CHAPTER 41
Chapter 41: Ligaw?
Rue
WALA akong maintindihan.
'Yan ang paulit-ulit na sabi ng utak ko habang nagle-lecture si Miss Alaozon matapos kong matawag ang mga kaklase. Mabuti na lang at sumunod sa 'kin ang mga bubuyog na 'to. If they didn't, I will beat them like what I've done in my first day here in HA.
Pansin ko rin minsan napapadalas na ang pagpasok ng iba. Minsan kasi absent ang ibang bubuyog o 'di kaya nasa itaas-sa second floor natutulog.
Umugang muli ang upuan ko. Para akong nakaupo sa rocking chair ng isang matanda dahil sa ginagawa niya. Napapikit ako dahil sa inis. I know who's behind it. Kanina pa 'to. Hindi ako makapag-focus dahil sa bubuyog na nasa likuran ko. Ang kulit! Hindi ko siya kasi pinansin matapos 'yong...basta!
"Wen, palit tayo ng upuan. Please?" pakiusap kay Owen pero ang tarantado hindi ako pinansin.Namumuro na 'to ah? Hindi na nga niya ako pinakopya kanina. Ngumuso ako pero agad na ngumiti ng may naisip. Tingnan natin kung magmamatigas ka pa rito."Libre kita," sabi ko sa magic word. Alam Kong bibigay rin 'to, hindi ko siya titigilan.
Sabi ko na nga ba. Sa 'kin pa rin ang huling halakhak. Mukha siyang gripong awtomatikong napapihit sa direksyon ko. See? Magic word lang ang katapat. Libre lang malakas. Mukhang libre kasi 'tong mukha niya.
"Ano ba 'yon Rue? Libre mo 'ko ng pagkain ah? Walang bawian 'yan." Sabi niya. Excited pa ang loko. Kita mo 'to basta pagkain na ang pag-uusapan e.
"Palit nga kako tayo ng upuan." Ulit ko. Hindi na ako makapaghintay. Lipat na lipat na 'yong pwet ko sa upuan ni Owen. Ayoko na rito. Para na akong sinisindihan dito at kailangan ko ng makalipat sa lalong madaling panahon.
Tiningnan niya ako at dahan-dahang ipinihit ang ulo sa taong nasa likod ko.Rue don't looked back. Huwag! Agad siyang napalunok at umiba ang ekspresyon sa mukha niya. Nawala ang mga ngiting nakapaslak sa kanyang mukha kani-kanina lang. Ibinalik na niya ang tingin sa 'kin at ngumiti ng hilaw.
"He-he-he...kahit gusto ko ng libre mo Rue kaso...baka bigla akong maging baldado. Masira pa ang gwapo kong mukha," sabi nito habang napapakamot pa sa ulo. Sumulyap ulit ito sa likod ko sa ikalawang pagkakataon. "Sayang 'yong libre." Bulong niya pero rinig ng tenga ko 'yon.
Siniringan ko ng masamang tingin ang bubuyog na nasa likod ko. Alam kong palihim niya 'yong binantaan. Ugh! D*mn you Z. Bakit ba ayaw nilang suwayin ang kumag na 'to? Kasunod-sunod ba ang pagmumukha niya? Kahit na gwapo siya sasapakin ko talaga 'to. Kahit na...kahit na...
Bagsak ang balikat kong nilingon ang taong nakaupo sa kabila. He's my last resort para makaalis sa taenang upuan na 'to. Cyril was sitting there and doing something. Siguro naman mapapayag ko na 'to. Uto-uto pa naman 'to minsan. Kinalabit ko siya para makuha ang atensyon niya pero hindi ako pinansin. Patay malisya siyang nagsulat. Luh? Nagsusulat pala 'to?
"Uy." Kinulbit ko siyang muli but it's no use. He just ignored me.
Ano bang problema ng mga tao rito sa room namin?
Kinulbit ko siyang muli. "Cyril libre kita mamaya basta ba palit tayo ng upuan," diretsong sabi ko.
Kasing bilis ng hangin ang paglingon niya sa 'kin kaya napangisi ako.
"Sure ka?" Paninigurado nito at nakataas pa ang kilay. Sigurista rin ang isang 'to. Akala mo mabubudol kapag hindi nanigurado. Anong kala nito sa 'kin?
"Of course! Kaya sige na, dalian mo na. Palit na tayo," mabilis kong sabi sa kanya. Ayoko ng mahabang diskusyon ngayon kaya sasagot na lang ako ng diretso at hindi pabalang. Baka biglang umiba ang ihip ng hangin.
Napa-yes naman ako no'ng tumayo na siya. See? Tumayo na rin ako. Finally! Makakalipat din. Nilingon ko si Z at nginisihan. Akala mo hindi ako makakagawa ng lusot para makalayo sa 'yo ha. Niligpit ko na ang mga gamit ko at isa-isang binitbit iyon. Paglingon ko sa upuang inalisan ni Cyril ay may demonyo ng nakaupo ulit do'n.
Napawi bigla ang ngiti ko. "Get off. That's my chair," I said.
Kunwari'y nagulat siya matapos na pasadahan ako ng tingin. "This is my chair. Bakit mo 'ko papaalisin?" Inosenteng anito.
Lumukot ang mukha ko sa sinagot niya. His chair? Kailan pa niya naging upuan 'yan?
"Excuse me si Cyril ang nakaupo diyan kanina at binigay niya iyan sa akin kaya alis. Pag-aari ko na ang upuang 'yan ngayon. Alis na."
"Well sorry for that. Nakaupo na ako ngayon dito so it means akin na ang upuang 'to. It seems you don't want to be near at me. Ayaw mo ba akong katabi? You know maraming nagkakandarapa na makatabi ang isang tulad ko."He smirked devilishly.
"Kapal!!! Plywood na pala 'yang mukha mo?! Ako nga d'yan!"
"Kiss muna." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Nalunok ko yata bigla ang dila at naestatwa na lang. Hindi ako makagalaw. Tila may nagrarambulan sa sikmura ko at todo ang pangangarera ng puso ko. Napalunok ako ng ilang ulit.
"P-p*tangina m-mo," utal kong sabi.
Gusto kong suntukin ang sarili. Bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko? Nakakainis.
Tumawa siya. Napatulala na lang ako dahil parang musika iyon sa tenga ko. Ang gwapo niya kapag tumatawa. Hindi mapagkakaila ang magandang lahing pinagmulan nito. Nabalik ako sa wisyo no'ng tapunan ako nito panyo.
"You're drolling," he said.
Heat stained my cheeks and immediately avoided his gazed. Agad kong kinapa ang gilid ng bibig. Tang*na nakakahiya.
"Nakakasuka ang lalandi! Bro hindi ako makahinga sa nakikita ko syetttt!" Nabaling ang atensyon ko kay Owen. He's holding his chest as if he can't breathe. Nailing ko amg ulo sa kalokohan ng isang 'to. Pero magpapasalamat din ako sa timing ng mga kabulastugan sa buhay ni Owen. He just saved me sa kahihiyan sa harap ni Z.
"Hanap ka rin kasi ng lovelife brad. Hindi ganyang nam-bi-bitter ka d'yan!" Binatukan siya ni Red na nasa likod pala niya. Magkatabi kasi sila ni Z. Bakit hindi ko na 'to napansin kanina?
"Bakit may lovelife ka ba ha? Lakas ng loob magsalita wala namang jowa. Tigil-tigilan mo ko Pula ah!" Inambahan siya ng batok ni Owen pero agad na nakalayo si Red.
"Class tama na 'yan. Sit down and be quiet." Nilingon ko si Ma'am.
D*mn. Nandito pa pala si Ma'am. Nagtagpo ang mga mata namin at ngitian ako nito. Alangan naman akong napangiti. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at kunway sinamaan ng tingin si Z na nakangisi.
Bakit ba t'wing iniinis ako ng bubuyog na 'to aka Zinnon, siya na lang palagi ang laman ng utak ko? Nagmimistulang kaming dalawa lang at nagiging mabagal ang oras.
Padabog kong kinuha ang bag ko at doon umupo sa upuan niya na nasa likuran ng upuan ko. Ayoko siyang katabi rito. Hindi ako kumportable. Tila sasabog anumang minuto ang puso ko kapag napapalapit siya sa 'kin. Hangga't maari ay kailangan ko siyang iwasan. Maiiwasan ko nga ba?
Padabog akong naupo. Sinusunod ako ng bwisit na 'yon ng tingin. Mas lalo tuloy akong na-conscious sa bawat galaw ko.
"Z ano ba? Stop staring, will you?" Reklamo ko no'ng hindi na matiis ang mga titig niya. Ako ba'y binubwisit nito? Pwes nagtagumpay na siya. Bigla siyang tumayo at naglakad patungin sa upuan ko kanina at doon naupo.
"Bawal ba?" Anito.
"Oo. Tumingin ka na nga lang sa harap. Nakakainis ka." I managed not to stutter dahil sa distansya namin.
Tumawa siya. "Nakatingin na ako ngayon sa babaeng magiging akin sa hinaharap."
Mas lalo akong namula. Kailan ba matatapos ang klase ni Miss Alaozon. Gusto ko ng lumabas.
"Kinikilig ka? H'wag mong pigilan. Baka pumutok 'yang mukha mo oh..." Ngumisi ang loko.
"A-anong k-kinikilig? A-asa ka n-naman. Lakas ng hangin mo!" Hindi ako makatingin habang sinasabi iyon sa kanya.
"Nag-uumpisa pa nga lang ako e," mahinang sabi nito. Taka ko siyang tiningnan.
"Anong-" hindi ko natapos ang sasabihin ng makita ang nakasulat sa desk niya. Sinimulan kong basahin 'yon. Namilog ng husto ang mga mata ko.
"Can I court you? Yes or yes?"
Mas may ikakabilis pa yata ang tibok ng puso ko sa oras na 'to nang mabasa ko ang nakasulat na iyon. Tila wala akong marinig na ingay sa paligid at 'yong nakasulat at si Z lang ang nakikita ko. Parang may mga paru-paro sa t'yan ko ngayon at hindi ko maipaliwag ang nararamdaman. Saya, kaba at kung anu-ano pa.
"I won't take it as a no," anito. "Hindi ako sanay sa panliligaw pero dahil sa 'yo gagawin ko 'yan. Kaya mag-yes ka na."
Napanganga ako sa sinabi niya. He's crazy. Naningkit ang mga mata ko sa huli niyang sinabi. "Ikaw pa lang ang nakikilala kong manliligaw na sobrang demanding! Hindi ka pa nga nagsisimula tapos ganyan ka na. Kainis ka!" singhal ko.
Napawi ang ngisi niya sa sinabi ko pero agad 'yong nabalik. Parang may naisip. "So...payag ka na?" tanong niya. Kita ang galak nito sa mukha.
Nalunok ko ang sariling laway. Nag-iwas akong muli ng tingin sa kanya."A-anong payag? W-wala akong sinabing ganyan ah!" Nagkanda-utal utal kong wika.
"Pumayag ka na, Rue!"
"Baka biglang maging baliw 'yan si Z kapag hindi ka pumayag!"
"Payag na. Payag na!"
Ngumisi si Z sa narinig. Napatunghay ako, wala na pala si Miss Alaozon. Kaya naman pala. Paano ko 'to malulusutan ngayon? Tang na juice naman oh.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top