CHAPTER 5

Chapter 5: Tired as f*ck

Rue



MAKAILANG ulit ko na bang winalisan 'to? Hindi ko na lubos maisip na ganito ka rumi ang room nila.

I mean bakit nila natitiis ang ganitong lugar? Kung ako siguro ay nag-drop na ako kung ganito lang naman amg sitwasyon ko sa school na ito.

Malapit na akong matapos dito, konti na lang talaga. Konti na lang!

Nilagay ko na isang malaking plastic bag ang panghuling basura na naipon ko. Ewan ko kung saan ko nakuha ang itim na plastic bag na 'to, basta nakita ko na lang.

Ang tindi! Sobrang daming basura. Kinuha ko na rin ang mga webs na nasa kisame kaya ang ganda na tingnan ng room. Parang hindi na hunted house ang dating.

Nag-mop na rin ako, nahiya naman ako, e. Then, viola! All is done. Finally natapos din. Napaupo na lang ako bigla sa teachers table na nasa unahan at kalaunan ay nahiga sa ibabaw nito.

"I'm tired as f*ck!" biglang reklamo ko at hinayaang mahiga muna sa ibabaw ng mesa.

"Wow! Nice view."

"Woah!"

My eyes widened for what I've heard. Hindi ko inasahan papasok na sila sa room kaya laking gulat ko na lang ng may humagis ng jacket sa bewang ko para matabunan ang kung anumang nakikita ng mga bubuyog na 'to.

Mga manyak!

Napaayos ako bigla nang upo sa ibabaw ng mesa. 'Yong hindi na talaga ako masisilipan. Naka-cycling naman ako pero hindi sapat 'yon, lalaki pa rin sila kung tutuusin.

Jerks! I glared at them kaya umiwas lang sila ng tingin at binalingan ang taong nagbigay sa akin ng jacket.

"Thanks," I said trying to stop myself from rolling my eyes.

"T'sk! Hindi ako concern," agad na depensa nito.

Napakunot ang noo ko. Wala naman akong sinabi na gano'n, ah? Mga pinagsasabi nito? I just rolled my eyes again at nag-crossed sitting position sa ibabaw ng teacher's table.

Tinaasan ko ng kilay ang tinatawag nilang Z na 'yon dahil nakatayo pa rin ito sa harap ko. Problema nito?

"What?" inis kong saad at pinagkrus ang mga braso.

Hindi niya ako pinansin at umupo na sa trono niya ro'n sa likod. Napadako ang tingin ko sa ibang kaklase namin na nakatingin lang sa 'kin. Sinamaan ko silang lahat ng tingin. 'Yong iba umiwas ng paningin, 'yong iba naman ay nakipagsabayan sa 'kin at mayroon naman na walang pakialam.

"Oh!" Napatingin ako sa teacher na pumasok sa room namin.

Napatigil ang paningin niya sa 'kin at inilibot sa buong room ang tingin.

"Himala! Isang napakalaking himala. . ." Nanlalaki ang mata nito na para bang hindi talaga makapaniwala sa nakikita. "Naglinis kayo worst section?" tanong niya pero walang sumagot. Abala lang sa kwentuhan ang mga maiingay na bubuyog.

Well, what do you expect from them? Sa mumunting oras na nakatapak ako rito sa lungga nila ay parang naintindihan ko na kahit papaano lung bakit sila tinaguriang worst section.

Tsk! Bumaba na ako sa mesa at nagpasyang umalis. Nagutom ako sa sobrang paglilinis ng sandamakmak na basura at alikabok sa classroom na 'to.

"And where do you think your going, Miss Gonza?" mataray na anito.

"Eat," maikli kong sagot sa kanya. Napatigil ako ngunit hindi siya nililingon. Malapit na ako sa pinto parang may hahadlang pa! Ano na namang buhay 'to!

Kakainan na nga lang ipagkakait pa? Saan ang hustisya?

"Hindi pwede! Go back to your seat now," agad na tutol niya at doon ko na siya nilingon na may matalim na tingin.

Nagugutom na ako at lahat tapos ganito pa? Tang*na! Hindi mo gugustohing kalabanin ako tuwing gutom!

"And why would I obey you?" Sinuyod ko siya ng matalim na tingin.

Nandito naman ako sa worste section, e 'di gayahin natin ang pag-uugapi nila.

Hindi naman sila nagtuturo ng maayos. Ano pang magiging gamit no'n kung uupo ako diyan sa upuan ko? Wala pa rin akong matututunan! Better leave this place.

I smirked of what I've saw. Napaatras ang kaliwang paa niya at parang nilalabanan lang ang takot na nadarama.

"Because I'm your teacher!" giit nito.

"So?" Wala akong paki, nagugutom na ako.

"Kabago-bago mo pa lang ang bastos na ng ugali mo! Nababagay ka talaga rito!" galit na anito.

Tiningnan ko lang siya at tinalikuran. Sh*t gutom na talaga ako.

"Miss Gonza!" tinawag niya ulit ako pero hindi na ako lumingon pa.

Pumunta akong cafeteria. Diba alam ko agad? S'yempre nag-explore ako. No'ng una napunta ako sa library, pangalawa dinala ako ng mga hinayupak kong paa sa comfort room ng mga lalaki, pangatlo napunta ako sa isang theater room at sa panghuli nakita ko rin ang cafeteria. Salamat! Gutom na gutom na ako.

Pansin kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante pagkatapak na pagkatapak ko pa lang doon. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Ayan nakakita na sila.

"Isang transferee,"

"Balita ko sa Worst Section 'yan!"

"Diba bawal sila dito?"

"Oo nga!"

Napakunot ang noo ko sa narinig. Bawal? Sino? Ako? As if I care!

"Set B," agad na sabi ko sa tindera.

Napatulala pa ito sa 'kin at agad na nahimasmasan nang ngitian ko. Nagbayad na ako at naghanap ng mauupuan. I scanned the whole cafeteria para maghanap ng mauupuan but sadly nasa gitna na lang na pwesto ang available.

Naglakad ako patungo ro'n at sinimulang kaiinin ang binili ko.

"Lakas ng loob! Palibhasa bagohan lang!"

"Tingnan natin,"

Rinig ko ang pinag-uusapan nila, parang sinasadya talaga nilang iparinig 'yon sa 'kin. Ewan! Nagkibit-balikat na lang ako, patapos na sana ako sa kinakain pero parang ayaw talaga sa akin ng pagkain. Kanina pa ako pinagdadamutan!

Lumipad 'yon patagilid dahil may kamay na tumabig.

"Who told you to sit in our  table?" maarteng pagkakabigkas nito at diniinan ang salitang sa kanila ang table na 'to.

Napakunot ang noo nang makita ang mukha niya. Seryoso? May clown sa school na 'to? Iba talaga ang Hades Academy.

"I'm asking you b*tch!" dugtong nito.

Taray ni ate girl! Paanong galit?

"Pipi ka ba?" saad niya kaya umiling ako. "Then why are you not answering my questions?" inis na anito at nagkibit balikat lang ako.

Naagaw ng atensyon ko ang limang lalaking nasa likod niya. Ang sasama ng tingin sa 'kin. May pa circus palang nalalaman ang Hades Academy? Infairnes nakakabilib.

May mukhang unggoy na pula ang buhok, meron namang mukhang dugong na pinagkaitan ng tubig, may isang parang isda ang mukha, dumapo ang paningin ko sa isang butanding. Muntik na akong matawa pero pinigilan ko na lang.

Rue, umayos ka!

"Anong tinatawa-tawa mo diyan ha?" galit na anito.

"Wala ah!" depensa ko.

"Bingi ka ba—" Pinutol ko ang sinasabi niya.

"Hindi rin. . ." agap ko.

Naningkit ang mata niya dahil sa sagot ko. Puwede na siyang gawing takure, umuusok na 'yong ilong at namumula sa galit.

"How dare you b*tch!" Hindi ko inasahang itutulak niya ako habang nakaupo pa rin sa table kuno nila.

Unang humalik sa sahig ang pwet ko at hindi sadyang naitukod ang kaliwang braso ko.

Sh*t! Not there!








A S T A R F R O M A B O V E
★☆★

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top