CHAPTER 10
Chapter 10: Kuya
Rue
NANG marating ko ang shower room ay sinugurado kong na-lock talaga ang pintuan. Baka masilipan ako at makita ang sexy kong katawan. Mahirap na!
Halos kulang ang isang sachet ng shampoo sa buhok ko! Tang na juice! Bakit ayaw bumula? Nagmistulang pinturang puti ang tubig na umaagos pababa sa paa ko nang makita ko ito.
Seriously?
"Ilang kilo ba lahat nang nabato nila sa 'kin? Kaasar!" Napapadyak ako sa ilalam ng shower kaya muntik na akong madulas sa katangahang ginawa ko.
Aish! Kinuskos ko nang kinuskos ang mga harinang dumikit sa katawan ko. Mukha ba akong pizza?
Makalipas ng ilang minuto ay malinis na ako kaya nagbihis na ako sa dala kong grey na jacket, itim na pants at puting snikers.
I tied my hair up, a messy bun. Wala nang suklay-suklay at make-up. Hindi naman ako marunong maglagay ng mga kolorete sa mukha.
Natural ang beauty ko 'no!
Dahil nagutom na naman ako ay pumunta ako sa cafeteria. Ewan ko pero bakit nakatingin na naman silang lahat sa akin? Am I that beautiful? Sus!
"Set B," agad kong sabi dahil kusang humawi ang pila nang makita nilang lahat ako.
It's kinda werid, I guess? May nakahahawa ba akong sakit sa paningin nila kaya ganito silang lahat?
Sa pagkakaalam ko ay isa pa lang akong estudyante ng Hades Academy, kailan ba ako nag apply bilang isang celebrity? Hindi ko matandaan.
"Siya 'yan?"
"Oo..."
"Basagulera raw 'yan!"
"Mukha nga. . . ang yabang ng mukha!"
"Bakit siya narito? Bawal sila rito, 'di ba?"
Ayan na naman sila. Ano na naman bang bawal-bawal ang pinag-uusapan nila? Bawal makabili? E, nakabili na nga ako, oh! I just rolled my eyes at iniwan ang nagbubulungan doon.
P*tcha! Mga walang magawa sa buhay!
Pati buhay ng may buhay pag-uusapan. Tsk!
Humanap ako ng hindi akupadong mesa pero wala akong makita. Saan ako nito kakain? Malas!
Ah! Doon na lang sa building namin. Nagmamadali akong lumabas dahil baka maabutan na naman ako ng star section na pinagsasabi nila. Pero mapaglaro talaga ang panahon, 'di ba? Nakasalubong ko pa sila, hindi lang lima o anim. Buong section!
Dahil bigla na lang sumulpot ang taong nasa unahan ay hindi ko napigilan ang paggalaw ng katawan ko na naging dahilan para mabunggo ko 'yong nasa unahang lalaki.
My eues widened nang makitang nasa sahig na iyong mga binili kong pagkain. Naman,oh!
Trouble again, Rue!
Gusto kong pagalitan ang sarili pero hindi ko magawa. Pinulot ko ang nalaglag na tray at pinabayaan na lang 'yong laman no'n, alangan namang kunin ko 'yon isa-isa, 'di ba? Hindi ko naman makakain. Sayang lang! Sayang talaga!
Sayang 'yong pera ko!
"What the f*ck? Bulag ka ba o tatanga-tangahan lang? Look at my uniform!" Pamilyar ang boses na 'yon kaya napaangat ako ng tingin.
Nanlaki ang mata naming dalawa ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ng isa't isa.
Kuya?
Agad nawala ang gulat sa mukha niya at tumikhim. Hahambalusin ko na sana siya ng tray na hawak ko dahil sa pagsigaw-sigaw effect niya sa 'kin pero palihim niya akong sinamaan ng tingin.
"Just. . . just don't go near me in school. Pretend that you never know me Rue. Promise me that."
Naalala ko na lang bigla ang sinabi niya sa kwarto ko at kung gaano siya makiusap sa 'kin ng gabing 'yon.
Pretend ha?
Napangisi ako sa naisip kong ideya.
"S-sorry. . . h-hindi ko sinasadya," utal na acting ko sa harap niya.
Palihim niya akong tinaasan ng kilay dahil sa sinabi ko. May pa keming yuko pa akong nalalaman.
"Ziel, you know her?" takang tanong sa kaniya ng isang gwapong lalaki.
May ichura rin siya, infairness. Pero parang mas lamang ng konti 'yong Z na 'yon ng worst section.
What the hell? Bakit ko kinumpara ang pisting yawang bubuyog na nagngangalang Z na 'yon? Ang pangit-pangit niya!
"Ah. . . heah, she's the daughter of my mom's friend." Nakatingin lang si Kuya Eziel sa 'kin habang sinasagot ang tanong ng kaklase niya.
"Uhmm. . . oo, ex kasi ng mom ko ang daddy niya." Napayuko ako, hindi ko mapigilang mapatawa kaya tinago ko 'yon.
I'm really dead mamay kay kuya pero i-enjoy ko muna itong panti-trip sa kaniya. Serves you right.
"What the f*ck?" dinig kong usal ni Kuya.
Tiyak na papatayin ako mamaya nito sa bahay dahil sa kalokohan ko. 'Yaan na! Mag-enjoy muna ako bago mamamatay! Sagarin na!
Nagtawanan ang mga kaklase niya sa sinabi ko.
"Baka kayo magtuloy ng naudlot na pag-iibigan ng mga parents ni'yo, Ziel!"
"Tama! Agree!"
"Grabe! Mag ex?"
"Uhm. . . hindi lang 'yon." Napakagat-labi ako, gusto ko nang tumawa. Sinamaan ako ng tingin ni kuya.
"Huwag mong sabihing mag-ex rin kayo?"
"P*ta, tol, pumatol ka riyan?"
"Magpapakalbo talaga ako kapag totoo, Ziel!"
Mas lalo silang tumawa sa mga pinagsasabi nila. Ano kaya amg gagawin nila kapag nalaman ang saabihin ko? Hindi ko ma-imagine ang mukha ni kuya kapag narinig 'to.
"Oo. . . tama kayo, ex ko siya." Tumingin ako sa mga kaklase niyang nagsalita kanina. "Nalaman ko kasing bakla siya," dugtong ko pa at napunta na sa pagkakataong 'yon ang paningin ko kay Kuya Eziel.
Napahalakhak ako sa isip at pinigilang humagalpak sa tawa sa personal, nasa harap ko pa siya. Mamaya ko na ito itatawa.
Chill lang muna tayo!
"Humanda ka sa akin mamaya, Rue!" mahinang anito.
Tiim-bagang niyang tiningnan ang mga kaklase kaya napatahimik agad sila.
"Shut your f*cking mouth, will you?" singhal niya.
"Ziel, what's going on?" Sumulpot bigla ang isang pusang gala na ang pangalan ay Cazzy.
Ano? Magkaklase sila? Star section si Kuya Eziel?
Langya! Pagkakataon nga naman, oh!
Ako itong tinaguriang kapatid tapos walang alam sa section ng kapatid. Amazing!
Dumikit ang malanding higad na pusa sa braso ng kuya ko at idiniin ang sariling boobs.
Tang na juice! Landi mo, ghorl!
Nagsumbong sila sa Cazzy na 'yon. Kaya napalingon sa 'kin ang pusang higad na kawa sa coloring book ang mukha.
"Caz, 'yan ang ex daw ni Eziel oh!"
"Ganda!"
"Ampangit!"
Hinead to foot ako ni Cazzy The Cat Higad at tinaasan ng kilay.
"Ikaw? Ex? Mas bagay kang yaya! Mas maganda ako sa 'yo no! Eww!" Inirapan ko lang siya. Ang arte-arte ng pagkakasabi niya no'n.
Parang ako ang nandidiri sa pinaggagawa niya kay Kuya. Itong kapatid kong 'tong dedma lang at parang walang nararamdaman sa braso niya. Kulang na lang ipahawak niya ang boobs niya kay Kuya.
Kadiri!
"Mas maganda ako sa 'yo. Dahil kung maganda ka, walang water color na nakalagay sa mukha mo. Ako? Natural ang ganda ko! Na-tu-ral!" I flip my hair para masampal siya ng buhok ko sa mukhang niyang canvas.
Pigil ang tawa ng mga kaklase niya sa narinig pati na rin si Kuya Eziel.
"Libreng tumawa. Hindi nakamamatay!" Umalis agad ako matapos sabihin 'yon.
"Stop it!" inis na sigaw ni Cazzy higad mg makalayo ako. Lakas naman ng boses niya!
Nakalunok yata ng microphone. Kung sa bagay, mukha naman siyang stand ng mic.
A S T A R F R O M A B O V E
★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top