CHAPTER 11

Mahigit isang linggo na ang lumipas ang nangyari sa rooftop and until now, binabangungot pa rin ako ng pag amin ni Marc.

At mahigit isang linggo na rin akong Hindi pumapasok. Alam kong isang katangahan ito ngunit hindi ko feel pumasok ngayon gayong maraming nangyari sa buwan na ito.

After nang pag amin ko kay mama ng saloobin ko ay muli na naman kami g bumalik sa dati. We didn't talk to each other as if we both don't exist to each other.

Ni hindi nga niya ako tinatanong kung bakit ako hindi pumapasok, ewan ko sobrang gulo niya. She was crying when I confessed all the pain I felt but now? She came back to herself.

Bumaba ako ng sala, linggo ngayon at wala akong balak na umalis ng bahay. Masyado akong tamad at walang gana na makahabilo sa mga tao ngayon.

My friends always texted me asking why I am absent but I just responded them that I'm okay that I'm just having a fever which is not true.

Alam kong nag aalala sila sa akin dahil wala akong rason na inibigay sa kanila, o kahit man lang kwento bago ako mawala nang mahigit isang linggo.

"Nuvea, anak?" Napatingin ako kay Mama nang tawagin niya ako. Nasa Sala siya ngayon, nakatingin siya sa akin ngayon pansin ko ang namumugto niyang mata na tila kakagaling lang sa pag iyak.

Lumapit ako sa kaniya, "Umupo ka sa aking tabi," anas niya sa akin kaya naman sinunod ko ito. Ang boses niya ay sobrang hinhin hindi kagaya nung mga ilang araw na nag daan.

Kahit ang kaniyang mukha ay tila nagbago na rin, Hindi dahil sa nag paretoke siya kundi dahil tila umaliwalas ito.

"I have something to tell you," hinawakan niya ang aking kamay, sobrang lamig ng kaniyang mga palad nang hawakan niya ako.

"I am sorry for hurting you. Alam kong hindi maibalik ng salitang 'sorry' ang nangyari sa inyo ni Marc. Walang katumbas ang paghingi ko ng patawad sayo sa inibigay kong sakit sayo, sa inyong dalawa ni Marc. Siguro nga tama ka, napaka selfish kong Ina." Nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha, sa bawat patak nito ay siya namang pagkirot ng aking puso dahil sa sakit na makita ang iyong ina na nasasaktan ngayon.

Aaminin ko, naging selfish din akong anak para sa kaniya, I got mad at her when she just wanted me to love me and prevent to those scenarios might happen.

"Mahalin mo na siya, Anak. Pumapayag na ako, basta lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari, iwan ka man ng mundo narito lang ako para suportahan ka," napangiti ako nang marinig ito sa kaniya.

Finally, she already accepted our relationship. Yet somehow, I'm afraid that Marc will no longer love me. Niyakap ko siya ng mahigpit, "I'm sorry ma. And I love you so much," mahina kong bulong sa kaniya, naramdaman ko naman siyang tumango.

Nakatanggap ako ng message galing kay Erin.

Messages
From: Erin - Bestie

Nuvea! Luluwas ngayon ng Cebu si Marc! Papunta siya ngayon sa Palawan!

Namilog ang aking mga mata nang matanggap ko ang message ni Erin ay hindi ako mapakali. Napansin naman 'yon ni Mama.

"O? Anong nangyari at mukhang balisa ka r'yan?" Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo. Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Aalis na raw po si Marc." Malungkot kong balita sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin, "Sundan mo. Siguro oras na ito para ipaglapit muli kayo ng Tadhana," nagulat ako sa kaniyang sinabi.

Tumango ako sa kaniya nang malaman ko na aalis na ng Cebu si Marc at ngayon ang kanilang flight ay agad na akong kumaripas ng takbo papunta sa Airport.

Hindi pwedeng mawala na naman siya sa akin, Hindi ko na kayang mag hintay ng taon o buwan o baka nga isang dekadang taon na hindi naman sigurado kung may babalik pa ba.

I was running as much as I can. Pinagtitinginan na ako ng mga tao, sino nga bang hindi kung makakita ka ng isang babae na tumatakbo na para bang wala nang kinabukasan ang madadatnan.

Masakit na ang aking paa dahil sa kakatakbo, pinagpapawisan na rin ako. Nagsimula na muling mamuo ang mga luhang nais nang kumawala. Iniisip ko pa lang na aalis na si Marc ay parang nais ko na lamang maibalik sa dati ang aming relasyon.

Kung alam ko lang na darating ang oras na ito edi sana umamin na ako sa kaniya na mahal ko pa rin siya, na may dahilan ako kung bakit ko siya iniwan noon. Na natakot lang akong mawala siya sa aking paningin kung hindi ko siya hihiwalayan.

But I was wrong, mas mabuti palang Hindi ko siya makita na mahal pa rin niya ako kaysa sa makita ko siyang nasasaktan at nais na akong kalimutan pa.

Biglang tumunog ang aking selpon at nang sagotin ko ito ay ang boses ni Fadeo, "Nuvea! Nasaan ka na? Paalis na ang eroplanong sasakyan nina Marc." Tila nanghina ako sa narinig ko mula sa kaniya.

Kaya ko pa ba?

Mahahabol ko pa kaya si Marc? May madadatnan pa ba akong Marc sa Airport? Sana naman naandon pa siya.

"Malapit na ako!" Sabay patay ko ng tawag, kaya ko ito! Para sa lalaking mahal ko. Gagawin ko ang lahat kahit maputol man ang aking paa kakatakbo.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo, tangina nanginginig na ang aking paa, ang aking atay ay sumasakit na. At sa wakas nasa harapan na ako ng Airport, tumigil muna ako at huminga ng malalim upang mabigyan ako ng lakas at hangin.

Nang makapasok ako sa loob ay bumungad sa akin ang maraming tao, paano ko mahahanap si Marc dito kung hindi ko alam kung nasaan siya - sila?

Tumakbo ako patungo sa loob ngunit hindi ako agad nakapasok kasi kailangan ko munang pumunta sa counter ngunit wala akong dala na passport.

Bakit nga ba nakalimutan ko ang aking passport? Nakakainis kung kailan kailangan ko saka ko pa naiwan. Shit Hindi ko alam kung anong gagawin, dahil anytime ay pwede na silang umalis at kailaman ay hindi ko na siya muli makikita pa.

Nang ako na ang sumunod ay malakas nag tibok ng aking puso, "Where's your passport Ma'am?" Tanong sa akin nung babae, nanlulumo naman akong umiling sa kaniya.

"Ma'am, we need your passport to access you." Mahinhin na saad sa akin ng babae, tumango ako sa kaniya kasi alam ko.

No! I couldn't give up just like that. I need to do something!

"Miss, could you please let me in? This is really an emergency, I need to talk my ex. Ito na lamang ang aking paraan upang magkaroon kami ng closure and to inform him that I'm still waiting for him." Pakikiusap ko sa kaniya habang nagsisimula na namang tumulo ang aking mainit na likido.

"Sorry, Ma'am but I'm just doing my job. I'm sorry," paghuhumingi niyang paumanhin sa akin. Ngunit hindi ako sumuko sa kaniya.

"Miss, please. Hindi ko na kayang mawala sa akin ang mahal kong lalaki. Dahil hindi ako nakakasiguradong babalik pa ba siya o hindi at kung may babalikan pa ba ako. Our relationship is forbidden because my mom separated us because I'm the top 2 while my ex is the top 1 of the class. And I never told this to him, and right now. I will take a risk, but how could I do that? If you won't let me in? Makakaya ba ng iyong konsensya na makita ang dalawang nag iibigan na hindi na magkita? Na pinagkaitan ng Tadhana?" Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Tila nababaliw na ako, humahagulgol na ako sa sakit na akong nararamdaman, Hindi ko kayang mawala na naman siya sa akin.

Tiningnan ko ang babae ng luhaan at tila gumana naman ang aking pagmamakaawa sa kaniya. "GUARD LET HER IN! BIKTIMA NG PAG-IBIG! PAGBIGYAN NA NINYO!" sigaw niya sa lalaking nakabantay sa may entrance.

Nagpasalamat ako sa babae sa kaniyang kabaitan, kaagad na akong kumaripas ng takbo. Sana maabotan pa kita Marc, please wait for me. Malapit na ako, kunting tiis na lamang.

"Attention everyone! This is an emergency. A victim of love, it's a girl let her in! She need to talk her ex ASAP!"

Sa bawat takbo ko ay naririnig ko ang boses na galing sa may speaker, ang iba ay napapatingin sa akin. Hindi ko ba alam kung mahihiya ba ako sa pinaggagawa nila o mata-touch dahil sa kabaitan nilang taglay.

Ang ibang tao na nadaanan ko ay nag che-cheer sa akin na magtagumpay ako sa aking misyon. Luminga linga ako upang tingnan kung makikita ko ba si Marc, ini message ako kanina kung anong eroplano ang sasakyan nina Marc.

Napatingin ako sa may escalator, wala akong atubli na tumungtong doon upang mapabilis ang aking pagpunta kay Marc.

Imbes na hintayin na makataas ang escalator ay nilakad ko na ito kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao. I just really need to talk to him, ayaw kong sayangin ang mga minuto na natitira sa akin. Dahil ayaw kong magsisisi na naman sa huli sa naging resulta ng aking action.

Nang nasa main counter na ako ay agad kong tinanong kung naandito na ba ang eroplanong papunta ng Palawan.

"Flight 5J619 cleared for departure. Runaway 27L."

"Ma'am, kakaalis lang po nila." Tila binagsakan ako ng langit at lupa sa aking narinig. "Bakit ang tagal mo dumating Nuvea?" Napatingin ako kay Fadeo nang makita niya ako.

Agad ko siyang niyakap, "I was too late, I didn't caught his flight." Umiyak ako sa kaniyang balikat habang humahagulgol sa iyak. Agad naman niya ako niyakap pabalik, kahit ang mga kaibigan ko na kakarating lang din sa airport.

"Bakit kasi ang tanga tanga ko. Hawak ko na siya e, binitawan ko pa." Nanginginig ang aking boses, medyo paos na rin ang aking boses dahil sa kakaiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top