CHAPTER 12

Chapter 12: Owen

Rue



Napagpasyahan kong tumambay muna rito sa second floor ng building namin. Wala namang tumatambay rito kaya okay lang. Tiningnan ko ang limang kwarto sa second floor. 'Yong tatlo ay sira na ang mga pintuan, nilagyan na lang ng malaking plywood. Kaya hindi na akong nag-aksaya ng oras para pasukin 'yon.

P*tcha! Para naman akong magnanakaw sa term na 'yon.

Nag-ala guard ako sa pag-iinspeksiyon ng bawat kwarto.

'Yung pang apat naman ay medyo maayos kaso nga lang walang kahit na ano sa loob. Ano ba 'to? Mukhang dance room 'ata, may mga nakapalibot kasing salamin. Sira rin ang bintana nito pero okay pa ang pinto.

Ang panghuling kwarto ay may harang na talaga. Nilagyan na ng tabla ang pintuan at may nakalagay na keep out.

Napaisip ako kung bakit may gano'n 'yon.

Sisilipin ko na sana kaso umihip ang hangin. Tang na juice! Ang lamig. Nanlaki ang mata ko kaya kumaripas ako ng takbo pababa. Takot ako sa multo tang*na!

Wala akong pakialam sa maapakan ko basta makatakbo lang ako at malayo rito. Nasa hagdan na ako ng biglang may naapakan. Sabay kaming napasigaw dahil sa gulat. Muntik na akong atakihin sa puso. Bwisit!

"Bakit ka nang-aapak?" inis niyang sabi at tumayo mula sa pagkakahiga. Nagising ko 'ata siya.

"E, bakit nandiyan ka?" tanong ko pabalik.

"Wow! Ngayon ko lang nalaman na sagot ang tanong sa tanong," sarkastikong aniya.

Teka, ano ba ang pangalan nito? Kausap ako nang kausap sa kaniya tapos hindi ko man lang kilala. Namumukhaan ko naman siya, kaklase ko, e. Sino ba namang hindi matatandaan ang mga mukha nang nantitrip sa kanya? Wala, 'di ba?

"Ano nga pangalan mo?" tanong ko sa kaniya kaya tiningala ako nito.

Feel ko ang tangkad ko. Feel ko lang. Nakaupo na siya at nakasandal sa pader.

"Owen, Owen Garcia," pakilala niya at ngumiti.

Lah? Bakit ang gwapo niya sa ngiting 'yon?

"Ah, bakit ka nga pala rito natutulog?"

"Obviously inantok," agad na sagot niya.

"Hindi! I mean pwede namang sa room o 'di kaya sa desenteng lugar—" hindi ko natapos ang sinasabi dahil nagsalita na naman ulit si Owen.

"Desente naman 'to, ah?" Turo niya sa hinihigaan niyang hagdan na may plywood.

Plywood lang talaga ang sapin at wala ng iba. Hanep din 'to! Lakas din ng sapak sa utak.

"Desente na 'yan? 'Yong totoo?" sarkastiko kong turan sa kaniya. Kumunot lang ang noo niya at saka tinawanan ako.

"Bakit mo ko tinatawanan? Am I cracking a big joke?" Namewang ako sa harap niya.

"Mukha mo kasi, mukhang joke!" Humalakhak siya ng todo.

Taenang 'to!

Nang-insulto pa. Ang galing! Sinamaan ko siya ng tingin kaya napatahimik siya at bumalik sa pagiging seryoso. Bipolar ata 'to.

"Nga pala, Rue." Nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalang ko. I didn't expect na may nakatatanda sa pangalan ko daholil hindi naman nila ako pinagtuunan ng pansin nang magpakilala ako sa harap.

And besides, nasa mukha nitong parang hindi naman palatandain sa itsura.

"Hmmm?" Tingnan ko siya at naupo na rin sa tabi niya.

"I'm so sorry. Sorry sa ginawa namin." Nakamot siya sa batok at hindi sa 'kin makatingin ng diretso.

Pinalo ko siya sa braso kaya gulat itong napatingin sa akin.

"Okay lang sa 'kin 'yon. Sanay na ako sa mga ganiyan." Napangiti ako ng mapait at napatingin sa malayo.

"Why?" agad na tanong nito.

Chismoso mo, chong! Ang gaan lang ng pakiramdam ko kay Owen kaya napagpasyahan kong ikuwento 'yon sa kaniya.

"Dati na kasi akong na-bully," malungkot kong k'wento, tumawa ako pero mahahalata mong pilit at labag sa loob. "Wala akong nagawa no'n, hindi rin alam ng kuya ko na binu-bully ako sa school pati nina mom and dad." Napakagat ako sa labi ng balikan ang ala-alang 'yon.

Nakatingin pa rin ako sa malayo, ayokong salubungin ang tingin ni Owen baka makita ko pa ang awa ro'n. Ayokong kaawaan ninoman.

"Bakit hindi ka nagsumbong?" inis na anito kaya napalingon na ako sa kanoya. Tumawa ako.

"Ayoko lang namang mag-alala sila." Napababa ako ng tingin.

"Pero sana sinabi mo pa rin Rue," mahinahong anito, nagpapaintindi.

Bakit parang siya pa 'yong affected? Grabeng lalaki na ito!

"Ayoko ko nga silang mag-alala," pilit ko.

"Kahit na! Dapat sinabi mo pa rin!" pilit din niya.

Ipaglaban mo lang ang peg?

"E, bakit ka nagagalit sa akin?" Kunot noo kong siyang pinanlakihan ng mata.

"Hindi ako nagagalit!" mabilis na depensa niya

"Weh?"

"Hindi nga, kulit!"

"Paanong kulit?" sabay naming sabi, nagkatinginan kami at nagtawanan.

"Ikaw ah,  tawa ka nang tawa. Crush mo ko 'no?" Ginalaw-galaw niya ang kilay at ngumisi.

"Kupal!" Binatukan ko siya.

"Ouch!" Hinawakan niya ang parte ng ulo niya na binatukan ko.

"Masakit?" sarkastiko kong tanong.

Nakalimutan niya na ata ang kinuwento ko. Okay na rin 'yon, para wala ng tanong

Tumayo na siya  at inilahad ang kamay. Napatitig ako ro'n ng ilang segundo kaya pinuna naman ako ng bubuyog na si Owen.

"Nakakangalay  Rue. Konti lang ang in-offer-an ng kamay kong 'to.  Maswerte ka."

Nakuha pang magyabang. P*nyeta!

Kinuha ko ang kamay niya at mahigpit mahigpit na hinawakan sabay pisil  ng sobrang lakas nang makatayo.

"A-aray, Rue! Babae ka ba talaga?" reklamo  niya habang hawak-hawak  ang isang kamay.

"Tingin mo?"

"Aish! Tara na nga!"

Pinagtitinginan  kami ng mga kaklase ko nang makapasok. Para naman kaming may nagawang hindi maganda sa paraan ng paninitig nila.

"Uy Owen ano 'yan?"

"Dumadamoves ah?"

"Mga gago!" singhal ni Owen sa kanila.

Umupo na lang ako at tsaka umiling. Nadaanan pa ng paningin ko ang masamang tingin ni Z. Ewan ko sa kanya. Umirap lang ako sa kanya at dinedma.

Ang sungit!

Bakit ba ang init-init ng dugo niya sa 'kin? Kainis!

Pansin kong nag-iingay na silang lahat at nakatayo na dala ang mga sari-sariling bag. Uwian na? Bilis naman.

"Rue, sabay na tayong umuwi," ngumiti si Owen nang makalapit sa upuan ko. Nakaupo pa rin ako kaya tiningila ko siya.

"Sabay kasi kami ng kuy—" hindi ko natapos ang sasabihin dahil biglang nag-vibrate ang cellphone ko.

Binasa ko ang text ni Kuya Eziel. At hindi raw ako nito masusundo. Timing!

"Ah, Owen, sabay na tayong umuwi." nginitian ko siya at kinuha ang bag.

Naglalakad lang kami pauwi. 25 minutes lang naman ang lalakirin patungo sa subdivision namin.

May shortcut kasing nalalaman si kuya kaya nasa highway 'yan dumadaan. Ang 25 minutes ay nagiging 10 minutes na lang kapag doon kami dumadaan.

Pansin ko ang pananahimik ni Owen at pasimpleng pagtingin niya sa likuran. Kanina pa siya ganito pero baka mali lang ang iniisip ko.

He looked nervous while staring at somewhere kaya taka ko itong nilingon and the next thing I knew, Owen's face was written of nervousness.

"Ah, Rue, mauna ka na," biglang sabi niya.

"Ha?" iyan lang ang tanging sagot ko nang maglabasan ang mga lalaking may dalang mga baseball bat at kahoy. Nasa katamtaman lang ang mga katawan nito at pulos nakakulay itim.

"Just go! Rue!" sigaw ni Owen sa akin.








A  S T A R F R O M A B O V E

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top