CHAPTER 22

A/N: Ang pangalan pala ni Rue ay hindi RU-WE ang pagsambit ha. It's RUH.
_____

Chapter 22: Twins

Rue



LUTANG akong hinatid ng worst section sa bahay namin. Hindi ako sumabay kay Kuya Eziel, naiinis ako sa pagmumukha niya. Pinabayaan niya lang ako kanina at wala man lang ginawa sa mga star section para pigilan akong saktan at ang worst section.

"Bye, Rue!"

"Pagaling ka, Rue!"

"Mauna na kami, ha?"

"Bye!"

"See you,"

Tango lang naitugon ko sa buong worst section. They smiled at me and I smiled back and bid goodbye. Nagpasalamat din ako dahil hinatid nila ako.

Nang hindi na sila maabot ng tingin ay napagpasyahan ko nang pumasok sa bahay. Binati ako ng seryosong mukha ni Kuya Eziel na kasalukuyang nasa living room. The atmosphere was a bit scary, parang may kung anong sasaksak sa akin anytime.

The moment my foot step on the floor ay agad na tumayo si kuya para mapalapit sa kinaroroonan ko. Bawat hakbang nito ay sobrang bigat at tiim-bagang na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Why did you do that, Rue? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, ha? Ano 'yong kanina?" galit na bungad nito at sinamaan ako ng tingin. Napatahimik ako, iniiwasan na huwag siya patulan pero sumigaw ulit ito. "Are you deaf or what?! Why dis you do that?!"

Magpanting ang tainga ko sa tono ng pananalita niya. Ang ayaw na ayaw ko pa naman ang tinataasan ako ng boses at pinaparamdam na kasalanan ko talaga!

"Wow! Just wow! Ako pa talaga, ha, Eziel? Kitang-kita naman na kayo ang nagsimula ng gulo kanina! Nananahinik ang buong section namin!" inis na sagot ko.

"Call me Kuya, Rue!" saway niya.

As if!

"Fine! Ku-ya!" I gave emphasis to the last word pero napairap ako sa kaniya. Hindi ko rin maisawan ang pagtunog sarkastiko sa harap nito kaya mas lalo lamang nakita ang galit sa mukha niya.

"Ganyan na ba ang natutunan mo sa walang kuwentang section na iyon, ha, Rue?!" Tumayo  na siya at hinarap ako.

Mas lalong naputol ang pisi ng pasensya ko sa tinawag nito sa section ko.

"May luwenta amg section ko kaya wala kang karapatan sabihan kami ng ganiyan! Wala kang pakialam kung ano mang gaqin ko sa school kasama sila! Wala kang pakialam! 'Di ba nga hindi mo man lang ako tinulungan kanin,  ha? Napakawalang kwenta mong kapatid!" sigaw ko. Naikuyom ko ang mga kamao sa nararamdaman. Habol ko rin ang hininga dulot ng sinabi.

"Paano kita matutulungan kanina? Rue, kapag tutulungan kita malalaman nilang magkapatid tayo! At mas magiging delikado!" sigaw din niya.

"Ayan na naman sa delikado na 'yan! Bakit ba ayaw mong malaman nila na magkapatid tayo, ha? Or should I say,  kakambal!" Tumaas ang kilay ko.

"Rue!" He masaged his temple at pumikit.

"Mas uunahin mo pa 'yang sekre-sekreto mo kesa sa 'kin? Paano pala kung namatay ako kanina? Hindi mo pa rin ako ililigtas? Eziel ano ba! Tulog ka? D*mn you!"

Hindi ko siya maintindihan! Ano bang tinatago niya? Nakaiinis na! Nanahimik na ako at binawala ang mga pagbabawal niya at inisip na wala lang iyon. Nagpatay malisya ako!

"Rue!" Napatingin  ako sa hagdan ng makitang pababa sina mom and dad.

"What's going on? Bakit mo sinisigawan ang Kuya Eziel mo?" pagalit na tanong ni dad sa 'kin.

Napayuko ako at hindi nagsalita. Tinago ko sa likuran ang nakakuyom na kamao.

"Dad 'yan kasi! Napaaway na naman 'yan!" sumbong ni Eziel. Nangunot naman agad ang noo ni dad nang makita ang sugat ko sa ulo.

Tutal kakambal naman kami bakit ko 'yang tatawaging kuya? Siya at sina mom and dad lang naman ang may gustong tawagin ko siyang gano'n. Akala mo parang ilang taong agwat sa edad. Ilang segundo lang naman pala! Lumabas siya no'ng 11:30 pm ng July 5 samantalang ako na dakilang tamad lumabas sa tiyan ay hinintay pa mag 12:01 am ng July 6. Tang na juice!

"Kayo ang nanguna sa gulo!" bintang ko sa kanya.

"Rue! Eziel! Tama na! Both of you stopped it!" saway ni mom at pinagitnaan kami ng kapatid kong may sapak sa utak. Konti na lang talaga ay masasapk ko na ang mukha ng kakambal kong 'to kung makaasta talaga ay kuyang-kuya ko!

"Maliit na bagay pag-aawayan niyong dalawa! You're grown ups people! Stop acting like you're still a kid," dad said with his authoritative tone.

Napayuko kaming dalawa dahil tama naman si dad.

"You twins are giving me a headache. 'Yan na naman ba ang simula ng pag-aaway  niyong dalawa ha?" Matalim kong tiningnan si Kuya Eziel at gano'n din ang ginawa niya. "Mauulit na naman ba 'yon? Ha? Rue?"

Rue?  Rue na naman!  Ever since Rue Rue Rue!

Bakit ako? Oo inaamin kong kasalanan ko 'yon dati. I admit it! I say sorry! Pinagsisihan ko lahat ng nagawa ko sa kaniya pero ngayon? Ako agad? Without asking what happened?

"Don't give me that look Threze Rue Gonza!" Seryosong sambit ni dad.

"Dad! I can't believe it! Kinakampihan mo 'yan?" I pointed my twin brother. "Ako itong muntik na—" tinigil  ko ang sasabihin.

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa Rue!" Mapagpasensyang ani ni dad.

"Pero 'yon ang pinaparating ng mga sinasabi niyo dad!" Hindi ko na mapigilang ipakita ang inis.

"Rue!" suway ni mom sa 'kin.

"Fine! It's my fault!  Fine!  It's me again causing trouble! Fine! I get it, no one will listen to my explainations. It's no use anyway." Padabog  akong umalis sa harap nilang tatlo pero bago 'yon ay binangga ko muna ang magaling kong kambal.

"Rue! Get back here." Hindi ko  pinakinggan si dad.

"Let her be honey," mom said.

"Iyang anak mo talaga ang sakit sa ulo! Hindi na nakikinig sa atin. Huwag mo kasing kunsintihin hon, kaya lumalaking sutil! Mabuti pa itong si Eziel. Kahit kailan hindi nagdala ng problema sa 'tin." napatigil ako saglit ng sabihin 'yon ni dad.

Naikuyom ko ang mga kamao at napakagat sa ibabang labi kaya nalasahan ko ang sariling dugo. Parang may gustong kumawala sa sistema ko nang marinig 'yon. I calmed myself and reached the doorknob of my room. Padabog kong isinara nang malakas ang pinto ng kwarto pagkatapos na makapasok. Tila nanumbalik ang bangungot dulot ng kahapon na pilit kong kinakalimutan.



It was a pleasant morning so I've decided to go in our garden. Tumatakbo akong dala-dala ang mga laruan.

"I will make a sand castle! Yiepe!" I jumped.

Lots of butterflies are flying with their beautiful wings around with these beautiful flowers.

"I wish I'm like you," I smiled when a green butterfly alighted on my forefinger.

Sinunod ko ng paningin nang lumipad ito. Masayang kong nilaro ang mabuhangin part ng garden namin.

"Yipeee!  I made a castle!" Galak akong nagsasayaw at nagpalibot-libot sa paligid ng castle na nagawa ko.

Pero bigla 'yong nasira dahil sa bolang hinagis sa ibabaw no'n.

"Eziel!" Sigaw ko. Umiiyak kong inayos ang sand castle pero sinira niya  ulit 'yon.

"Panget! Dapat diyan sinisira!" Tumawa siya at sinipa-sipa ang sand castle ko.

Bata pa lamang ay hindi na kami magkasundo. Ewan ko ba. Para kaming aso't-pusang dalawa. 'Yung ibang kambal close na close kami heto mortal enemy.

"Uwa! Stop it! Stop it! STOP IT!" sigaw ko at malakas siyang itinulak.

"Ahh!" Sigaw niya.

Pero hindi ko inasahang may plorera sa likod ng mga paa niya kaya natumba siya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumagsak ang ulo niya sa lupang may batong nakausli. Tila napako ako sa kinakatayuan ng makitang may dugo ang parte nang binagsakan niya.

"Eziel where are you? Drink your milk firs- EZIEL! Oh my god!" Dali-daling lumapit si mom sa kanya at umiiyak na tinatawag ito pero wala ng malay si Kuya Eziel.

Nasapo ko bibig at lumapit sa kanila. "M-mom I didn't mean to-" hindi ko natapos ang sinabi dahil pinutol 'yon ni mom.

"What did you do Rue! Bakit mo na naman inaaway si Kuya Eziel mo! Tingnan mo ang nagyari! Umalis ka ritong bata ka! HON! YAYA!"

Para akong sinasaksak ng ilang libong kutsilyo sa sinabing 'yon ni mom. Hindi ko akalain masaaabi niya 'yon kaya umatras ako ng umatras at tuluyan nang tumakbo palabas ng gate.

"RUE! Bumalik ka rito!" Tawag ni dad.

Ang sakit! Ang sakit-sakit. Marinig 'yon sa sarili mong ina? Ininataboy  ka na parang hindi ka anak?

Hindi man lang pinakinggan ni isa ang sinasabi ko.

Nagbagsakan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napaupo  ako ng tuluyan sa likod ng pintuan sapo-sapo ang bibig, pinipilit na huwag makagawa ng ingay.

"Bakit niyo a-ako tinatrato ng g-ganito?" Hikbing usal ko,  nababahiran ang sama ng loob.








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top