CHAPTER 37

A/N: Hello asfaniards ❤ I'm glad that you're enjoying reading this story. Sana ay masuportahan niyo pa po ako sa mga stories na gagawin ko pa. Sorry at ngayon lang naka-update.
Maraming salamat po sa paghihintay.😘

----
Chapter 37: Foundation week part II

Rue

"RUE!  Comeback here! Ano ba? Rue! Naririnig mo ba ako, ha? Don't act like a brat again, Rue! Come here! Rue! Rue!" he shouted.

I rolled my eyes when Kuya Eziel followed me. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang hawak ang backpack sa kabilang kamay at ang isa ay nakahawak sa tagiliran ko (kung saan ako nasaksak). Nagpumilit akong ipakuha ang cast na nasa kaliwang braso ko.  Ayokong mag mukhang baldado sa araw ng pagbabalik ko sa eskwelahan.

Pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang ginagawa ko. Hindi ko siya pinansin at nagmistulang hangin siya sa harap ko.

Ano bang ikinapuputok ng butsi niya ngayon? Papasok naman ako at hindi maglalakwatsa, ah? I'm being a good student here. Duh!

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makababa. Pumunta akong kitchen at dinampot ang tinapay at hotdog na nakahain. Binilisan ko ang pagnguya para agad na makaalis sa bahay. Mahirap na baka hindi na ako makaalis mg tuluyan dito dahil sa mokong kong kambal.

"Rue! Are you listening to me? Hindi ka puwedeng umalis! You're not yet totally healed for pete's sake. You heard the doctor, right? You need a total bed rest. Hindi ka p'wedeng umalis! Baka bumuka 'yang sugat mo. Rue!" litanya niya pero  tuloy-tuloy lang ako at hindi siya tinapunan maski isang lingon.

Okay? Nakaiirita na. Parang babae kung dumada itong kuya ko. Shutangina naman. Sarap lagyan ng packing tape.

"Rue, ano ba? I will  call mom and dad—" I cut him off. Doon  na 'ko huminto at nilingon siya.

"Kuya, I'm great as hell! H'wag kang over acting d'yan, na 'kala mo may isang metrong saksak akong natamo!" singhal ko at napairap sa ere.

Makahabol at makadada ng bibig 'kala mo baldado na ako. Sarap ding sapakin ng sampung beses, e. 'Di joke lang, kahit ganiyan 'yang kuya ko, mahal ko pa rin 'yan 'no! Simula no'ng mabuo kami ay nagsama na kami sa iisang sinapupunan kaya ibibitin ko na lang 'yan patiwarik sa veranda namin.

"Aray! Eziel, ano ba? It hurts you know," reklamo ko habang sapo ang ulo.

Hello? Kagagaling ko lang sa hospital tapos ginaganito na ako? Sinamaan niya ako ng tingin pero binaliwala ko 'yon. Ha! Hindi na 'yan ngayon sa 'kin tatalab Kuya kaya manigas ka!

"Call me kuya! You, brat." Piningot niya ako kaya napasigaw ako ulit.

My gorgeous ear! Napahawak ako ro'n at humaba na ng tuluyan ang nguso ko habang nakatingin sa kanya. Sinamaan niya lang ako nang tingin at akmang kakaladkarin papasok sa bahay pero agad akong naupo para mapatigil siya.

"Ouch!" daing ko. I forgot na mayroo pala akong tahi. Kainis! Itong kuya ko kasi, e! Napahawak ako sa tagiliran ko dahil kumirot ito. Sa pagkakataong 'yon ay napatigil si kuya at tuluyang binitawan ang kamay kong hawak-hawak niya. Agad niya akong dinaluhan at nag-aalalang mga mata ang sumalubong sa akin.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko, Rue! Ba't ka ba kasi nagpumilit na lumabas sa hospital? Look what happened to you. Ano masakit ba? Bubuhatin na kita papunta sa kwarto mo," hindi magkandaugagang anito. Akma niya na akong bubuhatin pero pinigil ko.

"Kuya! Sobra ng ka-oa-han 'yang sa 'yo. You see? I'm alive and kicking. P'wede na nga ring maghamon ng rambol sa kanto. Stop it, kuya, nakaiirita 'yang ginagawa mo. Hindi bagay sa 'yo, okay? Okay lang ako. Okay na okay. I'm going to school today, so please can you let me?" Tumayo na ako at pinagpag ang uniform kong nadumihan.

Yes right! Naka-uniform ako. Ano bang pakialam nila kung mag-u-uniform ako ngayong foundation week? May batas ba? I heard my twin brother sighed, nangunguhulugang wala na itong magawa sa desisyon ko. Palihim akong napangiti. Hindi pa rin ako nito matitiis, e. Kahit na hindi ko siya pinansin at tinatakasan ko palagi ay hindi man lang ito nanumbat ng kahit ano. He didn't say anthing. Bigla na ring nawala na parang bula ang pagtatampo ko. Wala e, topakin din.

"Tsk. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sumakay ka na sa sasakyan ko. Faster!" Ayan magsungit na. Bumalik na sa topak niya. Napakandirit pa ako sa tuwa pero agad din napatigil dahil kumirot ang sugat ko. Pumasok na ako sa sasakyan niyang mahal pa raw sa buhay ko aa sinara na ang pinto.

Nag-drive na siya at walang imikan kami sa loob ng kotse niya. Dahil wala naman akong magawa ay naglaro na lang ako sa phone ko.

It's friday and last day of our foundation week  so I insist na ma-discharge sa hospital. Nagtalo pa kami ni kuya, but in the end, ako pa rin ang may huling halakhak.

"Rue. . ." Nahinto ko ang paglalaro at nilingon siya.

"Hmm?"

"Promise me that you'll not do reckless things again," saad niya pero hindi ako nililingon. Diretsong nakatuon lang ang mata nito sa daan at seryosong nagmamaneho.

I bit my lower lip dahil wala akong makapang sagot. I'm confused. Why the hell he's acting like this? Bigla-biglang nag-iiba ang mood. Parang babae.

Tumahimik ulit sa loob ng sasakyan. Hindi naman ako makakapangakong hindi ako mapapasubo sa mga away, kaya bakit ako magsisinungaling? Mas mabuti na lang na huwag sumagot, kaysa naman na sumagot ka nga, puro kasinungalingan naman ang laman. Buong biyahe naglakbay ang isip ko sa mga kung ano-ano. Hanggang sa hndi ko na namalayan na nasa parking lot na pala kami ng HA.

"Bakit hindi mo sinabing narito na tayo? Kuya naman, eh!" reklamo ko.

"Ang lalim-lalim ng iniisip mo, kanina pa kita tinatawag! Bingi ka lang," singhal niya at agad na lumabas.

Kita mo 'to? Kanina ang bait-bait, ni ultimo pag-gawa ko ng isang hakbang nakaalalay, ngayon naman parang tigreng manglalapa ng buhay na kapag hindi ka gumalaw agad kang susunggaban. Tang na juice!

Iniwan  na ako ng kuya kong tukmol kaya ngayon ay mag-isa na lang ako sa kotse niya. Bahala siya r'yan. Mamaya na ako lalabas. Baka ichismis na naman ako rito at ma-shock sila sa katotohanang magkapatid kami ng guwapo kuno ng star section.

Humaba ang leeg ko nang may nakita akong nakausling papel sa dashboard. What's this?

Inabot 'yon ng kamay ko at walang pag-alinlangang binuksan sa pagkakatupi. Namilog ang mata ko sa nakita. Mayroong nakasulat at picture sa gilid ng pink na papel na 'yon. The f*ck! Who ever she is, she's a goddess. Sobrang ganda niya. I read the letter at mas lalo akong napakunot noo.

I'm here in the Philippines. Please wait for me, Eziel. I will own your heart again.

Love,
PLG

A love letter, huh? I can't imagined, Eziel, will wrote back with this freakin' letter. At nakalagay pa talaga sa pink? Kadiri. PLG? Who is she? Palaging Gutom gano'n? PLG. Napatawa ako at ibinalik na ang letter. Mahirap na baka mapa'no ako sa mga kamay ni Kuya Eziel, safety precaution gano'n.

Naglakad na ako at maraming mga  booth ang nasa paligid ang natanaw ko. Napahawak ako sa t'yan ko nang marinig na tumunog ito. Gutom na naman. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung na saan ang booth na mayro'ng pagkain and finally may nakita akong malapit lang. Bumili ako ng hotdog at fries saka inumin.

Wait? Bakit hotdog na naman itong kakainin ko? Tch.

I've decided na ituloy ang kumakain sa building ng worst section. Narito kaya sila sa school? Hindi ko sila nasabihan na papasok ako ngayon. Nasa kalagitnaan ako na ako nang paglalakad ng bigla akong mapatid. Sa pagkakataong 'yon ay nabitawan ko ang pagkain ko pati na rin ang juice.

Damn it!

Napahawak ako sa tagiliran ko nang masubsob ako semento.

"Hi bitch! Finally, nakita rin kita." Tumawa siya. Maybe she didn't know what happened to me.

"Obviously, nakikita mo 'ko. May mata ka remember?" I said with a fact. Nakatungo ko silang nginisihan. Mawawala ba naman ang mga nakabuntot niyang alipores?

Biglang dumilim ang mukha niya at mabibigat na mga paang sinugod ako. Lalapat na sana at handa ko nang maramdaman ang mga palad niya sa mukha ko nang may pumigil sa braso niya.

"Don't you dare slapped my girlfriend, baka hindi ko matantya at makalimutan kong babae ka."

My heart skipped a beat the moment I met his gaze. Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko at napalunok ng ilang ulit.

W-what did he say? I-I'm his girlfriend? When? How?

Hindi ko maintindihan kung bakit may saya akong naramdaman ng sabihin niya 'yon. Walang pagtutol sa kabila ng isip ko. Napasinghap si Cazzy at mga alipores niya sa narinig pero agad silang nakabawi.

"Let go of me, Zinnon! Don't touch me!" Nagpumiglas si Cazzy kaya nakawala ito. "Siya? Girlfriend mo? Ha! I'm better than her. Type pa naman sana kita kaso mahilig ka pala sa garbage na katulad niya kaya 'wag na lang. Tutal, Eziel is way better than you kaya sa kanya na lang ako," malanding pahayag niya.

I saw how Z clenched his hands at kung paano umigting ang panga nito pero wala siyang naging tugon sa sinabi ni Cazzy. Maski  ako ay nainis sa sinabi ng malanding pusang ito. I don't know why I'm feeling this.

Hindi ito pinansin ni Z at pinatayo na ako. Nainis si Cazzy sa ginawa niya kaya nagmartsa na lang ito kasama ang mga alipores niyang gawa sa coloring book ang mukha. Bahala kayo r'yan.

"Why the hell are you here?" inis na anito.

Naningkit ang mga mata ko sa tinuran  niya. Wow! Hindi man lang ako kukumustahin kung okay ba ako. Hello? Oo nga pala, I forgot he's Zinnon the great! Ang astiging bubuyog ng worst section. Taena.

Nag-iwas ako ng tingin nang napatitig ito sa 'kin. Muling tumambol ang puso ko kaya hindi ako mapakali.

"A-ano. . . na saan ang i-iba?" pag-iiba ko ng usapan at  pasimpleng lumayo. Jusko! H'wag ka ng humirit pa at baka atakihin na ako sa puso rito.

"Sa room. Partying," tipid na anito.

"Partying? Ano 'kala nila sa eskwelahang 'to? Club?"

"We are the worst section, expect the unexpected." Kumibit-balikat ito at agad na lumapit sa 'kin at inalalayan na ako. Ayan na naman ang puso ko. Ang ingay! Nagpatianod na lang ako at walang imik na naglakad.

Napatingin pa ako sa pagkain kong natapon at ngumuso ng palihim. Sayang naman. Masarap pa 'yon e!








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top