Natawa ako sa sitwasiyon nilang dalawa. Walang tigil kagagalaw si Pwen, parang hindi lang narinig ang sinabi ni Cyril.
"Bagal niyo naman! Tinuringang hari ng kalsada pero pagdating rito makupad pa sa pagong? Uwi na kayo!" asar ni Rin sa amin ni Z na angkas si Red ngayon.
Nag-ayaan kasi kaming mag-race sa gamit ang jet ski. Kung sino ang mahuhuli sa finish line ay siya 'yong magluluto ng barbecue. 'Yong finish line ay sa dalampasigan, paunahang tumakbo ro'n. E dakilang tamad ako e 'di dapat na manalo kami ni Z.
"Bilisan mo, Z! Ayokong magluto!" naiinis kong utos sa kaniya. Narinig kong napatawa si Z kaya kinurot ko sa tagiliran.
"Ouch! What was that, babe?" Nilingon niya ako ng konti pero binalik rin ang tingin sa harap.
"Bakit parang ayaw mo pang manalo tayo? Ikaw talaga palulutuin ko ng barbecue! Tutusukin talaga kita, Z!" gigil kong sabi.
"I love you more, babe," tanging sagot nito at tumawa ulit.
"Bilis malapit na tayo!" sigaw ko habang pinaghahampas ang balikat niya.
"Ouch! Baldado naman yata ako sa palarong ito," reklamo ni Z.
"Huwag ka ng magreklamo r'yan dalian mo na!" ani ko.
Mabilis kaming bumaba sa jet ski at tumakbo sa dalampasigan. Nauna na sina Rin at Red. Pangalawa kami nina Z. Sina Cyril ang panghuli.
"Ahh! Ikaw kasi Owen! Bwisit ka, e!" inis na sabi ni Cyril at naupo sa buhanginan.
"Anong ako? Nakaupo lang ako sa likod e," kamot-ulong wika ni Owen.
"Kayo ang magluluto! Ha-ha-ha," asar ko sa kanila. "Teka, nasaan ang iba?" Nilibot ko ang tingin.
Nandoon sila sa malayo. 'Yong iba nag-ka-kayaking. Ang iba naman nag-wi-windsurfing. Kanya-kanyang business ang mga loko. Pagbalik ko ng tingin kay Cyril, nakaakbay na siya sa isang magandang babae.
Ay iba rin! Heto na ang hinihintay niya e. Ang bilis. Speed!
"Why are you looking at them? Inggit ka noh?" biglang sabi ni Z. "Gusto mo tayo rin?" mapaglarong anito.
Nanlalaking mata na nilingon ko siya pero labi niya 'yong sumalubong sa 'kin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na parang sasabog na.
"May single rito, maghunos dili naman kayo!" sabay-sabay na sabi ng mga bubuyog sa likod namin.
'Di ba kanina nandoon sila sa malayo? Bakit narito na agad sila? Tang na juice! Nakahihiya.
Namula ang mukha ko at bigla kong naitulak nang malakas si Z kaya na out balance siya. Bumagsak siya sa tubig kaya ayon basa. Palihim akong natawa.
"Why did you do that?" hindi makapaniwalang anito.
"Reflexes 'yon!" patay malisyang saad ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Tumayo na siya at bigla akong napasigaw. Tumakbo siya sa medyo malaim na part ng dagat. Hanggang bewang na ang tubig.
"Sorry reflexes din," sabi nito at tumawa saka ako hinagis na parang isang magaang bagay sa tubig.
Ang gagong Z na 'to! Mabilis akong napaangat sa tubig para makahinga. 'Yong gago tawa nang tawa.
"Paano kung malunod ako?!"
"Hindi ka malulunod sa ganiyang kababaw na tubig,"
Lumapit ako sa kaniya at winisikan ng tubig ang mukha niya. Tumawa ako at tumakbo papalayo sa kaniya dahil alam kong gaganti si Z.
Tumawa siya. "Hey! Why are you running away, babe?"
Narinig ko ang bawat hakbang niya dahil sa tunog ng tubig na tumatawa sa mga binti ni Z. Nakatalikod pa rin ako sa kanya. Tatakbo na sana ako pero natigil 'yon ng may nakitang babae sa 'di kalayuan. She's wearing a white dress at nakasumbrero ito kaya hindi ko maaninaw ang mukha. Alam kong nagtagpo ang mga mata namin pero agad siyang yumuko at inayos ang sumbrero niya saka umalis.
Weird.
"I got ya!" Yumakap si Z mula sa likuran ko. Tinamapal ko 'yon at kinalas.
"Chansing ka, uy!"
"Girlfriend kita kaya hindi 'yon chansing. Babe, naglalambing ako, oh? Can't you see?"
Tumawa ako at hinarap siya. Tinitigan ko muna ang mga mata nito at mabilis na hinalikan sa bibig at tumakbo sa mga bubuyog na nagba-barbecue na. Hindi namin napansin na malapit ng maggabi. Nilingon ko si Z. Natawa pa ako dahil nakatunganga lang ito sa at nakahawak sa bibig. Parang tanga 'to.
"Pahingi ako! Gutom na ako!" Inabot naman agad sa 'kin ni Owen ang isang stick ng barbecue.
"Oh." Inabot ni Hiro ang coke in can at naupo sa tabi ko.
"Z ano na? D'yan ka na lang? Bahala ka!" Sigaw ni Owen.
Natauhan naman si Z at malapad na nakangisi papunta sa direksyon ko. Ilang sandali lang ay binalot niya ako ng tuwalya.
"Bakit may magjowang naligaw sa 'tin rito? Kakasuka talaga!" Reklamo ni Cyril habang nagpapaypay sa barbecue. Kunwari pa itong nasusuka.
"Okay si Cyril na ang magbabayad ng lahat gastos dito Hiro ah? Ikaw na bahala sa kanya dude," sabi ni Z.
Nanlaki ang mata ni Cyril at napatigil sa pagpapaypay sa barbecue. Napalunok siya ng ilang ulit. "U-uy! Z are you kidding right?"
"Nah,"
"Walang ganyanan Z. Joke lang 'yon e! Ipagdadasal ko talaga na maging kayo habang buhay ni Rue."
Natawa ako sa sinabi niya. Kuripot talaga ang isang 'to. Ayaw mapagastos e. Napailing si Z sa kanya at umakbay sa 'kin. Nagulat pa ako ng una pero napasandal na lang ako sa kanya.
Ang sarap ng simoy ng hangin, para itong naghehele. Naramdaman ko bigla ang pagod kakatakbo kanina at kakatawa. Naantok tuloy ako. Napahikab ako at napatitig sa mga bubuyog na gumagawa ng bonfire. Ilang minuto lang ay hindi ko na napansin na nakatulog pala ako sa balikat ni Z nang nakangiti.
-
Nagising ako sa uhaw at gutom kaya napabangon ako sa kinahihigaan ko. Napakunot ang noo ko ng sumalubong sa 'kin ang ilaw na nasa kisame. Nakapa ko ang hinihigaan ko at ang lambot na no'n. Kusot mata akong napabangon at nilibot ang tingin.
Sinuri ko ang ayos ko, ganoon pa rin naman. Siguro ay si Z na ang nagdala sa 'kin dito. Nagbihis muna ako ng jacket dahil manipis 'yong damit ko kanina. Malamig na ri kasi sa labas at ayokong manginig sa lamig.
Napatingin din ako sa orasan kaya laking gulat ko na alas-nuebe na ng gabi. Kaya pala gutom na ako. Napatingin ako sa side table at may nakalagay doon na pagkain.
Tumunog ulit ang tyan ko. I'm starving. May letter na nakalagay doon kaya binasa ko.
'I love you.'
Napangiti ako. Kahit ganoon lang 'yon ay alam ko kung kanino 'yon. Kinain ko muna 'yon bago bumaba.
Napagpasyahan ko nang lumabas sa kwarto at pumunta sa baba. Rinig mula rito ang mga hiyawan mula sa hindi kalayuan. I think sila pa rin 'yon. Umihip ang hangin kaya napakapit ako sa jacket ko. Shit it's so cold. Grrr.
Medyo malapit na ako sa kanila pero nasa madilim na part pa rin ako kung saan walang ilaw. Napatigil ako ng bigla akong nakaramdam ng pagkahilo pero nagpatuloy rin sa paglalakad.
May na-receive akong text mula kay Z kaya binasa ko 'yon.
From: Z pangit <3
Gising ka na ba babe? Bumaba ka na rito kakain na tayo.
Napakunot ang noo ko. Anong kakain? E may pagkain naman na nandoon kanina pagkagising ko? Nagtipa ako.
To: Z pangit <3
Ha? E, kakakain ko lang, 'di ba sa 'yo galing 'yon? May pa
Hindi natapos ang patitipa sa cellphone ng mabitawan ito. Bakit parang bumibigat yata ang bawat katawan ko? Napahawak ako sa ulo ko ng mas lalong umikot ang paligid. Napaluhod na ako ng hindi na kayang suportahan ng mga binti ko ang katawan ko hanggang sa mapasalampak na ako sa buhangin.
"Z-z-zinnon. . ."
Nakarinig ako ng isang mahinang tawa at yapak ng mga paa. "Get her! Dalian niyo!" utos niya.
"I-i-ika—" at tuluyan na akong nawalan ng malay.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top