CHAPTER 2
Chapter 2: Annoyed
Rue
NAPAUBO ako sa alikabok na malayang lumilipad pagkatapos kong buksan ang pinto ng storage room. Kinapa ko ang pader at naramdamang may switch do'n at saka ko lamang naaninag ang lahat ng nasa loob.
Storage room na parang basurahan. Nilibot ko ang tingin at naghanap nang pwede pang maupuang silya. Halos lahat kasi ay sira-sira na, parang hinampas talaga sa isang bagay o 'di kaya giniba ng sadya.
“Seriously?" I hissed as I rolled my eyes. Bakit ko ginagawa 'to in the first place? Bakit ako napasunod na pumunta ako rito. Nagpapadyak ako sa inis at naging dahilan iyon para mas lalong nagliparan ang mga alikabok sa sahig.
Napamasahe ako sa ulo dahil hindi ako makapaniwalang napasunod ako ng walanghiyang 'yon.
Greatest nightmare? Wow! Parang great taste white! Ano siya? Kape?
Pinagsisipa ko ang mga nadaraanang kahoy kaya lumipad ito sa kung saan-saan. Nakakainis! Parang gusto kong namapak ng tao ngayon.
Sorry lo, ngayon lang ito. Promise ko sa 'yo na magiging mabait ako sa susunod na mga araw. Just this day, lo.
“Wala namang maayos na upuan dito!” reklamo ko ng wala talagang mahanap na upuan.
Nalibot ko na 'ata ang buong storage room kahahanap pero wala. Bakit parang feeling ko pinagtitripan lang ako ng mga lalaking 'yon? Tang na juice na 'yan.
Pinihit ko ang katawan at iniwan ang mga sirang upuan, handa nang bumalik sa room namin. Naglakad na ako pabalik sa pintuan ngunit hindi ko namang inasahang magsasara iyon. Ayon na, e! Aabutin ko na lang.
Pipihitin ko na sana ang doorknob pero bigla 'tong sumarado at nakaarinig ng pag-click,nangangahulugang na-lock na siya mula sa labas.
Nanlaki ang mata ko sa nakita. Pinihit kong muli ang doorknob, umaasa na sana ay mabuksan ko pa. But all my efforts are wasted.
Sinilip ko ang maliit na siwang na nasa pagitan ng pinto at pader. May mga lalaking nag-aapiran sa labas at nakangisi!
Naningkit ang mga mata ko nang makumpirmang mga kaklase ko iyon. Nagtatawanan pa sila! So happy na kayo niyan? Kasiyahan ninyo 'to?
They've planned all of this!
“Hoy! Tang*na ninyo, palabasin ni'yo ako rito! Hoy!” I shouted at the top of my lungs. Pinagsisipa ko ang pinto at kinalampag ng paulit-ulit ngunit wala pa ring nangyari. Tila tuwang-tuwa pa sila dahil nag-e-eskandalo na ako rito. “Sa oras na makalabas talaga ako rito, tingnan lang natin! Tang*na ninyong lahat!”
Na saan na 'yong motto kong do good,be good ngayon? Nasira ng dahil sa mga bubuyog na 'to! Nasira na lang basta-basta! Magbabayad sila!
“Sinong tinakot mo?”
“Umalis ka sa section namin kung ayaw mong maganyan!”
“Hindi ka welcome rito kaya mabuting umalis ka na lang o lumipat ka na lang ng ibang section!”
“Huwag dito!”
Napasigaw ako ng biglang may malakas na tunog akong narinig. Pumunta ako sa gilid dahil parang binabato nila ang pinto ng storage room na ito.
Napatayo lang ako ng wala nang marinig sa labas. Tahimik na, umalis na 'ata silang lahat. Bumalik na ako ro'n sa pinto at sinilip ulit ang labas. Ni isang bakas ay wala ng natira.
They're gone!
Nakasilip lang ako, nag-aabang ng kung sinong dadaan para mahingan ng tulong but minutes have passed, no one was there. Saang lumalop ba ang storage room na ito at hindi abot ng ibang estudyante?
Patuloy lang ako sa pagsilip sa maliit na siwang na iyon hanggang sa napasigaw na naman ako dahil sa gulat ng may matang sumalubong sa 'kin sa siwang.
“Bulaga!” panggugulat nito at nagtawanan ulit ang nasa labas.
Akala ko ay umalis na silang lahat. They are toying me and I hated it the most.
“Tang*na ninyo! Buksan ninyo 'to!” Sa galit ko ay hindi ako nagdalawang-isip na sipain ang pader. “The f*ck! Ouch! Ouch!” Napahawak ako sa ginamit na paa na pangsipa ng pader.
Ang tanga-tanga ko talaga kahit kailan. Ang pangit ka-bonding nitong pinto!
“Bubuksan lang namin 'to kapag pumuti na ang uwak!”
“Hahahahah!”
“Magtanda ka diyan! Baka sakaling mag-iba ang isip mo at umalis na sa section namin!”
“Matutuwa pa kaming lahat!”
“Diyan ka na!”
Pagkatapos no'n ay narinig kong nagsialisan na sila. Hindi na ako nag-aksaya ng lakas kasisigaw dahil hindi naman nila ako pagbubuksan. Peste!
Naghanap ako ng desenteng mauupuan pero wala akong makita kaya naupo na lang ako ng basta-basta sa maruming mga kahoy. Bahala na kung madumihan itong suot ko.
Sh*t ang sakit ng paa ko.
“Kapag minamalas ka nga naman, oh!” bugnot na sabi ko nang makitang namamaga ang kaliwang paa matapos hubarin ang rubber shoes.
Saan ka makakakitang nag-school uniform at pinaresan ng rubber shoes? Sa 'kin lang. Puros naka high heels ang mga babae rito sa HA. Ako lang 'ata ang naiiba.
Fashion tawag diyan! Fashion!
Nailibot ko ang tingin sa paligid. It's disgusting but I need to take a rest for a while. Naubos ang energy ko kasisigaw at sa mga bubuyog na iyon!
Nag-isip ako ng paraan para makalabas sa maalikaboj na storage room na ito. Inikot kong muli ang paningin at naghanap ng bintana pero wala! Tang*na! Bakit walang bintana rito? Nanlumo ako. Unang araw at ginanyan ako! Ansabi ng be good, do good ko?
I sat there for a few minutes but later on I scream at the top of lungs as if someone would kill me at the moment. I saw a rat crawling at the edge of the room.
Napasigaw akong muli nang makitang papunta ang dagang iyon sa akin. Mabilis kong sinuot ang sapatos at tarantang napatayo.
Sh*t! Kailangan ko nang makalabas!
Masakit man ang kaliwang paa ay pinilit ko pa ring tumayo. Iginala kong muli ang ang paningin sa maalikabok na bodegang 'to. Napangiti ako ng may pumasok na ideya sa isip ko. Anong silbi ng mga kahoy na 'to kung hindi ko gagamitin aber? Utak!
Kumuha ako ng isa at iika-ikang nagtungo sa pinto. Buong lakas kong hinampas ang doorknob ng ilang ulit then biglang nalaglag 'yon.
“Ito lang kaya ni'yo? 'Yong i-lock ako sa maalikabok na bodegang 'to?” Umiling ako. Baliw na kung baliw. Bahala na.
Ganyan na ba kahina ang pag-aakala nila sa 'kin? I'm not like those other girls na ngangawa lang sa isang tabi. Magpapabebe, magpapahinhin, mabait at kung ano pa d'yan. Hindi ako kagaya ng iba na puro lang paganda at pag-iinarte sa buhay ang alam. Ang pagiging maarte ang huli kong gagawin. Magkamatayan man. Tsk! Sucks!
“I'm out from Azkaban, assh*les! Be ready for my spells!” I laughed wickedly like those villains on my favorite movie. Maybe kapag makita ng iba ito, they will say na takas ako sa mental sa paraan nang paghalakhak ko.
Tinaas ko ang dalawang kamay at nilanghap ang sariwang hangin matapos na makalabas.
Ang sarap sa ilong. Walang alikabok! Hindi gaya ng room nila!
I've decided na magtungo sa room. Iika-ika akong maglakad sa tang*nang classroom ng mga bubuyog dala ang kahoy na parte ng upuan na ginamit ko sa pagsira ng doorknob.
I've noticed that this building was secluded dahil walang napapadpad na kahit isang estudyante sa lugar na ito. Hindi kagaya ng mga nadaanan kong building kanina na puno at mayroong mga maiingay na estudyante.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang isiping iyon at tinuon ang pansin sa hawak na kahoy.
“Ngayon gagamitin kita sa pagsira ng mga mukha ng mga bwisit na 'yon!” kausap ko sa kahoy na hawak-hawak ko.
Malayo pa lang ay rinig na ang ingay nila. Ayaw na ayaw ko pa naman ang mga maiingay! Nakakabuwisit!
Sinilip ko ang loob, walang guro. Kaya naman pala! Teka? Kahit nga may guro ganyan sila, e.
“Ano na gagawin natin sa kanya, Z?”
“Kawawa naman ang ganda pa naman!”
“Gago! Babaero ka talaga, Cyril!”
“Mukhang tsamba lang 'yong paghagis niya kanina ng bola!”
“Tama ka!”
“Mahina 'yon!”
“Mapapaalis agad natin siya kapag pinahirapan natin, kagaya ng dating ginawa natin sa mga ibang babaeng napunta rito!”
“Dating gawi!”
"Siguro umiiyak na 'yon sa loob ng bodega!"
“Crybaby!”
Nagsalubong ang kilay ko sa mga narinig. Me? A f*cking crybaby? Babasagin ko talaga ang bungo nang nagsabi no'n. What the hell?
Marahas kong binuksan ang pinto ng room kaya gumawa 'to nang malakas na tunog. Nakuha nito ang atensyon ng lahat at gulat akong tiningnan.
“Nakalabas na ako sa bilibid mga langhiya! Kayo naman ang magbabayad!” I smirked at threw then a cold stare.
“Tang*na bakit nakalabas 'yan?”
“Ni-lock mo ba Z ang pinto ng maayos?”
“Hindi talaga nadala ang babaeng 'to ah?”
“Gulat kayo? Ako rin!” sarkastiko kong turan, tumawa pa ako. “Now you will pay for what you did to me,” I said. Pinusisyon ko ang kahoy na dala ko na para bang handang ihampas na sa kanila 'yon.
Sandaling tumahimik ang lahat kaya ngumisi ako. At saka humagalpakan sa tawa ang lahat kaya nawala ang ngisi ko, napalitan ng inis.
“Grabe benta 'yong joke niya sa 'kin, dre!”
“Tang*na pwede na siyang maging komedyante sa gay bar!”
“P*ta! High na high yata 'to!”
“Lakas ng sapak sa utak, dre!”
“Ang lakas manghamon patpatin naman!”
“Seryoso 'to?”
Hindi makapaniwalang sabi nila at hindi pa nakontento ang isa. Nilapitan pa talaga ako at inakbayan. Nagdyo-joke ba ako at ganyan sila tumawa? Nawala yata utak nila at naapektuhan ang sense of humor nila.
“Wrong move, f*cktard!” wika ko.
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top