CHAPTER 27

Chapter 27: Missing

Gavin



"GAV what's wrong?" Hiro said. Tiningnan niya ako at kinunutan ng noo.

Napatingin sa 'kin ang iba at kinunotan rin ng noo. Tiningnan ko sila isa-isa and have a deep sighed.

"Where's Z?" Tanong ko at hindi sinagot ang tanong nila sa 'kin.

"I don't know. Hindi ko siya nakita kanina pa," Hiro replied.

"Kilala natin 'yon, ugali niyang huwag pumuta sa mga ganito." Tumawa si Owen pero nawala 'yon ng makita ang mukha ko.

"Sharing is caring," makahulugan ani Rin.

Sa pagkakataong iyon ay nagtinginan ulit kaming lahat. Lumapit sila sa 'kin na para bang alam na nila na magkukwento talaga ako. Seryoso akong sumulyap sa malayo kung nasaan ang isang lalaking pulos itim. Kunwaring hindi ko siya nakita at ibinalik ang tingin sa mga kasama.

"Someone's been following us." Direktang saad ko. Nagsinghapan silang lahat. "Nakasunod 'yan sa 'yo kanina Cyril.Huwag kayong lilingon. Mahahalata niya tayong alam na natin kapag ginawa niyo 'yon."

"What the f*ck? Kanina pa pala? Hindi ko 'yon napansin!" Gulat na ani Cyril.

Knowing Cyril, baliw man 'yan minsan pero nakakaramdam din 'yan. Hindi ko alam kung bakit hindi niya ito napansing nakasunod sa kanya. Pero malakas ang kutob kong magaling magtago ang lalaking sumusunod sa kanya ni hindi niya man lang maramdaman ang presensya.

"We should act like we don't know anything." Tumawa si Hiro kaya nagsipagtawanan din kunwari ang iba.

Nakikipagpakiramdaman lang kami. At parang walang nangyari o nalalaman.

"Dapat nating sabihin kay Z 'to," ani Owen at tumayo.

"He knew it already," Hiro said while reading a text message in his phone. Ibinalik nito ang cellphone sa bulsa niya at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tiningala siya ni Rin dahil tumayo na ito at nakaupo pa rin kami. Ganoon din ang ginawa namin.

"Gonna beat some ass out," he nodded his head na para bang inaaya kami.

"Ayos!"

"Excercise na naman tayo!"

"Woohhh!"

Tsk! Napailing ako sa kanilang tinuran.

"Teka! Si Rue pala!" Biglang saad ni Cyril.

"Oo nga pala!"

"Diba bumili lang ng tubig natin 'yon?"

"Oo nga, bakit ang tagal?"

"Gago! Baga nabigatan 'yon kaya gano'n!"

"Bakit kasi hindi sinamahan?" Ani Charles.

"Ugok! Ayaw nga kaninang magpasama. Bingi ka ba?" Binatukan siya ni Noah.

"Sorry hindi ko narinig! Nagcecellphone ako e!" Sigaw din ni Charles.

"Ba't ka naninigaw diyan ha? Pwede namang idaan sa mahinahon na usapan ah!" Galit na sigaw ni Noah.

Nagkatinginan kaming lahat at napataas ako ng kilay. Problema ng dalawang 'to? Maliit lang na bagay nagkakainitan? What the heck?

"Woah easy dudes. Easy," pigil ni Owen sa dalawa. Pumagitna siya sa kanila at inakbayan ang mga ito na nagtatapunan ng mga masasamang tingin.

"Tsk!" Padabog na inalis ni Noah ang kamay ni Owen na nakaakbay sa kanya.

"Pwede kalimutan niyo muna 'yang problema niyong dalawa, kung ano man 'yan! Hindi ngayon ang oras para pagtalunan ang ganyan!" Inis na sabi ko sa kanilang dalawa. "Owen, tara hanapin muna natin si Rue bago turuan ng leksyon ang taong nagmamanman na 'yan."

"I'll go with you," ani Hiro at umalis na kami.

Umalis na kaming tatlo at naghanap kay Rue. Lahat ng booth na may drinks ay pinuntahan namin pero hindi namin siya nakita.

"Saan na ba 'yon bumili? Ang tagal na man ata." Saad ni Owen at luminga-linga.

"Halos lahat na ng booth napuntahan na natin ah? Saan na lang ba ang wala?" Tanong ko.

Nag-isip kaming tatlo at napatigil sa pag-iikot. Saglit kaming napatahimik at tanging ingay lang ng mga estudyante ang naririnig. Bigla kaming nagkatinginang tatlo ng may maisip.

"Cafeteria!" Sabay naming wika.

Tumakbo kami papunta ro'n pero nasa kalagiynaan pa lang kami ay nagsalita na si Owen.

"Teka! Kanina pa ako naiihi. Sasabog na ang pantog ko!"

"Tsk! Ngayon pa talaga?" Singhal ko.

"Let's go, cr din ako. Tara muna Gav," aya ni Hiro at napatawa pa.

Wala akong magawa kaya sumama na rin ako. Tang*na parang mga babae lang. Iihi na nga lang magpapasama pa. Meron naman cr ng boys sa area na 'to, medyo malapit-lapit na rin kasi ang cafeteria.

Nagpaiwan ako sa labas at doon sila hinintay.

"Tara!" Ani Owen.

"Let's go," sabi ni Hiro ng palabas na ito sa pinto pero taka siyang napatingin sa semento ng may makita ito.

Sinundan ko ng tingin ang pinagkukunutan niya ng noo. Lumapit siya sa pintuan ng cr ng girls at may pinulot.

"Isn't this bracelet belong to Rue?" Nilahad nito ang nakuhang bracelet sa amin. Napatitig kami do'n ni Owen at napasang-ayon sa sinabi niya.

"Yeah, it's Rue's," saad ko.

It's a silver bracelet na nakaengrave ang initial ng pangalan niya, T.R.G.

"Bakit malalaglag 'to rito?" Napaisip din kami sa sinabi ni Owen. "Malamang nag cr!" Sagot niya rin Sa sariling tanong.

He's right.

"Wait..." Nanlaki ang mata ni Hiro gano'n din kami ni Owen. "She's in a great danger!"

"Kailangan nating ipaalam sa kanila 'to." Sabi ko at nagsimula kaming tumakbo pabalik sa field kung nasaan sila.

"Iyong lalaking nagmamatyag!" Wika ni Owen.

Hiro stopped when his phone rang."Okay!"

"Sino 'yon?" Tanong ko.

"Sina Rin, hinuli nalang daw nila dahil aalis na sana. Binubugbog at pinapaamin nila 'yon ngayon," sagot niya at bu.alik na kami sa pagtakbo.

"Na saan sila?" Tanong ni Owen.

"Sa likod ng HA!"

Nang maabutan namin sila sa likod ay sinisipa ni Rin ang mukha ng nahuli nila. "Sino sabing nag-utos sa 'yo!"

"Argh!" Daing nito.

"Rin baka mapatay mo!" Sigaw ni Noah.

Basag na kasi ang mukha nito at lupaypay na pero ayaw pa rin umamin. Nilapitan ko siya at sinamaan ng tingin. Sinipa ko siya sa tyan mg ubod ng lakas kaya napaubo ito ng dugo.

"Sino ang nag-utos sa 'yo? Anong binabalak mo ha?" Madiin tanong ko.

Pero parang hindi kakanta ang isang 'to.

"Hindi pa ata sapat ang suntok ko ah," pinalagutok ni Nikko ang kamao.

"Kanina ka pa Nikko ah, ako naman!" Wika ni Henry.

"Ako rin! Ako rin! Pasuntok isa!" Masayang saad ni Red.

"Ako rin! Daya ako rin!" Ani Brent.

"H-huwag! S-sabihin k-ko n-na! Tang*na a-ang s-sakit n-na n-ng k-katawan k-ko dahil sa ginawa niyo!" Kahit hirap sa pagsalita ay pinilit niya pa ring sabihin ang totoo.

"Bilisan mo! Ayaw namin mg naghihintay!" Malamig kong usal.

Mukhang natakot naman ang loko.

"S-si Arllu! Siya ang nag-utos sa 'min na manmanan kayo!"

"Sa 'min? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Bryan.

Nagkatinginan kaming lahat at nanlalaki ang mata. Parang alam ko na ang kasunod na sasabihin nito. At Hindi nga kami nagkamali.

"Iyong kasama kong isa, binuntutan ang babaeng kaklase niyo."

"Anong ginawa niyo sa kanya! Gago ka!" Sinugod ni Owen ang lalaki at sinuntok.

"F*ck it!" Pagmumura ni Hiro.

"P*tangina! Dapat sinamahan natin si Rue eh!" Sinipa ni Cielo ang katabing puno.

Tumawa ang lalaking 'yon na parang baliw kaya nagsulubong ang mga kilay naming lahat.

"Sa mga oras na 'to...nasa kamay na siya ni Arllu! Makakaganti na si boss da leader niyong hunghang-" sinipa siya ni Cielo sa tyan kaya napaubo ito ng dugo.

"Tang*na mong gago ka! Pagbabayaran mo 'to!" Sinipa siya ulit ni Cielo kaya napahiga na ito sa lupa.

"Saan niyo dinala si Rue? Ha Saan?" Si Hiro na ang nagtanong.

Humalakhak ulit ito kahit na umubo na ng dugo.

"Saan pa ba? Edi sa lungga ng mga daga!" Tumawa ulit niya pero hindi ko na pinatapos at tinakyakan siya sa mukha. Doon na siya nawalan ng malay.

"Move! Bilisan natin! Sigurado akong alam na ni Z 'yon!"

"Tang*na!"

"Bakit si Rue pa!"

"Gagong Arllu na 'yan!"








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top