CHAPTER 25

Chapter 25: Plan

Rue



"AH ABOUT sa foundation week pal—-" simula ni Hiro pero hindi niya natuloy 'yon nang pinutol ng mga kaklase ko. Tila bang alam na nila ang kasunod no'n at hindi na sila magugulat pa.

Kasalukuyan pa rin akong nakaupo sa mesa na nasa gitna ng danceroom. Wala na si Zinnon dahil lumabas na ng room. Nilapitan na naman 'ata ng kampon ni satanas at nagbago bigla ang daloy ng pag-iisip. Baliw!

Bakit ko ba 'yon naiisip? Bwisit!

"Sayang narito pa naman si Rue!"

"Okay lang naman, baka hindi ko matancha ang star section!"

"Tsk! Tang*nang star section kasi!"

"Ha? Ano  naman bang ginawa ng star section at hindi tayo makakapunta sa foundation?" Takang tanong ko.

"Rue... ganito  kasi 'yon," ani Cyril.

"Ano?" Hindi makapaghintay na usal ko.

"Ganito kasi...kasi...aray!" Binatukan siya ni Rin kaya napahawak siya sa ulo niya.

"Magkukwento ka na nga lang pabitin pa. Bitinin kita patiwarik diyan e!" Sinamaan siya nang tingin nina Red (red-haired guy) at Noah (blonde guy).

"Tabi! Ako ang magkukwento!" Tinulak ni Noah si Cyril at nagsimulang magkwento sa 'kin. Hindi ko na nagawang pagtawanan ang pagkakatulak ni Cyril dahil naantig ang interes ko sa ikukwento niya. Napakachismosa!

Kinuwento  niya sa 'kin ang lahat. Minsan ay dinudugtungan ng iba. I just bit my lower lip while listening. Napakutkot nalang ako sa kuko nang marinig ang pamilyar na pangalan sa kanilang mga kwento. Throze Eziel Gonza...Zinnon and the girl that I didn't know.

Hindi ba nila  nahahalata na magkapatid kami? Or they're jusy playing dumb?

"Kaya hindi kayo pupunta dahil sinabi niya?" I hissed matapos  ang kwento nila.

Napakamot silang lahat at iniwas ang tingin sa 'kin. I can't believe it!

"Hiro bakit  hindi mo kinausap?"

"I already did Rue but we know him. No one can oppose his decision,"

"Ako ang kakausap sa kanya!" Inalalayan  ako ni Hiro at Owen para makababa sa mesa. "Kung hindi ko makumbinsi, bubugbogin ko na lang! Kainis!"

Nagsitawanan silang lahat dahil sa huling sinabi ko. Sinenyasan ko silang lahat bumalik sa ginagawa nila. Hiro was hesitant at first pero hinayaan niya na lang ako. Sinimulan kong igalaw ang mga paa palabas ng danceroom.

Why would he make a decision all by himself?  He didn't even consult the whole section  for it!

Matunog akong naglakad papunta sa direksyon niya. Nasa labas kasi ito ngayon ng danceroom, nag-iisa at nakatingin lang sa malayo habang nakadaop ang dalawang palad. Nakatukod ang dalawang siko nito sa malabewang na pader.

"Let's talk Z," seryosong sabi ko nang marating  kung nasaan siya.

Segundo muna ang nagdaan para maisipan niyang sagutin ang sinabi ko.

"We're already talking." He replied with his bored tone.  Hindi ako  nito nilingon na para bang ikakapagod niya talaga kung gagawin 'yon.

What's with him? Kanina okay naman kami ah? Ngayon ang sungit-sungit na naman. Nakakainis! Hindi ko siya maintindihan. Paiba-iba ang ugali bawat minuto!

"Privately." May diing usal ko at pinaningkitan siya ng tingin.

Sa pagkakataong 'yon ay sinalubong na nito ang tingin ko. His brows creased and a sly smile escaped on his lips. "This is private. No one's here,"

Pinaningkitan ko siya at nilingon ang mga kaklase namin sa loob ng danceroom, naglalaro lang sila at walang paki sa paligid. Ibinalik ko ang paningin sa kanya at inis na napabuntong hininga.

"Okay,  kung dito  ang gusto mo. Aish! I'll get straight to the point. Why would you not let this section partake with the upcoming foundation week? Are you nuts Zinnon? It's a great opportunity for us  to be friends with others. Let us enjoy!" I exclaimed.

Napadako  ang  paningin ko sa kamay niyang bumilog dahil sa sinabi ko. Nasaksihan ko rin kung paano umiiba ang ekspresyon ng mukha niyang kani-kanina lang ay walang emosyon. Tumiim ang bagang nito habang mariing nakatitig sa 'kin.

Hindi ko maintindihan! Gusto ko lang naman mag-enjoy ang mga kaklase ko. Bakit niya ipagkakait 'yon? Ano ba nila siya? P*nyeta!

Nilabanan ko ang nagbabagang tingin nito na ipinipukol sa akin. Hinding-hindi  ako magpapatalo!

"Great opportunity... great opportunity..." Tinango-tango niya ang ulo na para bang nag-iisip at ngumisi. "What opportunity did you mean? Opportunity for them to belittle us-the worst section? That's what you mean Rue huh?" Nawala  ang ngisi nito at bumalik ang galit sa mukha niya.

Alam ko ang pinanggagalingan no'n pero past is past ika nga. Bakit ba napaka big deal no'n sa kanya? Tang na juice! Talo pa ang mga babae sa pagdadrama. D*mn!

"That's not what I mean! I just want peace to our section and the others. Zinnon don't be selfish!  Stop dragging them from your own problem!" Inis na sabi ko.

"Now you speak that you knew everything." Sarkastiko siyang humalakhak kaya napaiwas  ako ng tingin pero kalaunan ay ibinalik ko sa kanya ang paningin.

"I'm just a concern cetizen here. Look, if you  don't want to mingle with others then let it be. Don't come. BUT! Me and the worst section will go." I insisted.

"And who do you think you are to make decisions concern to them? You don't like them,  don't you? Stop meddling, you don't belong here." He said it in a flat tone.

Para akong sinaksak sa huling sinabi niya. I don't belong here? All this time?

"Kung  hindi belong edi ipagsiksikan, tang*nang belong-belong na yan!" Singhal ko.

Matapos na naging kaibigan ko silang lahat? May nalalaman pang hindi belong dito? Isa't kalahating gago nga talaga itong si Zinnon.

Napatigil siya at biglang tumawa kaya 'yon na ang time na mas lumukot ang mukha ko. Ano ba 'to? Kanina galit na galit ustong manakit? Ngayon tatawa na parang baliw. Seryoso ba siya o pinaglalaruan lang ako? D*mn.

"What?"

"Baliw!" Inis kong wika sa kanya at inirapan.

He cleared his throat at sumeryoso. "How would you persuade someone to make his decision favors on your side?"

"H-ha?" Nangapa ako ng sasabihin.

"Tsk!" Umiling ito at akmang aalis pero nahawakan ko siya para pigilan. Tiningnan niya ako at tinalunton ang ang braso ko patungo sa kamay naming magkahawak. Napalunok ako at hindi 'yon inintindi at nagsalita.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top