Chapter 5




CARMEN

Hindi ko inakala na magkikita na naman kami ni Michelle sa mall.

I wasn't happy to see her dahil I still remember how rude she was to me at the parking lot pati na din ang comment ng brother niya about me being a tibo.

     Pero ang liit talaga ng mundo.

     Sa dinami-dami ng lugar kung saan kami magkikita, sa pharmacy pa.

     I felt someone looking at me and I was ready to ignore whoever it was but I had to check kung umaandar na ba ang pila.

     Nang makita ko siya, hindi ko naitago ang pagkaasar.

     Nakatitig kasi siya sa akin na parang pinag-aaralan ako.

     If Helene was still alive, for sure she would tell me to let things go.

     Masyado daw kasi akong sensitive and I hold on to grudges instead of letting things slide.

     Between us, hindi siya madaling maasar.

     Ang haba ng pasensiya niya di tulad ko na balat sibuyas.

     I would probably argue with her na mali ang ginawa ni Michelle.

     Ni hindi siya nagsorry sa ginawa niya kundi nakipagtalo pa talaga sa akin.

     "It's just a parking spot."

     Malamang iyon ang sasabihin ni Helene.

     "It's not worth your life, hon."   

     Ganun siya mag-isip.

     Binibigyan niya ng allowance ang behavior ng bawat tao.

     Pati sa akin, napakaunderstanding niya.

     I thought I was the luckiest woman in the world when we got married.

     But my luck ran out in an instant and I'm still mad about it.

     Dahil wala na akong pupuntahan pagkatapos bilhin ang gamot ni Mama, dumiretso na ako sa parking lot.

     Malayo pa lang, nakita ko na si Michelle.

     She was bent over the front of the van na nagkataon naman na nakaparada sa tabi ng sasakyan ko.

     "Damn it!" Bulong ko.

     Hindi ko talaga siya maiwasan.

     Paglapit ko, flat pala ang gulong.

     "Is everything okay?" Kahit obvious na hindi okay, yun na lang ang nasabi ko.

     "Hindi." Bumuntong hininga siya tapos tumayo ng diretso.

     "Kapag minamalas ka nga naman." Pinalo niya ang gilid ng van.

     "Is there someone you can call?"

     "Tinawagan ko na si Kuya pero di naman sumasagot. Nakakabwisit!"

     Napansin ko na nilapag niya ang bitbit na shopping bags sa lupa.

     "If you want, I can drop you off." Walang pag-aalinlangan na sinabi ko.

     She needs help at kahit bad trip ako sa kanya, ang sama naman kung iiwan ko siya.

     Kapag ginawa ko iyon, baka magalit si Christine lalo na at close silang dalawa.

     Nagdududa ang tingin niya sa akin.

     Hindi siguro siya makapaniwala sa sinabi ko.

     "Kung ayaw mo it's fine." Tumalikod na ako para buksan ang driver's door ng SUV.

     Nakatayo pa din siya sa tapat ng van at nag-iisip ng gagawin.

     I wasn't going to wait for her to make up her mind.

     Nag-offer ako ng tulong and if she doesn't want to accept, hindi ko siya pipilitin.

     I was putting on my seatbelt when she tapped on the passenger's door.

     I unrolled the window.

     "Sure ka?" Nag-aalinlangan pa din ang itsura niya.

     "Yes." I unlocked the door at umakyat na siya.

"Tell me where you live." Sabi ko ng pinaandar ang sasakyan.

     Marbella Village was a fifteen-minute drive from the mall.

May security guard sa outpost and I have to log in and sign sa visitor's sheet bago ako pinapasok.

     Bungalow ang mga bahay at halos magkakapareho ang style.

Pintura lang ang pinagkaiba at ang laki.

     When we reached her house, hindi ko pinatay ang makina.

     "Bakit di ka muna tumuloy?" Tanong niya habang inaalis ang seatbelt.

     "Hindi na. I was just dropping you off anyway."

     "Sige na. Nakakahiya naman dahil naabala pa kita. Unless hinihintay ka ni Tita Nena, hindi kita pipilitin."

     "Kilala mo si Mama?"

     "Oo naman. Malimit siya pumunta sa mga games ni Benji bago siya na-stroke." Malungkot ang ngiti ni Michelle.

     "Sorry nga pala sa nangyari the last time. Nagmamadali kasi ako dahil baka mahuli si Zac sa laban. Di ko naman alam na naghihintay ka pala."

     "It's fine."

     "Hindi ako bastos, Carmen. Baka yun ang impression mo sakin."

     Yun nga. Naisip ko.

     "O, ano? Tuloy ka muna."

     Tatanggi sana ako pero naghihintay si Michelle kaya pinatay ko ang makina.

     Pagpasok sa bahay nila, may mga kahon na nakahilera sa gilid.

     Sarado pa ang mga ito at nakasulat sa gilid kung ano ang laman. 

I assume na kalilipat lang nila.

     May assumption was confirmed ng humingi ng pasensiya si Michelle dahil makalat.

     "Hindi pa kasi kami tapos mag-ayos ng mga gamit."

     Pinaupo niya ako sa kulay navy blue na fabric na sofa.

     Lumabas ang katulong mula sa kusina at hinanap ni Michelle si Zac.

     Natutulog daw sabi ng katulong.

     "Kumain ba siya?"

     "Opo, Ate." Sagot ng katulong.

     "Yaya, pwedeng ipaghanda mo kami ng orange juice at saka tinapay? Okay lang ba iyon sa'yo, Carmen?"

     Tumango ako.

     "Magbibihis lang ako. Diyan ka lang muna." Pumasok siya sa isang kuwarto at sinara ang pinto.

     Habang hinihintay na bumalik siya, tiningnan ko ang bahay.

     Sa dingding ay nakasabit ang pictures nila ni Zac.

May suot siya na gold medal at sa ilalim ng frame ay may nakasulat na first honor at ang pangalan niya.

     Alvarez pala ang apelyido nila.

     Sa isang picture ay may kasama silang lalake.

     Maputi siya, matangos ang ilong at malago ang kulot na buhok.

     Kahawig siya ni Zac at naisip ko na baka tatay niya yung nasa picture.

     Si Michelle naman, maliit ang bilugang mukha, makinis ang kutis at matangos din ang ilong.

     Lampas balikat ang buhok niya at medyo wavy.

     Maitim at makapal ang contoured na kilay niya na bumagay sa mukha niya.

     Natawa ako sa naisip.

     Helene was into eyebrows and fashion at hindi siya lumalabas ng bahay ng hindi nakaayos.

     Nagsisimula akong mag-emote at mabuti na lang bumukas ang pinto.

     Nagpalit na siya ng pink na polo shirt at white capri pants.

     Lalo siyang bumata sa itsura niya pero sa tantiya ko, she's in her mid-thirties.

     Nakaponytail na din ang buhok niya.

     "Kumain ka muna." Nilapag niya sa coffee table ang plastic tray na may nakapatong na dalawang baso ng orange juice at dalawang plato na may sandwich.

     "Pasensiya ka na at Cheez Whiz lang ang palaman. Di pa kasi kami nakapaggrocery."

     "It's okay." Kinuha ko ang orange juice at ininom.

     "Kumusta na si Tita?" Inabot ni Michelle ang plato at kinagat ang tinapay.

     "She's doing well."

     "Hindi na ako ulit nakadalaw after ko siyang puntahan sa ospital. Pero ngayong dito na kami nakatira, for sure, mapupuntahan ko na siya."

     "Bagong lipat lang kayo dito?"

     "Oo." Nilapag niya ulit ang plato at napansin ko na wala siyang suot na wedding ring.

     Hindi tulad ko na hanggang ngayon, suot pa din ang gold band namin ni Helene.

     I couldn't bring myself to remove it kaya hinayaan ko na lang.

     Inangat ni Michelle ang tingin niya sa kamay ko pag-angat ko ng ulo.

     "Ikaw? Di ba March ka dumating?"

     "Oo."

     "Babalik ka ba ulit sa Canada?"

     "I don't know yet. Depende sa sitwasyon ni Mama."

     "I see. Sabi ni Christine, matagal ka na daw dun."

     "Oo."

     "Ilang years?"

     "Fifteen."

     "Wow! Ang tagal na pala. Siguro naninibago ka sa Pinas."

     "Medyo. Sobrang init."

     Natawa siya.

     "Namimiss mo ba ang snow?"

     Ako naman ang natawa.

     "I hate to admit it but yes. I miss it. Grabe kasi ang init dito."

     "Sobra talaga. Kung pwede nga lang tanggalin ang balat ko, ginawa ko na."

     "Ikaw? Bakit kayo lumipat dito sa Cavite?"
     "Dahil sa work. Napromote kasi ako bilang senior accountant."

     "Congratulations!"

     "Thank you."

     "Saan kayo nakatira dati?"
     "Sa Guadalupe. Tubong Makati ako eh.

     "Ganun ba."
     "Oo. Nakakapanibago kasi tahimik dito at saka di masyadong polluted. Feeling ko, magkakasakit ako dahil sa linis ng hangin."

     Tumawa ako.

     "Ikaw? Baka magkasakit ka dahil sa polusyon. Di ba malinis at sariwa ang hangin sa Canada?"

     "Oo."

     "Kaya ka ba umuwi dahil kay Tita Nena?"

     Tumango lang ako.

     Bago lang kaming nagkakilala at hindi naman kami close para sabihin ko sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit ako bumalik sa Pilipinas.

Inubos ko ang orange juice at hindi na nakain ang sandwich dahil nawalan ako ng gana.

     "I should go. Baka hinahanap na ako ni Mama."

     Tumayo na si Michelle at sinamahan ako sa pintuan.

     "Salamat nga pala ulit sa paghatid mo sa akin ha?"

     "You're welcome."

     Binuksan niya ang pinto at ng pinaandar ko ang sasakyan, kumaway siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top