CHAPTER 4
Chapter 4: Feisty
Rue
NAKATUNGANGA lang ako sa harap ng board matapos magkuwento at umalis si Miss Alaozon.
Hindi ko na masyadong iniisip ang sinabi niya pero nagpupumilit pa rin itong pasukin ang aking isipan.
Magpapabago sa kanila, ha? Bakit naman? Ano ba ang magiging role ko rito? Asa naman!
Umiling ako. Bigla akong napatingin sa pinto nang magsipasukan silang lahat. As in sabay-sabay pa talaga.
Nakangisi sila habang pumapasok sa room naming sobrang dumi.
Umupo sila sa kani-kanilang mga upuan. Hindi ko na sila pinansin at tumingin na lang sa unahan. Pumasok na ang isang teacher na hindi katangkaran.
Look like she don't even give a f*ck. Hindi niya nga pansin na sobrang gulo at dumi ng room na pagkaklasehan niya.
Tumingin siya sa 'kin at sandaling tinaasan ako ng kilay. “Oh! You're the new one!” Ngumiti siya at kalaunan ay nawala. “Good luck!” biglang anito at tumalikod na.
Ilang minuto rin siyang nagsulat sa board then umalis. Okay? What was that?
’Yon na ’yon? Magsusulat then aalis na lang? Hindi niya man lang pinakilala ang sarili sa ’kin? Alam naman niyang bago lang ako rito 'di ba?
Wala man lang paalam o check ng attendance? Tsk! Walang duda! Narito na nga ako sa tinaguriang worst section. Good luck nga talaga sa ’kin kung may matututunan pa ako rito o pakikipagbasag ulo na lang ang malalaman ko.
Pinangako ko na, e! Ayaw ko ng gulo! Lumalayo na ako pero ang gulo na yata ang kusang lumalapit. Ano pa nga ba magagawa ko?
Fate doesn’t want me to change. So be it! Madali lang naman akong kausap. Sorry, lolo, alam kong mapapatawad mo naman ako riyan sa langit. Mukhang hindi na ako magiging mabait pa sa mga susunod na araw.
“Ouch!” Napahawak ako sa batok ko ng may tumamang matigas na bagay roon. My eyes darted on the book na nasa sahig na.
Sino ’yong hinayupak na bumato sa ’kin nito?! Lumingon ako sa kanilang lahat pero patay-malisya lang ang mga p*nyeta!
Nagtatawanan at nagkukwentuhan lang silang at hindi man lang ako tiningnan. Inis kong niligpit ang notebook ko nang matapos kong isulat lahat ng inisulat ng teacher na hindi man lang naisipang magpakilala.
For the nth time tinamaan ulit ako ng libro sa ulo. Inis na inis akong napatayo at tiningnan sila gamit ang nanlilisik kong mga mata. “Who the f*ck did that?!”
Tinawanan lang nila ako. Mukha ba akong ewan?
“May nagsasalita ba, dre?”
“Parang wala naman, dre!”
“May multo ata!”
“Pangit na multo!”
Tanging mga walang kuwentang pagpaparinig lang ang narinig ko. Hindi ko alam kung sino sila. At wala akong paki ro’n!
Padabog kong inayos ang upuan at akmang uupo pero biglang may kumuha nito kaya tumimbawang ako sa maalikabok na sahig.
Napaubo ako sa nagliparang mga alikabok dahil sa pagkakabagsak ko. Naipikit ko pa ang mata para hindi mapuwing. Now I'm freakin' dirty!
“Z, ang galing mo!”
“Saktong-sakto!”
“May taga linis na tayo!”
“Instant mop!”
Mga nakakainis na hagalpakan nila ang narinig ko. Pinukol ko nang nagbabagang mata ang tinatawag nilang Z, that assh*le pulled my g*dd*mn chair. Siya rin kanina ang unang lumabas at nag-utos sa mga bubuyog na maiingay na ito.
“F*ck you!” I raised my middle finger.
Alam kong hindi nila inasahan ang ginawa ko dahil gulat ang makikita sa kanilang mukha at nagsipagsinghapan ang lahat. Sinakop nang nakakabinging katahimikan ang room namin ng sandaling iyon. Tila bang may dumaang anghel at ganyan na lang ang ikinatahimik nila.
Well, I’m not like those other girls na mga pabebe at sobrang O.A.
That so called Z raised his brows. “A unique toy. . .” Nilagay pa niya ang mga daliri sa baba na animo’y nag-iisip habang pinagmamasadan ako.
Toy? I found a weird d*mbass!
“Toy mo mukha mo!” Pinulot ko ang librong ibinato sa ’kin kanina ng kung sinuman at tsaka malakas na hinagis sa direksyon niya.
Pero hindi na ako nagulat nang masalo niya ito gamit ang kanang kamay. Mayabang niya itong ibinaba at nakangising tumingin sa 'kin.
“A feisty newbie,” anito. Binalik niya sa direksyon ko ang librong hinagis ko sa kanya. Mas mabilis at mas malakas. Ramdam kong kapag tatamaan ako no’n ay tiyak na magkakabukol talaga ako o ’di kaya magkakasugat.
Mabilis kong inilagan ’yon and change it’s path kaya pumunta sa ibang direksyon. Muntik nang matamaan ang isang parang korean guy na naka-headphone sa isang tabi. He didn’t dodge it, sinalo niya lang ito ng walang kahirap-hirap habang nasa cellphone ang tingin.
“An arrogant dumb*ss,” panggagaya ko sa tono ng oananalita nito at napairap.
Pang-ilan mura ko na ba ito? Halos hindi ko na mabilang dahil nati-trigger ako sa mga lalaking ito.
Tinaasan ko rin siya ng kilay at nginisihan. Nawala ang ngisi sa mukha niya nang sabihin ko ’yon. Harap-harapan! Walang alinlangan. Nagsukatan kami ng tingin, ni walang gustong magpatalo.
“Now. . .” Nagbalik muli ang ngisi ng Z na ’yon. “You must clean this mess first!”
Kinuha niya ang trash bin na nasa likod ng pinto ng room at ikinalat ang nasa loob no’n sa buong room. What the f*ck?
“All of you. . . get out of this room! Our janitress will clean the whole room!” anunsiyo niya sa lahat.
Nagsipagtawanan ang lahat at mas nagkalat pa lalo. Nilabas nila lahat ng kalat na nasa bag nila at mas inasar pa ako sa paraan ng pagtawa nila.
Mga demonyo!
“Linisin mo ng mabuti ah?”
“Dapat makintab ang lahat pagpasok namin dito.”
“Sa wakas may maglilinis na nitong room natin!”
“Ilang taon din 'tong hindi nalinisan!”
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ilang taon daw? Meron ba no’n? Sh*t! Ang tatamad nila! F*ck you all!
“Start you first day of school as a janitress- your new job.” He smirked and dashed out.
Siya ang panghuling lumabas ng room. At sinara pa talaga nila ang pinto para hindi ako makalabas at makaayaw!
“Humanda kayo sa 'kin kapag nakalabas ako rito! Curse you to the pits of hell!” sigaw ko at napapadyak out of frustration.
Hindi ako ipinanganak na maging isang taga-linis lang ng classroom! Sinipa ko ang upuan kaya ginawa ito ng ingay kaya dumungaw silang lahat sa bintana ng room. Mga chismoso!
“Huwag kang manira diyan!”
“Mamahalin ’yang mga upuan namin!”
“Hindi ka makakalabas kung tutunganga ka lang!”
“Hindi namin ’to bubuksan kapag hindi ka pa tapos diyan sa paglilinis!”
Matalim ko silang tiningnan kaya agad silang lumayo sa bintana at patay-malisyang sumipol.
Takot naman pala! Mga walangya!
Inis kong kinuha ang dustpan tsaka walis at nagsimulang maglinis. I don’t have any choices right now but to clean this freaking room.
Room pa ba tawag dito o bodega ng mga alikabok at iba’t ibang basura?
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top