CHAPTER 8
"Bakit mo ba pinagsisiksikan ang iyong sarili sa buhay ni Marc?"
Naiiritang tanong sa akin ni Audrey, may kasama siyang tatlong babae na ngayon ay tila kakainin ako ng buhay sa bawat titig nila sa akin.
"She's right. Ex ka na ni Marc so wala ka ng karapatan upang gulohin ang buhay niya at ang magiging girlfriend niya." Sabat naman ng kasamahan niya sa akin habang dinuduro-duro pa ako.
Tsk. Sa mala anghel na mukha ni Audrey ay hindi mo talaga ito maaasahan, ganito ba ang tipo ngayon ni Marc?
Isang war freak na hindi maalam tingnan kung hanggang saan ba dapat lang siya?
Ano bang nakita niya sa babaeng ito? E mas dihamak na mas magaling ako rito, matalino at isa pa maganda ako kaysa sa babaeng ito.
"Hindi ko pinagsisiksikan ang aking sarili, I love him. And I know that he still love me, so pwede ba h'wag mong sirain ang plano sa amin ng Tadhana?" Mataray kong sagot kay Audrey habang nakataas ang aking kilay at ang aking dalawang kamay ay nakapatatong sa ibabaw ng aking braso.
"Are you stupid? Nananaginip ka pa ata babae. He already left you and in fact, we were in relationships. So stop acting like you are his girlfriend when the fact that you're just an ex of him!" Natatawa niyang saad habang pinagtutulakan niya ako paatras gamit ang kaniyang isang daliri na kasing bigat ng barbell dahilan upang magawa niya akong itulak papunta sa basurahan.
At ngayon, nasa lapag na ako habang nakapaligid sa akin ang mga basura na nasa basurahan.
Ngayon, pinagtatawanan na nila ako at umalis na sila sa aking harapan, hindi ko maiwasang tumulo ang aking mga luha.
Kasalanan mo 'yan, Nuvea. Kaya panindigan mo at tiisin mo.
Biglang dumating sina Marc at Fadeo, nagulat sila nang makita nila ako na nasa sahig habang katabi ang mga basura.
"Nuvea!" Napatingin ako sa kanilang likod nang biglang nakarinig ako ng boses na pamilyar sa aking pandidig.
Tumakbong nag aalala sa akin ang mga kaibigan ko na sina Angelic, Hindi ko akalain na lalapit sila sa akin upang tulungan dahil tanging ngayong araw lang nila ako pinansin.
Muli kong sinulyapan ang mukha ni Marc ngunit wala na ang pag aalala sa kaniyang mukha, napalitan na ito ng malamig na ekpresyon.
"Who did this to you?" The soft voice of Ean turned to baritone. You really can feel the anger to his voice even to his eyes.
Hindi ako sumagot, I remain silent. Ayaw kong magkagulo dahil alam ko ang ugali ni Ean, nakakatakot siyang magalit there's once that he throw a punch to the pervert guy who sniffed at us.
Nang tumingin ako kayna Audrey ay narealize niya kung sino ang may gawa nito sa akin. Nang susugurin na nito ang mga ito ay agad siyang pinigilan ni Angelic.
"Calm down, Ean." Pagkakalma nito sa kaniya, ito na nga ba ang kinakatakotan ko e.
"Don't stop me for hurting them, Angelic. Sinaktan nila ang ating kaibigan, do you think I will let them by? No!" At sabay kalas sa kamay ni Angelic sa kaniya.
Sinugod niya ang tatlong babae at agad na binigyan ng tatlong sampal isa isa. Hindi pa ito kuntento at binagyan pa ng panibagong sampal, napansin na naming namula na ang mga pisnge ng tatlo.
Agad namang lumapit sa kaniya sina Marc at Fadeo upang pigilan siya, "Stop Ean! Mga babae 'yan!" Pag awat sa kaniya ni Marc ngunit hindi ito nakinig at sinampal muli ang mga ito.
Tumigil ito at sabay tingin kay Marc, "You are the reason why this is all happened!" Nanlaki ang aming mga mata nang biglang sinuntok ni Ean si Marc na hindi naman kaagad naka-ilag dahil kahit siya ay hindi inaasahan ang kilos ng aming kaibigan.
Tumayo agad ako sa kakaupo sa sahig at agad na inawat si Ean. "Ean! Stop! Ano ba!" Naiirita kong sigaw sa kaniya at sabay hawak sa kaniya. Lumapit na rin sa amin sina Erin upang tulungan akong awatin si Ean.
Medyo natakot ang mga kaklase namin kay Ean dahil hindi nila inaasahan ang galawan ni Ean, they know him as feminine guy who is gay.
"What is the meaning of this, Mr. Ean Rogesso and Marc Dwell!?!" Napatalon kami sa gulat nang biglang dumating ang aming adviser.
Napatigil si Ean habang si Marc naman ay napaayos ng tayo. "To the guidance office!" Sigaw nito sa dalawa at padabog na umalis ng aming classroom.
Agad namang sumama sa kaniya ang dalawa ngunit ramdam mo pa rin ang tension sa dalawa.
Tumahimik ang paligid at kalaunan ay tila walang nangyaring nag chichismisan na muli sila.
Agad naman akong umupo sa aking upuan at lumapit sa akin ang mga kaibigan ko, napansin kong umiiyak ngayon ang tatlong babaeng sinampal ni Ean.
"See? This is what happened when you force yourself to someone who will never love you again," seryosong anas sa akin ni Angelic.
"Stop that Angelic," awat sa kaniya ni Erin at Akabene. Ngunit tinarayan lang siya ng mga ito.
"Aminin natin, Hindi naman talaga sinasadya ni Nuvea na mahulog nang husto kay Marc. Biktima lang siya ng pag ibig." Sabay ngiti sa akin ni Akabene.
I'm happy that we were okay now, I literally miss them for real. Maybe, right now is the perfect timing to the truth.
"Guys? Are you free tonight?" I asked.
Agad naman silang tumango sa akin, "Sa tambayan natin, I have something to tell you." Sabi ko sa kanila kaya naman tumango sila sa akin.
Dumating na sina Marc at Ean, I could see in the face of Ean the frustrated. I guess, the guidance didn't went out well.
"What did the guidance went out?" I asked, "I'm sorry because of me, napapunta ka sa guidance." Nakayukom kong sambit sa kaniya. To be honest, I'm very disappointed to myself for what happened right now.
Dahil sa pagiging tanga ko sa pag iibig ko para kay Marc, naging bulag ako at muntik nang masira ang aking relasyon sa mga kaibigan ko.
"Suspended for 3 days," inis na sagot niya sa akin. Napayuko ako, Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
Nang dahil sa akin, nagkaroon siya ng record sa guidance which is not his thing naman. And I know it's my fault and I should responsible for that.
"And girl, It's okay. You are my friend, and even though I suspended for how many weeks, I'm okay as long as you guys won't hurt by anyone else." This is what I want to him. Having a gay friend is such a treasure.
Kahit minsan ay inaaway at inaasar niya ako ay alam kong mahal niya ako. Bigla ko siyang niyakap at tumulo na lamang ang aking mga luha dahil sa guilty na nararamdaman ko.
"I'm really sorry..."
Agad din namang yumakap ang mga kaibigan sa aming dalawa. "Basta Kahit anong mangyari, wala nang away na mangyayari okay?" Sambit sa amin ni Angelic, agad naman kaming tumango sa kaniya.
Kumalas na kami sa pagkakayakap sa isa't isa. Napatawa na lamang kami sa aming kadramahan na ginawa.
"I really hate you." Lalabas na sana ako para pumunta sa tambayan dahil nga sasabihin ko na sa mga kaibigan ko ang dahilan ngunit biglang nagsalita si Marc.
Sobrang lamig ng kaniyang boses, kahit ang mga titig niya sa akin ay kasing lamig ng yelo.
"H-Ha?" Tila hindi maiproseso sa aking utak ang ginawa niyang pagkausap sa akin.
Ngunit agad siyang umalis sa aking harapan na wala man lang paalam. Ramdam kong galit siya sa akin at ang kaniyang inis.
Is the really the sign?
Is this what god want me to do? To realize that Marc isn't really for me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top