Chapter 6




MICHELLE

Linggo ng alas-dose ng tanghali ng dumating si Edward.

Nasa kuwarto kami ni Zac at inaayos ang mga laruan niya ng marinig namin si Yaya Imelda na may kausap sa sala.

Nabosesan ko si Edward at nauna akong lumabas ng kuwarto.

Patakbong sumunod si Zac at ng makita ang daddy niya ay niyakap niya ito sa binti.

Binuhat naman siya ni Edward para kargahin.

     "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko.

     "Gusto ko sanang ipasyal si Zac." Ginulo niya ang buhok ng anak na nakapulupot ang braso sa leeg niya.

     "Darating ka pala di ka man lang nagtext."

     "Surprise nga kasi." Ngingiti-ngiti na sagot niya.

     "Ano, Zac? Gusto mong mamasyal?"

     "Opo, Daddy. Alis tayo nina Mommy?" Nananabik ang itsura niya.

     Kahit gustong sabihin ni Edward na hindi ako kasama, hindi niya magawa dahil wala na siyang kawala sa tanong ni Zac.

     Mula ng unofficial kaming maghiwalay, hindi naman maalis sa anak ko na sana magkasama kaming tatlo.

     Alam ko na nagtatampo siya sa daddy niya kapag hindi ito nakaka-attend sa mga activities niya sa school at kapag may pagkakataon, gusto niya na lagi din akong kasama.

     Ako man, umaasa din na aalis si Edward sa poder ng magulang niya pero minsan niya ng sinabi sa akin na mas okay sa kanya ang ganitong set-up dahil hindi kami laging nag-aaway.

     Hindi ko na siya kinulit pa.

     Paglabas namin ni Zac, nagulat ako ng makita ang bagong asul na Subaru Impreza na nakaparada sa tapat ng bahay namin.

     Sa itsura nito, akala mo binata ang may-ari.

     May spoiler, alloy ang rims at lowered.

     "Kanino iyan?" Tanong ko kay Edward.

     "Sa akin. Bigay ni Mama." Nakalabas lahat ang ngipin niya dahil sa laki ng ngiti.

     Si Zac naman, hinimas ang harapan ng makinang na sasakyan.

     "Bigay ng mama mo o binili mo?" Dudang tanong ko.

     Inakbayan ako ni Edward at pabulong na nagsalita.

     "Michelle, I'm here to have a good time with Zac. Pwede bang huwag mong siraan ang mood ko?"

     Nakatitig sa amin si Zac kaya hindi na ako kumibo.

     Sa SM kami pumunta at dahil gusto ni Zac na pizza, pumunta kami sa Pizza Hut.

     Spaghetti Bolognese with meatballs at fried chicken ang inorder ni Zac at dinagdagan pa ito ni Edward ng large size Supreme pizza.

Hindi pa din maalis sa isip ko ang tungkol sa kotse kaya hindi na ako umorder ng iba pa dahil wala akong gana.

     Si Edward naman, umorder ng Lasagna Classico.

     Dahil masaya si Zac, isinantabi ko muna ang pagmamarakulyo.

     Pumunta kami sa arcade pagkatapos kumain dahil gustong maglaro ni Zac ng video games.

     Dalawa sila ng ama niya na naglaro habang pinanonood ko lang sila.

     Maraming tao sa arcade at maingay di lang dahil sa tunog na galing sa mga games kundi na din sa mga naglalaro.

     Dahil abala sila sa paglalaro ng racing, minabuti ko na lumabas muna para magpahangin.

     Sumasakit din ang ulo ko dahil sa neon fluorescent lights sa arcade.

     Paglabas ko, merong tumawag sa akin.

     Si Christine pala.

     Kasama niya ang pamilya niya at nasa likod nila si Carmen na tinutulak ang wheelchair ni Tita Nena.

     "Michelle kumusta ka na?" Patakbo siyang lumapit sa akin at bigla akong niyakap.

     "Ang tagal na nating hindi nagkita." Nakangiting sabi niya.

     "Oo nga. Namiss na kita." Sabi ko.

     Nakatingin sa amin ang mga kasama niya at ng mapatingin ako kay Carmen, nakatitig siya sa akin.

     Yumuko ako para halikan si Tita Nena.

     "Kumusta na po kayo, Tita?"

     "Mabuti naman. Healthy and strong." Utal na magsalita si Tita pero nakangiti pa din siya.

     Kahit nastroke si Tita, hindi nabawasan ang sense of humor niya.

     Ito ang isang bagay na hinahangaan ko sa kanya.

     Noong hindi pa siya nastroke, lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ma-stress lalo na pagdating kay Edward.

     "Maikli lang ang buhay, hija." Payo niya.

     "Huwag mong sayangan sa pangungunsumi. Ang mabuti pa, alagaan mo ang sarili mo at si Zac."

     Ang dali sanang sundin ang payo ni Tita Nena kaso ang hirap.

     Siyempre, gusto ko sanang lumaki na kasama ni Zac ang daddy niya.

     Kaso, wala namang balak si Edward na sumama sa amin.

     Kung gusto niya talaga, eh di sana bumalik siya sa piling namin nung pinalayas ko siya.

     Minsan nagsisisi ako di dahil para sa kapakanan ko kundi para kay Zac.

     "Sinong kasama mo?" Tanong ni Christine.

     "Si Edward at si Zac."

     "Nandito pala ang dyowa mo."

     "Oo. Biglang dumalaw."

     "Uy," Hinila ni Christine ang braso ko.

     "Punta kayo sa Sabado sa bahay. Birthday ni Mama."

     Nilingon ko si Tita na nakangiti sa akin at naghihintay ng sagot.

     "Sige."
     "Good. Matagal na tayong hindi nagchichikahan eh."
     Nakita ko na palabas si Edward at si Zac sa arcade.

     Nang makita ni Zac si Benji ay patakbo itong lumapit sa bestfriend niya.

     Nagfist pump ang dalawa tapos pinakita ni Zac ang mga ticket na napanalunan niya.

     Pinakilala ko si Edward sa kanila.

     Sa loob ng dalawang taon na magkakilala kami ni Christine, ngayon niya lang ito nakilala ng personal.

     Naghello siya kay Edward samantalang tahimik lang na nakatingin si Carmen sa kanya na parang sinusuri siya.

     "We should get going." Binaling ni Edward sa akin ang tingin.

     "Okay."
     Tinawag ko si Zac at nagpaalam na kami sa kanila.

     Pagbalik namin sa bahay, inabot ko kay Yaya Imelda ang Fettucine Alfredo na tinake-out ko para sa kanya pati ang box ng leftover pizza.

     Nagpaalam na si Edward kay Zac.

     "Kelan ka babalik, Daddy?" Malungkot ang itsura niya.

     "I don't know yet. Hopefully soon."

     Napabuntong-hininga na lang ako.

     Ganun kasi sumagot si Edward.

     Noncommittal.

     Anak niya na ang kausap pero di niya kayang mag-set ng specific date at time para magkita sila ulit.

     "I will text your mom when I'm coming back."

     As if mangyayari naman iyon.

     Ngayon nga lang eh bigla na lang siyang sumulpot ng walang pasabi.

     Hinalikan ni Edward si Zac sa pisngi at mahigpit naman siyang niyakap nito.

     Hinatid ko siya sa labas at saglit kaming tumigil sa balkonahe kung saan inungkat ko ulit ang tungkol sa kotse.

     "Michelle, I don't have time for this." Paiwas na sagot niya.

     "Kelan ka magkakaroon ng time kahit hindi na para sa akin kundi para kay Zac?"

     "You're totally changing the subject." Dinukot niya sa bulsa ng maong ang susi.

     "Ang hirap mong intindihin, Edward. Kung tanungin kita tungkol sa kotse, ayaw mong sumagot. Kung tungkol naman sa oras mo sa anak mo, wala ka pa ding masabi."

     "Why does it matter it Mama gave me the car or if I bought it? I deserved it naman dahil I worked so hard."
     Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

     "Bumili ka ng bagong kotse pero pagdating sa sustento mo sa anak mo, para akong namamalimos."

     "You're exaggerating!"

     "Eduardo, the last time na pinaalala ko sa'yo ang tungkol sa tuition niya, you said wala ka pang sahod."

     "This is the reason why I don't tell you anything. Alam ko kasi na you're just going to nag me."

     "Nina-nag kita dahil may responsibilidad ka sa anak mo."

     "You know what?" Tinaas niya ang dalawang kamay.

     "I'm done with this."

     "Anong ibig mong sabihin?"

     "Mama suggested we annul our marriage."

     Natigilan ako sa sinabi niya.

     "Before, I didn't consider it. But with the way you're acting, I think she's right. You're a lot to handle and before I lose my mind, mabuti pa na gawin nating legal ang proseso because I can't deal with you anymore. Mabuti pa na maghiwalay na tayo for good."

     Bumukas ang pinto at lumabas si Zac.

     Pareho kami napatingin sa kanya ni Edward.

     "Maghihiwalay na kayo?" Nangingilid ang luha niya.

     Nilapitan ko siya at niyakap.

     Hindi ako nakapagsalita dahil nagulat din ako.    

     "I'm sorry but I really have to go." Nagsalita si Edward.

     Humiwalay si Zac sa pagkakahawak ko at tumakbo palapit sa daddy niya.

     "Daddy, huwag mo kaming iwan ni Mama."

     Nadurog ang puso ko sa sinabi niya.

     "Zac, you're too young to understand but I hope when you're old enough, you will realize I did the right thing."
     "Hindi mo na ba talaga kami mahal?"

     Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko dahil sa awa ko sa kanya.

     "I will always love you. Don't forget that."

     Niyakap siya ni Edward.

     "I'm sorry, Champ, but Daddy has to go." Pilit na inalis ni Edward ang kamay ng anak niya na nakapalupot sa binti niya.

     Nilapitan ko si Zac.

     "Tara na, anak. Hayaan mo na ang daddy mo." Pilit kong inalis ang mga mumunti niyang kamay na mahigpit na nakahawak sa pantalon ng tatay niya.
     "But I don't want to let him go." Humihikbing sabi niya.

     Lumuhod ako sa harap niya.

     "Anak, huwag mong ipagpilitan ang sarili mo. Nandito ako at hindi kita iiwanan." Humahagulhol na yumakap siya sa akin.

     Narinig ko ang pagsara ng gate at kasunod nito ay ang pagharurot ng sasakyan ni Edward.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top