CHAPTER 30
Triggered Warning!
Unappropriate scenes.
---
Chapter 30: Zoo keeper
Rue
NABALIK ako sa ulirat ng maramdaman ang nangingilabot na kamay na unti-unting tinatalunton ang paa ko papunta sa tuhod ko.
"N-no! P-please stop it!" I begged but that f*cktard just smirked at me devilishly.
Gusto kong pumalag pero wala akong magawa. Gusto kong lumaban pero hindi ko rin magawa. Gusto kong durugin ang mukha niya dahil sa ginagawa niyang kalapastangan pero wala akong magawa.
Napakahina ko!
"Virg*n, ka pa ba, miss?" Ngumisi siya at binigyan ako nang nananabik na tingin.
"F*ck you to the pits of hell!" Nagpumiglas ako sa pagkakatali at naramdamang humapdi ang balat ko sa parteng nakagapos. Hindi ko 'yon ininda. Dinuraan ko siya sa mukha at dahil malapit lang ito sa akin ay ginamit ko ang ulo ko para tamaan ang ulo ng gagong 'to.
Ultimate headbang! Tang na juice! Kasintigas ng bato ang ulo niya. P*nyeta!
He winched in pain. Serves him right.
" Walang'yang babae ka!" Kinuha niya ang tubo na malapit sa paanan niya at walang pag-aalinlangang hinampas sa akin 'yon.
Hindi ako makailag dahil sa mga taling nakahadlang sa paggalaw ko. Ang tangi kong ginawa ay abangan ang pagtama ng hawak nito sa katawan ko. Hinanda ko ang sarili sa sakit na matatamo.
"P*tangina ka, Raymond! Baka tayo ang mapatay ni Boss Arllu dahil sa ginawa mo!"
"Gago ka, Raymond! Buhay pa ba 'yan?"
"Walanghiya ka Raymond babae pa rin iyan!"
"Mga tanga! Papatayin naman iyan ni boss sa huli. Huwag kayong mga gago diyan!" pakinig kong singhal sa kanila ni Raymond.
Umikot bigla ang paningin ko dahil sa tama ng tubo sa ulo. Sinong pontio pilatong magiging okay pa kapag hinampas ka ng tubo sa ulo? D*mn it!
Bigla kong naramdaman ang pagtulo ng mainit na dugo na nagmumula sa ulo ko. Sh*t that Raymond! Curse you!
"Rue!"
Maliyo-liyo akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Pilit kong inaaninaw kung sino 'yon pero hindi ko makita. My vission went blury at the moment but it I kept myself sane.
Nagsimula siyang kalabanin ang nadadaanan ng mag-isa. Biglang naging malinaw ulit at naaninaw ko ang gagong Z na iyon! Nanlaki ang mata ko.
"G-gago! B-bakit ka pumunta rito? Papatayin ka ng mga hayop na 'to!" nanghihina man ay pilit kong isinigaw iyon para marinig niya.
"Papatayin ka namin!"
"May atraso ka pa sa akin Zinnon!"
"Magbabayad ka sa ginawa mo!"
"T'ss." Iyan lang naging tugon niya sa mga sumusugod sa kanya.
Walang modo talaga. Baliw! Kaya mas lalong napikon ang mga kalaban niya. I was impressed the way he moves and dodge everything. He's good in fighting.
And hot!
Where the f*ck that word came from? Ugh! No his not! His not.
Hot!
Halos mangalahati na ang mga natutumba ni Z at wala man lang ni isa ang nakatama sa kanya not until the boss appeared. Tinamaan siya bigla sa likod ng tubo. Hindi niya 'yon nailagan dahil napatingin siya sa langyang Arllu na 'yon. That d*mn Arllu the monkey.
"F*ck!" usal ni Z.
Nangibabaw bigla ang palakpak nito dito, mabagal ngunit nang-aasar.
"Tsk tsk tsk. Gumagaling tayo Zinnon ah? Bilib na talaga ako sa 'yo eh! Nakaya mong lahat na itumba 'yan?" Humalakhak siya.
"Magaling ako sa lahat ng bagay. Unlike you. . ." Nakuha niya pa talagang mang-asar kay Arllu. Ngumisi ito at parang napikon naman si Arllu sa sinabi niya.
'Yon pa nga lang galit na. Paano pa kaya kapag ako na nagsalita, 'di ba?
Bilib na bilib din sa sarili!
Tumigil sa pag-atake ang mga alagad niya ng senyasan niya itong tumigil pero nakapalibot pa rin sila kay Z. Pasimple kong kinuha sa likod ng bewang ko ang nakatagong maliit na kutsilyo roon. Palagi kong dala 'yon saan man ako magpunta. At hindi ko aakalaing magagamit ko ito ngayon.
Bakit ngayon ko lang 'to naisip? Bobo ako sa part na 'yon.
Biglang may kumalabog sa labas at parang may kinakalaban ang mga bantay ni Arllu roon. Maybe they're here.
And I was right. Parang silang mga ramp model habang pumapasok sa abandonadong building na 'to.
"Late ba kami sa punched party na 'to?" ani Cryril at ngumisi habang hawak-hawak ang isang lalaking bugbog sarado. Binitawan niya agad ito at manghang tumingin kay Zinnon.
"Walang kupas!" tatawa-tawang ani Owen.
"Bilib!" iling-iling na sabi ni Rin.
"Ang gwapo ko!" out of nowhere na puri ni Noah sa sarili.
"Gago ka, Noah! Ang buhok ko!" Sino pa nga ba ang magsasabi no'n at palaging concern sa buhok niya kesa sa katawan niya? None other than, Cielo!
I just rolled my eyes. Dito pa talaga nilang naisipan magganyan ah? Wow!
"Tsk! You're all late," Zinnon said.
"Indeed," tumawa ng bahagya si Hiro.
Cute!
'Di pa rin talaga nawawala ang paghanga ko sa kanya. I'll admit, crush ko siya but these past few days something was bothering me. That Z!
"Ano pang hinihintay niyo mga hunghang! Patayin niyo silang lahat!" Galit na ani Arllu.
Nagsisugod naman ang mga kalaban at kanya-kanyang depensa ang section namin. Wala man lang silang dala na kahit ano compared sa alagad ni Arllu.
And I must say, they're totally a hella of a kind. Makikita mo sa pakikipaglaban nila ang pakikipag-isa at pagtutulungan.
Napangiti ako.
Eventhough they won't admit it. They're all like brothers. They protect each other. Hindi nila hinahayaang isa lang ang masaktan.
Ilang beses ko na bang sinabi na hindi man nila ipakita 'yon ay nararamdaman ko 'yon? Kahit na mag-away pa sila but in the end of the day it won't changed the fact that they have connections to each other. Ilang beses na ba akong humanga sa pagsasamahan nila?
Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman ang pagjila ng kung sino sa buhok ko. Napasigaw ako dahil sa sakit na dulot no'n sa sistema ko at pilit na nagpumiglas.
"Rue!" may pag-alalang sigaw nilang lahat.
Hindi ko napansin na naubos na pala nilang lahat ang mga kalaban. Biglang napabaling ang atensyon namin sa gagong pumalakpak na naman. Si Arllu. Hari ng mga unggoy!
"Tapos na ang warm up. Okay ba?" Humakhak siya na parang wala ng bukas. Imunuwestra niya ang kamay at lumabas ulit ang mga alagad niya. Mas double pa iyon sa nakita ko kanina.
Nanlalaki ang mga mata ko dahil hindi na tubo ang mga hawak nila.
"Surprise!" Humalakhak ulit ito at sinabayan din ng mga alagad niya pati ang Raymond na may hawak sa akin.
"Wala na kayong kawala rito. Magbabayad ang section niyo!" may diing wika ni Raymond.
Sh*t! P*tangina ang buhok ko!
"Tahimik! Sinong nagsabing makihalakhak kayo sa akin?" nanlilisik ang matang sigaw ni Arllu sa mga alagad niyang unggoy na kulang sa nutrisyon.
Tumahimik bigla ang mga ito. Pagkaraan ng isang segundo ay tumawa naman ang worst section. Nang-aasar.
Kingina! Baka mapikon 'tong Arllu na 'to sa pinaggagawa nila at hindi kami makalabas ng buhay dito. Lakas talaga ng sapak sa ulo ng mga kaklase ko!
Pinanlakihan ko sila ng mata pero walang epekto! Nagpatuloy lang sila. Nakitawa na rin sina Gavin, Owen, Hiro at Zinnon sa iba. So ako tatawa rin? No way!
"Anong tinatawa-tawa niyo riyan?" asik ni Arllu sa kanila.
"Mukha kasi kayong mga ligaw na unggoy!" asar ni Cyril.
"May kalbong unggoy oh!" Tawang-tawang turo ni Charles doon.
"T*ngina may mukha elepante!" Napasapo si Bryan sa tyan dahil sa kakatawa.
"Hala merong giraffe!" ani Henry
"Hindi niyo sinabing Zoo pala ang pinuntahan nating lumang building?" Hindi mapigiliang humagalpak sa tawa si Owen.
"Look. . . the zoo keeper was over there." Turo ni Z kay Arllu na ngayo'y umuusok na sa galit. Mapang-asar niyang nginisihan ito.
Seriously Zinnon? A freakin' zoo keeper?
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top