CHAPTER 46
Chapter 46: The date
Rue
NAGISING ako sa ilang ulit na pagkatok sa kuwarto ko kaya napatakip ako ng unan sa ulo. Ang aga-aga naman nito, ang laking distorbo sa buhay. Kingina! Lumakas muli ang pagkatok kaya nabato ko ang unan sa pinto. Arh! Nakakainis!
"Hoy! Buksan mo 'to kakambal kong tae!" sigaw ng kuya kong pinaglihi sa tae.
"Ano ba, Eziel! Umalis ka nga r'yan, ang ingay mo! Nakaiinis ka! Gago!" sigaw ko at tumalukbong ng kumot. Sarap ng tulog ko e.
Buti na lang wala rito sina mom and dad dahil patay talaga ako kapag narinig 'yong sinabi ko sa kapatid kong luwag ang turnilyo.
Kahapon noong kinaladkad ni Hiro si Paige sa kung saan lupalop man ng outer space ay hindi ko na nakita 'to. Hindi ko na rin makita ang Paige na 'yon at nawala rin si Kuya Eziel. Tuloy ako lang mag-isang umuwi. De joke lang, hinatid ako ni Z syempre! Mawawala ba 'yan? Edi kilig ang lola niyo. Wala ng arte-arte 'yan ah.
Curious ba kayo bakit ako binubwisit ng kapatid kong 'yan? Bad terms kami dapat diba? Pero hindi na. Bati na ulit kami kasi ang saya-saya kong wala na si Paige rito. Parang gusto kong magpa-party at pakainin 'yong buong bansa dahil nawala na siya sa puder namin. Sarap sa feeling na mawala 'ying tinik sa bahay.
Ewan ko nga bakit 'yon umalis. Umiiyak 'yon habang dala-dala ang maleta. Hindi ko nga alam kung acting ba 'yon o totoo na. Basta ang nakikita ko lang na katangian niya plastic e. Wala ng makapagpapabago 'yon. Naantig na naman tuloy ng kuryosidad ang loob ko na alamin kung ano 'yong napag-usapan nila ni Hiro. Ano ba talaga 'yon? Bakit umiiyak 'yong artistang babaeng 'yon? Ay bahala na nga.
Kumatok muli si Kuya. Ang ingay!
Late akong natulog kagabi dahil kakaisip kung kailan ko sasagutin 'yong lokong Z na 'yon. Kailan ba? Bakit kasi hindi nagtatanong 'yon e. Sana madali lang 'to. Late rin akong natulog kakaisip kung anong mangyayari sa date namin ngayon. Wait! Date? Napabangon ako bigla at tiningnan ang oras—alas otso?! Tang na juice!
Late na ako sa klase! Bumalikwas ako at tumakbo papuntang cr dala ang tuwalya. Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nakapagsuklay dahil sa pagmamadali. Nadatnan ko si Kuya na kumakain sa baba at prenteng nakaupo.
"Oh bumaba ka rin sa wakas. Kumain ka."
"Late na tayo! Alas-otso na!" Sigaw ko. "Tara na! Wala ng kain kain!" Hinila ko siya pero hindi ko magawa. Ang bigat.
"Tanga! Tingnan mo 'yong orasan bago ka mag-react d'yan na late ka na," sabi nito at bumalik na sa pagkain.
Napatingin ako sa wall clock at ganoon na lang ang gulat ko ng malaman ang oras.
"Ala sais pa lang?" Sigaw ko.
Napahilamos ako sa mukha. Sayang 'yong effort ko sa pagmamadali. Bwisit na alarm clock 'yon. Nakalimutan kong hindi na pala 'yon gumagana. Arh! Kainis naman oh!
"Hindi mo ba nakikita?" Pabalang na ani Kuya Eziel.
I rolled my eyes and grab some sandwich and hotdog. Naupo ako sa harap niya at masamang loob na kumain. Bwisit na alarm clock 'yon. Bakit ba kasi tumigil 'yon sa saktong-sakto na alas otso?
"Pupunta ka sa eskwelahan ng ganyan Rue ha? Ayosin mo nga sarili mo. Parang hindi kita kapatid. Sabog 'yong buhok. Parang unggoy," sabi nito.
Masama ko siyang tiningnan. Kakabati lang namin tapos heto siya mang-aasar na naman. Ako? Unggoy? Asa!
Tinaasan niya ako ng kilay. Napairap naman ako.kinapa ko ang buhok. Nyeta. Hindi nga pala ako nakapagsuklay. Kasalanan 'to ng alarm clock e.
Tumayo bigla si Kuya. "Bilisan mo d'yan. Iiwanan talaga kita."
"Teka naman! Kakaupo pa lang e!" Binilisan ko ang pagsubo pero na bulunan ako sa huli. "Tu-tu-tubig!"
Mataranta si Kuya kaya dali-daling kumuha ng tubig at binigay sa 'kin. Ininom ko naman agad 'yon. Mahina akong napamasahe sa dibdib ko.
"'Yan kasi patay gutom," saad ni Kuya.
"Patay gutom mo mukha mo! Ikaw kaya ang may kasalanan nito! Minamadali mo ako!" Singhal ko.
"Ako pa? Kaninong kamay at bibig ba 'yan? Akin ba?" Tinuro niya ang bibig at kamay ko.
Umirap lang ako. Talo ako kapag ganito. Tang na juice!
Umalis na kami sa bahay pagkatapos no'n. Sa loob na rin ako ng sasakyan nagsuklay ng buhok at nag-ayos sa sarili. Nang malapit na sa eskwelahan, gaya ng nakasanayan ay ibababa niya ako sa labas pero hindi 'yon nangyari. Nalagpasan na anmin ang datu kong binababaan. Taka akong napatingin sa kanya.
"Bakit hindi mo ako binababa ro'n Kuya?" Tanong ko. Naka-focus lang siya sa pag-da-drive at hindi ako sinagot. "Uy! Pipi ka ba? Hello," sabi ko at winagayway ang mga kamay.
"Alam naman nilang kapatid kita kaya bakit pa?" Direktang paliwanag nito. Nilingon niya ako ng bahagya at binalik ulit ang tingin sa daan.
Papasok na kami ngayon sa HA. At nagtitili 'yong mga babae nang makita ang kotse ni Kuya.
"Ha? Kailan?" Tanong ko.
"Kahapon." Sagot naman ni Kuya.
"Ha? Bakit?"
"Paige revealed it bago pa pumunta sa cafeteria."
"Ha?" Tangin nasagot ko sa kanya.
Bakit naman sasabihin ng babaeng 'yon? Ah. Inggetera nga pala ang babaeng 'yon! Sarap kalbuhin. Buti na lang talaga at umalis na 'yon sa bahay. Kung hundi talaga hindi ko na alam. Baga ikulong ko habang buhay sa guess room 'yon at hayaan mabulok ang laman.
"Tigilan mo nga kaka ha d'yan! Hayaan mo sila. Huwag mo lang patulan kung ano ang sasabihin. Makapal naman mukha mo diba?" Sabi nito nang marating namin ang parking area.
Ewan ko kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi niya. May pag-alala nga sa mukha niya pero 'yong laman ng salita nakakainis lang. Ako? Makapal mukha? Hindi na ako pumalag pa. Sayang sa energy. Talo na naman ako sa Kuya kong 'to.
Hinintay ko lang siya maka-park nang maayos bago kami lumabas. Bulong-bulongan agad ang sumalubong sa 'min ng makit ako ng mga ito na lumabas sa kotse ni Kuya Eziel.
"Hey girl alam mo ba magkapatid sila! Gosh!"
"What the hell? Sure?"
"Oo!"
"Akala ko ex niya 'yan! Mali pala!"
Sinalubong ko ng tingin ang mga nag-uusap. Agad silang lumayo at nag-iwas ng tingin. Ay takot sila. Bahala kayo diyan. Hindi ko na sila pinansin kahit naiinis na ako sa paraan nila ng pagtingin. Pumunta na ako sa building namin at nadatnan ang napakaingay na mga bubuyog.
" Si Z na bahala sa pagkain at gastos wooooh!"
"Oo nga!"
"Galante 'yan e!"
"Hindi na ako makapaghintay sa friday! Ang bagal ng oras!"
'Yon ang nadatnan ko nang pumasok na ako. Hindi ako makaupo dahil may nakaupo sa upuan ko. Hindi lang isa. Kundi tatlo. 'Yong isa nasa armchair.Ang isa nasa sandalan nakaupo at ang isa syempre sa inuupuan talaga. Anong akala nila sa upuan ko? Tricycle? Wow.
Nakapalibot silang lahat kay Z kaya halos hindi ko makita 'yong bubuyog na 'yon. Ang ingay rin nila. Kesyo ganito ang dadalhin na pagkain, kesyo magdala raw ng beer at kung anu-ano pa.
"Oh Rue andito ka na pala!" Owen said with a smile.
Nagsilingunan silang lahat. Sa wakas may nakapansin din na nandito na ako. Humawi bigla kung saan silang nakatumpok lahat kaya nakita ko si Z.
Bigla namang may sumipa sa dibdib ko ng ngumiti ito. Ang gwapo niya. Parang modelo ng uniform namin. Napadako ang tingin ko sa kalowang kamay niyang nakahawak sa isang bouquet ng bulaklak. Agad na namilog ang mata ko dahil doon.
Tumayo na siya at humakbang palapit sa 'kin. Bawat hakbang niya ay katumbas ng pagkabog ng dibdib ko. Namula ako ng makitang nakangisi lahat ng mga kaklase ko. Nahihiya tuloy ako.
"Good morning babe," anito at binigyan ako ng matamis na ngiti. Ibinigay niya sa 'kin ang hawak na bulaklak at nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
"P-para saan 'yon?" Utal kong sabi habang nakatitig sa mata niya.
Ngumiti siya sabay sabing, "Good morning kiss?"
"B-bakit may pagano'n? T-tayo na b-ba?" Halos hindi na ako makapagsalita ng maayos sa presensya niya. Ang lapit-lapit mg mukha ni Z sa 'kin.
Parang kami na lang bigla ang nandito sa room at hindi alintana na may mga classmate kaming nakatingin sa 'min ngayon. Tila may sarili kaming mundo rito.
"Bakit hindi ba?" Ngumisi siya.
"A-anong—" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya muli.
He chuckled. "It's okay I'm willing to wait babe. Kahit ilang taon pa 'yan maghihintay ako."
Sh*t! Kinikilig ako. Wait? Ito na 'yong hinihintay kong pagkakataon e. Argh! Sayang. Biglang pumasok si Ma'am Ronquilo. Oh kilala ko na siya diba? Science teacher pala namin 'yan. Siya rin 'yong nilabasan ko no'ng bago palang ako sa HA. Mainit 'yong dugo sa 'kin niyan hanggang ngayon dahil sa ginawa kong pag-walkout sa klase niya.
Napabalik kami sa kanya-kanyang upuan.
"Okay na-check ko na ang mga papers niyo. At himala may ilang naka-perfect sa exam ko..." Simula ni Ma'am. Nagsi-ingayan ang lahat at kanya-kanyang hula kung sino ang naka-perfect. 1—50 kasi 'yong exam ni Ma'am tapos ako walang sagot. Muntanga lang.
"Ako yata 'yong may perfect score!" Sigaw ni Cyril.
"Hindi ka nga nag-aral ulol!" Sigaw pabalik ni Rin.
"Ako 'yong naka-perfect mga tol!" Pagmamayabang ni Owen.
"E matalino ka naman na talaga e! Malamang! Reklamo ng iba.
"Quiet! Paano maririnig ng iba ang pangalan nila kapag maingay kayo?" Masungit na ani Ma'am kaya napatahimik kami.
Bigla akong nanlamig. Hala! Dumagundong ang dibdib ko pagkaraan ng ilang segundo. Parang mali yata na pumasok ako ngayon ah. Wala akong sagot sa test niya. As in wala! Tang na juice naman oh! Napalunok ako ng ilang ulit. Sana hindi ako ang unang mabunot na papel. Sana hindi... Iba na lang.
Nagsimulang ilabas ni ma'am ang mga papel namin. Isa-isa niyang tinatawag ang pangalan sabay sabi ng score na nakuha namin sa test niya.
"Hiro Takahashi..." Syet! Buti na lang! Tiningnan niya ang papel at tiningnan ang tumayong si Hiro. "50. Impressive." Inabot niya ang papel kay Hiro at agad namanng kinuha 'yong ng japayuking 'yon at naupo.
Napatingin pa siya sa 'kin kaya nagulat ako. Ito yata ang unang pagkakataon na tumungin ulit siya sa'kin at ngumiti. Wait—ngumiti? Sh*t na-miss ko ang mga ngiting 'yon ni Hiro. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti habang sinusundan siyang maupo.
"T'ss." Biglang rinig ko sa likuran ko. "Pwede namang ako 'yong tingnan bakit siya pa?" Bulong niya.
Napalingon ako kay Z. Gusto kong matawa pero pinigilan ko 'yon. Lukot na lukot ang mukha at nakasimangot. Seloso! Kahit naman tumingin ako sa iba na sa 'yo pa rin ang puso ko. Ack! Ang cheesy ko tangina.
Nabalik ulit ang tingin ko sa unahan ng marinig ang pangalan ni Z na tinatawag ni Ma'am. Tumayo na si Z at dumaan sa gilid ko. Nasinghot ko tuloy ang napakabangong amoy nito. Nakakaadik.
"Zinnon Dyn Martinez, hm...50. Great." Napatango-tango pa si Ma'am bago ibigay ang papel kay Z.
Tumalikod na siya kaya nasalubong ko ang mata niya. He smirked and mouthed. "You're next. Lagot ka!"
Alam ba niya? Alam ba niyang wala akong sagot? Argh! Nakakahiya. Bumilis ng husto amg tibok mg puso ko matapos na makaupo si Z.
"Hmmm sino kaya ang zero dahil walang nasagutang tanong ni-isa? Hmm...." Rinig kong bulong nito sa likod ng tenga ko. Bwisit! Walang duda nakita nga niya ang papel kong wala sagot at nilamukos.
Tuloy ay gusto kong malusaw sa kinakaupuan at gusto kong itigil ang oras. Z nakatulong ka talaga sa 'kin!
"Threze Rue Gonza," tawag nito. Napatingin siya sa 'kin. Oh kita niyo na? Kilalang-kilala ako e! Napalunok ako bago tumayo.
Wait—diba nilamukos ko nga at hindi pinasa ang papel ko? Bakit ako tinawag ni Ma'am? Jusko! Baka napansin niyang wala akong papel at ako lang 'yong nag-iisang hindi sumagot. Lagot!
Kagat labi akong lumapit kay Ma'am at hindi makatingin. Siguro pinapatay na ako nito. Punyetang Z kasi e! Siya ang may kasalanan kung bakit ako lutang noong nag-exam si Ma'am e!
"50. Good." Ngumiti siya pagkatapos na maabot sa 'kin ang papel.
Ako naman parang tangang nakatitig sa papel na inabot niya. Hindi akin 'to ah. Hindi ko 'to sulat kamay. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize kung kaninong sulat kamay 'yon.
"Is there anything wrong Miss Gonza?" Tanong ni Ma'am ng hindi pa ako umaalis sa harap.
"N-no Ma'am," sabi ko at naupo.
Pagkaupo ko ay may bumulong ulit sa likod ng tenga ko. "You're welcome babe," sabi nito. Sa paraan ng pagkakasabi pa lang no'n ni Z ay alam kong nakangisi siya. Pinamulahan ako ng mukha at hindi makatingin sa kanya.
—
"Z ah libre mo sa friday!" Sigaw nilang lahat bago pumasok sa kanya-kanyang mga sasakyan. Ang iba nakiangkas at nakisakay lang. Nagtatawanan pa sila at nagbibiruan. Napangiti na lang ako. Sana ganito na lang palagi. Masaya at walang problema.
"Enjoy pala sa date niyo!" Sigaw ulit nilang lahat at naghagalpakan sa tawa.
"Ninong kami ah!" Sigaw ni Owen bago pumasok sa kotse nila.
"Gago!" Sigaw ni Z habang naiiling. Natawa na rin ito.
Nang umalis na sila ay napatingin naman si Z sa 'kin at ngumisi. "Kunin natin silang ninong?"
Nanalaki ang mata ko at hinampas soya sa braso. "Ang dumi talaga ng isip mo Zinnon!"
"It's babe not Zinnon," pagtatama niya sa sinabi ko.
"A-anong b-babe. Babebibin ko 'yang mukha mo!"
Z chuckled. "You're blushing babe."
"W-wla ah! T-tara na nga!" Sabi ko at naunang pumasok sa loob ng kotse niya.
Nakitang kong natawa pa siya bago pumasok sa sasakyan niya at nag-drive.
"Uhm...s-salamat nga pala ro'n s-sa t-test," utal kong sabi. Narinig kong tumawa siya. "P-pero hindi pa rin 'yon—" naputol ang sinsabi ko.
"It's better na 50 than zero right?" Sabi nito.
Oo nga naman. Pero nakokonsensya pa rin ako. Wow! Ansabe ng
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko.
"Sa isang restaurant." Sagot niya
"What?!" Sigaw ko.
"Why? Don't you like it babe?" Takang tanong niya.
"No—I mean gusto ko pero pupunta tayo ro'n ng naka-uniform? Seryoso ka Z?" Bulalas ko.
"So what? Pakialam ba nila? Damit naman 'to ah?" Anito.
"O-oo nga p-pero..." Wala na akong magawa.
Pagkatapos na marating ang timutukoy niyang restaurant ay nauna siyang lumabas sa kotse. Mabilis siyang naglakad at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako at hawak kamay kaming pumasok sa restaurant.
Napakagat ako sa labi ng pagmasdan ko ang kamay niyang saktong-sakto sa kamay ko. Palihim akong napangiti. Kinikilig ako ano ba.
Nag-usap sila ng waiter sandali at agad na iginaya kami sa upuang naka-reserve.
Inalalayan niya akong maupo bago siya naupo sa upuan niya. Napipi na yata ako kakatingun sa kanya kaya natawa ito. Sumimangot ako bigla.
"Why?" Tukoy nito kung bakit ako nakasimangot.
"Iih. Wala!" Bigla akong napahawak sa tyan ko ng tumunog ito. Tang na juice wrong timing naman oh! Namula ako sa kahihiyan. Konti lang kanina ang kinain ko no'ng lunch e.
Napatawa si Z kaya sinamaan ko ng tingin.
"You're so cute babe. H'wag ng mahiya, normal lang na nagugutom," tatawa-tawang anito. Napanguso ako sa sinabi niya. "Waiter," tawag nito.
Lumapit naman ang waiter at may ibinigay na menu sa 'min. Halos manlaki ang mata ko hindi sa pagkain kundi sa presyo nang makita ko 'yon. Gago 'to si Z ah! Kinapa ko ang bulsa ko. Kingina wala akong perang dala! Halos kaluluwa ko yata ang isangla ko e hindi pa rin sapat sa presyo nito.
Amg daming zero! Hinanap ko ang pinakamurang pagkain. Gindi ko rin maintindihan ang mga pangalan ng mga pagkain. Tae. Pork barbeque lang ang kilala ko ro'n. At 'yon na yata ang pinakamura. 150 pesos. Ano ba o-orderin ko? Tang na juice. Biglang may sumunding lightbulb sa utak ko kaya napatayo ako.
Taka akong tiningnan ni Z.
"Ah! Hehe Z cr lang ako h-ha? I-ikaw na ang mag-order ng kakainin natin," sabi ko. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at naglakad na papuntang cr.
Tang na juice ka talaga Rue!
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top