CHAPTER 23
Chapter 23: Demolition team ver. 2.0
Rue
"RUE! Sumabay ka sa 'kin. Threze Rue!" tawag ni Kuya Eziel mula sa kusina.
Hindi ko siya pinansin at inayos ang bag. Dali-dali akong naglakad papunta sa labas ng bahay para hindi niya ako maabutan.
Masama pa rin ang loob ko sa kanya at kina mom and dad. Feeling ko pinagkakampihan nila akong lahat. Sariling bahay namin 'to pero parang hindi ako welcome sa inasta nila kagabi. Nang dahil sa inis ay nasipa ko ang bote na nadaan at nabasag 'yon dahil tumama sa bato.
Basag! Kagaya ko. . .
Nilingon ko ang gate ng bahay at napatulala, kalaunan ay napabuntong hininga ng walang makitang lumabas. Laylay ang mga balikat kong ipinagpatuloy ang paglalakad. Pero napangiti na lang ako bigla ng maalala ang mga kalokohan ng mga bubuyog!
Worst Section, kayo na lang talaga ang kasiyahan ko.
Napailing nalang ako at may ngiting naglakad. Ginamit ko ang shortcut na alam ko para mas mapadali at mapabilis ang pagdating ko sa Hades Academy.
May mga iskinita akong nadadaanan, minsan ang panghi pa. Tang na juice!
Dalawang liko na lang ay mararating ko na ang HA pero napatigil ako ng may makasalubong na unidentified walking object.
You heard me right. UWO! I can't differentiate what they are. They're all like an animals. Hayop! Iba't-ibang uri. Nagtatawanan pa sila. Iba!
Napatigil sila sa paglalakad ng makita ako sa daraanan nila. "Miss, tumabi ka kung ayaw mong mamatay!"
Inirapan ko ang mukhang butanding na magsabi no'n. Lakas ah? Bakit may naligaw na sea creature sa iskinitang 'to?
"Diba 'yan 'yung kaklase ni Zinnon?"
"Oo nga!"
"Boss nakachamba tayo ah!"
Zinnon? Kilala nila? Pagkakakataon nga naman. Tsk! Malamng kaaway na naman nila 'to. Palagi na lang akong nadadamay
"Hindi ko 'yan kilala!" Maang-maangan ko. Walang takot akong lumakad papunta sa kanila, malalagpasan ko na sana pero bwisit may humawak pa sa braso ko.
Mukhang 'di tatalab 'to ah! D*mn it! Hindi ko kakayaning makalaban silang lahat. Bukod sa ang lalaki nila kumpara sa naengkwentro namin nina Gavin, ay ang dami nila!
"Huwag ka ng magsinungaling miss. Kilala naming lahat ang nasa paligid ng walang hiyang Zinnon na 'yan!" Galit na sabi ng humawak sa 'kin. Siguro ay boss nila 'to. Siya lang ang maraming tattoo at parang sunod-sunuran ang iba sa kanya.
"Ha? W-who's Zinnon? Teka...ayon siya oh!" Sigaw ko at tinuro ang pinanggalingan ko.
Tumalab kang tang*nang diskarte ka!
Laking tuwa ko at at kumagat sila. Busit! Gasgas na 'yang linyang 'yan pero marami pa ring nauuto. Marupok!
Mabilis kong hinugot ang braso mula sa pagkakahawak niya. "Ito ang bagay sa mga uto-uto!" Sabay sipa ko sa ibong inaalagaan niya sa gitna ng mga hita.
"Argggggh! P*tangina! Habulin niyo mga walang utak! Magbabayad kang babae ka!" Namilipit na sigaw ng boss nilang as if may utak.
"Try harder f*cking a*sshole!" Ngumisi ako at mas binilisan ang takbo.
Tingnan natin kung mahahabol niyo ako. Malapit na ako sa HA kaya laking pasasalamat ko ng makitang huminto na sila sa hindi kalayuan.
"Lagot tayo kay boss nito!"
"Bakit ba ang bagal mo!"
"Humanda siya sa ginawa niya kay boss Arman!"
Rinig kong salita nila but I raised my middle finger at binelatan silang lahat. Pumasok na ako ng tuluyan sa HA at patakbong pumunta sa room namin.
Pero nawala ang ngiti ko ng makitang walang katao-tao sa loob.
"Where are they?" Luminga-linga ako at kunot noong napatingala na para bang nakikita ko talaga sila sa second floor nang marinig ang mga tawanan at sigawan.
At merong pumupokpok? Ang lakas!
What the f*ck are they doing all up there?
Tumakbo ako papunta ro'n at napanganga sa mga ginagawa nila isa-isa.
"Si Rue narito na!"
"Hi Rue!"
"Rue halika!"
Nilibot ko ang tingin, 'yung danceroom na walang kabuhay-buhay, ngayon ay may kulay na. Pinagsamang skyblue at puti ang pintura, patapos na ito at nagtutulungan silang lahat, ang nagpipintura ay sina Cielo, Henry ,Nikko at Cyril. 'Yung iba nilalagyan ng plywood ang mga bintana. Sina Gavin, Owen Rin, Hiro at Zinnon ay inaayos ang pintuan ng danceroom na 'to.
Kung ordinaryong babae siguro ako ay magtitili na ako ngayon sa nakikita atmaglalaway. Who would thought that I'm surrounded with these hot shirtless guys?
Bakit ba sila mahilig magtoplesss? Kadiri!
"What's with you guys?" Usal ko nang matapos nang suriin ang lahat.
Para silang demolition team version 2.0. Hindi nga lang naninira. Ano raw? Demolition tapos hindi naninira? Meron no'n?
"Hindi mo ba nakikita?" Tinaasan ako ng kilay ni Zinnon matapos na itayo ang pinto, kasalukuyan nilang ikinakabit 'yon.
"Hindi ako bulag! I mean bakit niyo ginagawa 'to? Seriously? Ano 'to? Gagawin niyong hideout? Bakit sarang-sara ang bintana?" Sunod-sunod kong tanong at binaliwala ang pang-aasar niya.
Napabaling ang tingin ko kina Owen, Gavin, Rin at Hiro na natatawa.
What's funny?
"Gagawing tambayan?" patanong na sagot nito.
"Eshoos me! Eshos me!" sigaw ni Brent at Bryan dala-dala ang isang table? Nilagay nila 'yon sa gitna ng danceroom at inayos.
"Ayown! May bilyaran na!"
"Pustahan tayo!"
Naghiyawan silang lahat.
"Oy! Baka makita tayo ng mga teachers dito! Mananagot tayong lahat!" Wika ko.
"Sus edi huwag magpahuli! Ganito lang 'yan. Watch and learn Rue!" mayabang na ani Bryan.
Inikot niya ang table at ang kaninang bilyaran ay nawala, naging isang simpleng mesa na lang ito. Pumunta sa ilalim 'yong bilyaran at nasa ibabaw na ang mesa. Tsk! Ang tatalino talaga kapag may kalokohan.
"Kapag may mga teacher na maliligaw rito, gaganumin lang natin. Walang bakas. Sisiw!" Ngumisi si Brent at nakipag-apiran din sa iba.
"Tabi!" sigaw ni Charles dahil nagma-mop ang loko.
"Gago ka Charles!" Tumawa si Brent at mas -inasar pa ang loko.
"Ikaw kaya gawin kong pamunas sa sahig Brent?" inis na ani Charles.
"Geh pagpatuloy mo!" Tumawa silang lahat pagkatapos.
Tapos na ang loob at ang sa labas na namann ang nilinisan nila kaya tumulong na ako. Tinago namin ang mga basag na salamin,bintanaat mga upuan sa isang room dito sa second floor. Lahat-lahat ay nilagay namin doon. Makalipas ang ilang oras ay natapos din. Malinis na at walang kalat sa loob man at labas ng second floor. I can't believe it that we did this!
"Sa wakas tapos na!"
"Wiiiiiiii!"
Nahiga kaming lahat sa kumikintab na sahig. Ang iba naman ay nagpapadulas. Mga baliw!
Bilang may tumapon ng panyo sa mukha ko.
"Use it," wika ni Z at umupo sa tabi ko.
"Thank you," walang alinlangan kong tinanggap 'yon at pinahid sa pawis ko. Basang-basa na ako kingina. Daig ko pa ang naligo. "Sinong nakaisip ng ideang 'to?" Tanong ko bigla.
"Me and Hiro," sagot niya.
Napatingin ako sa kanya. Puno rin ito ng pawis pero bakit niya binigay sa 'kin 'to? Parang tanga! Walang alinlangan kong pinahiran ang pawis niya sa mukha at leeg.
"Ikaw 'tong nangangailangan tapos ibinigay mo sa 'kin. You're stupid," usal ko at pinunasan siya sa noo pero napatigil ako at napatitig sa maya niya ng magsalita ito.
"If stupidity means having your attention then I'll gladly be one of that stupid person," seryosong anito.
W-what t-the heck?
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top