Chapter 8




MICHELLE

Nagmukha akong tanga hindi lang kina Christine kundi lalo na kay Carmen.

Nang magising ako kinabukasan, sinabi sa akin ni Yaya ang nangyari habang pinaghahanda niya ako ng matapang na kape.

My god!

Hindi daw ito pumayag na siya ang maglinis ng sapatos na sinukahan ko dahil nahihiya daw.

Wala naman daw siyang mapahiram na tsinelas dahil size ten and a half ang paa at walang magkasya sa mga gamit namin dahil ang pinakamalaki eh ang sa akin na size seven.

Bukod pa dun, hatinggabi na daw ito nakauwi kasi ayokong paalisin.

Sabi daw ako ng sabi na huwag niya akong iwan at hinihila ko ang laylayan ng T-shirt niya kapag nagtatakangka itong umalis.

Tahimik lang ako ng nakikinig sa kuwento ni Yaya.

Buti na lang at hindi siya tsismosa tulad ng ibang katulong ng mga kapitbahay namin.

Kaya din ako pumayag na siya ang mag-alaga kay Zac dahil kilala siya ni Nanay at saka hindi siya palakibo.

Kapag dumarating si Edward, nasa kusina lang siya o di kaya eh nasa kuwarto niya.

Kahit nilalapitan siya ng ibang katulong tuwing nagwawalis sa tapat ng bahay, hindi siya nagkikwento tungkol sa amin.

Ang totoo nga, sinasabi ni Yaya sa akin kung ano ang dinadaldal ng mga katulong sa kanya.

Curious daw ang mga katulong kasi bago lang kami sa village.

Wala akong matandaan sa nangyari kagabi.

Ang naaalala ko lang, walang baso ng Tanduay ang nainom ko at hindi naman ito puno dahil wala sa kalahati ang tagay.

Binigyan kasi ako ni Charles at hindi naman ako tumanggi dahil gusto ko ding uminom.

Kaso, hindi naman ako sanay.

Kahit noong nakatira ako kina Tatay, kapag may inuman, hindi talaga ako nainom.

Ang nilalantakan ko ay ang chicharong baboy at pulutan nila na adobong paa ng manok o di kaya ay betamax at bituka ng manok.

Pero dahil sa nangyari sa amin ni Edward, gusto kong magwala.

Hindi ko naman magawa dahil kay Zac.

Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong magpakatatag.

Pero kapag ako na lang mag-isa sa kuwarto, naiiyak ako sa nangyari sa amin.

Sinisisi ko din ang sarili ko.

Akala ko kasi, kung aalis kaming mag-ina, baka magbago ang isip niya.

Baka marealize niya ang halaga namin.

Niloloko ko lang ang sarili ko.

I should have known na malakas ang kapit sa kanya ng mama niya.

Noong nakatira ako sa kanila, lahat ng iutos ng mama niya, sinusunod.

Kulang na lang pati pagtae niya, idikta pa ng mama niya.

Ang tanga-tanga ko.

Dapat nanindigan ako sa gusto ko na huwag siyang pakasalan.

Pero nagalit si Tatay.

Hindi daw siya papayag na maging bastardo ang apo niya.

Nakakahiya daw lalo na at babae ako.

Eh ano ang naging kapalit ng gusto niya?

Iniwan din naman ako ni Edward.

Hindi ko pa sinasabi sa kanila ang nangyari dahil siguradong magwawala ang mga iyon lalo na sina Kuya.

Overprotective pa naman sila sa akin dahil ako ang nag-iisang babae.

Kung sila ang nangaagrabyado sa akin, okay lang.

Kapag iba na, hindi sila papayag.

Tumayo ako at dinala ang baso ng kape sa kuwarto.

Sinabi ko kay Yaya Imelda na tawagin ako kapag gumising na si Zac.

Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit at ang hapdi ng sikmura ko.

Umupo ako sa kama at inabot ang iPhone na nakapatong sa nightstand.

May text galing kay Christine at tinatanong niya kung okay lang ako.

Imbes na magreply, pinindot ko ang phone icon para tumawag.

Naka-apat na ring bago siya sumagot.

"Uy bru, kumusta na ang pakiramdam mo?"

Dinig ko sa background ang lagaslas ng tubig at ang kalansing ng mga kutsara.

Naghuhugas yata siya habang nakikipag-usap sa akin.

"Heto. Medyo hung over." Inangat ko ang unan at sumandal ako sa headboard.

"Christine, pwede bang hingin ko ang number ni Carmen? Gusto ko lang magpasalamat ng personal sa paghatid niya samin kagabi." Hinilot ko ang sintido dahil parang binabarena sa sakit.

"Sure. I-text ko sa'yo mamaya."

"Wala ba siyang nasabi tungkol kagabi?"

"Hindi ko na siya nakita kagabi dahil nakatulog ako. Bakit? Anong nangyari?"

"Wala naman." Buti na lang at hindi niya alam ang mga kahihiyang ginawa ko.

Kahit close kami ni Christine, baka maturn-off siya sa nangyari.

"Uy, Michelle. Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang magsabi ha? You know my number."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Oo naman. Pasensiya na nga pala sa nangyari kagabi."

"Wala iyon. Ang mahalaga, okay ka."

"Sabihin mo kay Tita Nena, pasensiya na at hindi ako nakapagpaalam sa kanya."

"Huwag mong isipin iyon. O paano, tapusin ko lang ang mga hugasin. Text ko sa'yo ang number ni Carmen."

"Okay. Bye." Pinindot ko ang end call button.

Tatayo na sana ako para kumuha ng gamot sa drawer ng mag-ping ang phone.

Tinext na ni Christine ang number ni Carmen.

Kumuha muna ako ng Biogesic at uminom bago umupo ulit sa kama.

Gising na kaya si Carmen?

Alas-otso pa lang ng umaga.

Napuyat yun dahil sa ginawa kong drama kagabi.

Paano ko kaya sisimulan ang sasabihin ko?

Sorry at sinukahan ko ang sapatos mo?
Nakakahiya.

Mukhang mamahalin pa naman ang suot niya.

Palitan ko kaya? O di kaya bayaran ko?

Pwede din.

Wala namang masama kung mag-offer ako.

Kung hindi siya pumayag, at least alam niya na willing akong bayaran ang damage na ginawa ko.

At least sa ganun man lang, mabawasan ang kahihiyang ginawa ko.

Yung ibang eksena ko, wala na akong magagawa dahil nangyari na.

Ano kaya ang iniisip sa akin ni Carmen?

Siguradong blacklisted ako sa kanya dahil nung una, inaway ko siya sa parking lot tapos kagabi, nalasing ako at sinukahan siya.

Shit!

Paano ko maitatama ang mga ginawa ko?

I think it's too late na mag-isip ng ganito.

Ang mabuti pa siguro, umidlip muna ako dahil sa bumibigat ang ulo ko.

Baka kung ano pa ang masabi ko kay Carmen lalo lang siyang mabad-trip sa akin.

Kung hindi ko naramdaman na may yumuyugyog sa balikat ko, hindi ko mamamalayan na nakatulog pala ako.

Dahan-dahan akong dumilat at nakita si Zac na nakatayo sa gilid ng kama.

Nakaligo na siya at suot ang blue at red na T-shirt na may picture ni Spiderman sa harapan.

"Mommy, gising na po kayo." Umupo siya sa tabi ko.

"Anong oras na ba?" Nilingon ko ang alarm clock na nakapatong sa night stand.

Alas-dos kinse na ng hapon.

Napalalim ang tulog ko pero ang good news, di na masakit ang ulo ko.

"Sorry, anak. Nakatulog ako."

"Okay lang po." Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako sa bewang.

"Okay ka lang ba, Mommy?" Yumuko ako at tumingala naman siya sa akin.

"Hindi, anak. Sorry ha? Pati tuloy ikaw, nag-alala sa akin." Hinalikan ko siya sa noo.

"Mommy, huwag na po kayo uminom ha?" Nangungusap ang mga mapupungay niyang mga mata.

Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi niya.

Kagabi niya lang ako nakitang nalasing.

Sanay siya sa Daddy niya dahil malimit itong umuwi dati na nakainom pagkagaling sa trabaho.

"Promise, anak. Hindi na ulit mangyayari."

Nag-kiss siya sa pisngi ko.

Lumabas kami ni Zac sa kuwarto at naamoy ko ang ginisang bawang, sibuyas at luya sa kusina.

Nasa sala si yaya at nagtutupi ng mga nilabhan.

Umupo si Zac sa sofa at pinagpatuloy ang panonood ng Spiderman cartoons sa DVD.

"Michelle, nagluto ako ng tinolang manok. Gutom ka na ba? Ipaghahanda kita." Binitawan niya ang asul na shorts na uniform ni Zac.

"Ako na ang bahala, Yaya." Lumapit ako sa kalan kung saan nakapatong ang kaserola.

Inangat ko ang takip at kumalam ang sikmura ko ng maamoy ang ulam.

Ang huling kain ko kasi ay nung nasa kina Tita Nena pa ako at sinuka ko din lahat kagabi.

Binuksan ko ang cupboard at kumuha ng mangko at sandok.

Nagsalin lang ako ng hita, ribs at maraming sayote bago nilagay ang mangko sa microwave para initin ang ulam.

Habang hinihintay na matapos ang two-minute timer ay nagsandok din ako ng kanin.

Kailangan ko pa nga palang tawagan si Carmen para huminga ng dispensa sa panga-agrabyado ko kagabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top