CHAPTER 48
Chapter 48: The couple and the bitters
Rue
MASIGLA akong napabangon sa kama at nag-ayos. Narinig kong tumunog ang phone ko nang makalbas sa cr. Mabilis akong lumapit doon at binasa ang text.
From: Z pangit <3
Good morning babe. I love you.
Malapad akong napangiti at nagtipa. Pinigilan kong huwag ngumiti pero hindi talaga e. Iba na yata ang tama ko sa Z na 'to.
To: Z pangit <3
Good morning din babe. I love you too.
Kinikilig kong pinindot ang send button at nilagay na sa vanity table ang phone. Nag-ayos na ako at naghanda papuntang school. Time check 6:23 AM pa lang ng umaga. Nag-ayos ako ng buhok at blinower 'yon at tinali paitaas. Naglagay din ako ng powder kasi 'yon lang ang alam ko. Hindi naman ako marunog mag full make-up. Hindi ko na kailangang mag-lipstick dahil mapupa naman ang mga labi ko.
Ilang ulit akong nagpabalik-balik sa salamin para makita amg sarili kung ayos na ba talaga ako. Ngayon lang ako naging conscious sa tanang buhay ko. Ganito yata kapag inlove ano? Gusto mo palaging maganda ka dahil sa taong mahal mo.
Pupunta na sana ako sa pinto pero bumalik ulit ako sa salamin. Isa na lang talaga. Kinuha ko na rin ang phone ko at nilagay sa bulsa ko. Kamuntik ko nang makalimutan.
Bumababa na ako at dumiretso sa kitchen. Nagluluto pa lang ng si Kuya. Ilang minuto lang ay hinain niya na ang mga niluto sa mesa.
Mayro'ng pritong isda, bacon, hotdog at sunny side up. Agad akong kumuha ng plato at kumain.
"Ayos na ayos ah? Ngayon lang kitang nakitang ganyan. Ang pangit mo pala no?" Pang-iinis sa 'kin ni Kuya.
Sinamaan ko siya tingin habang ngumunguya. "Bakit masama bang mag-ayos ha? Kung pangit ako mas pangit ka! Tandaan mo kambal tayo kapatid!" Untag ko.
"Ampon ka lang. Hindi kita kapatid. Wala akong kapatid na pangit!" Pilit niya.
Inis kong sinubo ang hotdog. Masyadong maganda ang araw ko para lang sirain ng isang 'to. Huwag kang papaapekto Rue. Huwag!
"Nga pala...may taong naghihintay sa 'yo sa labas. T'ss. Kanina pa 'yon nando'n. " Biglang anito.
Kita mo 'to magsasabi na nga lang parang labag pa sa loob. Napipilitan lang? Teka! Ano raw?
Tumibok ng husto ang puso ko. Wala pa mang pangalang nabanggit pero parang alam ko na kung sino.
"Bakit hindi mo sinabi?!" Inis kong sabi ay mabilis na kinain lahat ng nasa plato at nilagay 'yon sa sink.
"Sinabi ko na ngayon lang. Bingi ka ba?!" Pamimilosopo nito sa 'kin. Napairap lang ako at uminom ng tubig.
"Whatever Kuya! Ang sungit sungit mo! May mens ka yata!" Irap kong sabi. Aalis na sana ako sa kitchen pero napatigil ako ng magsalita siya.
"Rue..."
"Hmm?"
"Take care."
"Luh? Ikaw ba 'yan kuya? Nagdidiliryo ka 'ata?" Gulat kong sabi.
"Tsk! Umalis ka na nga! Pumunta ka na ro'n kay Zinnon! Baka pagnainip 'yon ako pa ang pagbuntungan ng galit! Tsk." Taboy niya sa 'kin pero napangisi ako. Ako na naman ang mang-aasar. Lintik lang ang walang ganti.
"Uyyyy! Okay na kayo? Ha kuya? Okay na kayo? Bati na ulit kayo? Ha? Uyyy!" Tawa kong sabi.
"Alis na!" Singhal niya.
Tatawa tawa akong umalis pero bago 'yon lumapit ulit ako sa kanya na nasa sink at niyakap patalikod. Naramdaman ko pang natigilan siya saglit.
"Bati na kayo ah? H'wag na ulit kayong mag-away kung hindi ako makakalaban mo. Ingat ka rin kuya at sorry pala dahil inaaway kita palagi," sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko pang napangiti siya kaya napangiti na rin ako.
Hindi kami masyadong naglalambingan tulad nito. Ang paaran namin ng paglambing ay mag-asaran. Kaya parang ang gaan sa loob na ganito. 'Yon naipapakita at napaparamdam mo. Kumaripas na ako ng takbo. Nahihiya ako.
Sumalubong sa 'kin ang maaliwalas na kapaligiran at magandang oanahon pagkalabas ko ng bahay. Nakita ko ang bulto ng isang tao na nakatalikod at alam na alam ko na kung sino 'yon. Nakasandal ito sa sasakyan niyang mamahalin na kulay itim. Nang malapit na ako ay naamoy ko ang pamilyar na pabango nito-ang paborito kong pabango niya.
Naramdaman yata ako nito kaya napalingon siya sa 'kin. Napalunok ako. Ang gwapo naman ng nilalang nito sa umaga.
He smiled widely and greeted me. "Morning babe. You're beautiful today babe," sabi nito at may nilabas siya sa likuran niya at isang bungkos ng bulaklak ito.
Kinuha ko 'yon at inamoy. Kailan pa ako nahilig sa bulaklak? Basta kapag galing kay Z ay magugustuhan ko.
"Ngayon lang? Maganda ako oalagi noh! Good morning pala! Ang bango!" Sabi ko pero huli na ng ma-realize na hindi 'yong bulaklak ang sinisinghot ng ilong ko. Siya na pala.
Z chuckled. "Baka maubos mo ako babe. Maaga pa..." Makahulugang anito. Nanlaki ang mata ko at namula ang pisngi.
"M-manyak nito! T-tara na nga!" Aya ko at nagpatiunang pumasok sa kotse niya. Tumawa lang siya at pumasok na rin.
Ilang minuto lang ay narating din namin ang HA. Nagulat ako ng akbayan ako nito pagkababa na pagkababa sa parkung area. Tuloy ay pinagtitinginan kami pero wala akong pake. Bahala sila d'yan. Mainggit kayo! May boyfriend akong gwapo.
"Hindi ako mawawala sa 'yo babe. Stop killing them with your stare," bulong nito sa tenga ko.
"A-anong pinagsasabi mo? H-hindi ah!" Tinotorture ko lang naman sila e hindi naman pinapatay ah.
Nailing ni Z ang ulo tila natatawa sa sinagot ko. Parang hindi siya naniniwala. Napanguso tuloy ako.
"Ouch! Bakit mo 'ko kinagat?" Hinimas niya ang kamay na kinagat ko pero hindi niya pa rin ki uha ang pagkakaakbay no'n. Ito 'yong kamay na malapit sa bibig ko e kaya 'yong amg napili kong kagatin. Bampira talaga ako. Maniwala kayo.
"Ikaw kasi..." Humaba ng husto ang nguso ko.
Akala ko ay magagalit siya sa ginawa ko pero tumawa lang siya at kalaunan ay ngumisi. Parang alam ko na ang magiging kasunod nito.
"Iba na lang 'yong kagatin mo," bulong nito sa tenga ko.
Nanindig ang balahibo ko sa paraan niya ng pagsalita. Jusko! Baka bigla akong mangisay dito sa mga ginagawang kahalayan ni Z. Napakadumi ng isip nito. Tang na juice!
Handa ko na sanang siyang sapukin pero natigil 'yon sa ere ng marinig ang iba't ibang paghikhim. Sabay kaming napatunghay ni Z. Nasa labas na pala kami ng classroom.
"Bakit ba naimbento ang love noh?" Sabi ni Rin.
"Paano 'yong mga single nito? Nagpapainggit ba kayo?" Ani Red.
"Konting konsiderasyon naman Rue, Z. Hindi ba kayo naawa sa 'min?" Reklamo ni Cyril.
"Nagkalovelife lang kinalimutan niyo na kami rito? Paano na kami?" U.iyak si Owen. Parang tanga 'to.
"Nakakasuka talaga kapag may kaharap kang mag jowa! Tangina nakakaingit! Tabi nga kayo d'yan!" Hindi ko inasahan na manggagaling kay Gavin 'yon. Parang bunalik 'yong Gavin na nakilala ko rati. Masungit.
Napatawa ako sa sinabi niya. Ang b-biyter ng mga taong 'to.
"Alam niyo kapag kayo nagka-lovelife at ngangawa sa harap namin tatawanan ko talaga kayo hanggang sa magsawa ako! Para kayong nakakain ng mga ampalaya! Ang bi-bitter niyo!" Untag ko.
"Mas masarap maging single Rue. Ayaw pa naming matali!"
"Oo nga! Kapag may jowa ka hindi ka nakakagawa ng kalokohan. Ayoko pang maging good boy!"
Tumawa kami ni Z sa mga pinagsasabi nila.
"Dude make sure you don't take your words back. I'll gonna laughed at my ass out if you would," sabi ni Z at tumawa kami.
"Bitter niyo uy!" Sigaw ko.
Ngumuso silang lahat kaya mas lalo akong natawa. Halos sabay pa silang lahat. Nakita kong natatawa rin si Hiro sa iba at nagtagpo ang mata namin. Nawala na 'yong gloomy na aura niya para ng bumabalik ito sa dati. Napangiti na naman ako.
"Sisiguraduhin kong makakabingwit ako ng girlfriend sa resort nina Hiro bukas! Giro siguraduhin mong madaming girls do'n ah?" Ani Cyril.
Nailing ko na lang ang ulo. Mga playboy na 'to oh. Basta ako kontento na ako sa katabi kong 'to.
"I love you babe," sabi ni Z.
Kita niyo na? Ang sweet pa. Maiingit kayo please.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top