Chapter 4
MICHELLE
Mula ng makipaghiwalay ako kay Edward, lahat ng bagay ay naging issue sa kanya.
Para akong dumadaan sa butas ng karayom lalo na kung involved si Zac sa mga decision na gagawin ko.
Nang mapromote ako bilang senior accountant, kasama sa promotion ang paglipat sa Dasmariñas branch namin sa Cavite dahil dun ako maa-assign.
Imbes na tanggapin agad ang posisyon, humingi ako ng tatlong araw para pag-isipan ang lahat.
Nagulat ang manager ko dahil ang sabi niya, this is a good opportunity lalo na at bukod sa mataas na posisyon, di hamak na mas malaki ang sahod.
Alam ko naman ang mga bagay na iyan pero dahil hindi naman legal ang separation namin ni Edward, hindi ko naman pwedeng ilipat na lang si Zac sa Cavite ng hindi niya alam.
Tinawagan ko siya para mag-usap kami.
Nung una, ayaw niyang pumayag dahil busy siya sa trabaho pero nang sabihin ko na importante ang pag-uusapan namin at may kinalaman ito kay Zac, pumunta siya sa bahay isang Sabado para mag-usap kami.
Expected ko na ang magiging reaksiyon niya.
Pero ang hindi ko inasahan ay gagawin niyang tungkol sa kanya ang paglipat namin.
"Are you taking him away from me?" Pasigaw na tanong niya.
"Hindi ganun, Edward. Di mo ba naintindihan ang sinabi ko na kung gusto kong tanggapin ang posisyon na 'to, kasama sa condition ang lumipat ako sa Dasmariñas?" Kalmado lang ako.
Alam ko na kung sasabayan ko ang galit niya, baka maunsiyame ang lahat ng plano ko.
"Bakit hindi ka na lang mag-uwian?"
"My god naman. Alam mo ba kung gaano kalayo ang Cavite mula dito sa Makati?"
"You don't have to accept this promotion, Michelle."
Nagsalubong ang tingin naming dalawa at the moment na sinabi niya iyon, meron siyang pinakawalang bomba.
"Kung regular sana ang sustento mo kay Zac, eh di sana hindi ako kayod kabayo di ba?" Hindi na ako nakapagkimkim ng galit.
Natahimik siya dahil totoo ang sinabi ko.
Kahit may obligasyon siya sa anak namin, tinigilan ko na ang pagti-text para ipaalala sa kanya na magbigay para sa tuition at allowance ni Zac.
Yun na lang ang hinihingi ko sa kanya pero sinasadya niya yatang kalimutan.
Nalaman ko lang kung gaano siya kairesponsable nung makasal na kami.
"I have to ask Mommy about this and see what she says."
"Hindi mo gagawin iyan, Eduardo."
Napasandal siya sa upuan.
Kapag tinawag ko siya sa tunay na pangalan, alam niya na galit na ako.
"Hindi ako papayag na isabotahe ninyong mag-ina ang opportunity na 'to. Pwede mong dalawin si Zac kapag gusto mo. Ibibigay ko sa'yo ang address kung saan kami nakatira at kung gusto mo, tumulong ka sa paglilipat para makita mo ang bahay."
"I have to check my schedule. Alam mo naman na..."
"Oo na. Busy ka sa restaurant." Ako na ang tumapos sa sasabihin niya.
"Isn't there any other way?"
"Anong other way ang sinasabi mo diyan?"
"Why can't you be happy with being a junior accountant? Why can't you just take care of Zac and our family like other women?"
Gusto kong matawa sa sinabi niya.
Mula ng magsama kami, hindi ko naramdaman na pamilya ang turing nila sa akin lalo na ng mama niya.
"Dahil I'm not like other women, Edward."
Pagkatapos ng isang buwan, lumipat kami sa Dasmarinas.
Nalungkot si Zac dahil nilipat ko siya ng school pero pinaliwanag kong maigi kung bakit kailangan naming umalis sa Guadalupe.
Naiyak ako ng magpaalam siya kay Benji pero hindi ko pinahalata dahil kailangan kong magpakatatag para sa anak ko.
Isa pa, para sa kinabukasan niya ang lahat ng ginagawa ko.
Kung aasa ako kay Edward, baka sa kangkungan kami pulutin mag-ina.
Kahit ako ang nakipaghiwalay sa kanya, may parte ng puso ko na umasa na sana mabuksan ang mata niya at sumunod siya sa amin.
Pero ako lang ang nasaktan dahil hindi iyon nangyari.
Naisip ko na baka nasulsulan siya ng mama niya.
Sana man lang naisip niya ang kapakanan ni Zac.
Okay lang sa akin kung hindi niya ako isipin basta yung kaligayahan ng anak niya ang isaalang-alang niya.
Pero hindi ako dapat nagi-expect ng malaki mula sa kanya dahil tuwing ginagawa ko iyon, nadi-disappoint lang ako.
Ang bahay na nilipatan namin, tatlo ang kuwarto pero ang upa, kalahati lang kumpara sa binabayaran namin sa dati naming one-bedroom apartment.
Bungalow ang Mediterranean style na bahay.
Kulay pula ang tile roof, cream ang stucco finish at ang balcony ay napapalibutan ng grills.
Malalaki din ang arched windows at columns at ng una kong makita ang bahay, naisip ko na sana, makabili din ako ng sariling bahay pagdating ng araw.
Ang isa pa sa nagustuhan ko ay nasa loob ito ng village.
Gated ang community, malayo sa kalsada at ingay pero malapit lang sa mall, sa sakayan at sa bagong school ni Zac.
Maliban kay Kuya Cesar, full force ang pamilya ko na sumama para tulungan kaming lumipat.
Pati si Edward, tumulong din sa paghahakot ng mga gamit.
Nang makita niya ang lugar, sinabi niya na panatag daw ang loob niya dahil tahimik at malinis.
"Daddy, bakit di ka na lang dito tumira?"
Muntik akong mabulunan sa tanong ni Zac.
Nasa sala kaming lahat at kumakain ng pizza ng bigla siyang magsalita.
Napatingin sa akin si Edward.
Kay Edward naman nakatingin ang pamilya ko habang naghihintay ng sagot niya.
"Sorry, Zac. Malayo kasi dito ang work ni Daddy."
Nginitian niya ang bata.
"Bakit di ka na lang mag-uwian?"
Kahit ang sarap ng pepperoni pizza na kinakain ko, parang tumabang ang lasa nito.
"Dadalaw naman ako lagi." Ginulo niya ang buhok ni Zac.
Hindi na ito nangulit.
Kahit hindi magsabi si Zac, nasanay na siya na laging wala ang daddy niya.
Ang dami niyang laban na hindi napanood ni Edward dahil kung hindi niya nakalimutan, lagi siyang overtime sa trabaho.
Minsan iniisip ko kung ng maghiwalay kami, para siyang nakawala sa hawla.
Gusto ko man na makasama siya ni Zac, kilala ko si Edward at ayokong magkaroon ng false hope ang anak ko.
Minsan nawawalan na ako ng excuses para kay Edward para lang mapagtakpan ang absence niya.
Dalawang linggo after namin lumipat, nilagnat si Zac.
Malimit kasing umulan at ang mga kaklase niya eh may mga sakit din.
Nagtext ang yaya niya na pinauwi ito ng teacher dahil sa sumuka sa klase.
Bago umuwi, dumaan ako sa botika para bumili ng gamot.
Dumaan din ako sa grocery para bumili ng chicken noodle soup at tinapay.
Nakapila ako sa counter na maramdaman na may taong tumayo sa likuran ko.
Hindi ko sana papansinin kaso naamoy ko yung pabango na nagpapaalala sa akin ng sea breeze, mandarin, rosemary at woodsy scent.
Lumingon ako para tingnan kung sino ang kasunod ko sa pila.
Si Carmen pala.
Nakatungo siya ng tumingin ako dahil meron siyang tinitingnan sa hawak niyang iPhone.
Naalala ko bigla ang sinabi ni Kuya Alex ng una niya itong nakilala.
Ako ang nahiya dahil kahit nabanggit ko na tibo nga si Carmen, hindi ko naman inexpect na sasabihin niya iyon ng harap-harapan.
Prangka talaga si Kuya kaya malimit siyang mapaaway sa mga tambay sa lugar namin.
Wala kasing preno ang bibig kaya kung hindi siya kilala ng mga kainuman niya, gulo ang laging nangyayari.
Pero kahit hindi ako magsabi kay Kuya, for sure hindi na din siya magtataka dahil sa giveaway na ang itsura ni Carmen.
Matangkad siya, payat at ang iksi ng gupit.
Nang una ko siyang makabanggaan sa parking lot, faux hawk ang style ng buhok niya.
Mahaba sa itaas pero ahit na ahit ang gilid kaya kita ang anit.
Ganun pa din naman ang style ng buhok niya ngayon at cool naman ang dating sa suot na dark jeans at pulang V-neck T-shirt.
Ang sapatos niya, kulay red na Vans slip-ons at di lang ako ang nakatingin sa kanya kundi ang dalawang babaeng high school student na nasa likod niya.
Nagbubulungan pa ang dalawa na akala mo nakakita ng artista.
Nang makahalata si Carmen na may nakatingin sa kanya, inangat niya ang ulo at nagsalubong ang tingin namin.
"You again?" Imbiyernang sabi niya.
"Ikaw din?"
"Small world." Pagkasabi nito ay binalik ni Carmen ang tingin sa phone niya.
Tumalikod ako ulit.
Si Christine ang kaibigan ko at hindi siya.
Isa pa, baka mainit pa din ang ulo niya dahil sa engkwentro namin sa parking lot.
Ang bagal niya naman kasi eh ayokong mahuli si Zac sa laro.
Kaya ng makita ko na may pwesto, pinaarangkada ko ang van.
Malay ko ba na kanina pa siya nakaabang?
Bukod sa baka bad trip siya, nahalata ko na parang may lungkot sa mga mata niya.
Pero kahit gusto kong tanungin si Christine, wala kaming chance na magtsismisan bukod sa masyado ng personal ang itatanong ko.
Baka meron siyang dinadala kaya ang init ng ulo.
Pagkatapos kong bayaran ang binili kong gamot, umalis na ako.
Nagmamadali akong pumunta sa parking lot at pagdating ko doon, muntik na akong madismaya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top