CHAPTER 31

Chapter 31: Dead


Rue



"ANO pang hinihintay ni'yo mga bobo! Sugod! Patayin niyo sila!" sigaw ni Arllu at kusa namang nagsisunod ang mga alagad niya. Mukhang nagalit, 'ata sa sinabi ni Z sa kanya.

Truth really hurts ika nga!

Pinalibutan nilang lahat ang section namin. Nilabas nila ang kani-kanilang mga kutsilyong dala at itinutok iyon papunta sa target nilang kalabanin.

My eyes widened ng muntik ng matamaan si Hiro but he managed to dodge it. Nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.

Salag, sipa, suntok lang ang pinaggagawa nila at halos hindi na iyon masabayan ng ilan sa mga kalaban nila. Habang hindi nakatingin ang langyang may hawak sa 'kin na nagngangalang Raymond ay tagumpay kong nakalas na ng tuluyan ang tali sa 'kin.

Thanks to this knife!

Hawak pa rin ako sa buhok ng unggoy na 'to. Naghahanap lang talaga ako ng tyempo para makaganti sa kanya. Nakatali pa rin ang mga paa ko pero wala siyang kamuwang-muwang na nakalas ko na ang tali sa kamay ko. Napakabobong alagad!

"Hindi ni'yo man lang mapuruhan mga gago! Sayang ang binayad ko sa inyo!" galit na sigaw sa kanila ni Arllu.

"Bobo kasi ang leader kaya bobo rin ang alagad!" asik ko kaya bigla siyang napasugod sa direksyon ko.

"Rue, just shut up, will you?!" galit na ani Z at binalibag ang kalaban.

Bakit siya pa itong galit? I just rolled my eyes at hindi siya pinansin.

"Anong sabi mong walang hiyang babae ka?!" Mabilis niya akong nilapitan at akmang susuntukin.

Hindi mo na 'yan magagawa sa 'kin tanga!

Sinalo ko ang kamao niya at sinuntok siya sa mukha. Parang gusto kong mangbasag ng mukha ngayon! Nakakagana! Tang na juice!

"Surprise?" Ngumisi ako dahil hindi sila makapaniwalang nakawala ako. I raised my both hands and shrugged my shoulders. Mabilis akong naupo sa punatatalian ko kanina. I immediately untied the rope na nasa paa ko habang nnakatulala pa rin sila. Mga bobo nga talaga!

Tumayo na ulit ako at pinagpagpag ko dalawang kamay matapos kong makalas ang tali sa paa. Biglang akong nahilo pero hindi ko 'yon ipinahalata sa dalawang 'to. F*ck the both of them!
I managed to balance my body and give them a wicked smile. Lakas mag-acting hinang-hina naman!

"Hunghang! Wala ka talagang kwenta Raymond! Hulihin mo!" sigaw ni Arllu sa kaniya.

Inambahan ako ng suntok ni Raymond pero nailagan ko iyon. I punched his face at tinuhod siya. Bagsak!

"You'll pay for what you've done to me." Tinuro ko ang ulo kong dumudugo pa rin.

I can manage the pain. Sanay na ako diyan. Psh! Ako pa ba?

Napaatras siya bigla at hindi makapaniwalang napabagsak ko 'yon. Isa pa nga lang ang napabagsak ko takot na takot agad. Paano pa kayang lahat ng 'to? Ang yabang ko! Hayaan na!

Pwede namang magmayabang kung may ibubuga ka, ' no! Hindi kagaya ng isang 'to. Bobo na nga, mayabang pa at wala naman sa gawa. Utos lang ng nang utos. Tanga!

Disperado niyang kinuha ang tubong malapit sa kanya. Nanginginig niya itong itinutok sa 'kin at patuloy pa rin siya sa pag-atras.

"I'm just a girl yet you're scared as sh*t like I'm Captain America catching a villain in the city," napatawa ako nang pagak.

Hindi ko yata nasabing nasa second floor kami ng abandonadong building na 'to. Lungga ng mga unggoy to be exact.

Palihim akong napadaing ng kumirot ang kaliwang braso ko. Sh*t! Not this time please!

"Hinang-hina ka na pero pinipilit mo pa ring magtapang-tapangan? Bilib na ako sa chicks mo Zinnon!" sigaw niya at nakakalokong tumawa.

Matalim ko siyang tiningnan.

"F*ck you!"

"D*mn you!"

Gulat akong napatingin sa gawi ni Z ng sabay naming sinabi 'yon. Nakatingin din siya sa akin at biglang tumibok ng napakabilis ang puso ko.

Alam kong hindi ito oras para sa mga ganito pero hindi ko mapigilang pagmasdan ang nag-aalala nitong mga mata. Mga matang pamilyar sa 'kin at parang nakita ko na rati pa. Parehong-pareho sa mga mata ni De-Dey. Ang batang palaging sumasagip sa 'kin. Pero impossibleng siya 'yon. Napakalayo sa antipatiko nitong ugali at ubod ng sungit na Zinnon na 'to.

Medyo hingal na rin sila Zinnon at ang ibang worst section pero matitikas pa rin ang pagtayo nilang lahat. Bukod do'n ay mas nangingibabaw ang tindig ni Z sa lahat. Natulala ako bigla sa kanya at tila bumagal ang oras. What's this?

Their eyes widened including Z's. Sabay silang lahat na sumigaw pero parang wala akong narinig. Zinnon ran into my direction leaving the others behind.

"Rue! Watched out!" Z shouted.

Nanumbalik ako bigla sa wisyo at ipinihit ang katawan sa direksyon ng kalaban—kay Arllu. Pero huli na lahat. Nanlalaki ang mata kong napahawak sa kamay niya na nakahawak sa armas na nakatarak sa tagiliran ko.

"Huwag kang tumingin sa iba dahil ikakamatay mo kapag nalingat ka!" Malademonyong tumawa si Arllu at hinugot ang kutsilyong hawak niya. "Tumayo kayo riyan mga hayop! Tayo! Mga walang silbi!" Sigaw niya sa mga kasamahan niya.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha 'yon gayong tubo lang naman ang hawak niya kani-kanina lang.

"F-f*ck y-you!" Nabuwal na ako sa kinakatayuan at hindi na talaga kinaya ng mga paa kong suportahan ang balanse sa katawan ko.

Unti-unti akong bumabagsak sa semento at naliliyong tiningnan ang galit na galit na Zinnon. Sinuntok niya ng paulit-ulit si Arllu ng marating ang kinaroroonan nito.

"Walang hiya ka!" Tinadyan siya ni Z at napaatras ito.

As far as I know Zinnon doesn't lose his composure. Eversince that I met him kahit na galit ito ay cool pa rin siyang tingnan pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko aakalain makikita ko ang galit na galit na mukha nito.

"I-ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito amg mukha ko!" sigaw sa kaniya ni Arllu pero kita ang takot sa mukha nito. Duguan na rin ang mukha niya.

"I didn't do anything. You did it not me." Umiling si Z.

"I-ikaw! Ikaw ang may gawa nito. Kasalanan mo 'to!" diing pagpaparatang ni Arllu.

"Don't you remember?" Kunwaring napabuntong hininga si Z. "You did it by yourself. Sinangga ko lang ang kutsilyong itatarak mo noon." Tumawa ulit si Z, nang-aasar.

Humakbang siya ng ilang beses palapit kay Arllu at atras lang ng atras ang ginawa niya. Hindi niya na ata napapansin na isang hakbang nalang ay mahuhulog na siya mula rito sa second floor.

"I-ikaw ang may gawa nito! P*tangina mo, Zinnon!" Nanginginig niya g hinawakan ang mukhang may marka ng kutsilyo at umatras. Napasinghap ako at nanlalaki ang mga matang napasigaw.

"S-stop!" hinang-hinang sigaw ko pero kahit ako mismo ay hindi ko na marinig ang boses. Nagsimulang lumabo ang lahat pero rinig ko pa rin ang paligid.

Napasigaw ni Arllu nang malaglag ito mula sa second floor  hanggang sa marinig ko ang pagbagsak niya sa ilalim.

"He's dead," nakadungaw na ani Zinnon sa baba. Doon na ako pumikit ng tuluyan. Mabilis siya lumapit sa 'kin pagkatapos at tinapik ang pisngi ko. "Rue! Rue! Open your eyes, " alalang anito pero hindi ako tumugon. Parang gusto ko munang magpahinga. Gusto kong matulog na lang pero nilabanan ko. Idinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang mga nag-aalalang tingin ni Zinnon.

Narinig ko ang mga yabag ng mga kaklase ko papunta rito. Pinilit kong tingnan sila at ang mga kalaban nila. Bagsak lahat.

"M-may m-mga g-galos k-kayo..."

"Sh*t, Rue!"

"Kami pa talaga ang inalala mo!"

"Huwag kang matulog Rue!"

"Kasalanan natin 'to eh!"

"Rue! Don't sleep please. I'm begging... Hiro drive us to the nearest hospital!" Zinnon said and after that everything went black.

Sorry but I can't help it, Z. I want to rest. I want to sleep. I'm tired.









A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top