CHAPTER 43
Chapter 43: Furious Eziel
Rue
"BUMABA ka rito, Rue!" Narinig ko ang boses ni kuya sa baba kaya napalabas ako ng kwarto. Galit na galit ito.
Kunot noo kong sinalubong ang tingin niya pababa. "Inaano kita r'yan, kuya?"
Dumilim ang mukha nito kaya napatingin ako sa babaeng nasa likod niya. Ang babaeng higad. Nakatakip ang dalawa nitong kamay sa mukha kaya hindi ko makita ang ekspresyon niya. Mukhang umiiyak, may pahikbi-hikbi pang nalalaman at pagalaw-galaw ng balikat. Wow.
"What did you do to her, Rue?" He pointed that girl whose sitting behind him. My brow arched. Nice acting. She can be a celebrity.
"Do what? I've done nothing." Alma ko. Wala naman talaga ah? Hindi ko naman siya sinuntok. Wala naman siyang galos. Pinaalis ko lang naman ang plastic 'yan sa kwarto ko. Nothing more.
"Nothing? Then why Paige is crying?" Galit na sigaw nito sa 'kin. "Ano na naman ang ginawa mo Rue ha?!"
Paige...
"I said I didn't do anything to her! Anong pinipilit mo diyan ha Eziel? Psh. Makaalis na nga rito. Wala kang kwentang kausap." Binangga ko ang balikat niya bago ko siya lampasan. Bago 'yon ay nakita kong nakangisi ang malanding higad na 'yon sa 'kin.
Ano naman amg sinabi nito sa gunggong kong kuya at galit na galit?
Bakit nga ba nandito 'to? Inirapan ko siya. Nang lingunin ni kuya Eziel ang babaeng 'yon ay bumalik ito sa pag-aarte. Artista talaga.
"Rue! Kinakausap pa kita! Get back here! Huwag kang bastos!" Sigaw niya sa 'kin.
Okay? Saulo ko na 'yang linyahan niya. Then what? Isusumbong niya ako kina mom and dad? Psh. Hinarap ko siya habang nakakrus ang mga braso. Umirap muna ako bago magsalita.
"Bago ka pumutak diyan na parang manok...gusto ko lang sabihin na pakitalian 'yang bwisitang artista mo. Nangingialam ng may gamit na may gamit. You know me Eziel...you know me too well," sabi ko at tumalikod na.
"Rue!"
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na may mabibigat na paa. Tumungo ako sa garden namin at doon padabog na naupo. Kumirot ng bahagya ang tagiliran ko. Tsk. Mukhang matatagalan ang paggaling nito. Kingina. Napatingin ako sa kaliwang braso ko. 'Eto rin. Tsk! Tsk!
"Kaya nga bumalik ako para sa 'yo Zinnon. I know I've commited mistakes from the past pero itatama ko na 'yon. Nagising na lang ako...isang araw...na...na mahal pa rin kita--"
---
I'm here in the Philippines. Please wait for me Eziel. I will own your heart again.
Love,
PLG
--
"Hiro..." Panimulang basa ko. Wala pa man ako sa kalahati ay nag-react na siya. He immediately hide the paper at gulat na napatingin sa 'kin.
"You startled me..." He said.
"Kanina pa ako rito tapos hindi mo naman ako pinapansin. Problem?" I asked.
"A friend of mine wrote a letter..."
"Ah..." Tanging naging tugon ko. Ayoko namang magtanong pa.
"I don't want to see her again...this time..."
Confusion took over my face. "Her?" I asked, he just nodded his head. "She's your friend right? Why are you not happy to see her again? I mean, s'yempre kaibigan mo 'yon saka baka miss ka na no'n." I teased but I stop when I saw that he balled his fist.
Bakit naman siya mag-re-react ng ganyan kung darating ang iaang kaibigan right? Kung ako siguro ay matutuwa pa ako at magse-celeberate.
"Now that everything was falling into right place, I don't want her to ruin these things up. She might hinder something and I can't afford to sit back and relax while seeing those things to break into pieces."
Nasapo ko ang bibig. Is it possible that Hiro's talking about Paige that time? Ruin? He knows what she's planning to do? Kung tama ang hinala ko, alam kong pipigilan niya 'to. Paano? Kung ang artistang 'to nandirito sa bahay namin? Nasipa ko ang batong malapit sa 'kin. Ang higad na 'yon! May binabalak!
Tama! Nilabas ko ang phone ko na nasa bulsa ko pala. I totally forgot about this. Mayro'n pala akong number nilang lahat. Kinalikot ko ang nasa inbox at hinanap ang number ni Hiro. Nang makita ay agad ko 'yong pinindot. Nilagay ko sa tenga ang phone ko at ring lang ng ring 'yon. Hanggang sa maputol ang linya ay wala pa rin. Napabuntong hininga ako at sinilid na lang muli sa bulsa ang cellphone.
Napatingala ako sa langit. Kumikislap na mga maliliit na palamuti sa langit amg sulubong sa 'kin. Ang ganda. Wala pa rin talagang tatalo sa payapang dulot nito sa sinumang titingala mula sa lupa. Nawala bigla ang inis ko. Napangiti akong pilit kunwaring inaabot ang pinaka nangingibabaw na kislap ng bituin.
Nasa ganoon akong posisyon ng mag-vibrate ang phone ko. Taka kong kinuha 'yon at binuksan.
From: Z
Kumain ka na. Stop idling about me.
Ha! Ang kapal naman nitong manliligaw k--err. Ako pa talaga ah? Baka siya 'tong isip nang isip sa 'kin. Bigla ulit itong nag-vibrate. Nag-text na naman, ang bilis mag-type nitong lalaking 'to.
From: Z
Kaya siguro ang bagal mong mag-reply dahil iniisip mo 'ko noh? It's okay, obvious naman na gusto mo ako.
I rolled my eyes matapos kong mabasa 'yon. Wow! Ang kapal naman nitong lokong bubuyog na 'to ngayon. Saan nanggagaling ang fighting spirit nito? Pero...tumindig bigla ang mga balahibo ko hindi dahil sa takot kundi no'ng na-realize ko ang text niya sa huli. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko kaya napahawak ako do'n. Huminga ako ng malalim at linalma ko ang sarili.
Composed message:
To: Z
Ang kapal! Asa ka! Ikaw na ba ang pinakagwapong nilalang sa mundo ha? Huwag kang feeling uyy!
Delivered.
Napalunok ako. Ilang segundo lang ay nag-reply agad ang loko. Ang bilis naman magtipa ng keyboard 'to.
From: Z
Yes. I'm the most handsome Zinnon of your life. Hindi ako feeling, alam ko lang. Hahaha
Gabi man at malamig pero ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa nabasa ko. Walang preno talaga ang bibig ng isang 'to. Parang hindi nahihiya e. Napatingin akong muli sa cellphone ko nang mag-text ulit.
From: Z
You're blushing babe.
Nanlaki ang mata ko sa nabasa at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Paano nalaman ng isang 'to? Manghuhula na ba 'to? Tang na juice!
Wala sa sariling napatayo ako at nagpalinga-linga pero wala akong makita. Narito kasi ako ngayon sa garden na nasa unahan ng bahay. Meron ding garden sa likod. Ayoko do'n e kaya rito na lang. Napasilip ako sa gate namin pero wala naman siya. Napahinga ako ng maluwag. Pero may sa loob-loob ko na umaasang nandito siya ngayon. Baka nga joke-joke niya lang 'yon at nachambahan lang ng reaksiyon ko.
Napatingin akong muli sa phone ko. Jusme! Ang dami naman agad na text nito. Binasa ko 'yon.
From: Z
Hey.
Bakit 'di ka nag-rereply?
Tulog ka na agad?
Rue.
Babe?
Babe?
Babe?
Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako. May tuwang dala ang huli nitong i-ti-next at nagdudulot nang pagkabog ng sobrang bilis ang puso ko. Tuloy ay hindi ako nakapag-reply sa kanya at napatitig lang sa laman ng mga text niya.
Nakarinig ako ng mga yakap kaya napatunghay ako.
"Siguro tuwang-tuwa ka sa ka-text mo noh? Well...well...well. Better enjoy it now...because there will be no next time," nakangising anito. Hindi ko narinig ang huli nitong sinabi dahil
I arched my brow. Pinagmasdan ko siya at iba na ang suot nito.
"Ah. I forgot to say, dito na pala ako titira...pansamantala." Ngumiti na naman siya na patang nag-aadik sa kanto. Problema ng babaeng 'to?
Edi kung dito siya titira, edi tumira siya. Wala akong pakialam. Hindi ko siya pinansin at nilampasan na lang. Pumasok na ako sa liob ng bahay namin at du.iretso sa kwarto ko. Wala akong time para makipag-usap sa mga higad. Kung gusto niya ng kausap, edi kausapin niya 'yong aso namin diyan sa labas. Huwag ako.
Sinigurado kong naka-lock na talaga ng puntuan para hindi makapasok ang masamang espiritu. Dahil kung hindi, baka ano pa ang magawa ko kapag nakapasok 'yon dito.
Hindi ko rin pinansin ang Kuya kong uto-uto na nasa kusina. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis ako sa kanya.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top