CHAPTER 18
Chapter 18: Doomed
Rue
"OKAY that's all for today," paalam ni Miss Aloazon sa amin.
Niligpit niya ang mga gamit at libro. Naglaglag pa ang iba kaya tinulungan ko siyang bitbitin papunta sa building ng ibang mga section. Sila na kasi ang susunod na tuturuan niya.
"Thank you, Rue." She smiled at me and I smiled back.
"Wala pong anuman, ma'am." TAtalikod na sana siya ng mapatigil. Sinundan ko ang tingin niya at naroon nakatitig sa kanang braso ko.
"Na pa'no 'yang kamay mo?" She pointed while her brows creased.
"Ah wala po!" mabilis kong sagot at tinago 'yon sa likod ko. I smiled at her to gave assurance that she don't need to worry or anything.
Napatigil siya ng ilang segundo bago salubungin ang mga mata ko. Napabuntonghininga siya at inayos ang salamin.
"Sinasaktan ka ba nila?"
I know she's pertaining with the worst section so immediately shook my head, "Hindi po Miss. . . ako po ang may kasalan nito." Napakamot pa ako sa gilid ng kilay at awkward na ngumiti.
"Sabihin mo lang, Rue, kung nahihirapan ka ng pakisamahan sila." Naging malungkot ang mukha niya. "I'll find ways para malipat ka sa ibang section o 'di kaya sa star section."
"Naku, Miss, huwag na po! Okay na okay na ako rito." Kapag kasi nilipat mo pa ako ,magiging kaklase ko ang kapatid kong ubod ng sungit.
"Is that true?"paninigurado nito.
"Yes po! Nang dahil lang talaga sa sariling katangahan kaya ako masugatan. Tsaka I'm good with the worst section. Kaibigan ko na nga silang lahat!" Ngumiti ako.
Totoo naman kasing kaibigan ko na silang lahat. Hindi man nila maamin 'yon sa salita, inaamin naman nila iyon sa gawa.
Napangiti si Miss Alaozon, "Good to hear that. Sa wakas mayroom nang makakapagpabago sa kanila. At nakikita ko na rin ang pagbabago nila, unconsciously. Masyado kasi nilang pinapangatawanan ang pagiging badass sa eskwelahang 'to. Simula pa lang ay may kabutihan silang taglay. Besides, minsan na rin akong naging isa sa Worst Section ng eskwelahang ito." Tinapos ni Miss Alaozon ang kwento niya sa isang ngiti.
Magtatanong pa sana ako pero tumalikod na siya at nagpaalam. Nanlaki ang mata ko ng ma-realize ang huli niyang sinabi.
W-what? Naging isa sa worst section? Naging isa? That means...
"HOY!"
"Ay tortang kabayo!" gulantang na sigaw ko.
"Masarap sana 'yong sinasabi mong torta pero 'wag na lang pala. . . may kadugtong pang kabayo," bahagyang napatawa si Owen kaya hinampas ko siya gamit ang kanan kamay ko.
"Aray! Tang na juice!" Napahawak ako sa sugat ko. Para akong maiiihi sa sakit. Feel niyo 'ko?
"Mabilis talaga ang karma. . .tang nga naman talaga ang juice!" anito.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad na napatikom ang bibig nito at umaktong sumusuko katulad ng mga nahuhuli ng pulis.
Nasa labas pala siya ng room at hindi ko man lang mapansin na nakarating na ako sa lumang building na 'to. Laman kasi ng isip ko ang sinabi ni Miss Alaozon sa 'kin.
Wala na namang kaming klase kaya ayan, nagbabaraha ang iba, naghahagisang ng binolang papel, naghahabulan, at 'yong iba tulog. Pansin kong wala si Hiro at Zinnon sa room. Ang sabi ay pinatawag ang mga vice at president ng kada section para raw sa gagawing activities sa foundation day next next next week. As if naman na isasali ang Worst Section sa program na 'yon. Asa!
"Rue, may pagkain ka riyan?" Kinulbit ako ni Henry.
"Oo nga Rue, gutom na kami!" sang-ayon ni Nikko.
Nag-ingay na silang lahat. Ang sakit sa tainga kapag sabay-sabay ng magsalita. Mga bubuyog nga talaga!
"Ano ko kayo anak? Bumili kayo ro'n sa cafeteria!" Ngumuso silang lahat. As in sabay-sabay talaga. Nakakatawa 'yong pagmumukha nila.
"Eh hindi kami pwede ro'n!"
"Oo nga Rue!"
"Tamad kaming pumunta sa lungga ng mga ipis!"
"Tama ka diyan!"
Oo nga pala, hindi ko pa rin alam kung bakit ayaw nilang pumunta sa cafeteria. Matanong ko nga.
"Bakit ba ayaw niyong pumunta ro'n? Para naman 'yon sa lahat! At sino bang nagsabi na bawal do'n?" I exclaimed.
"Mapapaaway lang kami kapag pumunta ro'n!"
"Right!"
"Kami ang pumiling huwag pumunta sa cafeteria,"
Lumukot ang mukha ko sa narinig.
"Eh kasi pinapatulan niyo ang star section!" Napatahimik sila dahil sa sinabi ko.
Tama ako, 'di ba!
"Nakakapikon, eh!" sabat ni Owen.
"Nangangati kasi ang kamao ko kapag nakikita sila," inis na segunda ni Cyril.
"Sarap nilang durugin!" ani Noah at Red.
Namewang ako sa harap nilang lahat. "Tama na nga ang pakikipag-away ninyo! Kaya kayo iniiwasan ng ibang tao e! Mas dadami lang ang kaaway niyo kapag pinagpatuloy niyo 'yang lahat!" Napatahimik sila. "Pupunta tayong cafeteria ngayon din! Huwag kayong magsisimula ng away! Binabalaan ko kayo."
"Pero-"
"Baka magalit si Z!"
Tututol sana silang lahat pero sineyasan kong tumahimik sila. Agad doon naman nilang sinunod 'yon.
"Akong bahala! Sagot ko kayo sa demonyong 'yon," tumahimik sila sandali at bigla na lang nagsigawan.
"Makakakain na rin tayo!"
"Busog na namna ako nito!"
"Tara na!"
Sa huli ay napapayag ko sila. Narito na kami ngayon sa cafeteria, kumakain. Nilalantakan nilang lahat ang pagkain nakikita sa mesa. Ilista na lang daw sa pangalan ni Zinnon lahat ng kinain nila.
Nung nakakakain pa kasi silang lahat dito sa cafeteria ay si Z na ang nagbabayad ng lahat. Mapera rin ang loko.
Dumighay ng napakalakas si Red at Noah. Kasunod no'n ay nagsidighayan na ang buong Worst Section.
Pinagtitinginan pa rin kami ng mga estudyanteng nasa cafeteria. Siguro ay nagugulat sila sa nakikita. Shock na shock lang?
"Bakit nandito sila?"
"Infairness ang gugwapo pala ng Worst section, talo pa ang mga lalaki sa Star section,"
"Gwapo rin naman ang Star ah?"
"Mas lamang lang talaga nag Worst pagdating sa mukha!"
Nagngisihan silang lahat ng marinig ang mga pag-uusap ng mga kababaihan sa cafeteria. Wow! Feel na feel naman ng mga kaklase ko. Mga kupal!
"Hala! Nandito na ang star section!"
"Oh no! Gulo na naman 'to!"
Biglang nag-iba ang aura ng mga kaklase ko ng marinig 'yon.
Sh*t! Lagot! Sinabihan ko na sila pero parang walang tumalab! I'm doomed!
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top