CHAPTER 42
Chapter 42: Meeting Paige
Rue
HAY. Matagal-tagal ang araw na 'to para sa 'kin. Sa wakas ay uwian na rin. Ginayak ko na ang mga gamit at isinilid iyon sa backpack ko. Matapos ay hinanap ko si Gavin. Hindi ako makalapit sa kanya dahil sa Zinnon na 'to.
"Uy, Gav. Tara! Sabay tayong umuwi," aya ko. Lumapit ako sa kaniya at nginitian.
"Sige." Ngumiti rin siya pabalik at kinuha na rin ang bag niya. Papalabas na kami nang may humarang sa harap namin.
"Puwede namang ako ang ayain mo. Ako 'yong nanliligaw hindi si Gavin," seryosong ani Z.
Naningkit ang mata ko. Wala naman akong ginagawang masama, ah? Siya na nga 'tong nag-decide na manligaw sa 'kin kahit wala naman akong sagot. Oo! Hindi ko sinagot ng oo ang tanong niya. I know naman na kahit hindi ako sumagot ng oo o hindi, manliligaw at manliligaw pa rin ang bubuyog na 'to. Kahit na...kahit na...
"Ako ang inaya dude. Hindi ikaw," seryosong wika ni Gav.
Nagtuos sila ng tingin. Bago pa man magsiklaban ang dalawang apoy ay pinigil ko na. Pumagitna ako sa kanilang dalawa.
"P'wede ba? Stop this okay?" Tiningnan ko silang dalawa. "Kapag hindi kayo titigil ako na talaga ang sasapak sa inyo!" Sandali silang nagtitigan bago alisin ang masamang tingin sa isa't isa.
"Tsk!"
"Psh."
Nagsimula na kaming tatlo na maglakad. Tahimik pa sila sa gabi. Ni hindi man lang nagsalita. Ngayon ko pinagsisihan na sinabay silang maglakad sa 'kin pauwi. Ang awkward bigla ng atmosphere. Hindi tuloy ako makapagsimula ng usapin. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi. Tanging ang ingay lang ng mga sapatos namin tuwing naglalalad ang naririnig.
"Someone's following us," Gavin said.
"Yeah," matabang namang sagot ni Z sa kanya.
Seriously, Zinnon? Akma akong lilingon sa likod pero natigil iyon ng magsalita si Z.
"Don't. Malalaman niya kapag lumingon ka," seryosong sambit ni Z.
Nasa eskinita kasi kami dumaan. Sa shortcut na dinadaanan ko at palagi akong may nararamdaman sumusunod sa 'kin hanggang sa eskwelahan. Hindi ko pa rin ito nasasabi sa kanila. Maybe it's the time to say this.
"Everytime na mapapadaan ako rito... may nakakaharap akong kalaban," simula ko.
"What the f*ck? Bakit ngayon mo lang sinabi, Rue?" Z raised his voice.
"Sinabi ko na 'yan sa 'yo. Don't you remember?" Gavin said.
Naitigilan bigla si Z. "Ah. Yeah. Oo nga pala." Napakamot siya ng ulo.
"Iba kasi nasa utak. Tch," bulong ni Gav pero rinig naman namin 'yon. Sinamaan siya ng tingin ni Z.
Sarap talaga iuntog mg dalawang 'to. Dati sina Hiro at Z magka-away. Nagyon naman sina Gavin at Z.
Pero... alam ni Gavin? Bukod doon hindi niya na alam na minsan nang nakaharap ko si Arllu at si Pilip. Wala naman akong pinagsabihan. Don't tell me... he was following me around?
Tumingin ako bigla kay Gav. "Yeah. You're right," anito na para bang nabatid ang laman ng isip ko.
"P-paano?" Hindi ko man lang napansin na sinusundan pala ako nito. Tang na juice. Kung kalaban siya siguro nadakip niya na ako ng walang kahirap-hirap. Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Tanging mga kalaban lang ang napapansin ko.
"Sinabi sa 'min ni Owen no'ng nakaharap niyo si Pilip. Starting that day, sinundan kita...ng palihim." Tumingin siya kay Z at hindi ko alam ang ibig sabihin ng palitan nila ng tingin.
Could it be? May pakiramdam akong siya ang nag-utos nito kay Gavin at nagmaang-maangan lang ang loko.
"Rue kaya mo bang tumakbo?" Biglang tanong ni Gavin at sinulyapan ang tagiliran ko kung saan ako nasaksak.
"Kaya ko naman," saad ko. Napasulyap ako sa likuran. "Anak ng p*tcha ang dami naman nila ngayon!" Gulantang kong wika. Dalawang dosena 'ata ang mga unggoy na nasa likuran namin. Namukhaan ko ang iba kaya hindi ko mapigilang magsalita. "Sila rin 'yong nakalaban namin ni Owen dati. Mas marami nga lang sila ngayon."
Magkatinginan ang dalawa. Ngayon ko lang yata sila nakitang magkasundo. Pwede naman palang magkasundo e. Nag-aaway pa. Tang*nang mga bubuyog na 'to. Hmp. Nagulat ako no'ng binuhat ako ni Z.
"Hoy! B-bakit m-mo ko binuhat h-ha? I-ibaba mo ko!" Protesta ko.
He caarried me in a bridal's style. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat na animo'y isang magaang bagay lang. Hindi magkandamayaw sa kakatibok ang puso ko. Hindi rin ako makapagsalita ng maayos. Sobra-sobra ang kabog ng dibdib ko. Napahawak na lang ako doon. Baka marinig nito ang puso ko.
"Hindi mo pa kayang lumaban ulit," sabi nito at pinitik ang noo ko. "I will not let you do reckless things again. Never." Napatitig ako sa mga mata ni Z. Mga matang pamilyar sa 'kin. Parehong-pareho sa batang palaging sumasagip sa 'kin dati. Ang batang hindi ko man lang napasalamatan. Hindi ko na ulit siya nakita mula noon. Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan nito...Dey-dey. "Rue. Are you listening?"
"O-oo," pakurap-kurap kong sagot at agad na umiwas ng tingin. He chuckled of what I did pero hindi ko na nagawang ibalik ang tingin sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tumatama ang mabangong hininga niya sa 'kin habang tumatakbo kaya mas lalo akong nadi-distract at hindi makapag-isip ng maayos.
"P-pwede mo na akong ibaba Z. Tulungan mo si Gavin baka mapa'no 'yon," alala kong sabi sa kanya. Nakita kong tumiim ang bagang niya pero ilang segundo lang 'yon kaya dinugtungan ko ang sinasabi ko. Mukhang nagseselos na naman ang loko. "Mag-ingat ka Z. Bumalik ka rito ng walang kahit anong gasgas."
Napatigil siya bigla sa pagtakbo at napatitig sa 'kin. Nakita ko pang gumalaw ang adam's apple niya, kalauna'y ngumiti ito ng napakalapad. Abot hanggang tenga. Mukhang may na-realize ang loko.
Oo na. Oo na...nag-aalala na 'ko okay?
"A-anong nginingiti-ngiti mo d-diyan? D-dalian mo na nga! Mapa'no pa si Gavin do'n," utal kong sabi sa kanya. Hindi ako makatingin ng deritso sa kanya kaya hindi ko alam kung ano ngayon ang itsura ng mukha niya dahil sa sinabi ko.
"T'ss. Okay na sana dinugtungan mo pa ng Gavin."
Tang na juice! Nagseselos nga talaga ang bubuyog na 'to. Pinigilan kong huwag matawa pero hindi talaga. Napatingin na rin ako sa kanya.
"Why are you laughing? Hmm?" Naningkit ang mata nito.
"Jealous huh?" Nang-aasar na sabi ko. I smirked while looking at him. Akala ko i-de-deny niya pero ano pa nga ba ang aasahan mo kay Zinnon diba?
"Of course I'm jealous. Sinong manliligaw ang hindi magseselos kung ang taong nililigawan niya, ibang pangalan ang sinasabi? Natutuwa ka no'n?" He frustratedly said. Ginulo niya ang buhok at mas lalo iyong nagpagwapo sa kanya.
P-paano niyang nagagawang sabibihin iyon? Natural ang pagkakasabi niya ng nararamdaman niya sa harap ko. Napatulala ako sa kanya. I can't help it. Napalunok na lang ako. Wrong move yata ang pang-aasar ko sa kanya. Hindi ko mahanap ang sariling dila kaya napaamang na lang ako. Nahugot ko ang hininga nang ipinatong nito ang kamay sa ulo ko.
"Magiging okay ka lang ba rito?" Awtomatikong napatango ako. Para akong tangang hindi makapagsalita sa harap niya. Tang na juice naman oh! "Okay then. Be safe here." Ginulo niya ang buhok ko. Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya sa 'kin at tumakbo patungo kay Gavin.
Nang hindi na maaninaw ay napaupo na lang ako sa semento hawak-hawak ang dibdib. Hindi ko mapigilang mapangiti. Zinnon...
Ilang minuto lang ay nakita ko na silang dalawa na naglalakad patungo sa 'kin. Napatayo ako at agad na tumakbo papunta sa kanila.
"Woah excited ka talagang makita ako?" Ani Gavin. Sinamaan siya ng tingin ni Z.
"Ako ang gusto niyang makita hindi ikaw," nakasimangot na sabi ni Z sa kanya.
Napairap ako sa dalawa. "Saan na sila? Ang bilis niyo naman. Gano'n sila kahina?" Bahagya akong napatawa. Sinuri ko silang dalawa. Wala man lamg kahit anong galos o ano. Malamang ay mahihina nga talaga ang mga 'yon.
"Yeah. Tinuruan lang namin sila ng leksyon. Tara. Hatid ka na namin." Inakay ako ni Gavin. Napasulyap pa ako kay Z na ngayon ay hindi maipinta amg mukha.
"Ako lang ang maghahatid. Ako ang manliligaw!" Napatawa lang si Gavin sa kanya.
"Huwag mong pansinin 'yan. Nababaliw na 'yan. Let's go Rue," wika ni Gavin at naglakad na kami.
Nag-tantrums na si Z. Parang bata rin ang isang 'to minsan. Ano bang nangyari at nagkasundo bigla ang dalawang ito? Kanina lang ay parang magpapatayan, ngayon magkasundong-magkasundo na sila? Nakakaewan din minsan ang dalawang bubuyog na 'to.
Nag-aasaran lang silang dalawa hanggang sa maihatid ako sa bahay. Natatawa na lang ako dahil hindi na nakapagpaalam silang dalawa sa 'kin. Busy sa pakikipagbangayan at nagpapayabangan ang dalawa. Nailing ko na lang ang ulo at pumasok na sa loob ng bahay.
Nakita kong naka-park na ang sasakyan ni Kuya Eziel. 'Yong bakulaw kong kambal nandito na. Hindi pa rin pala alam nina mom and dad ang nangyari sa 'kin. Nakiusap si Kuya sa mga doctors sa hospital namin na huwag iparating 'yon sa kanila. Baka umuwi. Nasa business trip kasi ang dalawa.
Dumiretso muna ako sa kusina at uminom ng tubig. Bigla akong nauhaw e. Isasara ko na sana ang ref nang mapatigil ako at napatingin sa mesa. Lumapit ako ro'n at kinuha ang basong may lipstick. Nangunot ang noo kung bakit may ganito rito.
Ako lang naman ang babae rito ah? Except sa katulong namin. Bukod doon ay wala na. My eyes widened nang si Kuya Eziel ang pumasok sa isip ko.
Hala! Bakla ba talaga si Kuya Eziel?
Binatukan ko ang sarili sa naisip. No. He's not a gay. Lalaking-lalaki ang tukmol na 'yon. Ni walang pitik ang bawat galaw. Hindi mo makikitaan na bakla 'yon. Muntik pa nga akong itapon sa labas ng sasakyan niya nang tinanong ko na bakla ba siya o ano. Baka kapag tinanong ko o binanggit ulit sa kanya 'yon hindi na mag-aatubiling itakwil ako.
Pero...hmmm. May girlfriend na ba si Kuya? Si Cazzy? Ew. Ang higad na 'yon? Parang hindi naman yata. Hinding-hindu ko matatanggap ang pusang higad na 'yon. Baka matadtad ko ng wala sa oras kapag nalaman kong girlfriend iyon ng kuya ko.
Nilagay ko na sa sink ang baso at umakyat na sa taas papuntang kwarto ko. Sinakop pa rin ng lipstick na 'yon ang isipan ko, hindi ko na nga namalayan na nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko.
My brows knitted instantly. As far as I remember I closed the door of my room before I go to school. Who the hell entered without my permission? I reached the doorknob and step in. Una kong nakita ang isang babaeng nakatalikod sa 'kin. Nasa bedside table ko siya nakatayo. Her long black hair with her red silky dress got my attention. Partida likod pa lang ang nakikita ko, mukhang maganda na. Pero kahit anumang mukha niya, maganda man o pangit hindi siya makakatakas sa 'kin.
Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, nagtagumpay naman ako. Lumingon siya na parang gulat na gulat sa pinakamaarteng paraan. Kingina!
Nagulat ako nang makita ang mukha niya pero agad akong nakabawi. Pagkakataon nga naman. Mas lalong nadagdagan ang inis ko. Siya?
"Hi Rue! Is this your room?" Ang arte. Ngayon ko pinandirihan ang pagkakabanggit ng pangalan ko. Kunway nilibot niya ang paningin at muling itinigil sa 'kin.
Hindi ko pinansin ang tanong niya. Napairap ako. Ayaw na ayaw ko talaga ang mga taong nakikialam sa gamit ko. Nilapitan ko siya at kinuha sa kanya ang picture frame na hawak niya.
"Hindi ka ba tinuruan na h'wag makialam ng gamit ng hindi sa 'yo?" Sinamaan ko siya nang tingin.
Ngumiti lang siya. 'Yong ngiting plastic! "S-sorry...I thought hindi ka magagalit kapag pumasok ako rito sa kwarto mo...sabi kasi ni Eziel p-pwede akong maglibot-libot dito sa bahay niyo since bumili siya ng dinner natin," utal na sabi niya. Nahihimigan ko ang kaplastikan sa boses niya. Naiirita ako.
Sino ba siya para pumasok ng walang paaalam? At alam niya ito ang kwarto ko ah? Wow. Kakabilib naman. Bisita pero namamasok ng kwarto ng iba? Hindi niya ba alam ang salitang privacy? Makati rin ang paa nito e.
"Ah...so bisita ka ni Kuya. Hmm..." Tumango ako kunwari. "Sana sa living room ka umupo. Sa pagkakalam ko hindi living room 'tong kwarto ko hmm? At hindi rin 'to pasyalan." Tinaasan ko siya ng kilay.
"S-sorry. Lalabas na lang ako. S-sorry talaga, I didn't mean to-"
'Di ko siya pinatapos. "Doon ka na sa baba maghintay. Hindi tumatanggap ang kwarto ko ng mga taong plastic,"
Yumuko siya pero agad niyang inangat ang tingin at ngumiti. Nakakairita ang ngiti niya. "Sa baba na 'ko Rue ha? Sorry talaga." Naglakad na siya palabas sa kwarto ko pero bago 'yon ay nahuli ko ang nakangisi niyang mukha bago isara ang pinto.
Masama na ba ako? I don't care. Ngayon pa lang kami nagkaharap pero ayaw na ayaw ko sa presensya niya. Maybe because she kissed Z pero may something pa rin sa kanya. Wait- nanlaki ang mata ko.
Siya 'yong nasa picture na nasa letter na binasa ko sa kotse ni Kuya Eziel. What the f*ck? Inalala ko nakasulat do'n.
I'm here in the Philippines. Please wait for me Eziel. I will own your heart again.
Love,
PLG
PLG? She's Paige Lix Garcia. Bakit ngayon ko lang na-realized 'to? Ang pangalang paulit-ulit kong naririnig pero binabaliwala ko lang. Hindi ko inaasahang magkakakilala kami sa ganitong pagkakataon.
Well, deserve niya naman tarayan ko siya. Kaya pala hindi ko na siya gusto. Maganda siya pero tang*na niya. Kissed me back, kissed me back pang nalalaman at I will own your heart again, ay ang landi rin. Hindi lang si Zinnon, pati rin pala si Kuya Eziel. Tsk. May malanding ahas palang nagtatago sa maganda niyang mukha. Tsk. Akala mo sa 'kin mauuto mo ko sa anyong mo 'yan ha?
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top