CHAPTER 40
Chapter 40: Inlove?
Rue
"RUE, pahinging papel," sabi ni Owen sa 'kin sabay kulbit sa braso ko. Napatunghay ako dahil doon.
"Papel? Bakit?" Taka kong tanong pabalik. Wala pang ilang segundo ay mayroong kumulbit muli sa balikat ko. Agad ko itong nilingon para malaman kung sino iyon.
"Pahingi rin, Rue," nagpapa-cute na pakiusap ni Cyril habang nakalahad pa sa akin ang dalawang palad.
Kailan 'to nakarating sa tabi ko? Malapusa rin ang galawan ng isang 'to e.
Sa isang kisap mata ay nagkumpulan ang lahat sa harap ko. Kapagkuwa'y binalingan ko sila isa-isa ng nagtatakang tingin. Wari'y hindi alam kung ano ang nangyayari. Sa ilang buwan ko rito ni isa sa kanila ay hindi nanghingi ng papel, ngayon lang. Nakakapanibago naman. Nagbago bigla ang ihip ng hangin ah?
"Bakit ba kayo nanghihingi sa 'kin? Mayro'n naman kayo ah! Mahal ang papel noh!" Reklamo ko pero isa-isa ko na silang binibigyan. Bait ko diba?
"Nawala 'yong papel ko eh!" Kamot ulong sabi ni Cyril.
"Wala talaga akong papel Rue he-he-he," sabi naman ni Owen.
Inirapan ko sila at binigyan na rin pati ang ibang nanghihingi.
"Okay number 1!" Biglang simula ni Ma'am err sino nga ulit 'to? I forgot what's her name. 'Yong nilabasan ko dati at pumuntang cafeteria. Ah basta gano'n! Sorry I can't remember e.
Nanlaki ang mata ko sa narinig. "Bakit may test?" Taranta akong napakuha ng ballpen at binalingan si Owen na katabi ko. "Bakit hindi mo ako sinabihan Owen ha?" Sabi ko at nagaulat ng pangalan sa papel.
Minsan si Hiro ang katabi ko at kadalasan sa kabila ay si Gavin pero ngayon ay si Cyril ang nakaupo sa upuan niya. Wala namang permamenteng upuan ang mga bubuyog na 'to. Palipat-lipat ng pwesto. Pero ayaw kasing umalis ni Gavin sa tabi ko kaya walang umaagaw sa pwesto niya dahil hindi naman ito pumapayag at takot din ang iba sa kanya.
Hinanap ko siya at natagpuan ng mga mata ko na nasa dulo siya katabi si... Hiro? Nandito na pala ang japayuking ito. Hindi man lang nagparamdam e. Feeling ko nga minsan parang iniiwasan niya ako, hindi ko naman alam ang ginawa ko. Pero feeling lang naman. Napansin ko 'yon matapos kong ma-hospital. Ayokong mag-conclude ano. Nahagip ng mata ko si Z at nakatingin ito sa 'kin habang nakakrus ang mga braso. Napalunok ako bigla at agad na nag-iwas ng tingin. Binalik ko na ang atensyon sa papel ko na wala pa ring sagot.
Patuloy lang sa pagtatanong si Ma'am pero wala akong maintindihan. Bakit ba ngayon pa ako naging lutang kung kailan may test. Kabanas naman oh!
Sa pagkaalala ko kakaupo ko lang sa upuan ko rito kanina ah? O sadyang nilamon ng mga sinabi ni Z ang buong oras ko kakaisip? D*mn.
"Tanungin mo si Ma'am diba friends kayo?" Nang-aasar na ani Owen.
Galing! Bakit ba ako nagtanong dito? Wrong move. Isa't kalahating tae rin itong si Owen e pero h'wag kayo d'yan may talinong taglay din 'yan kahit tanga 'yan minsan.
"Hindi naman siya nag-lecture ah?" Bulong ko pero narinig ng loko.
"Nag-lecture siya. Naglalayag lang talaga 'yang isip mo kakaisip kay Z." Sinamaan ko siya ng tingin pero inosente niya lang akong tiningnan sabay sabing. "Ano?"
Agad kong binawi ang masamang tingin at ngumiti.
"Pakopya." Nagpa-cute ako.
"Ayoko nga! Bahala ka d'yan." Tanggi niya at nagsulat na sa papel.
Ngumuso ako sa sinabi niya. Ang damot naman. Hindi talaga ako nakinig kanina e. Kasalanan 'to ni Zinnon e.
"You know what? Ang manhid mo rin e. Nagpaparamdam na ako sa 'yo pero wala! You want to know why I'm acting like this? It's because I'm jealous! Nagseselos ako sa inyo ni Gavin! Happy with that?"
Ay kingina bakit ko naisip 'yon? Naiinis pa rin ako sa sinabi niyang manhid ako! Napahigpit ang hawak ko sa ballpen ko at napadiin 'yon sa papel na nasa desk ko. Hindi ko na naman napansin ang paglipas ng oras.
Ako manhid? Hindi ah! Hindi ako manhid. Period.
"Pass your paper. Finished or not finished!" Saad ni Ma'am.
Oh no! Wala akong nasagot! Nanlalaki ang mata kong napatingin sa blangko kong papel. Walang sagot kahit ano. Rue naman! Napa-face palm ako ng wala sa oras.
Nagsipagtayuan na ang mga kaklase ko at nagsipasa ng kanya-kanyang mga papel. Hanggang tingin na lang ako sa mga papel nilang inaabot sa teacher namin. Sumulyap pa sa 'kin si Gavin kaya kinuha ko 'yong pagkakataon para makausap siya. Nasa likod kasi siya nakaupo, malayo sa 'kin.
"Pengeng answer!" I mouthed.
Napakunot ang noo niya sa tinuran ko. Marahil ay hindi maintindihan ang sinabi ko. Wala na!
"Ha?" 'Yan lang ang sinabi niya matapos mapasa ang papel niya. Wala na. Napasa niya na. Paano na ko makakakopya? Bagsak ang balikat kong inilingan na lang siya. Kunot noo niya naman akong tiningnan at naglakad na patungo sa upuan niya.
Inis ko nilamukos ang papel kong nagsusumigaw na ang bobo ko at wala akong sagot. Inis kong binato iyon sa trashcan na malapit sa pinto at naupo ulit. Si Owen na hindi ako pinakopya, ayon nakangisi lang sa 'kin kaya iniripan ko ulit.
"Meron pa bang papers d'yan?" Tanong ni Ma'am.
"Ito pa Ma'am," sagot ng sa likod ko.
Dumagundong bigla ang puso ko nang marinig ang boses niya. Napahawak ako sa dibdib ko at agad na pinakiramdaman 'yon. I-it can't be...totoo ba 'yong naisip ko no'ng friday? Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako. Hindi 'yon nawawala kahit ilang segundo sa utak ko. Posible kayang...kayang...
Nakita ko sa peripheral vission ko na tumayo si Z. Napaayos ako ng upo dahil do'n. Bawat segundo ay mas lalong dumadagundong ang puso ko hanggang sa dumaan ito sa gilid ko.
Una kong naamoy ang panlalaki nitong pabango. Tila naadik ako sa bango niya. Palihim kong sinisinghot 'yon. Napapikit pa ako.
His scent was really addictive. I can't help it.
Nasa harapan na siya pero parang nasa tabi ko pa rin ang bango niya. Parang ang lapit pa rin. Gano'n na yata kapag mamahalin ang pabango mo. Nag-iiwan pa rin ng bakas kahit wala ka na rito.
"Enjoy sniffing my scent?" Bulong nito sa tenga ko.
Napamulat ako bigla. Sumalubong ang gwapo nitong mukha. Awtomatikong nanlaki ang mata ko nang makitang nasa harap ko pala si Z at magkalebel lamang ang mga mukha namin. Bi-nend niya ang kalahating katawan para pumantay ang mga mukha namin. Isang dangkal ang lapit. Ilang ulit akong napakurap at hindi makahinga ng maayos sa distansya naming dalawa.
Nakaalis na pala ang teacher namin. Kaya pala ang lakas ng loob gumanito sa 'kin ngayon. Nabaling kong muli ang paningin kay Z. Tang na juice! May mas ikakabilis pa nga talaga ang puso ko sa pangangarera. Napalunok ako ng paulit-ulit.
Napadapo bigla ang tingin ko sa labi niya. Nag-flash ang babaeng iyon at si Z sa utak ko.
"B-but...y-you kiss me back Zinnon. I know you still love me."
Ewan ko pero nakakainis din 'tong utak ko e. Bigla-bigla na lang may naaalala. Nakakainis! Sumama ang timpla ng mukha ko no'ng maalala ang tagpong 'yon. Nakalimutan ko na e! Wala na e tapos babalik na naman. Shutangina naman!
Badtrip!
"Umalis ka nga sa harap ko!" Inis na sabi ko at umiwas ng tingin.
He chuckled kaya napabalik ang tingin ko sa kanya. Nasa ganoon pa rin siyang posisyon kaya bigla akong nailang. Napasulyap ako sa iba pero patay malisya lang ang mga ito at parang walang nakikita.
"A-ano b-ba Z-zinnon...u-umupo ka na nga. Paparating na ang teacher n-natin maya maya," putol-putol kong sabi at hindi makatingin ng diretso sa kanya.
Diba naiinis ako sa kanya? Ano 'to? Rue naman! H'wag marupok uy!
"Tabiiiiiii kayo! Tabi" Sigaw ni Cyril habang nakasakay sa skateboard niya. Dito pa talaga niya naisipang sumakay d'yan ah?
Patungo siya sa direksyon namin ni Z dahil nasa harap ako nakaupo at nakaharang si Zinnon sa daraanan niya palabas ng pinto. Hindi nakapaghanda si Z kaya napaabante siya sa direksyon ko.
Hindi ko inasahan ang sumunod na pangyayaring pati na rin si Z. Sobrang bilis ng nangyari at natulos ako sa kinauupuan ko. Tila nalunok ko ang sariling dila at namimilog ang matang napatitig sa mukha niya sobrang lapit.
At...at sa bibig naming magkalapat.
"Ayonnnnn oh!"
"Wooooh!"
"Ang galing mo Cyril!"
"Nadale rin!"
Hindi ako makagalaw. Nangibabaw ang tibok ng puso. Tila bolta-boltaheng kuryente ang dumaloy sa sistema ko dulot ng pagkakalapat ng mga bibig namin.
Am I...inlove with Z?
Ang tanong na iyon ay biglang lumitaw sa utak ko. Napahigpit ang hawak ko sa dibsib ko. Tila ang puso ko na ang nagprisintang sumagot ng katanungaang ilang araw ko nang iniisip.
Nakarinig ako ng malakas na pagpalo ng libro sa desk kaya doon na ako natauhan. Tinulak ko si Z at umiwas. Napakurap pa ako ng ilang ulit at napatingin sa ibang direksyon sapo-sapo ang bibig.
"T'ss." Anito at dumaan muli sa 'kin at naupo sa upuan niya nasa likod ko.
Napabaling naman ang mata ko kay Gavin na biglang tumayo at lumabas mg room namin nang hind man lang ako sinusulyapan. Problema na naman ng bubuyog na iyon?
"Manhid..." Parinig ng bubuyog na nasa likuran ko.
Nilingon ko siya at sininghalan. "Hindo ako manhid!"
Inosente niya akong tiningnan na parang ako na ang pinaka- wirdong tao sa mundo. "I'm not talking to you babe."
Umusok bigla ang ilong ko sa narinig. Anong babe? Baboy na ba ako ngayon?
"Babe-babe-in mo 'yang mukha mo!"
"Edi love na lang." Ngumisi siya.
Sarap hambalusin ng pagmumukha niya sa blackboard. Binato ko sa kanya ang nahawakan kong ballpen pero umiwas lang ito at iba ang natamaan.
"Arayyyyy! Kaninong ballpen 'to?" Sigaw ni Rin.
Napatikom ako ng bibig.
"Sinong gumagamit ng pink na ballpen?" Sigaw muli ni Rin. Lahat sila ay biglang tumingin sa akin.
Diba nga ako lang ang nag-iisang babae rito, sino pa nga ba ang gagamit ng pink na ballpen? Alangan namang si Z? Napatawa ako sa ideyang naisip.
"Hindi akin 'yan ah! I saw Zinnon was using it a while ago. Kaya siya 'yang sisihin niyo!" I smirked at Z.
"Bakla ka brad?"
"Gumagamit ka ng pink? Iba na 'to tol!"
Nagsipagtawanan silang lahat at inasar pa siya. Sinamaan niya ako ng tingin. Buti nga! Nakabawi rin. Ako pa ang binubwisit mo ah.
"That ballpen is from my girlfriend. Bakla pa ba ako sa lagay na 'to?" Sinabi niya 'yon habang nakatingin sa 'kin. Agad na namula ang pisngi ko at hindi magkanda mayaw sa pagtibok ang puso ko.
"Sino 'yan?"
"Ohhhhhh! Iba talaga kapag gwapo tol noh? May lovelife e."
"Si Paige ba 'yan?" Owen said bluntly.
Agad na natahimik ang lahat sa sinabi niya. Ang kaninang nagtatawanan ay napalitan ng mga singhapan. Paige? Siya 'yong pangalang binanggit ni Z. Siya 'yong babaeng kahalikan ni Zinnon. Ka-ha-li-kan! Lumukot ang mukha ko sa narinig.
Hindi ko maipagkakaila na maganda ang Paige na 'yon. Triple ang ganda sa akin. Sino nga ba si Paige sa buhay ni Zinnon? Wala man lang akong alam. Wala akong ka-alam alam. At sa reaksyon nilang lahat? Para na ring pinatunayan nila na kilala nila ito.
"Hahaha tara Wen punta tayo sa labas. Sarap mong busalan sa bibig. Qiqil mo si ako!" Awkward na tumawa si Rin. Inakbayan nito si Owen at inipit ang ulo sa pagitan ng mga braso niya. Nagsipagsunuran ang iba sa kanila at naiwan kaming dalawa ni Z sa room.
Wala akong masabi kaya nanahimik na lang ako at kunwari'y abala sa cellphone ko.
"Hey. What's wrong?" Umupo siya sa tabi ko pero hindi ko pinansin. "Are you mad?"
Nagbingi-bingihan ako.
"Rue." Binalingan ko siya ng tingin pero agad ko ring binalik 'yon sa cellphone ko.
Nagbago na lang bigla ang mood ko at ayoko na siyang kausapin. Naiinis ako.
Tumayo na ako at akmang aalis nang hawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Are you...jealous?"
"I-I'm not Z." Hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi 'yon.
"Pero iba ang pinapakita ng mga kilos mo Rue." Pilit niya.
"Hindi nga sabi!" I managed not to stutter at binawi ang kamay ko sa kanya.
Siya ata ang manhid sa 'min e! Lakas ng loob para sabihan ako ng ganyan kanina tapos ito siya. Lapit nang lapit. Napaka-insensitive naman niya. Ikaw kaya ang sabihan ng manhid ka at nag-comfess ng nararamdaman, hindi ka maiilang sa kanya?
"Ba't ka nagagalit? Nagtatanong lang ako dito."
Napapikit ako. Sobrang naiinis ako. Gusto kong sumabog ora mismo. Pero hindi. Pigilan mo Rue.
"Oh...where are the others? Kayo lang?" Takang tanong ni Miss Alaozon dala-dala ang libro at bag niya. Tumungo na siya sa desk niya sa harap.
Buti na lamg at dumating ka Miss. Baka ano pa ang magawa ko sa bwisit na Zinnon na 'to.
"Ah Ma'am tawagin ko lang sila." Prisenta ko. At para na rin makaalis ako sa harap ng Z na 'to. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot sa kanya kapag nagtanong pa ito. Baka...baka...bumigay na ako.
Nginitian ako ni Miss at napatingin kay Zinnon at binalik ulit sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti niya.
I don't know what she's thinking but I felt that it's not a good idea. Ugh! F*ck you Zinnon.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top