CHAPTER 47
Eto na po :) Salamat sa paghihintay.
Shoutout nga pala kay @FellJaneGajigan ♡
-
Chapter 47: Tayo na
Rue
"FINALLY, you're here," sabi ni Z sa 'kin at tumayo at inalalayan akong maupo. Ngumiti ako sa kanya.
Matapos ang ilang minutong pakikipagtalo sa sarili sa cr ay naisipan ko ring lumabas.
"Salamat," sabi ko at naupo na. Napatitig ako sa iba't-ibang pagkaing nakahain sa mesa. Itsura pa lang mukhang masarap na. Parang akong nalalaway na aso ngayon. Teka wala pala akong pambayad d'yan.
Narinig kong tumawa si Z kaya napatigil ako sa kakatingin ng pagkaing nakahain.
"Go on babe, kumain ka na. I know you're starving. Don't mind the people, ako lang ang isipin mo." Ngumisi siya sa 'kin.
Ikaw naman talaga iniisip ko ah? Ay syems. Maghunos dili ka d'yan Rue baka siya 'yong makain mo. Sinunod ko ang sinabi niya kaya nagsimula na akong kumain.
"Ang sarap!" Bulalas ko. Agad akong napatakip sa bibig ng makitang nakatingin ang ibang tao sa gawi ko. Nakakahiya! Baka sabihin nilang ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar which is true naman.
Nagpigil siya ng tawa. "'Yan 'yong kanina ko pa hinihintay."
"Ha?" Taka kong tanong. Anong kanina pa? 'Yong kahihiyan na 'to? Aba!
"It's not what you think babe. I mean...kanina ko pa hinihintay ang walang hiyang Rue, 'yong walang pake sa paligid basta lang magawa kung ano 'yong gusto niya. I love that side of you babe." Anito kaya pinamulahan ako ng mukha. "Kanina ka pa kasi parang isang dalagang Pilipina kung kumilos, ang pangit mo," dagdag pa niya.
Umusok bigla ang ilong ko sa sinabi niya. Ako pangit? Hindi kaya!
"Hindi ako dalagang Pilipina! Hindi rin ako pangit! Maganda ako!" Singhal ko.
Napatayo pa ako kaya nagsitunugan ang mga kubyertos. Napapikit ako bigla at bahagyang sinilip ang ibang costumer na nasa restaurant. Nakatingin sila sa 'kin at nagbubulung-bulongan. Siguro sinasabi nila na nakakahiya akong kasama dahil gwapo 'tong kasama ko at mayaman tapos ako parang tanga. Napaupo ulit ako at nakasimangot na tiningnan si Z.
"Dahil binatang Pilipino ka?" Tatawa-tawang sabi ni Z sa 'kin. Lumukot ng husto ang mukha ko. Nakakaasar 'to ah! "'Yan. 'Yan ang gusto kong Rue," anito habang tatango-tango ang ulo.
"Ah gano'n? Ito 'yong gusto mo?" Pinalagutok ko 'yong kamao ko. Nanggigigil ako kay Z.
"Busog ka na babe. Lakas na ng energy mo ulit oh... I love you," pahayag niya. Nakita ko pang natigioan siya bugla at ngumisi na naman.
Napaamang ako sa huling sinabi ni Z. A-ano raw? Wait paano ko ba sasagutin ang I love you niya? Napaiwas ako ng tingin. My face reddened in front of him. I don't know what to do. Pero napatingin ulit ako sa kanya nang makita itong tumatawa. Na-conscious na naman tuloy ako sa sarili ko.
Parang nabasa naman ni Z ang nasa isip ko sa mga oras na 'yon kaya nagsalota siya. "You don't need to answer it babe. Gaya ng ng sabi ko, makakapaghintay ako." Then he winked.
Tumayo siya bigla kaya nagataka ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Lalabas dahip ikaw ang magbabayad nito," seryoso niyang sabi.
"Ha? Gago ka ba? Anong ibabayad ko rito? Punyeta ka Z!"
"Chill babe, I'm just kidding." Bigla siyang humagalpak sa tawa.
Bwisit na 'to! Baka ilang araw akong naghuhugas ng pinggan kapag ako ang pinabayad nito sa mga kinain namin. Jusko!
"Nakakatuwa ng joke mo Z," sabi ko at napairap. Napatayo na rin ako.
Pagkatapos ay naglalad na kami sa kotse niya. Ngayon ko lang napansing bago 'yong kotse ni Z. Hindi 'yong usual na gamit niya tuwing pumupunta sa school. Ang yaman naman nito. E ako nga walang kotse. Tae.
Gaya kanina ay pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan. Para naman akong baldado nito. Mabilis siyang umikot at pumasok na sa kotse. Doon ko na rin narealize na gabi na pala.
"Saan tayo pupunta?" Taka kong sabi matapos na mapansing iba ang tinatahak na daan namin.
"Just wait and see babe. I know you will like it," ngiting anito habang nasa daan ang paningin.
Napagpasyahan ko na lang na manahimik. Napasandal na lang ako sa upuan at napatingin sa labas. Binuksan ko ang bintana at hindi na nag-abalang hingin pa ang pahintulot niya. I just want to see the sky. Namangha ako sa rami ng bituing nasa langit.
"Babe get in, baka mapano ka d'yan," alalang sabi nito sa 'kin.
Nalabas ko kasi ang gitna ng katawan ko sa bintana. Ganoon ako ka kasya. Ang sarap ng simoy ng hangin kapag gabi.
"Hindi 'yan! Ako pa ba?" Kumpyansa kong sabi.
"Babe, get in or else I'll kiss you." Banta ni Z.
Bigla naman akong napaayos at napabalik bigla sa upuan. Zinnon just chuckled kaya napanguso ako. Ilang minuto lang ay tumigil siya sa pag-da-drive. Hindi ko na hinintay ang pagbaba niya dahip nauna na ako.
Napaawang ako sa sobrang pagkamangha. Hindi ko inasahan na ganito pala kaganda ang gabi. Ngayon ko lang na-appreciate 'to.
"You like it babe?" Ramdam kong nasa likod ko na si Z dahil naamoy ko ang pabango nito.
Napatango ako ng ilang ulit kahit nasa likod ko siya. Iginala ko ang mata at nakangiting tinanaw ang city lights mula rito sa kinaroroinan namin.
"Z ang ganda! Sobra!" Bulalas ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Saya. Pagkamangha. Ewan ko.
"Thanks God you like it babe." Anito mula pa rin sa likod ko.
Nilanghap ko ang malamig na hangin mula sa burol na 'to. Kitang-kita ang bawat gusali at kabahayan sa parteng ito. Iba't ibang kulay ng mga ilaw ang kumikislap sa gabing ito. Sabayan pa ang mga kumikinang na mga bituin sa langit.
I never felt this kind of happiness in my entire life. I can't help but to smiled widely. I can't supress my happiness right now. Maliit na bagay sa iba ang ganito pero I'm one of those girls out there na nagiging masaya sa maliit na dahilan at ito amg bagay na 'yon.
Nilingon ko si Z. Nahagip ng mata ko ang gilid namin. Doon ko napagtanto na pinaghandaan pala talaga ng gwapong nilalang na 'to ang date namin ngayon.
We're surrounded with beautiful small yellow light. Noon ko rin napagtanto na carpeted ang tinatayuan namin at nakakalat ang mga red and pu k roses. I frowned noong maaninaw ko na may mga pictures akong nakalagay sa isang stick at nakatusok iyon sa lupa. How com I missed this? Hindi ko iyon nakita kanina dahil naka-focus na ang mata ko sa langit at sa mga city lights.
Napatakip ako ng bibig. Isa-isa kong nilapitan ang mga pictures ko. There's a picture was taken from afar. Naglalakad yata ako that time dahil kuha 'yon mula sa likod ko. Meron namang natutulog ako sa classroom at doon sa second floor. Meron ding pictures na nakikipagtalo ako kay Z. Napatawa ako ro'n.
"Ito 'yong time na kinukumbinsi kitang payagan ang worst section na pumunta sa foundation week. Sinong bubuyog ang kumuha nito?" Tawa kong tanong sa kanya at nilingon siya.
"Si Cyril," tumawa si Z matapos na sabihin 'yon.
"Ang bubuyog na 'yon!" Sabi ko pero natatawa.
Nilibot ko ang tingin at malapad na ngiting na nilapiran ang mga pictures.
"Lahat sila ang kumuha ng mga 'yan," wika ni Z.
"What the? All this time palihim pala nila akong kinukuhanan ng pictures? Mga bubuyog na 'yon ah!" Bulalas ko.
"Ganoon ka ka importante sa kanila babe. You changed them unintentionally. Hindi man nila ipakita but they love you...as a friend s'yempre." Humalakhak siya. Nahawa tuloy ako kaya napatawa na lang din ako.
"Thank you Z," I said sincerly.
"It's too early to say that."
"H-ha?"
"Just wait babe. Look at there." Gamit ang kaliwang kamay ay tinuro niya ang langit. Napatingin din ako roon para malaman kung ano ang tinutukoy niya. Ilang minuto na ang nakalipas na nakatingin lang ako ro'n pero wala naman.
Napalingon tuloy ako sa kanya na may nangungunot na noo. " Z anong-" napatigil ako sa sinasabi ko ng may marinig. Napabalik ang tingin ko sa tinuro ni Z.
Iba't ibang kulay ng fireworks ang sumakop sa kalangitan. Tila 'yon ang bumuhay sa tahimik na kapaligiran at nagbigay ng kulay sa gabi. Napaawang ang labi ko. Sinong tao ang hindi magagandahan sa mga ganyang makukulay na paputok? Wala! Kung mayro'n man edi wow.
Napalingon ako kay Z. Nagulat ako nang makitang nakaluhod ilang isang paa.
"Z-zinnon..." Tanging nasabi ko. Bumilis ng husto ang tibok ng puso ko. Ito na ba 'yong pagkakataon na 'yon? 'Yong right time na hinihintay ko? Ngayon na talaga? Halos hindi ako makahinga sa nararamdaman ko.
"When I first saw you alam mo ba na naiinis talaga ako?" Napatitig ako sa kanya namg tumawa ito ng bahagya. "You know...dahil may babae sa worst section and I don't want to happen it again. Remember those time na umiiwas ako? Minsan okay tayo minsan hindi? Nilalayo ko lang ang sarili ko sa 'yo dahil alam kong kapatid ka ni Eziel. I know everything Rue. And...oh god...please don't hate me Rue after saying this..."
Napatigil siya sandali sa pagsasalita.
"Noong nasaksak ka. Hindi kami pinayagang lahat ni Eziel na puntahan ka. Then I approach him, hinsinko na kayang tiisin pa na hindi makapasok sa kwarto mo sa hospital. Nakiusap akong payagan kaming pumasok sa kwarto mo...pero ayaw ni Eziel. I said I'll do everything and that's the time na pumayag siya but in one condition. Lalayuan kita."
Napatahimik ako sa sinabi ni Z. Kaya pala nararamdaman kong may mali. Na parang malayo siya minsan sa 'kin.
"I tried. Nilayuan kita pero kahit isang oras lang yata hindi ko kaya. I'm sorry Rue," mahinang sabi niya at napayuko.
Binatukan ko siya kaya taka niya akong tiningala. "Ano ba 'yang speech mo! Ang pangit! Hayaan mo na 'yon! Importante mahal kita! Kahit pa tumutol si Kuya Eziel edi wow siya. Babangasan ko 'yon hanggang sa umoo sa 'tin!"
"Nakalimutan kong iba ka nga talaga sa ibang babae. Binatang pIlipino ka kasi..." Tumawa siya.
"Ay ano na? Ang tagal naman. Naghihintay ako oh!" Nilahad ko ang kamay sa kanya. Napatawa lang siya sa ginawa ko at napailing.
"Unbelieveble. Iba 'to sa inaasahan ko. It turns out in a different way," bulong niya habang natatawa.
"Hoy! Narinig ko 'yon ah!" Singhal ko.
Tumahimik siya bigla at tumikhim. Inilabas niya ang isang infinity ring na kulay silver. Ang ganda! Simple lang pero hindi maipagkakaila na mahal ito. Jusko! Para naman itong mag-po-propose. Kinikilig ako. Syetangina naman!
"This is a promise ring. Ang baduy ko ba? Pinapangako kong ikaw lang ang habangbuhay kong mamahalin kahit na hindi na ako kamahal-mahal. Threze Rue Gonza will you be my girlfriend?" Tanong nito. Pinaghintay ko siya ng ilang minuto bago sagutin ang tanong niya. Maghintay siya muna.
"Oo. Yes!" masayang sabi ko.
Sinuot niya ang singsing na 'yon sa kanang kamay ko at tumayo.
"I love you, babe," he said and cupped my face.
"I love you too... babe," nahihiyang sagot ko.
Unti-unti siyang lumapit sa mukha ko kaya napapikit na lang ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para akong mawawalan ng lakas. Segundo na lang bago maglapat amg labi namin pero bigla akong may narinig na click ng camera at mga hagikhikan sa likod.
"Wooh! P*rn!"
"My virgin eyes!"
"Tama na 'yan dude! Baka magkaanak kayo bigla!"
"Ninong ako ah!"
Nanlaki ang mata ko at nilingon ang mga oamilyar na boses na 'yon.
"Sabi ko nang huwag maingay e!" Singhal ni Gavin at lumabas sa likod ng kotse ni Z. Doon ko nakota si Hiro nakangiti at ang iba pa.
"Buti na lang nakaabot tayo ng live show!" Tatawa-tawang sabi ni Owen. Nagsilabasan na silang lahat sa likod ng kotse. Nakangisi. May dala pang mga torotot ang iba. Pinatunog nila 'yon kaya umingay ang kinaroroonan namin. Napailing na lang ako at napatawa. Napalingon ako lay Z na nakasimangot.
"Hindi ka nakaisa Z? Hina mo!" Kantyaw ni Cyril.
Nagtawanan kaming lahat. Hindi na maipinta ang mukha ni Z ngayon.
"Shut the f*ck up dude! Kasalanan niyo!" Inis na singhal ni Z. Binato niya ng plastic bottle si Cyril. Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon. Tawang tawa naman si Cyril habang umiiwas.
Napatingin ako sa kamay naming magkadaop ni Z. Napakagat ako sa labi. Hindi ako makapaniwalang kami na talaga. Matagal ko 'tong hinihintay. Isa-isa ko silang tiningnan. Ang saya nila. Napaka-supportive na tropa sa totoo lang.
Nagkanya-kanya silang pwesto para makaupo. May mga chichiryang dala ang iba at inumin. Binigyan din nila kami at nakipagkwentuhan na rin ako sa kanila at nakipagkulitan. Napakaingay namin. Mabuti na lang at malayo ito sa kabahayan.
Hindi ko inasahan na ganito ang kakahantungan ng date namin ni Z. Expect the unexpected ika nga. Masaya kong tiningala ang langit na puno ng makikislap na bituin. Sobrang saya ko ngayon. Sana ay wala na itong katapusan.
Ano kaya ang kahahantungan ng outing namin sa friday? Sobra na akong na-e-excite! Shutangina naman ang bagal ng oras e!
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top