CHAPTER 3

Kinabukasan, nag announce ang aming ESP teacher na magkakaroon kami ng debate. Hindi pa niya sinasabi sa amin kung tungkol saan ang aming ipagdedebate.

Excited naman ako dahil ganito ang gustong gusto kong activities sa loob ng university. Yung tipong mag babatohan kami ng linya hanggang sa may mainis na isa.

Sa pag pasok ko ng classroom ay naabotan ko ang mga kaklase ko na nagkakagulo at maingay. Ang mga babae ay nag kokolerete kasama ang isa kong kaibigan na si Marisse.

Napailing na lamang ako sa kanila, o? 'di ba, ang aga-agad ngunit iyan agad ang kanilang inaatupad samantalang ang mga lalaki naman ay tutok na tutok sa kanilang selpon dahil sa paglalaro nila ng ml at codm.

Nakikisali rin naman doon si Erin, Hushee at si Fadeo. Mga adik talaga o, napatingin naman ako sa isang sulok kung saan naroon si Marc. Tahimik lang ito, hindi kasi siya yung tipong kagaya nina Hushee at Fadeo na adik na adik sa mga online games.

Ang kaniyang pinag aadikan ay ang mga libro, kaya nga siguro hulog na hulog ako sa kaniya e hanggang ngayon.

Noon kasi, ang aming bonding ay ang pagbabasa sa library. O minsan pa nga, dumadayo pa ako sa kanilang bahay upang magbasa lang ng libro. Madami kasi siyang nakatambak na libro na tapos na niyang basahin.

Tumatakas nga ako minsan sa aking nanay sa tuwing hindi ako pinapayagan na pumunta sa bahay nila e, buti nalang mabait ang nanay ni Marc at pinagtatanggol ako sa aking nanay.

Daig pa nga niya ako e, ako na bukod tanging babae na walang hilig sa pagbabasa sa libro hindi katulad niya na nakakatapos ng limang libro sa isang araw.

Samantalang ako na, ilang pages palang at tinatamad na ako. Sa totoo lang, hindi naman sadya ako mahilig sa pagbabasa ng libro. Kumbaga trip ko lang, para lang mapalapit ako sa kaniya.

Hindi kasi siya noon namamansin, noong unang pagpasok ko sa university na ito.

"What are you reading?" Pagtatanong ko sa kaniya nang mailapag ko ang aking gamit sa ibabaw ng table ko at umupo sa kaniyang tabi.

Napatigil naman ito saka tumingin sa akin, nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ako. Ngayon lang siguro niya ako naramdaman.

Agad niyang sinara ang librong kaniyang binabasa at sabay tatakbong lumabas ng classroom.

Napatigil naman kaming lahat.

Napaano iyon?

Napabuntong hininga na lamang ako, grabe ba talaga ang epekto ko sa kaniya? Para bigla bigla niya akong iwan sa aming upuan?

Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang aming ESP teacher. Ramdam na ramdam mo ang galak sa bawat isa namin. Ito na kasi ang aming hinihintay na pagkakataon. Halos lahat kasi rito ay tuwang tuwa tuwing may ganitong activity.

Active na active kasi kaming lahat pagdating sa debate. "Aba, aba, mukhang excited kayo a?" Nakangiting tanong sa amin ni Sir Que, napatango naman kaming lahat sa kaniya.

Sino bang hindi, si Sir Que at Mrs Santos kasi ay kilala bilang isang magaling magturo at nakakasabay din sila sa vibes ng mga estudyante kaya nga halos lahat ng estudyante na kanilang tinuturuan ay sila ang pinaka paborito though okay naman ang mga teacher dito pero silang dalawa lang talaga ang tumataktak sa aming utak.

Si Mrs Santos nga pala ay ang aming science teacher na nagpa graded recitation kahapon. Graded recitation na nauwi sa pagrerelapse imbes na matakot sa magiging tanong.

"Syempre naman po!" Masigla naming sagot sa kaniya. Umayos na kami ng upo at tumingin sa kaniya. Inilapag naman niya muna ang kaniyang gamit bago humarap sa amin.

Tumindig siya sa aming harapan, "Okay for today activity, we were gonna have a debate. Boys vs Girls. So ang magiging tackle natin sa debate ay may konektado sa ating lesson ngayong araw." Nakikinig lamang kami habang nagsasalita siya sa aming harapan.

"So our first round topic is, Hope or Give up." Naghiyawan naman ang aming mga kaklase nang marinig ang magiging topic namin sa debate.

Grabe ha, ang ganda naman ata ng school year na ito. Naku, baka sa una lang ito masaya ha? Parang relasyon lang namin, sa una lang naging masaya ang ending? Naghiwalay na kami.

"Our debate is not exactly a debate, but we only do is the rebuttal. Magbabatohan lamang kayo, since our subject is ESP not English. Okay?" Tumango naman kami.

Hinati na namin ang aming upuan, ang mga lalaki ay nasa left habang kaming mga babae ay nasa right. Habang si Sir Que naman ay nasa gitna naming lahat.

Ang tanging napahiwalay lang sa aming barkada ay si Ean, paano ba kasi lalaki siya. Tinawanan namin siya nang makita namin siyang nakanguso tila hindi nagustohan ang anging arrangements ng debates.

Katabi niya ngayon sina Hushee. Umupo naman kami nina Erin sa unahan. Syempre bida-bida kami.

Nag simula na ang debate, "Boys kayo ang mauuna since ang pinili ninyo ay Hope then kayo naman girls. Remember, dapat makakasagot ang lahat. Tanging 24 students lang kayo kaya expected na sasagot ang iba sa inyo. This is graded," instructions sa amin ni Sir, tumango naman kami sa kaniya.

We all ready to this battle. Tsk mga lalaki lang sila, we are girls. Mas makapangyarihan kami gaya ng sinasabi ng matatanda.

"Let's begin now!" Ayunsyo ni Sir Que.

Tumayo si Hushee, "Hope, ano bang ambag nito sa ating buhay? Simple lang, ito ang magbibigay sa atin ng lakas loob kapag nasa lowest point na tayo ng ating buhay. Having hope is you wanted to live more and treasure your life. Because when you lose hope, that's means you weren't believe to yourself." Naghiyawan naman ang mga lalaki sa naging statement ni Hushee sa kanilang piniling panig.

Tumayo naman si Angelic, "But just like what you said, hope is matters. Though, we also need to give up to something's that it's already imposible. Just like, you have a crush on someone, Sabi nga sa nabasa kong libro, "Don't expect to everyone will like you just like you." Meaning? Minsan sa buhay natin kailangan nating sumuko dahil iyon ang makakabuti sa atin," ngumiti ng pagkakatamis si Angelic sa mga boys samantalang kami ay nagsigawan.

"Kaibigan ko 'yan!"

"Angelic namin iyan!"

Sigawan namin ng mga kaibigan namin ang makaupo si Angelic sa aming tabi.

"But not all the time, we will base to your feelings! Hope is not just for love but also living in this world. Yes, you have a point, but how could you be sure that it's already imposible? E paano kung bigla ka lang sumuko? Yung tipong may pag asa pa naman ngunit pinangunahan ka ng takot at pangamba?" Then it hits me. The way Ean explained carefully the truly meaning of hope. It slapped me.

"Pero paano kung wala na talaga? Paano kung ang Tadhana na mismo ang nagsasabing wala ng pagasa? Na ang tanging paraan na lamang ay ang bumitaw ka, para sa ikakasaya ng minamahal mo?" Mala misteryosong tanong ko sa kanila, napaisip naman sila sa ilulusot nila sa aking statement.

Napatingin ako ngayon sa direksyon ni Marc, seryoso itong nag iisip kung ako ang sasabihin niya. Kung ano ang magiging butas ng aking binitawang mga salita.

Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kaya naman tumitig din siya pabalik, "Misinterpreted. Iyan ang isa sa pagkakamali nating lahat, we always relay in our instinct but we never really can tell of what's happening. Lahat ng iyon, instinct lang natin, gawa-gawa lang. Paano mo nasasabing ang Tadhana na mismo ang nagpapahiwatig? O Ikaw mismo, Ikaw lang mismo ang gustong bumitaw? Na Ikaw lang ang nag iisip na kailangan mo nang sumuko sa laban?" Nagtitigan lang kaming dalawa, walang gustong bumitaw sa mga titig na puno ng hinanakit at pighati.

Tila sa bawat salita niya ay may gusto siyang ipahiwatig sa akin, na para sa akin ang mga salitang kaniyang binitawan. Ilang minuto pa kami nag titigan hanggang sa ako na mismo ang bumitaw.

Wala e, ako na lamang lagi ang unang bumibitaw. Hindi ko pa rin siya kayang titigan, mahal ko pa rin talaga siya.

"Debate pa ba talaga ito? O sumbatan ng mag ex?"

"Ang intense ng laban nila!"

"Sinabi mo, may ibabato ang isa tapos may ibabato rin siya. Feel ko talaga, buwag na ang Marvea natin!"

"Sinabi mo pa. Ang cute pa naman nila, like #Marvea pa rin sa dulo!"

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa narinig kong mga bulungan ng mga kaklase namin.

#marvea? Ngayon ko lamang ito narinig. Hindi ko alam na may fandom pala ang aming relasyon noon. Kung alam ko lang, ako na mismo ang nag manage ng aming fb page.

"I guess, may nanalo na." Pagbasag ng katahimikan ni Sir Que sa aming pagitan.

Napatingin naman kaming lahat sa kaniya, hinihintay kung sino ang nagwagi sa aming laban.

"Boys! Lamang kayo ng isang puntos sa girls! Congrats!" Nag sigawan Nan ang mga lalaki at may iba pang binubuhat ang mga upuan na tila nag g-gym sila.

Tsk, mga OA nga naman.

"WALA! KAMI PA RIN ANG PANALO!" sigaw ni Erin sa kanila, sumagot naman si Fadeo sa sigaw nito.

"IKAW LANG ANG BUKOD TANGING NAGWAGI SA PUSO KO!" nagsi Iritang ang mga babae sa amin habang ang mga lalaki naman at sinusuntok sa braso si Fadeo.

Minsan talaga nag corny nitong lalaking ito. Para siyang isang mais, masyadong corny, ewan ko na lamang kapag nagkatuluyan silang dalawa ni Erin.

Ang kaibigan ko naman ay namumula ngayon ang pisnge na tila isa siyang kamatis ngayon. Ayan, agaw pa ng pagkapanalo nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top