CHAPTER 21

Chapter 21:  Feelings

Rue



"OH salo!"

"Gago!"

"Aray ano ba!"

"Tumahimik nga kayo!  Natutulog si Rue sa kabilang kwarto!"

Napakunot ang noo ko sa mga naririnig. Tang na juice!

"Ano ba! Natutulog ang tao, e!" sigaw ko pero patuloy pa rin sila sa pag-iingay kaya napadilat na ako. "P*tangina!" inis kong sigaw ulit namg inulat ang mga mata at sumalubong sa mukha ko ang taong nakamaskara ng nakatatakot sa gilid ko.

"Ay, sorry! Sinukat ko lang, Rue. Nagulat ba kita?" ani Cielo at pumunta sa gawi ko ng may pag-aalala.

"Hindi obvious, 'no? Nag-vocalization lang talaga ako! Hindi ako natakot," sarkastiko kong sagot at bumangon.

"Walang duda okay ka na nga!" Tumawa siya at inalalayan ako pero pinigilan ko.

Nilibot ko ang paningin. Kunot-noo kong sinuri ang loob ng kuwarto. Ano 'to? Nasa clinic ako?

"Wala ka sa clinic, Rue, kung 'yon ang iniisip mo," paliwanag ni Cielo.

"Ha? Eh na saan ako?" Taka ko siyang nilingon.

"Nasa lumang building natin!" Tumawa siya.

Anong nakakatawa?

"Ginagago mo ba ako, Cielo? E puro basag at luma na lahat ng nasa building na 'to eh! Room nga natin mukha ng hindi room. Eto pa kaya?" Tumayo ako at nilapitan ang kabinet na nakita. Puti lahat, as in. In fairness ang linis dito.

"Nasa lumang building nga tayo, Rue." Tumawa na naman siya. "Tingnan mo pa sa labas,"

Kompleto ang lahat para sa panggagamot ng minor injury. Wow! Galing. Sinunod ko siya at totoo nga ang sinasabi niya.

Eto pala 'yong room na may tabla. Akala ko hunted room 'to, bwisit! Maling akala! Parang tanga!

Sinilip ko sila sa nasag na bintana. 'Yung mga baliw naglalaro ng hagisan ng bola sa dance room at nagtatawanan.

Merong mga damplis at galos 'yong iba, pero patuloy pa rin sa paglalaro. Kani-kanina lang parang hindi makatayo ang mga 'to, ah?

"Rue!"

"Okay ka na?"

"Baliw ka talaga kahit kailan!"

"Ayos ka na ba?"

Sunod-sunod nilang sabi, pinaulanan nila ako ng mga tanong at hindi ko alam kung paaano sagutin 'yon isa-isa.

"Teka nga. . . teka nga!" Pigil ko sa kanila. "Okay na ako! Kita ni'yo na ngang nakatayo eh!" Natatawa kong sabi sa kanila at pumasok sa malapad na silid na 'to.

"Dating ballet room ito kung 'yan ang iniisip mo," biglang sulpot ni Cielo.

"May lahi ka bang manghuhula ha Cielo?" taka tanong ko.

Halos lahat kasi ng itatanong o tanong na nasa isip ko inuunahan at sinasagot niya na.

"Wala ah! Obvious kasi sa maganda mong mukha," hindi ko inasahan ang sinabi niya sa huli kaya napanganga ako at hindi mapigilang mamula.

Enebe!

Napatawa siya at wala sa sariling kinurot ang pisngi ko. "Ang cute-cute mo talaga, Rue!"

"A-aray! Ma-mashaket!" Daing ko at napahawak sa pisngi ko.

Bwisit ka Cielo!  Masakit pa rin ang sampal ng mga hinayupak na star section na 'yon!

"Hoy! Ano 'yan Cielo ha? Sinasaktan mo ba si Rue?" Biglang lumapit si Owen at Gavin sa gawi namin.

"Huwag mong saktan baka mabugbog ka ni—" hindi natuloy ni Rin ang sasabihin ng hawakan siya ni Zinnom sa balikat. "A-ah a-aray Z-z!"

"Kinuha ko lang ang insekto sa balikat mo Rin. Masakit?" sarkastiko na anito kay Rin.

"Ah he-he  'yon b-ba Z? S-salamat sa pagkuha he-he-he," ani Rin at pilit na ngumiti.

Nandito pala ang abnoy na Z na 'to.

"They will pay bigtime for hurting you Rue. I promise...they'll taste the wrath of a demon!"

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang sinabi niya bago ako mawalan ng malay. Sh*t! Bakit bigla akong kinabahan? Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko. Naghuhurumintado 'to.

"What do you feel?" Tanong  nito.

Nagulat ako sa tinanong niya kaya mabilis kong sinagot 'yon ng hindi man lang nag-iisip. "Masarap!"

Napasapo ako sa noo. Anong masarap Rue? Tang na juice! Ang layo-layo namna ng  sagot ko. Ano ba 'yan!

Nakita kong kumunot ang noo ni Zinnon at ng ibang mga bubuyog. Malamang naguguluhan at hindi maintindihan ang tinugon ko kay Z.

"What?" Z exclaimed and arched his brows.

"Masarap si Z Rue?"

"Masarap? Gutom ka?"

"Naapektuhan ata pag-iisip ni Rue dahil sa nangyari!"

"Ah...ano...I mean...masarap! Masarap ang mangbugbog sa...star section! 'Yon! Tama!" I bit my lower lip.

Maniwala ka please! Tanga ko talaga kahit kailan. Nawala ata common sense ko ngayon araw.

"Tama! Ang sarap ngang makitang bugbog sarado silang lahat!"

"Right!"

"Sarap nilang upakan ulit!"

Nagsimula na silang mag-usap-usap. 'Yong iba bumalik na sa paglalaro nang malamang okay na ako. Kaya kami na lang ni Zinnon, Hiro, Gavin, at Owen ang  narito sa parteng ito ng ballet room.

"Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kanina Rue," simula ni Gavin.

"Gavin was right,  kaya niya ang sarili  niya kahit na anong mangyari," sang-ayon naman ni Owen.

"Huwag mong ipahamak ang sarili mo Rue because...now the worst want you here. Nararamdaman mo naman 'yon diba? Ayaw ka lang naming mapahamak," Hiro said it while looking into my eyes.

"What will I do then? Pabayaan na lang si Gavin kanina o sinumang nangangailangan ng tulong?" Inis kong tiningnan silang lahat.

"Rue...look...we're just protecting you here," nagsalita na si Zinnon kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.

"Protecting me? For what? By whom?" Naguguluhan ako at naiinis.

Tinulungan ko na nga si Gavin ayaw pa nila?! Anong gusto nila? Ang mapahamak 'yong isa? Gano'n? I can't believe it!

"Rue...we're not gonna argue with this kind of thing right?" Zinnon said.

"Please understand Rue..." Saad ni Hiro, nagpapaintindi.

"Don't do that again Rue," ani Gavin.

"Rue...sana main—" I cut Owen off.

"Pati ba naman ikaw Owen?! Ano bang problema niyo ha?" Napataas na ang tono ng pananalita ko kaya napansin na 'yon ng iba pero hindi sila lumapit. Alam kong nakikinig sila.

"Para...para lang naman 'to sa kaligtasan mo Rue. Iniingatan ka na namin ngayon dahil—"

Hindi natuloy ni Owen 'yon dahil pinutol 'yon ni Z.

"Owen! Hayaan mo siya. Stop wasting your explaination to the one who can't understand," at tinapunan ako ng tingin tsaka lumabas ng dance room. Matunog na napabuntong hininga ang tatlo at sumunod din kay Z.

Tahimik  lang ang buong section ng balingan ko sila ng tingin. Lahat sila ay nag-iwas ng tingin sa 'kin.

Muli kong binalingan ng tingin ang pintong linabasan nina Owen, Gavin, Hiro at Zinnon.

Bigla akong nalungkot ng maalala ang blangkong mukha ni Zinnon. I have this feeling that I want to run and apologies for what I've said and done. Something pushes me to do it but—

Ugh! I hate this feeling!








A S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top