CHAPTER 1
Chapter 1: New beginning
Rue
"LOLO, please hang in there. Malapit na tayo," I pleaded as I cupped his face.
Kasalukuyang kaming nasa ambulansiya at tahimik na nagdadarasal na sana ay makaabot agad kami sa hospital. Unconscious si lolo at hindi ko alam ang gagawin. Ilang ulit kong nakagat ang bibig sa kabang nararamdaman.
Biglang pumasok sa isip ko sina mom and dad kaya nanginginig kong kinuha ang cellphone at tinipa ang numero nila. Ilang ulit na nag-ring iyon bago sagutin ni mom ang tawag.
"My gosh, Rue, nasa gitna kami ng conference meeting ngayon. Nakahihiya sa ka-meeting namin ng daddy mo," bungad nito sa akin.
Napahikbi na ako sa mga oras na iyon. Alam kong ako ang sisisihin nila dahil sa nangyaring ito kay lolo. Kasalanan ko naman kasi.
"Bakit ka umiiyak? A-anong nangyari?" Binalot ng katahimikan ang kabilang linya ngunit agad na nakabawi si mom. "W-where's your l-lolo?" kabadong anito. Natitiyak kong may ideya na ito sa sasabihin ko. Knowing mom, mabilis itong makaramdam sa mga bagay-bagay. Maybe that was a mother's instict.
"Mom. . ." iyon lamang ang nausal ko at humagulgol.
Napatitig ako sa walang malay na si lolo. Unresponsive ito at nagsisimula nang mangitim ang bibig.
"Rue! What happened? Sabihin mo kay mommy!" kahit na galit ito ay nakuha niya pa ring maging kalmado sa pagtatanong. Hindi ko alam kung paano iyon nagagawa ni mom, pero si mom lang ang kilala kong ganoon.
"S-si. . . lo. . .lo." Pinigilan kong mapahikbi ulit kaya napatakip ako sa bibig.
"Oh my gosh! Anong nangyari kay dad?!" bakas ang pagkakataranta ni mom sa kabilang linya.
"P-Papunta po kami sa hospital, mom."
"Where it is?"
"Sa hospital po natin, mom." Agad na naputol ang tawag pagkasabing-pagkasabi ko no'n kaya minabuti kong ilagay ulit sa bulsa ang telepono. "Lo. . ." hagulgol ko.
Kung sana ay hindi ko na lang siya pinatawa ng todo-todo. Kung sana ay hindi ko na lang kinulit si lolo, sana ay buhay pa ito. Pareho silang dalawa ni lola na may sakit sa puso ngunit magkaiba lang ang kaso. Nawala na nga noon si lola, ngayon naman ay mawawala sa mga kamay ko si lolo.
Napasabunot ako sa sarili. Bakit ba palaging ako? Kasalanan ko lahat ng ito! Nakaiinis!
Nang marating ang hospital ay agad na pinalibutan ng mga doctor si lolo. I explain to the doctors incharge what happened before my lolo collapse at may mga katanungan akong nasagot. After a few moments, lumabas na ang doctor, it was Doctor Sanchez. Malapit ito sa pamilya namin.
"How was my lolo, doc?" I asked. Nanginginig akong napatingin sa pinanggalingan nito.
"I will be honest to you, Rue. Your lolo's brain was deprieved of oxygen after the attack and took 25 minutes to arrived here. It's a miracle that we revived him but his pulse was so weak.Kalimitan sa mga nakaha-heart attack ng ganito ay mababa ang survival rat—"
"No, doc, my lolo will survive. He will lived!" mangiyak-ngiyak na putol ko sa sinasabi nito.
Doon ko na napansin ang humahangos na sina mom and dad. Agad akong napayuko nang magtama ang mata namin ni mommy.
"How was my dad, Leo?" tanong ni mom sa kaibigang doctor. Nakaalalay naman si dad sa kung anong mangyayari kay mom sa anumang oras.
I didn't hear what Doctor Sanchez said dahil tinangay na ng tuluyan ang isip ko nang ideyang walang ng pag-asang mabuhay pa ang lolo after this night.
Nilipat na ito sa isang private room kaya agad akong pumasok sa kuwarto. Bumungad ang mahimbing na natutulog na lolo ko at agad na nangiligid ang luha ko sa mga aparatong nakakabit sa kaniya.
If I'm not mistaken, that machine was a life support intended for those patients whose unable to do their body's job. Ang sakit isipin na nagkaganito siya dahil sa kagagawan ko.
"Lo, gising ka na, lo." Marahan ko itong tinapik ang braso nito pero walang reaksiyon ang katawan niya.
Kasalanan ko.
Bigla bumukas ang pinto at napalingon ako roon. Iniluwa no'n sina mom and dad kaya napatayo ako ng maayos.
Humahangos na naglalakad si mom makita ang sitwasiyon ni lolo. Napahagulgol ulit ako nang umiyak si mom.
"Mom. . . I'm s-sorry. P-pinilit ko kasi si lolo na lumabas sa kuwarto. K-kinulit ko s-siya a-at. . . at—"
"Thereza!" mariing suway ni dad kay mom.
Napakagat labi ako sa ginawang pagsampal nito sa akin. I deserved this! Pinigilan ko ang luhang nagbabadya nang rumagasa dulot ng sakit na nararamdaman. Nag-iinit ang pisngi kong nasamapal ni mom.
Wala akong narinig na kahit ako kay mom dahil na rin sa pagsaway sa kaniya ni dad.
The doctors said, if ever he can make it tomorrow, hindi pa rin sigurado kung mabubuhay siya.
I talked to him for the last time, hoping that he would hear all of it. I kept on wishing that he'd wake up. I also made a promise not to engage on fights anymore. Just for him, I will do everything.
But then, at exactly 12 a.m, he let go. Wala na ang lolo. Our family mourned for his death.
Kahit na ganoon ang nangyari kay lolo ay hindi pa rin huminto ang mundo ko. I need to keep on living, be a normal high school student. But before fullfiling my promises, I drop out in my old school and enrolled in Hades Academy for a new beginning.
Even lolo was not here anymore, I need to fulfill my promised.
KASALUKUYAN akong nakatayo sa labas ng eskwelahang napili ko habang tinitingala ang mataas na gate ng eskwelahan. The gate was huge!
I closed my eyes, breathe and opened it again. Naitaas ko ang kamay para matakpan ang mata noong masilaw sa sinag ng araw na kasalukuyang tumatama sa aking mukha.
My hair dance as the wind blow. Hinawi ko ang buhok na humarang sa mukha ko kasabay nang paghigpit ng pagkakahawak ko sa backpack na nakasabit sa kanang balikat.
Dito ko sisimulan ang bago kong buhay. Buhay na walang gulo, walang bangasan ng mukha, walang away. Dito ko sisimulan lahat-lahat. Napangiti ako sa isiping 'yon.
Lo, here I am, making that promised come true. Hope this school year go well as I imagined.
Napagpasyahan ko nang pumasok matapos pagmasdan ang labas ng school.
Threze Rue Gonza, welcome to Hades Academy.
Nang makapasok ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinanap ang room ko. Ilang lakad lang and finally I found it. 'Buti na lang at hindi ako naligaw, hindi pa ako maalam sa direksyon. Nasa harap na ako ngayon ng magiging room ko. Ang silid na makakasaksi sa pagbabago ko.
"Be good, do good!" kausap ko sa sarili.
Mukha akong baliw rito dahil kinakausap ko ang sarili. Bahala sila kung anong ideyang iisipin ng mga malilikot nilang mga utak.
My heart rate race as the thought of having a new sets of classmates. A new enviroment was surrounding me and I didn't do any research about this school because I want to be thrilled, surprise, like that.
Ano kayang klaseng section ang mapupuntahan ko rito sa Hades Academy? In my old school, lahat ay pinapatos ko sa away,mapababae man o lalaki. Suki ako sa disiplinary office at hindi nagmimintis iyon. I sighed with the thought. I need to changed here. I want a new Threze Rue Gonza from Hades Academy.
Nanlamig ang mga kamay ko at pinagpawisan habang hawak-hawak ang door knob ng magiging room ko. Maybe this is normal for a student who just transfered, right?
I gathered all my might and heaved a sigh. "Be good, do good Rue," ulit ko pa sa sarili.
Napapikit ako at napahugot nang malalim na hininga bago sinimulang itulak ang pinto. Nangangarera ang puso ko sa pananabik na mayroon akong mga kaklaseng magaganda't guwapo.
The moment my eyes examined the whole room, my mouth hanged opened for about a minute. Disappointment filled my whole system as I scanned the entire room.
Ang kaninang kaba na nasa aking kalooban ay biglang nawala ng ganoon kabilis. Ang kaninang panlalamig ay bigla ring nawala na parang bula. Lahat ng excitement na naramdaman ko kani-kanina lang ay naglaho na nang tuluyan. Nawala ang ngiting kani-kanina lang ay abot tenga na nakapinta sa mukha ko.
The room was entirely a mess. I swear! Basurang nilagyan ng classroom!
What the f*ck was this?!
Halakhakan ng mga estudyante ang nangingibabaw sa apat na sulok nitong silid-aralan na pinasukan ko. May nagliliparang papel sa ere.
Mayroong mga plastic sa tabi-tabi. Gulo-gulo ang mga upuan at wala sa ayos. May lumipad na papel at saktong-saktong napadpad iyon sa mukha ko. Inis kong nilamukos iyon at nagsalpukan ng husto ang kilay.
The hell? Is this even a part of school?
May mga paper plate sa sahig at sobrang maalikabok no'n. Hindi na makita ang tiles na sahig. Seryoso? Ilang taong hindi nilinisan 'to? Classroom pa ba ang tawag dito o imbakan ng basura?
Tiningnan ko ang teacher na nasa harap. Parang wala itong pakialam sa mga nangyayari sa loob ng klase niya. Hindi pa niya 'ata napansin na narito ako pero kalaunan ay napatingin ito sa gawi ko at ngumiti.
"Oh! You're here!" masayang anito na parang hinihintay talaga ang presensya ko. Inalalayan niya akong pumunta sa gitna malapit sa mesa niya kaya napolitan akong maglakad papunta roon.
"Class!" suway niya sa mga estudyante niya pero hindi man lang siya tinapunan nang pansin ng lahat. Nakipagkwentuhan lalo at nagtatawanan ang mga 'yon.
Napabuntonghininga ang teacher at tiningnan ako na may ngiti sa labi.
"Ako nga pala ang guro ni'yo sa Filipino, ako si Binibining Ema Montes. Pagpasensyahan mo na sila, ganiyan talaga ang mga 'yan. Ipakilala mo ang sarili mo, iha." She gave me a welcoming smile at binalingan ang mga estudyante. "Tahimik!" sigaw nito at doon lang huminto ang lahat.
Parang gulat na gulat pa ang iba nang makita akong nakatayo kasama ang guro nila sa harap.
"What the hell?"
"Who the f*ck is she?"
"Dating gawi mga brad!"
"Kawawa!"
"Hindi ka welcome rito!"
"Umalis ka!"
Hindi ba nila alam ang tawag na manners? Tsk! Sinuyod ko sila nang tingin isa-isa.
Una kong napansin ay wala kahit isang babae na kakalse nila. Absent lang ba? Imposible naman yata na lahat ng kababaehan ay um-absent pa sa araw na 'to.
So, lahat ng mga kaklase ko ay lalaki? All boys, huh? It sounds trouble for me.
Inalis ko ang nangunguwistiyong mga tingin sa kanila at pilit na ngumiti para maging kaaya-aya naman kahit papaano ang mukha ko sa harapan nilang lahat.
"Hi? Good morning? Threze Rue is the name. You can call me, Threze or Rue, it depends in all of you. Whatever name you chose, I'm good with it." Kumibit-balikat ako pagkatapos no'n.
Ayoko pa naman ang daming siremonyas kapag nagpapakilala. Bahala sila mag-isip ng apelyido ko o saan ako nanggaling.
"Akala ko lalaki 'yan. Ang pangalan niya kasi!"
"Get lost!"
"Hindi ka namin kailangan!"
"Guguluhin mo lang ang buhay namin!"
Taka ko silang tiningnan lahat. Pinagsasabi ng mga 'to? Parang mga bubuyog! Ang iingay! Kalalaking mga tao.
Kab'wisit! Ayaw ko sa mga maiingay!
Napansin ko ang sa gilid ng mata ko ang lalaking tumayo malapit sa pinto. I feel like something bad would happen if I would not pay attention on him.
Lo, I'm sorry. I smelled trouble here. Ngayon pa lang ay nagso-sorry na ako.
Pinakiramdaman ko ang lalaki dahil parang may nagsasabi sa 'king abangan ko ang bawat galaw nito. Nakatayo pa rin ako sa harapan nilang lahat kasama si Bb. Montes.
Pinagmamasdan ko siya in my peripheral vission. He positioned his arms upward that makes my brows furrowed even more. Mukhang may ihahagis sa 'kin ang tukmol na 'yon.
Hindi nga ako nagkamali.
I smirked, my instincts was always right. Maaasahan ko talaga ito sa ganitong mga sitwasiyon.
Sa isang kisap mata ay biglang may humahagibis na bolang papunta sa direksyon ko. I didn't bother to look at it. Do I look like a weak girl here? Then, I'll prove them wrong.
I won't dodge it as*hole!
Using my left hand, sinalo ko ang bola ng hindi man lang tumitingin sa direksyon na 'yon. Uminit ang kamay kong nakasalo dahil sa lakas ng puwersa ng lalaking humagis nito.
I look to the ball that resting now on my palm. I was impressed, it's clean. Akala ko ay marumi rin ito katulad ng loob ng room na 'to.
Bola ng tennis, ha? Napahigpit ang hawak ko ro'n at pinaglaruan iyon. Sinalo ko 'yon at initsa pataas at sinalong muli. 'Yan ang ginagawa ko habang nakatingala ng ilang minuto.
Pansin kong natahimik ang loob ng room dahil sa nasaksihan nila. Oh? Saan na 'yong maiingay kong kaklase?
Amaze?
Umiling-iling ako at binalingan nang matalim na tingin ang lalaking gulat na nakatayo malapit sa pintuan. His mouth was hanged opened at pabalik-balik ang tingin sa bolang nasalo ko at sa akin.
Is that how he showed his amusement towards me? Well, I'm great when it comes to this. I'm no ordinary girl passing by.
I promise that I'll be good sa eskwelahang ito at hindi gagawa ng kahit ano kasi magbabago na ako but they are testing me. E 'di pagbigyan natin.
Ngayon lang naman. Siguro? Kebago-bago ko rito, oh. I brushed that thought
"Is this the way you welcome your new classmate?" Ngumisi ako at hinagis sa kaniya ang bola ng sobrang lakas at bilis, halos mapantayan na no'n ang lakas ng paghagis niya sa 'kin kanina.
Hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya muntik na siyang masapol sa mukha. Mabuti na lang ay nahila siya ng lalaking nasa gilid niya. Nagsinghapan ang mga bubuyog sa ginawa ko.
"Woah!"
"Sh*t nagawa niya 'yon?"
Napangisi ako sa nakuhang komento. Mabuti na lang at hinila siya ng kaklase niya dahil kung 'di ay basag 'yang mukha mo gago! Kahit cute ka hindi pa rin kita papalampasin sa ginawa mo.
Nagkaroon ng crack ang pinto dahil 'yon ang natamaan at hindi ang hinayupak na 'yon. Pasalamat siya.
"M-maaari ka nang maupo, Ms. Gonza ," putol-putol na saad ni ni Ma'am. Tinalikuran ko na ito at hindi man lang pinansin ang pagkabalisa niya.
What's wrong with him? This is me, I mean it's my normal behavior kapag maiinis sa tao.
Kusang humawi ang mga bubuyog sa dinaraanan ko at pilit na iniiwasan ako. Naghanap ako ng bakanteng upuan pero wala akong makita. What the hell?
"Rue, wala ng upuan dito, gusto mo heto na lang ang sa akin ang upuan mo. You can sit here," sabi ng lalaking singkit.
Maputi ito at infairness may taglay na kagwapuhan ang isang ito.Ngumiti siya sa 'kin at agad na tumayo.
Gentleman naman niya.
Pinagmasdan ko siya at tinitimbang ang mga sinabi niya, baka pagtripan ako mahirap na. Lumipas ang ilang segundo at nakatunganga lang ako sa gitna nilang lahat. Hahakbang na sana ako palapit kay Mr. Chinito nang marinig ang isang blonde hair na lalaki sa likod ko, medyo blonde kasi parang nag aagaw ang kulay brown at blonde niyang buhok.
"You can't sit there! Kumuha ka ng upuan mo kung gusto mong umupo!" masungit na anito.
Sinalubong ko ang masamang tingin niya, linabanan ko ang nagbabagang tingin na pinupukol niya sa akin. Ilang segundo kaming gano'n.
Inaano ko ba siya? His classmate offered his seat and he have nothing to do with it.
"Palaban oh!"
"That's my type!"
"Mukhang may katapat ka na, dre!"
"Angas nito, brad!"
"Shut the f*ck up!" inis na sabi niya at bigla namang tumahimik ang lahat.
Sino siya para masunod? At sino siya para pasundin ako sa gusto niya? Neknek mo.
"Who are to command what I should do? Wala kang ambag sa buhay ko para umasta ng ganiyan! Ano ka hari?" Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinaasan siya ng kilay.
"I'm not a king but I'm your greatest nightmare!"
A S T A R F R O M A B O V E
★☆★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top