CHAPTER 5

Dumaan ang ilang araw, tila nag iba ang trato sa akin ni Marc. Hindi ko alam kung bakit, kung may nagawa ba akong mali sa kaniya.

Oo, ex niya ako ngunit hindi naman siya ganito sa akin noon. Nakikisabay pa naman siya noon sa aming asaran bilang isang mag ex. Ngunit ngayon? Wala na iyon, tila sinusuklaman na niya ako na nakilala niya ako sa kaniyang buhay. Na pinapasok niya ako sa kaniyang puso.

Ang mga kakampi ko noon ay wala na rin sa aking tabi. Iniwan na rin nila ako ere. Hindi ko ba alam kung kasalanan ko ba iyon kaya nagkakaganiyan silang lahat sa akin.

Hindi na ako nag rerecess o nag lalunch dahil wala rin naman akong kasabay. Bukod tanging ang aking sarili na lamang ang aking kakampi ngayon.

Ang akala kong maliit na tampohan ay isa palang malaking bagay sa akin, dahil unti-unti na silang nawawala sa akin. Minsan, nakikita ko ang aking mga kaibigan na masayang nag kukwentohan habang hindi nila ako kasama.

Ngunit gano'n na lamang ba iyon? Hindi ba nila ako su-suportahan sa aking nararamdaman para kay Marc? Kaibigan ko sila, dapat naiintindihan nila ang aking nararamdaman.

"Suportado kami sayo, Nuvea. Suportado kami sa iyong nararamdaman ngunit sana minsan, isipin mo na ikaw ang dahilan kung bakit ka ngayon nasasaktan. Ikaw mismo ang gumagawa ng ikakasakit ng iyong puso. I understand your feelings but I wish you will considerate what Marc feels right now." Napaangat ako ng tingin kay Angelic nang mag salita siya.

Narito kami ngayon sa garden ng university. Lumapit ako sa kanila para humingi ng paumanhin at makipag ayos ngunit sa bawat salitang kanilang binibitawan sa akin ay mas lalo akong nasasaktan.

"So kasalanan ko pa? Kasalanan ko pang kailangan kong bumitaw?" Para bang sinusumbat pa nila sa akin ang desisyon na hindi ko naman ginusto. Kung alam lang nila kung anong pinagdaanan ko bago ko gawin ang desisyon ko na iyon. Malalaman nila, malalaman nila na hindi lang si Marc ang dapat masaktan kundi ako rin.

Bakit ba lahat nalang si Marc ang gusto nilang intindihin? Paano naman ang nararamdaman ko?

Lahat nalang sila kontra sa aking desisyon, "sinuportahan ka namin nung sinabi mong mahal mo pa rin si Marc ngunit ang mag selos na wala lang karapatan? Iba na atang usapan yan, Nuvea. Wala ka nang karapatan sa kaniya, kaya wala ka nang magagawa kung may nakakausap na siyang bago. Kung sila na ni Audrey," sinampal ko si Erin nang mag salita siya.

Nanlaki ang mga mata ng aming kaibigan sa bigla kong pagsampal Kay Erin. Husto na sila, paano nilang nasasabi ang bagay na iyon sa kanilang kaibigan?

"Nuvea..." Mahinang banggit nila sa aking pangalan. Doon lang ako nagising sa realidad. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa kaniyang sinasabi.

Ang tanga-tanga mo Nuvea! Concerns lang naman sila sa'yo ngunit sinaktan mo sila! Sinaktan mo ang mga taong nagpapahalaga sayo.

"We better not talking anymore. Hindi ka na ang Nuvea na kaibigan namin. Nag iba ka na," tuluyan na nila akong tinalikuran. Napaupo ako sa lupa nang mag isa na lamang ako sa garden.

Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito, hindi naman ako nasasaktan sa tuwing sinasabi nila na wala akong karapatan kay Marc.

"Nuvea? Nasaan si Ean? May naghahanap kasi sa kaniya." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa babaeng nagtanong sa akin.

Paano ko siya sasagotin kung ako mismong kaibigan ni Ean ay walang kaalam-alam kung nasaan sila?

Remember? Nagwatak-watak na kami. "I don't know, maybe sa canteen?" Sagot ko rito, napatango naman ang babae.

"Marc?" Tawag ko sa lalaking kakadaaan lang sa aking harapan. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa akin upang tawagin ang kaniyang pangalan.

Tumigil ito sa aking harapan at malamig akong tiningnan, "What?" Hindi ako sanay sa kaniya. Sanay ako sa malambing niyang boses kahit mag ex na kami.

Ano bang nangyari sa kaniya? Ano bang hangin ang umihip sa kaniya para tratohin niya akong stranger?

Alam kong masyado na akong makapal ang mukha para humingi sa kaniya ng atensyon. Oo alam ko iyon. Ngunit umaasa pa rin ako, umaasa pa rin ako na baka may kami pa.

"Are w-" mag sasalita na sana ako nang biglang sumingit sa aming usapan si Audrey. "Marc, nariyan ka lang pala. Kanina ka pang hinahanap ni Madam Kloeu," dumapo sa akin ang tingin ni Audrey.

Peke itong ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ni Marc dahilan upang ako ay mapatingin doon.

How dare she held his hand?! Anong karapatan niya? Kaklase lang siya! Ex niya ako?

Bakit... Bakit kapag siya okay lang? Pero kapag ako bawal? Marc... Sana mapatawad mo na ako, mahal na mahal kita.

Gusto ko sanang sabihin iyan sa kaniya ngunit pinangunahan ako ng takot. Siguro nga tama siya, masyado kong pinangunahan ang Tadhana. Kung naghintay pa siguro ako ng ilang araw, baka wala kami ngayon sa sitwasyon na ito.

Kung pinag laban ko siya at hindi ako natakot, baka may kami pa hanggang ngayon. Baka may #Marvea pa ang mga kaklase ko. Ang mga taong sumusuporta sa amin.

Kinuha na sa akin ni Audrey si Marc, naa kaniyang mga kamay na ang lalaking minamahal ko.

"Masakit ba?" Napatingin ako sa lalaking umupo sa aking tabi. Nasa garden ako ngayon habang naka upo sa lupa habang nakayakap sa dalawa kong tuhod.

"Masakit bang makita ang mahal na may kinakasama na?" Pagtatanong ni Hushee sa akin. Inaasar ba niya ako? O naawa siya sa akin ngayon? Pwes wala akong pake sa kaniyang awa.

"Ngayon, alam mo na ang nararamdaman ni Marc nang iwan mo siya," napatitig ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya sa akin.

Ang akala kong kinaaawaan niya ako ay isa lang palang pagkakamali. Sinisisi rin niya ako sa aking ginawa sa kaniyang kaibigan. Parehas lang sila ni Fadeo, galit sa akin at kinamumuhian ako.

"Naandito ka ba para galitin ako?" Naiinis na tanong ko sa kaniya habang masama ang tingin sa kaniya.

Umiling siya sa akin, "Hindi." Ani nito. "Narito ako sa iyong harapan upang ipamukha sayo na deserve mong masaktan, na deserve mo kung anong nangyayari sa iyong buhay. Ito ang karma mo, sa pananakit sa aking kaibigan na ang tanging nagawa lang naman sayo ay mahalin ka. Ngunit Anong ginawa mo? Sinaktan mo siya," mag sasalita pa sana ako nang muli siyang mag salita. Napatigil ako, roon ko napagtanto na ako ang may mali.

Na ako ang may kasalanan ng lahat. Iniwan niya akong tinatanong ang sarili na ganoon ko ba talaga nasaktan si Marc?

Nasobrahan ba ako?

Kailangan kong bumawi sa kaniya, nais kong iparamdam sa kaniya na mahal ko siya at hindi niya deserve na masaktan muli.

Kailangan ko nang harapin ang aking karma, at iyon si Marc. Siya ang aking karma, siya ang naging dahilan kung bakit ako ngayon nabubuhay pa. Kung bakit humihinga pa ang isang Nuvea Gean Lopez na katulad ko sa mundong aming ginagalawan.

Siguro, kaya kami muling pinagtagpo ng Tadhana upang makabawi ako sa kaniya. Upang maramdaman niya muli ang isang tunay na kasiyahan na sa akin niya lang makukuha at mararamdaman.

Tama! Tama!

Ito ang misyon ko! Ang ibigin niya muli ako at bigyan ng pangalwang pagkakataon na pumasok sa kaniyang matigas na puso.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top