CHAPTER 1
Have you ever cried to someone that you love the most? If yes, then we were in the same boat. Hindi ko alam ngunit until now, I still thinking about him, the memories I shared with him and I am fucking idiot to cry when in the first place, I'm the one who broke up with him.
Hindi ko lang talaga matanggap na wala na kami, na malabo nang maging kami. Akala ko kasi kapag ako ang unang nakipag break, makaka move on na agad ako na madali ko siyang makakalimutan ngunit nagkamali ako.
Wala na kasi akong choice e, ayaw ko namang iparamdam sa kaniya noong mga panahon na iyon na kailangan naming mag hiwalay ako ginawa ko na lamang. Mahal ko naman talaga si Marc e, mahal na mahal ko siya kahit pinagpipilitan ng aming mundo na hindi kami pwede.
Nakatambay ako ngayon sa itaas ng aming bubong. Oo, literal na bubong talaga as in yung nagtatakip ng aming bahay. Weird talaga akong babae, ewan ko nga kung paano ako nagustohan ni Marc e, kahit ang mga kaibigan ko ay nagtataka kung bakit ako nagustohan ni Marc. Sorry nalang sila, siguro nakita talaga ni Marc ang kagandaan ko na hindi nila makita.
Ang sarap talaga magpahinga sa bubong na ito, sa totoo lang. Ito talaga ang aking tambayan tuwing naiisip ko siya, tuwing nalulungkot ako lalo na tuwing may problema ako.
Ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito at ang view kapag gigising na ang araw pero mas maganda kapag matutulog na ang araw kasi kitang kita mo talaga kung gaano kaganda ang mundo. Kung gaano kakalmado ang mga paligid at kung paano kumikislap ang mga bituwin na hindi mo mabilang bilang.
Pero syempre kapag nakatambay na ang araw sa pinakatuktok ng kalangitan ay umaalis na ako, aba ayaw ko namang masunog ang aking katawan baka lalo nang hindi ako balikan ni Marc e.
"BABAE! Gaga! Alam ko namang mahal mo si Marc pero huwag naman tayo pumunta sa ganitong punto! Please!" Nagtataka akong ini-baba ang tingin nang may isang boses akong narinig mula sa ibaba ng aming bahay.
Pamilyar ito sa akin, nanlaki naman ang aking mata nang makita ko si Erin. Pinagsasabi ng babaeng ito, "ANO?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya dahil medyo hindi ko napakinggan ang kaniyang sinabi.
"ANG SABI KO WAG KANG MAGPAPAKAMATAY!" Hindi ko mapigilang mapatawa sa kaniyang sinabi, Tanga ba siya? Bakit naman ako magpapakamatay e mahal ko pa ang buhay ko saka baka biglang makipag balikan sa akin si Marc edi sinayang ko ang opportunity ko di ba?
"HINDI AKO MAGPAPAKAMATAY! NAGPAPAHANGIN LANG AKO!" sigaw ko rito dahil alam kong hindi niya maririnig dahil sobrang taas ko sa kaniya. Nakita ko naman siya na nakahinga nga maluwag. Nakakainis talaga nag babaeng ito, napaka oa.
Kaya nga minsan ay napapahamak kaming magkaka-barkada dahil sa pagiging OA niya masyado. Pinababa niya ako dahil may sasabihin daw ito sa akin, napabuntong hininga ako bago bumaba ng bubong. Kay ganda ganda na ng aking pagtambay e.
Sa aking pagbaba, mas lalo kong nasilayan ang kaniyang mukha, maikli ang kaniyang buhok at may pa bangs siyang nalalaman. Sabi ko kay Tita, huwag itong papahawakin ng gunting dahil madedemonyo siya pero wala, naging maladora tuloy ang kaniyang buhok, sabagay bagay din naman sa kaniya at si Dora nga siya dahil pala-gala ito.
"Ano ba 'yon?" Naiiritang tanong ko sa kaniya, hinawakan niya ako sa aking dalawang kamay at sabay sabing "Nakita ko na ang the one ko!" Nabatukan ko naman siya, akala ko pa naman kung ako na.
Tiningnan ko siya ng masama, "pake ko?" Mataray na saad ko sa kaniya, napanguso naman siya dahil sa naging sagot ko sa kaniyang tinuran. Ewan ko ba kay Tita kung saan niya pinaglihi ang babaeng ito.
Nag kwentohan lang kaming dalawa sa labas ng aming bahay, pero kahit sobrang OA niyan, siya talaga ang aking bestfriend at parang kapatid ko na rin siya. Magkaibigan din kasi ang aming mga nanay at tatay kaya parang napagaya na rin kami sa naging buhay, kumbaga sumunod kami sa yapak nila ngunit bukal sa loob namin ang pagkakaibigan naming dalawa.
Lima kaming magkakaibigan, at ang isa roon ay bakla pero ang pagiging bakla niya ay hindi gaano ka-vulgar ni hindi nga siya nag me-make-up o nag dadamait babae e. Kaya nga naging kaibigan namin siya, ang sarap kaya na magkaroon ng baklang kaibigan.
"Ikaw? Kailan mo papaltan si Marc?" Tanong niya sa akin, inis naman akong tumingin sa kaniya. Ilang beses akong umiling sa kaniya, "No! Mahal ko yung tao no!" Sagot ko sa kaniya.
Kailan man ay hindi ko naisip o napag planohang paltan si Marc sa aking puso, dahil kahit ilang taon man ang lumipas ay siya at siya pa rin ang aking iibigin at wala nang iba pa.
Loyal yata 'to!
"Che! Kung gano'n bakit mo hiniwalayan?" Suplada niyang tanong sa akin, napatigil naman ako at hindi makasagot. Ilang beses ko na yan naisip kung bakit at paano ko na kayang hiwalayan siya kahit mahal na mahal ko pa ito.
"Minsan kasi, kapag talaga mahal natin ang isang tao, handa kang magparaya kahit alam mong masasaktan ka, na kahit mahal na mahal mo ang taong 'yon. Yan ang definition ng pagmamahal e, hindi ang magmahal ng sobra pero ang matutong mag paraya at tanggapin kung ano talaga ang gusto ng mahal mo. Hindi naman kasi porket na pinaraya ay hindi na mahal e, minsan may dahilan yan. Minsan hindi nila gustong hiwalayan ngunit kailangan lang." Mahaba kong sagot sa kaniya, napanganga naman siya sa akin. Mapasokan sana ng langaw ang bibig niya sa sobrang pagnganga niya.
"Isang tanong lang naman ang aking tinanong bakit parang essay na ang sagot mo? Ganiyan ba talaga kapag matalino? Isang tanong, isang essay na ang sagot?" Napatawa naman ako sa kaniyang sinambit.
***
Nagsimula na ang pasokan, and hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kasi alam ko na makikita ko siya sa school. Paano kapag kaklase ko siya? Paano na ako nito? Sabi kasing huwag sa kaklase 'yan tuloy ako ang nagdudusa sa katangahang nagawa.
Sa bawat paglakad ko patungo sa sili-aralan ay siya ring pagbilis ng tibok ng aking puso. Kinakabahan talaga ako para sa aking sarili.
At kakaisip ko sa kaniya, nakabanggaan ko pa talaga siya! Tadhana wag naman ganito.
Napaangat ang mata nito sa akin at nagulat nalang ako ng bigla ako nitong sampalin sa mukha. E? PUTANGINA! Baliktad ata kami ngayon ng sitwasyon. Napangiwi ako nang bigla siyang nagtatakbo palayo sa akin.
'yan ban ang naging epekto ko sa kaniya? Is he crazy now? Not my baby please! This isn't what I expecting it!
Nakayukom akong tumungo sa aking silid-aralan at kung minamalas ka nga naman, kaklase ko pa talaga siya. Napatingin ako sa paligid kung may kakilala ba ako sa kanila at salamat nalang at kaklase ko ang apat kong kaibigan.
"Nuvea!" Masayang salubong sa akin ni Akabene at Angelic na para bang sampung taon kaming hindi nagkita e magkakapit-bahay lang naman kaming lima. Minsan talaga hindi ko alam kung paano ko sila naging kaibigan.
Matino naman ako? Ang nanay at tatay ko naman matino rin? E bakit parang minalas ata ako sa kaibigan? At puro may saltik sa ulo? Kung nakakamatay lang talaga ang pagiging matino baka siguro ako lamang ang nawala.
Kaya nga pasalamat sila at walang gano'n, "tabi ka sa amin!" Hila-hila ako ni Angelic habang si Akabene naman ay tulak-tulak ang aking likuran na para bang isang tren kaming tatlo.
Ano 'to bata lang?
"Uy! Kaklase ang ex!" Pang aasar sa akin ni Ean nang makaupo ako. Nanlaki naman ang aking mata nang bigla ako nitong asarin. Gustong gusto ko na talaga siyang sapakin, tiningnan ko si Marc kung Anong reaksyon niya at ang Gago! Nakatingin sa akin, habang masama ang tingin sa akin.
Lagot!
Narinig niya, kaya talaga ayaw kong sumama sa kanila e, pahamak sila sa love life ko!
Sinamaan ko ng tingin si Ean at ang mga kaibigan ko nang magsitawanan ang mga ito, "muling ibalik ang nakaraan ~" sabay-sabay nilang kanta sa akin, ako naman ay namula dahil sa kakahiyan at sa kilig kasi nga diba malay mo maging kami na ulit.
"Enebe!" Parang tanga kong hampas sa kanila habang may kasama pang hawi ng buhok akong ginawa. "Kalandian mo na naman," pagputol ni Erin sa aking pagiging assumera at delulu. Napanguso ako sa kanila habang nagtatampong tiningnan sila isa isa.
"Hindi nyo ba ako su-suportahan? Kaibigan nyo ako o!" Nagtatampo kong tanong sa kanila ngunit sila naman ay umiling sa akin at sinimulan na akong balewalain.
Ganiyan naman talaga sila e, kunting kwento tapos Hindi na ako kakausapin, kung hindi ba namang mga tanga. Ano kami, mga criminal, kakausapin lang kapag dawit ang aming pangalan sa isang aksidente pero kapag hindi na, ibabalik na nila ako sa loob?
Ulol! Hindi pwede sa akin yun! Muli kong tiningnan si Marc, ngayon ay sa kaniyang libro na siya nakatutok ngayon kaya naman malaya ko siyang natitigan.
Ilang minuto pa ay nanlaki ang aking mata na hindi ko namalayan na dumating na pala ang aming adviser, "Ano Nuvea? Titigan mo nalang ba si Marc?" Seryosong tanong sa akin nito kaya naman napa-ayos ako ng upo, narinig kong nagtawanan ang aking mga kaklase.
"Gwapo e," Wala sa sarili kong sagot sa kaniya at narinig naman ng lahat iyon. NUVEA! UNANG ARAW MO PALANG MAY KAHIHIYAN KA NANG NAGAWA!
"Gwapo ba kamo? O sige. Alyssa, palit nga kayong dalawa ni Nuvea ng pwesto, katabi niya si Marc Dwell," pagkatapos banggitin ni ma'am 'yon ay naghiwayan ang aking mga kaklase lalo na ang mga kaibigan.
At ngayon, dahil sa kalandian mo Nuvea, katabi mo ngayon ang ex mo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top