CHAPTER 36

Chapter 36: 5 minutes

Rue



ANG ingay! Natutulog dito ang tao e! Tsk! Napakunot ang noo ko ng marinig ang mga pamilyar na boses. Ano na naman bang kahangalan ang pinaggagawa nila ngayon sa buhay? Mas lalong nangunot ang noo ko sa narinig na music. What the eff?

It really hurts ang magmahal nang ganito,
Kung sino pang pinili ko, hindi makuha nang buo
Hanggang gano'n na lang nga, kailangan ko 'tong tanggapin
Na sa puso mo, mayro'n na ngang ibang umaangkin

At alam ko na rin na mayro'n nang nagmamay-ari,
Sa pag-ibig sa iyo, ako itong nakikihati
At ano man ang mangyari, 'di ko kayang manumpa
At kahit pa ilihim mo ako sa lahat.

Iminulat ko ang mata at ang nakasisilaw na ilaw ang una kong nakita. Agad kong iginala ang paningin at dumapo ang mata ko sa huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay. Kumunot ang noo ko sa ginagawa niya.

He's dancing like a crazy sh*t.

"What the f*ck are you doing? Nag-oorasyon ka ba o ano?" pasinghal kong wika.

Who would thought Zinnon will dance like that? Literally no one, no one! Mukhang nagulat si Z dahil nanlaki ang mata nito at biglang tumigil sa pagsayaw at tumayo ng tuwid. Parang tanga 'to. Natawa ako sa isip dahil sa reaksyon niya.

"G-gising k-ka na pala, I-I'll call the doctor, " utal na sabi niya.

"Ako na, Z," prisinta ni Cielo at lumabas. Hindi na umangal si Z at umupo na lang sa tabi ko.

What's wrong with this idiot? Hindi mapirmi sa kinauupuan, mukhang inaasinan.

"Rue, alam mo ba alalang-ala 'yan si Z sa 'yo ng hindi ka pa nagigising!"

"Oo nga, Rue. Halos hindi nga makatulog 'yan. Natutulog pa ba 'yan?"

"Ehem!"

I frowned. Ha? Biglang tumambol ang puso ko sa narinig. Tang na juice! Napatitig ako bigla kay Z at agad ring napaiwas. My heart skip a beat when our eyes met. Mabilis kong iniwas sa kaniya ang paningin ko, hindi ako makatagal. Parang gusto kong sapakin bigla ang sarili. Napa'no ba ako?

"You're blushing." Napatingin ako kay Z ng sabihin niya 'yon. Nang-aasar. Ngumisi pa at sumilay ang malacolgate na ngipin nito. Iba!

"S-sino? Hindi ako 'yon ah!" tanggi ko.

My eyes darted with the others. They're all suppressing their laughter. Some manage to hide it but the others failed. Sinamaan ko sila ng tingin at isa-isa umiskapo. Kung hindi lang talaga ako bagong gising at baldado rito ay nasapak ko na sila isa-isa. Tang na juice na term. Baldado! Taenang 'yan.

Hinagilap bigla ng mata ko si Hiro pero wala siya rito sa tabi ng kama ko. Na saan na naman ba nagsuot ang japayuking iyon? Nang makita ko siya ay tinawag ko pero parang walang narinig ang loko. Tila may iniisip at napakalalim no'n. Hindi man lang ako pinansin. Ay dedma! I called his name again pero may kalakasan na. Gaano ba kalalim itong iniisip niya? Sa sobrang lalim siguro ay naabot niya na ang oceanic floor. Doon na nagsilingunan sa kanya ang ibang mga bubuyog kong kaklase. Nakaupo kasi ito sa sofa at nakakrus pa ang mga braso.

"Hiro kanina ka pa tinatawag ni Rue," sigaw ni Owen sa kaniya. Doon na siya natauhan at nakuha na namin ang atensyon niya. Finally!

Mayroon yatang problema si Hiro? I can sense it.

"H-ha? S-sorry hindi ko narinig." He scratched his temple at ngumiti ng bitin.

"Kapag daw lutang ang isang tao ay inlove ito," asar ni Owen at ngumisi pero agad siyang sinamaan ni Hiro.

Tumayo na siya at naglakad patungo sa kama ko. I smiled at gano'n din ang ginawa niya. Why the hell I'm feeling that somethings off 'bout him?

"Okay ka lang?" I asked out of curiosity.

Chismosa na kung chismosa. Atleast hindi pakialamera kagaya ng kapitbahay niyo d'yan.

"Ako dapat ang magtatanong niyan sa 'yo dahil ikaw ang masyadong napuruhan at nakaratay sa kama." He chuckled. "How do you feel?"

"Okay na ulit, pwede ng manapak ng isang daan. Ako pa ba?" I raised my right fist.

Nasulyapan ko pa si Z na titig na titig sa 'kin at masamang tingin naman ang pinupukol kay Hiro. Nakakaewan ang dalawang ito. Napatawa si Hiro at ginulo ang buhok ko. Ugh! My hair.

"Halata nga, Rue, pero bago ka manapak d'yan pagalingin mo muna ang kaliwang kamay mo." Anito. Napatigil ako pero agad akong nakabawi.

Enebe Hiro! Alam kong mabait kang tao at hulog ka ng langit noong unang araw ko rito sa HA pero hanggang doon lang 'yon noh. Huwag mo akong anuhin, marupok 'to! Baka maano ako at maano tayo. The f*ck with my thoughts?

"S-sinabi ko bang ngayon na agad? Kapag magaling na ako ay maniningil ako!" I said stuttering.

He smiled at kinurot ako sa pisngi. Aray! Namumuro na 'tong japayuki na ito ah? Porket cute! Nanlaki ang mata ko at gano'n din ang reaksiyon niya.

"Ang cute-cute mo talaga—" hindi niya natapos ang sasabihin at napatingin sa ibang kaklase ko. Bumalik ang tingin nito sa 'kin at napasulyap ako kay Z na ngayon ay masamang nakatingin kay Hiro. Napalunok ako ng wala sa oras.

Biglang binawi ni Hiro ang kamay niyang nasa pisngi ko at nilagay sa bulsa niya. Binalot ng katahimikan ang silid ko at ni walang gustong sumira roon, maski ako.

Tumawa bigla si Owen pero halatang pilit.

"O-owen. . . tara bili tayo ng drinks sa labas," aya niya sa loko at inakbayan. Sapilitan!

Weird.

"O-oo tara. Nauuhaw na rin ako," napipilitang tugon nito at tumawa.

"Bilhan mo rin kami!"

"Juice lang akin ah?"

"Tequilla sa 'kin!"

"Tequillahin ko 'yang mukha mo Cyril!" Sigaw ko at hinagis ang unan sa kanya. Bulls eye! Nagtawanan ang iba at ang iba ay nagsimulang lumabas. Hanggang sa kami na lang ni Zinnon ang natira sa rito.

"Tsk." Nilingon ko si Z na nakaupo pa rin sa gilid ng kama ko.

Wow. May demonyong nagbabantay sa 'kin. Aw. Touch ako.

"Inaano ka d'yan? Lakas ng bagyo mo!" Kunot noo ko siyang pinasadahan ng tingin.

Ngayon ko lang napansin na ang gwap-err hindi! Nangingitim ang ilalim ng mata niya. Zombie na ba 'to? Tang na juice! Alam niya ba ang salitang tulog? Mukhang pinagkaitan e!

Sinalubong niya ang tingin ko at doon na ako napatigil ng husto. Am I assuming? There's something in his eyes that I can't explain. Bigla ay nawala ang Z na matatag, matapang at cold sa ibang tao. Mga emosyong hindi niya pinapakita sa iba ay nakikita ko sa mga oras na ito.

"Rue..."

Napatitig ako sa mga mata niya. My heart was beating so fast and I can't explain why am I feeling this. His dark chocolate eyes stared at me intently. I was so shocked when he held my hand and hugged me tighly. Hindi ko inasahang gagawin niya 'yon.

"I'm sorry," mahinang usal niya habang nakaakap sa 'kin.

Tila nalunok ko ang sariling dila at walang mahitang salita. Hindi ko alam ang dapat na sasabihin. I'm not used to this kind of situation. Napakunot din ako ng noo dahil hindi ko alam kung saan at ano ang pinagmumulan ng paghingi niya ng sorry.

Kakalas na sana ako pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa 'kin para hindi makawala.

"5 more minutes please..." Pakiusap niya.

"Z...a-ano—" He cut me off.

"Shh...let me hug you. Limang minuto."

Sa huli ay wala akong nagawa. Hinayaan ko siya sa gusto niya. Pero lagpas na limang minuto ay gano'n pa rin siya. Parang butiki!

"Namumuro ka-" hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla kong nakita si Hiro na nasa loob ng kwarto.

Tang na juice! Kailan siya napunta d'yan?

Bigla kong itinulak si Z at patay malisyang umayos sa pagkakaupo sa higaan. Nakakahiya! Baka kung ano pa ang iisipin ni Hiro at Owen nito! P*nyeta ka Zinnon! Ikaw may kasalanan nito e!








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top