CHAPTER 45

Chapter 45: Resort

Rue



NAPATITIG ako kay Hiro na walang imik. Ano bang problema nito? Parang wala lang kami sa palagid niya e. Ang lalim ng iniisip gaya no'ng dati. Parang nawala 'yong Hiro na nakilala ko noong first day ko sa Hades Academy. Nawala 'yong palangiti na aura niya. 'Yong tahimik pero may binabalak palang pan-ti-trip sa 'yo. Napalitan iyon ng seryoso at sobrang tahimik. I mean tahimik naman siya talaga dati pero mas malala lang ngayon. Halos hindi na nga nakikipag-usap sa mga kaklase ko.

Kung pwede lang yata na makatunaw ang panininitig siguro tunaw na si Hiro sa kagagawan ko. Nawala lang ang atensyon ko sa kanya no'ng nagulat ako sa sigaw ni Cyril.

"Hoy ano 'yan! Akin 'yang pizza Brent!" Sigaw ni Cyril at sinamaan ng tingin si Brent.

"Anong sa 'yo? Nakaapat ka na tapos sa 'yo pa 'to? Oh c'mon dude, sa gwapo kong 'to hindi mo pagbibigyan?" Ani Brent at ginulo ang buhok niya at nagpa-cute.

Umani 'yon ng iba't ibang komento sa mga bubuyog na ngumunguya ng kani-kanilang mga pagkain. Pati ako napairap sa kahanginang taglay ni Brent. Iba na talaga 'to.

"Kakasuka ka Brent!"

"Mas gwapo ako sa 'yo!"

"Anong ikaw? Mas gwapo ako!"

Natawa ako dahil sumimangot si Cyril at hindi nakuha ang gusto.

Dahil sa 'kin napunta sila sa cafeteriang 'to at dahil din sa 'kin napaaway kami rati. Ngayon parang okay na lang sa ibang estudyante na nakikita kami rito sa cafeteria pero meron pa rin namang may ayaw. Well, pakapalan na lang ng mukha kesa naman sa magutom kami diba? At saka sinabihan ko naman sila na kapag may nagbabadyang hindi kaaya-aya e huwag ng patulan. Kinausap ko na rin dati si Kiya Eziel-no'ng wala pa ang higad na Paige sa bahay namin. Wala siyang magawa. Alam kong wala siyang choice. Kapatid niya pa rin ako kesa namna mamatay ako sa gutom at kesa naman na ako pa ang manggugulo, edi mas sasakit 'yong ulo niya sa 'kin.

Nagsipag-ingayan ang nasa loob ng cafeteria kaya napalingon kami sa entrance. Doon kasi nanggagagling ang mga tili ng mga babae. 'Kala mo nakakita ng artista kung maka-react e.

"Kyah! Ang gwapo talaga ni Eziel!"

"Oo nga!"

"Omg! Sino 'yang kasama niya?"

"Diba si Paige 'yan? Nagbalik na pala siya sa Pilipinas? Ang ganda niya!"

Napataas ang kilay ko nang makitang napangiti si Paige sa narinig. Gustong-gusto ng loka-lokang artista na pinag-uusapan siya ah? Binaling niya ang ulo niya sa mga taong pinag-uusapan siya at matamis na nginitian sila. Napairap ako sa kaplastikang taglay niya. Gawa yata sa plactic lahat ng katawan niya kaya pati ugali ganoon na rin. Nakakapit ang kamay nito sa braso ng kuya ko. Si kuya ay diretso lang nakatingin kaya tumama ang mga paningin naming dalawa.

Inirapan ko lang siya at saka umiwas. Bahala siya d'yan. Ramdam kong sinasamaan niya ako ng tingin pero wala akong pakialam.

"Wtf? Bakit nandito 'yan?"

"Malaking problema na naman ito!"

"She will ruin everything."

I know that they're pertaining about Paige. Mahina man pero klarong klaro kong narinig ang mga 'yon sa mga kaklase ko. Hindi na ako nagtaka dahil kahit ako alam na 'yong ugali niya. Nasaksihan ko na at gustong gusto na ng kamao kong suntukin 'yang pagmumukha niya. Plastic!

Nalingunan ko si Z ta parang walang pakialam ito. Pero bago tumama ang paningin ko sa kanya, napasuluap muna ako kay Hiro. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o ano. I just saw that he clenched his fist and glare at...Paige.

"Tigilan mo ang kakatitig kay Hiro. Nagseselos ako..." Nanindig bigla ang balahibo ko nang maramdaman ang hininga ni Z sa tenga ko. Hindi magkanda mayaw sa kakatibok ang puso ko, kulang na lang ay sumabog ito.

Why the hell I didn't notice it at all? Naramdaman kong bumalik na siya sa pwesto niya. Doon ko na napihit ang ulo at nilingon siya.

Napatitig ako kung paano siya kumain. Ang gwapo ang pagkakasubo niya ng pizza kaya napalunok ako. Kitang-kita sa paningin ko ang paggalaw ng panga niya sa bawat nguya ng pagkain. Ang paglunok niyang nagdadala ng iba-t ibang emosyon sa 'kin. Napanganga ako ng muling tumaas baba ang adam's apple niya. Tila nakalimutan kong nasa cafeteria pala kami at nasa kabilang table lang ang nakapwesto ang kuya ko. Pero ganoon na lang ang gulat ko ng mahuli ako nitong nakatingin sa kanya.

"If you're gonna stare at me like that paano ka mabubsog? You want me to feed you?" Ngumisi siya bigla at walang anu-ano'y kumuha ng pizza at tinapat sa nakasaradong bibig ko. "Okay then. Say ahh babe,"

Napakurap-kurap ako at wala sa sariling napabukas ang bibig ko. Sinubuan niya ako. Tila nahipnotismo ako sa paraan ng pagtingin niya. Hindi na naman magkandamayaw itong puso ko sa kakatibok. Kotang-kota na 'to ah.

Sa mga nagdaang linggo, napapaisip ako kung kailan ko siya sasagutin at sa kung paanong paraan. Hindi ko alam. Kaya pinigilan ko ang sarili ko para sagutin siya ng tuluyan. Alam kong nararamdaman niya 'yon na nag-iba ako ng pakikitungo sa kanya. Pero 'tong loko-lokong bubuyog na 'to ay parang kriminal! Hindi man lang nag-inform sa 'kin na nakuha niya na pala ang puso ko. Ang duga!!!

"Taste good?" Anito.

Nginuya ko 'yon at agad na napaiwas ng tingin. "Y-yeah," usal kong sagot.

I stiffened when I felt him moving closer. I gulped. This feeling. Naramdaman ko na lang bigla ang hininga ni Z sa tenga ko. It sends shiver down my spine and my breathing pace change.

"But your lips taste good..." Bulong na naman nito.

Hindi ko namalayan na nakalayo na pala siya at bumalik sa pagkain. Nakatunganga lang ako.

A-ano raw? Oh god! Muntanga ka Rue? Ah!

"Ehem! Saan ba tayo?" Tumikhim si Rin kaya napati gin kami sa kanya.

Namula ako. Nandito pala sila. Nakalimutan ko. Lokong Zinnon na 'yon ah!

Natuon ang atensyon ko sa kanya. Anong saan? Ako lang yata ang hindi naka-gets sa tanong niyang iyon. Mukhang alam na alam naman kasi ng iba dahil sumagot sila.

"Pasig!" Masayang ani Owen.

"Manila Bay!" Hirit naman ni Brent.

"Mga tanga! Kayo kaya do'n mag-swimming para malaman niyo kung magandang palaliguan 'yon!" Inis na sabi ni Gavin.

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin alam bakit selos na selos 'tong si Z kay Gavin. Does Gavin seems like a threat? Gusto kong matawa. Hay naku Zinnon. Lahat na lang yata pagseselosan mo.

"Doon na lang kaya sa Resort nina Hiro?" Suhestiyon ni Red.

Sabay kaming lahat na napatingin kay Hiro na nakatulala sa kung saan.

"Hey, dude ano na?" Binatukan siya ni Noah.

"H-ha?" Napatunghay siya sa 'min at sinalubong ang tingin naming lahat.

"Doon kako na lang tayo sa resort niyo! Ano call?"

"S-sige," sabi nito at bahagyang napangiti.

"Wooh! Doon tayo! Maraming chikababes sa resort nina Hiro!"

"Makakakita na 'ko sa wakas ng jowa!"

"Walang nagtatagal sa 'yo gago!"

Napa-face palm na lang ako. Ang iingay nila. Akala yata nila sila lang ang narito sa cafeteria.

"Ang ingay naman! Hindi ako na-inform na iskwater na pala 'tong cafeteria ng HA. So ew!" Parinig ng pamilyar na boses sa kabilang table.

Sa arte palang at tono ng pananalita alam kong siya 'yon. Napairap ako.

Rue huwag kang pumatol sa mga pusa. Mapapaaway ka lang.

Paalala ko sa sarili ko. Baka kapag tumayo ako hindi ko na mapigilan ang kamao kong masuntok sa coloring book na mukha ng Cazzy na 'to.

"Pigilan niyo ko, matitiris ko 'yang Cazzandra na 'yan! Pigilian niyo ko," gigil na sabi ni Nikko.

"Gago ka dude pigilan mo hahahah!" Tawang-tawang ani Noah.

"Hindi kita pipigilan, support pa kita," wika ni Henry.

"Nandito lang ako sa likod," tatawa-tawang sabi rin ni Owen.

Mga loko-loko talaga 'to. Inaya ko na silang bumalik sa room. Deadma lang 'yong star section na puro pasaring. Masamang nakayi gin si Cazzy kay Paige dahil hindi 'to makalingkis sa braso ng kuya ko. Tuloy parang gusto ko na si Cazzy kaysa sa pAige na 'yan. Okay na ako na siya 'yong lumalandi kay Eziel huwag lang 'yang artistang Paige na 'yan.

Tatayo na sana kami nang maunang tumayo si Hiro at pumunta sa table ng star section. Hinila niya sa kamay si Paige kaya napatayo ito.

"Let's talk," pahayag ni Hiro.

"Ouch! Let go of me Hiro!" Binawi ni Paige ang kamay kay Hiro pero mas lalo itong hinigpitan ni Hiro ang pagkakahawak doon. Nakitang kong napangiwi si Paige at napasulyap sa 'kin kaya inirapan ko 'yon.

Tumayo si Kuya Eziel. "Dude, you're hurting her."

Napakunot ako ng noo. Deja vû. Parang nangyari na rin sa 'kin 'yan ah.

"Let us talk about something bro. Labas ka na roon," seryosong sabi ni Hiro. Nagsukatan sila ng tingin ni kuya Eziel. Alam kong hindi nagpapatinag si Hiro at kalaunan ay napabuntonghininga si kuya.

Binitawan ni kuya ang kamay ni Paige kung saan nakahawak si Hiro.

"Eziel, hahayaan mo na lang na kaladkarin ako nitong taong 'to? You're not worried about what he'll do to me?" maarteng sabi ni Paige.

The nerve with this girl. Sarap nga talagang tirisin.

Walang imik si Kuya Eziel at naupo na lang. Gusto kong matawa ngayon, 'ying hu.ahagalpak talaga sa tawa. Ano ka ngayon Paige? Wooh! Kudos sa 'yo Kuya.

Lumukot ang mukha ni Paige at doon na siya nihila ni Hiro. Wala na siyang magawa. Nagkanda patid pa ito habang naglalakad dahil sa taas ng takong nito. Hmm...ano kaya ang pag-uusapan nila?








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top