CHAPTER 44

Chapter 44: Outing

Rue


Gaya nga ng sabi ko, sobrang bilis lang ng mga araw. Weeks had passed and Z was still courting me. First, my wound and arm are totally fine. Second, that bitch named Paige was still in our house. Third, me and Eziel was distant to each other because of her. Lastly, I want to packed my things at lumayas sa bahay dahil naiinis ako sa babaeng 'yon. Gusto kong gawing baldado para hindi na makapagkalat ng mikrobyo.

Kapag nasa bahay ako, palagi siyang pinapaboran ng kuya kong uto-uto. I'm not acting like a brat, okay? Sadyang nauubos na talaga ang pasensya ko. Konting sinungaling lang agad na maniniwala. Doon ko napagtanto na ang bobo pala talaga ng kuya ko. Tinaguriang nasa star section pa naman tapos hindi naman pala alam tumimbang ng taong nagsasabi ng totoo sa hindi. Punyeta!

Kumukulo ang dugo ko kapag nasa bahay ako!

Minsan naitulak ko si Paige. Hindi talaga ako nakapagpigil. Gigil na gigil akong ibitin siya. Potek 'yon.

Sabado.

Napatingin ako sa kalendaryong nasa kitchen namin. Maliit lang siya actually. Parang design lang talaga. Ewan ko diyan kay daddy bakit may ganyan 'yan. Daming alam.

Binuksan ko ang ref at kumuha ng ice cream. Matapos kong makuha iyon ay nilapag ko muna sa mesa at kumuha ng kutsara. Pagbalik ko sa mesa may nakakainis na taong nakatayo ro'n. Higad for short.

"Ano na naman ang kailangan mo?" Mataray kong sabi.

"Wala naman...hmm...wow ice cream!" Kinuha niya ang ice cream KO kaya agad ko siyang nilapitan at inagaw 'yon.

"Akin 'yan. Kung gusto mo nito, bumili ka. May paa ka naman diba?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Akala mo matitinag ako diyan ah. Asa ka naman. Mali ka nang binabangga.

"But I want that...mukhang mas masarap e at saka bisita ako rito. Ikaw na lang ang bumili...please?" Kunwaring pakikiusap niya. "Or pwede ring share tayo? That's my favorite e."

Nakakasuka talaga ang isang 'to. Asa siya. Ayokong i-share 'to lalong lalo na isang katulad niya. Inirapan ko siya pero lumapit 'to sa 'kin kaya agad kong naitulak dahilan para mapaatras siya ng bahagya.

Inis ang mababasa ko sa mukha niya at sinamaan niya ako ng tingin. Hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya pero bigla na lang siyang naupo sa sahig at sumigaw. Kunwaring nasasaktan ang taenang 'to.

"O-ouch!" Anito.

Mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay sa ginawa niyang 'yon. Nakatingala na siya ngayon sa 'kin.

"Huhuhu ang sakit." Umiyak siya.

May narinig akong humahangos papalapit sa 'min at alam ko na kung sino 'yon nang marating niya ang kinaroroonan namin.

"Paige! Paige what happened? Are you okay?" Dinaluhan nito ang babaeng higad na 'yon. Alalang sinuri ni Kuya si Paige at ang kingna hinawakan ang sariling paa at umarteng nasasaktan. "Masakit 'to?" Tanong ni Kuya sa kanya at mangiyak-nyiyak na tumango. "Dahan-dahan. Itatayo kita," sabi ni Kuya.

Ang sakit sa mata ng tanawing 'to. Isang maarte at isang uto-uto. Tang na juice!

Galit akong tiningnan ni Kuya. "Hindi ka ba talaga titigil Rue?! Isang-isa na lang!"

Isang-isa nalang? The hell I care.Napairap ako saka kinuha ang ice cream KO at pumunta na sa kwarto ko. Bahala siya.

Napatigil ako sa kakahimutok ng may naglagay ng ice cream sa desk ko. Sinundan ko ang kamay nito at napatingala. Sumalubong sa 'kin ang nakangiti nitong mga labi. Dumagundong ng husto ang puso ko dahil do'n. Nitong mga nakaraang linggo mas lalong lumalala ang nararamdaman ko sa kanya.

"I know you're craving for this," he said.

Palagi ko siyang na-mi-miss at iba ang dulot nito sa sistema ko. This time hindi na ako nagdadalawang isip kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko na i-di-deny ang nararamdaman ko. I love Zinnon the way he is.

"Thank you Z," sabi ko at ngumiti. Naupo na siya sa likod ko matapos na maibigay 'yon sa 'kin.

"Ang cheesy! Kadiri." Biglang ani Owen.

"Edi sana all!" Sabi naman ni Cyril.

Natatawa ko silang tiningnan. Palaging nang-aasar talaga ang mga 'to.

"Walang klase friday! Wuhoooo! Sa friday walang klase oh yeah! Oh yeah!" Sigaw ni Brent pagkapasok na pagkapasok pa lang sa loob ng room namin.

"Yessss!"

"Woooh!"

Nagsigawan silang lahat dahil sa magandang balita. Ito 'yong balitang napakasarap sa tenga bilang isang estudyante. Aminin niyo.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"Aba ewan, basta ang alam ko walang klase friday. Wooooh!" Sagot ni Brent.

"Anong gagawin niyo sa friday?" Tanong ni Rin.

"Wala," sabay na sagot nilang lahat.

"Outing kaya tayo?" Biglang sabi ni Red.

"Magandang ideya 'yan!"

"Ayownnn!"

"Call!"

Nagsi-ingayan na silang lahat.

"So...Z?" Biglang ani Red—nanghihingi ng permiso.

Napalingon ako sa likod ko kung nasaan si Z. Nagulat pa ako nang magsalubong ang mga mata namin. Nakatitig lang ito sa 'kin at hindi nagsasalita kaya tinaasan ko ng kilay.

"Hoy mag salita ka. Ano payag ka?" Sabi ko.

Nakatitig lang ito sa 'kin kaya binalot ng katahimikan ang room namin. Bigla siyang ngumiti.

"If Rue will go then I'll go," he said while looking at me.

Ang mga ganyang titig talaga ang mas nagpapadagundong ng dibdib ko. May kung ano sa tingin niyang 'yon na humahaplos sa puso ko. Siguro nga dahil mahal ko ang taong 'to.

"Rue ano sama ka na!"

"Bawal ang umayaw oy!"

"Payag ka na Rue!"

"Masaya 'yon!"

"Ayoko..." sabi ko.

Napatahimik silang lahat at umingay ulit. Kitang-kita sa mukha ng iba ang pagkadismaya kaya gustong kong matawa. Samut saring pasaring din ang narinig ko.

"Ang kj!"

"Rue naman e!"

"Rue bakit ka ganyannnn? Hindi mo man lang inisip ang kasiyahan namin? Hindi ba kami importate sa 'yo? Isipin mo namna kami! H'wag kang kj Rueeeee." Naglupasay ang gagong Owen sa sahig. Parang bata naman 'to. Nagpapadyak-padyak pa ito na parang inagawan ng pagkain.

Natawa ako sa inasta niya. "Ano ba kayo! Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko puro na agad kayo reklamo. S'yempre ayoko...ayokong maiwan ng mag-isa noh! I'll go." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nanlaki ang mga mata nila at nagsisigaw sa tuwa. "Hoy ano ba kayo! Baka marinig sa ibang building 'yong mga boses niyo!" Tatawa-tawa kong sagot pero hindi sila nakinig.

Tuloy lang ang pag-iingay nilang lahat. Napangiti na lang ako kesa pumutok 'yong litid ko kakasaway sa kanilang lahat.






A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top