CHAPTER 39

Chapter 39: Jealous

Rue



I STEPPED back for the nth time. I want to punched my face right now because of what I'm doing. I look like a coward here. Rue, this is not so you! Parang sa gano'n lang, e!

Kanina pa ako rito pero parang ayoko ng pumasok. Malapit na ako sa building namin pero pinili kong huminto sa malapit na puno na madadaanan mo kapag papunta ka sa lumang building ng HA. Isinandal ko ang likod do'n at pabagsak na binaba ang backpack. I don't care kung madumihan iyon, hindi naman ako kasing arte ni Cazzy the pusa. Bakit ko ba siya naisip? Aish.

"Bang!"

"P*tangina!" gulantang na sigaw ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng dahil sa kaniya. I closed my eyes to suppressed my annoyance. Ganyang-ganyan din ang ginawang pangugulat sa 'kin ni Hiro. Walang duda. Magkakaibigan talaga sila.

"Rue, mukha ka pa lang kabayo kapag nagugulat," tatawa-tawang anito.

Sinamaan ko siya ng tingin. "You almost give me a heart attack, Gavin! Bwisit ka."

"Oh sorry," sarkastikong saad niya.

Kinunutan ko siya ng noo at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.Napatitig lang ako sa kaniya.

"What?" taas kilay na wika nito.

"Ngayon lang kitang nakitang tumawa ng ganyan. Is that you, Gavin?" asar ko sa kaniya na naging dahilan para mag bago ang ekspresyon sa mukha niya at maging seryoso ulit--the usual Gavin.

He looked away at humikhim. "Bakit ka pa narito?" pag-iiba niya ng usapan at sumandal na rin sa puno.

"Trip ko?" patanong kong sagot.

"Cutting kamo," natatawang anito.

"Hindi ah! Lagot ako kay kuya 'pag nagkataon," sagot ko.

Binalot kami ng katahimikan pagkatapos kong sabihin 'yon. Knowing Gavin, hindi rin 'to palasalita. Hindi ba napapanis ang laway niya? O, sadyang nasasayangan siya sa laway niyang natatapon tuwing magsasalita?

"So..." Napalingon ako sa kanya. "Wala," anito habang natatawa. Napakunot ang noo ko pero agad nawala 'yon ng ginulo niya ang buhok ko.

Bakit ba mahilig silang gulohin 'yong buhok ko? May buhok naman sila bakit pa nila pinapakialaman 'yong akin? Sinundan ko siya ng tingin nang dinampot niya ang bag ko at nilagay sa likod niya. Walang ano-ano'y naglakad na ito papunta sa building namin.

"Sinong nagsabi sa 'yo na ikaw ang magdadala niyan?" Hinabol ko s'ya. "Akin na 'yan." Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Kita mo 'tong tukmol na 'to. Napansin kong nakangiti siya at umiling. Bakit ba ngumingiti 'to? He's gone crazy.

"Ibalik mo 'yang bag ko, Gav. Ano baaaaa." Mas binilisan niya ang paghakbang ng mga paa niya kaya nauna na naman siya ng ilang pulgada.

Ako na naman si uto-uto, hinabol siya. Pinalo ko ang braso niya kaya napahinto siya.

"My bag," sabi ko at nilahad ang kamay.

"Iyak ka muna," nang-aasar na anito.

Naningkit ang mata ko. I have no choice kung 'di agawin sa kaniya ang bag ko pero hindi ko 'yon makuha-kuha. Syenpre medyo kinontrol ko ang paggalaw-galaw ko, mahirap na baka mapaano pa ang tahi ko sa tagiliran. 'Yong lokong Gavin nilayo lang sa 'kin ang bag ko at itinaas. Now I can't get my bag.

Gavin was tall but compared to Zinnon, he was way more taller than him. Mukhang tore si Z sa taas niya kaya walang-wala si Gav—bakit ko ba ikinukumpara silang dalawa? Rue, ano ka ba! They're different from each other kaya h'wag kang mag-compare r'yan.

Iwinakli ko ang ideyang 'yon. Itinuon ko ang atensiyon sa bag kong hawak-hawak niya ngayon at makataas pa talaga ang kamay niya. How can I reach that now?

"Gav! Pakibabaan mo hindi ko maabot," sabi ko.

He laughed and said. "E 'di maaabot mo na 'yon. You can't fool me, Rue."

"Aish. Gav, naman! Ma-le-late na tayo sa pinaggagawa mo eh!" Pumadyak-padyak ako na parang batang inagawan ng lollipop.

Sinimulan kong muli ang pag-agaw sa bag ko pero p*nyeta hindi ko maabot. Bakit ba ako biniyayaan ng katamtamang tangkad? Ngayon ko pinagsisihan na hindi ako tumalon no'ng new year. Kabanas!

"Sige abutin mo," tumatawang anito habang winawagayway ang bag ko sa ere.

"Akin na!" Inagaw ko pero hindi ko pa rin makuha-kuha.

"Hahaha pandak!"

"Mataas ka lang talaga!"

"Hmmm,"

"Gavinnnnn!"

Sabay kaming napatawa kinalaunan. Para kaming mga batang nag-aagawan ng laruan. Sa huli ay binigay niya ang backpack ko sa 'kin. Gavin never failed to make me smile kahit mukhang naka-glue minsan ang mukha kagaya ni Z.

What the hell? Bakit ko na naman kinumpara ang bubuyog na 'yon sa kanya?

Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ang malakas na tunog ng pintong tumama sa pader. Pinihit ko ang katawan at madilim na mukha ni Z ang sumalubong sa 'kin. Biglang umarangkada sa kakapintig ang puso ko.

Hindi ko napansing nasa harap na pala kami ng room namin. Wala akong kaede-ediya.

Nasa likod niya ang iba at walang imik na nakasunod lang ang mga ito. Hindi ko alam pero hindi mahagilap ng mata ko si Hiro. Marahil ay late ito kaya hindi ko siya makita. Napadako ang mata ko kay Owen at Cyril na sumesenyas ng hala ka lagot ka. Hindi ko sila pinansin at binalik ang tingin kay Z.

Nagsusukatan sila ngayon ng tingin ni Gavin at hindi ko makapa ang dahilan kung bakit ganyan silang dalawa. Walang salita ang umalpas sa bibig nila pero tila nagbabatuhan ng mga maaanghang na salita ang kanilang mga mata. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kasalukuyan akong nasa gitna at parang tangang nakatayo.

"Let's go," sabi ni Z at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Napangiwi ako. Magpapatianod na lang sana ako sa paghila niya pero nahinto 'yon nang hawakan ni Gavin ang kabila kong kamay. Ano 'to? Ako na ba si Shan Cai ng meteor garden? Pinag-aagawan?

"Hindi mo ba nakikita na nasasaktan siya Z?" Seryosong sabi ni Gavin. Tumingin siya sa 'kin at muling ibinalik ang paningin kay Z.

I looked to Z na ngayon ay nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon but his expression changed. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi pa rin nito binitawan 'yon. Binalik niya ang tingin kay Gavin. Masamang tingin ang pinukol nito sa kanya.

"Sino ka para sabihin 'yan sa posisyon niya? Spokesperson ka na ba?" Sarkastikong anang nito.

Ang paligid ay nabalot ng nakakabinging katahimikan ng siya'y magsalita. Naitikom ng iba ang bibig at ang iba'y nagbubulungan. Malamang ay nagpupustahan na naman sila. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa mga bubuyog na ito?

"At sino ka rin para hilahin na lang sa kung saan si Rue?" Balik na tanong ni Gavin.

Z smirked and said. "I'm her boyfriend. Is that reason enough to drag her away from you?"

Namilog ang mata ko sa narinig. Parang may sumipa na kung ano sa dibdib ko nang sambitin niya ang katagang 'yon. May kung ano sa sinabi nito na nagpakiliti sa loob ko kahit alam ko namang hindi iyon totoo.Hindi sadyang nahagip ng paningin ko ang mga kaklase kong nasa likuran niya na nagsibulungan. Bulungang buong barangay ang nakakarinig.

"Ohhhh..."

"Speed!"

"Galawang Zinnon brad!"

"Sabi ko na e!"

Hindi ko na sila napagtuunan ng pansin dahil doon natuon ang atensyon ko sa pagluwag ng pagkakahawak ni Gavin sa 'kin. Gusto kong magprotesta dahil alam ko namang hindi totoo ang sinabi ni Z. May kung ano sa loob ko na inuubligang magpaliwanag kay Gavin pero hindi ko na 'yon nagawa. Tuluyan na akong nakuha ni Z pero huminto muna ito at binitawan ang kaliwa kong kamay at ang kanan naman amg hinawakan nito at walang habas na hinila ako papunta sa second floor ng building namin.

Ang normal na hakbang niya ay parang tinatakbo ko na. Hindi ko na 'yon masabayan. Muntik pa akong madapa dahil sa bilis nito. Ang isang hakbang yata nito ay katumbas ng tatlo kong hakbang. Tang na juice na 'to! 'Pag ako talaga nadapa malilintikan ang Z na 'to.

Nagpahila lang ako sa kanya hanggang makapasok kami sa dance room slash ballet room na ginawang tambayan namin.

He let go of my hand and stared at me intently. Anger is now visible on his face.

"Pwede kang maging close sa lahat pero Rue 'wag si Gavin!" He squeezed his eyes shut and massaged his temple.

"Wow! Sino ka para utusan ako ng ganyan ha Zinnon?" Sarkastiko kong wika.

"Sundin mo na lang ako." Malamig na anito.

Agad na nagsisalpukan ang mga kilay ko. Sino siya para sabihan ako ng ganyan? For pete's sake! Gavin was his friend! A classmate! Tapos pagsasabihan niya ako ng ganyan behind Gavin's back? Anong klase 'to?

Galit na tiningnan ko siya. "Gavin is my friend at wala kang pakialam doon!"

Bakit parang nahihinuha ko na ayaw niyang maging malapit ako sa kanya? Problema nito?

"Meron akong pakialam Rue! I know what's best for you," he said.

"What is the best for me? Tell me! Now you're acting like my mom? What the f*ck are you up to Zinnon?" Inis kong sigaw pero kingina tinalikuran niya lang ako at naglakad papunta sa pinto. Bastos din! Hinabol ko siya. Siya ang humila sa 'kin dito tapps iiwanan niya lang ako? Naiinis ako!

"Kinakausap pa kita kaya h'wag mo akong tatalikuran, Zinnon!" galit kong sigaw. "Hindi kita maintindihan e! Bigla-bigla ka na lang magagalit na hindi ko alam ang dahilan. At wala akong makitang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan!!!" Hinawakan ko siya sa kamay kaya napahinto ito ngunit nakatalikod sa akin.

Bigla niya akong hinarap. "You know what? Ang manhid mo rin, e. Nagpaparamdam na ako sa 'yo pero wala! You want to know why I'm acting like this? It's because I'm jealous! Nagseselos ako sa inyo ni Gavin! Happy with that?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. M-manhid? W-what the hell? Siya pa lang ang lalaking nagsalita ng ganyan sa 'kin. Nakakainis! Nagmula pa talaga sa kanya, ha?








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top