Chapter 32
MICHELLE
"Babe, not now." Sabi ni Carmen habang nakatayo ako sa harap ng salamin sa dresser at inaayos ang buhok na nagulo dahil sa ginawa namin.
Nakatayo siya sa likod ko at pinagmamasdan habang mabilis na nagsusuklay.
"It's your dad's birthday. Let him enjoy it before you tell them anything."
Humarap ako sa kanya.
"Are you sure okay ka lang na ganito ang set-up natin?" Inayos ko ang kuwelyo niya na nagusot.
"Oo naman. Ayoko silang mabigla. Isa pa, they just met me today. Let them get used to my presence. Malay mo, kapag nasanay sila sa akin, they may not even question why we're always together."
"How did I get to be so lucky?" Hinawakan ko siya sa pisngi.
Kibit-balikat lang ang sagot niya.
Being with Carmen made me very happy.
Pakiramdam ko , ngayon ko lang naranasan ang main-love.
Ang weird kasi I was married once.
Pero ang naramdaman ko kay Edward ay iba sa nararamdaman ko para kay Carmen.
Kung si Edward, natutunan kong mahalin, I was head over heels in love with Carmen.
Lagi ko siyang namimiss.
I'm needy for her affection at kapag magkasama kami, kung pwede lang na lagi akong nakasiksik sa tabi niya, gagawin ko.
I get to do that kapag nasa kuwarto kami.
Kapag kasama namin si Zac, rated-GP dapat.
Kapag umaalis siya, hindi ako makahintay na magkita kami ulit.
Kahit alam ko na darating siya at susunduin ako tuwing Biyernes, I count the days hanggang dumating na siya.
Kapag wala siya, sinusuot ko ang damit pantulog niya kahit nagmumukhang daster dahil sa haba at ang laki sa akin.
Hinahanap ko kasi ang mabangong amoy niya.
Hindi ako mahilig magtext pero pinupuno ko ng mga sweet messages ang inbox niya.
Nangangarap ako ng gising at iniisip na sana, magkasama kami sa isang bubong para lagi ko siyang nakikita.
Hindi naman ako possessive dati pero pagdating sa kanya, nag-aalala ako na baka kung sinu-sinong chicks ang nakikipaglandian sa kanya kapag hindi niya ako kasama.
Napapansin ko pa naman na kapag nasa mall kami, lagi siyang tinitingnan ng mga babae.
Yung iba, ngumingiti na akala mo nakakita ng artista.
Ang galing naman kasi niyang pumorma bukod sa cute naman talaga siya.
Kapag naiisip ko ang mga ganung bagay, nawawala ako sa mood pero kapag nakakatanggap ako ng message galing sa kanya tulad ng "I miss you" o di kaya yung eye heart emoji, okay na ako ulit.
"Why don't we go back downstairs? Baka magtaka sila kung saan tayo pumunta." Hinila niya ang kamay ko.
Bago ko binuksan ang pinto, hinalikan ko siya ulit.
Nakasalubong namin si Kuya Alex habang pababa kami sa hagdan.
Iiling-iling siya tapos ngumiti na parang nakakaloko.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
"Wala. Masama ba?"
Dinilaan ko siya at lumabas na siya ulit.
Nakatayo sa likod ko si Carmen at natawa na lang.
Dumating na ang asawa ni Kuya Cesar na si Ate Joanna at pinakilala ko si Carmen.
Nasa sala sila nina Zac at kandong niya ang anak na si Chelsea.
"Kumain ka na, Ate?"
"Oo."
Lumabas si Nanay sa kusina at may dalang tray na may lamang lechon kawali.
"Michelle, hinahanap ka ng Ninong Berto mo. Bakit di mo siya puntahan sa labas?"
"Sige po."
Hinawakan ko sa braso si Carmen.
"Tara. Dun punta tayo sa labas."
"Okay."
Kumakanta ng Johnny Come Lately si Pareng Andoy ni Tatay paglabas namin.
Sampu silang nakaupo sa labasan.
Sa gitna nila ay may maliit na lamesa kung saan nakapatong ang bote ng Chivas na dala ni Carmen.
Tumayo si Ninong Berto at nagmano ako sa kanya.
Pinakilalala ko sa kanila si Carmen na naghello at kumaway.
'Tagay ka muna, Carmen." Inabot ni Kuya Alex ang bote at pinuno ang isang shot glass.
Umupo kami sa gitna nila ni Kuya Roman.
"Isa lang, Alex." Sabi ni Carmen.
"Bakit?" Tanong ni Kuya.
"Pagagalitan ka din ba ng nanay mo?" Tumingin siya sa akin at tinaasan ko siya ng kilay.
"No." Tumawa lang si Carmen habang inaabot ang shot glass.
"Ipagmamaneho ko pa sina Michelle at Zac mamaya."
"Ganun ba?" Tatango-tango si Kuya Alex na satisfied sa sagot na narinig niya.
Alam ko kung ano ang ginagawa ni Kuya.
The first time na sinama ko si Edward at niyaya nila itong mag-inuman, hindi ito pumayag.
Yun din ang tinanong ni Kuya dito pero hindi ito sumagot.
Nalaman na lang nila na Mama's boy ito ng nagsama na kami.
Natapos na ang kanta at inabot sa akin ni Mang Andoy ang microphone.
"Kanta ka muna, Michelle. Matagal na naming hindi naririnig ang boses mo eh." Nakangiting sabi niya.
"Oo nga, sis. Pabirthday mo kay Tatay." Kantiyaw naman ni Kuya Roman.
"Sige." Paubaya ko.
Tumingin ako kay Carmen at kinindatan ko siya.
Kinuha ni Kuya Alex ang songbook at hinanap ko ang isa sa paborito ni Tatay.
"Kuya, pindutin mo nga ang number 98745."
Inabot ni Kuya Alex ang remote at lumabas sa screen ang kanta.
Tumayo ako para kantahin ang Tie A Yellow Ribbon.
Nagpalakpakan ang mga kumpare ni Tatay at nilapitan ko siya at inakbayan.
Nakangiti siya sa akin habang tinitingnan ako.
Tumayo ang mga kuya ko at sumayaw sa gitna tulad ng lagi nilang ginagawa kapag nagkakantahan kami.
Kinuha ni Carmen ang phone niya at nirecord kami.
Umiling ako para pigilan siya pero hindi siya tumigil.
Pagkatapos ng kanta, nagpalakpakan silang lahat.
Nagbow ako tapos inabot kay Carmen ang mic.
"Ikaw naman."
"Huwag na. Baka umulan kapag kumanta ako."
"Sige na. Birthday naman ni Tatay eh."
"Sige na nga." Sagot niya bago binigay sa akin ang phone niya.
Kinuha niya ang song book at hinanap ang kanta.
"Anong kanta, Carmen?" Tanong ni Kuya Alex.
"Yung Green Green Grass Of Home."
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nirecord ko siya.
Kumunot ang noo niya ng makita ang ginagawa ko pero nginitian ko lang siya.
Dun ko narealize na telegenic din siya dahil ang ganda ng register niya sa screen.
Umpisa pa lang, wala na siya sa tono.
Napatingin sa kanya ang mag nagi-inuman.
Tatawa-tawa sina kuya pati ang mga kumpare ni Tatay.
Napakamot sa ulo niya si Tatay pero hindi naman apektado si Carmen.
Tuloy siya sa pagkanta.
Lumabas sina Nanay at Ate Joanna kasama sina Zac, Chelsea at Ate Joanna para manood.
May sumigaw ng tama na iyan sa mga kapitbahay pero tuloy lang sa pagkanta si Carmen.
Pumiyok pa siya sa bandang huli.
Nang matapos ang kanta, nagpalakpakan kaming lahat.
Binigyan ko pa siya ng standing ovation at ako ang pinakamalakas ang palakpak.
Nagbow si Carmen habang sa screen ay lumabas ang score niya.
48 percent.
"Ikaw ang winner, Carmen." Tukso ni Kuya Alex.
"Winner saan?" Tanong niya ng umupo sa tabi ko.
"Natalo mo si Cesar bilang titleholder ng lowest score."
"Talaga?" Tuwang-tuwa si Carmen.
"Oo." Sagot ni Kuya.
"56 percent ang record niya at long running score iyan." Sabi naman ni Kuya Roman.
"Wow!" Impressed na impressed naman si Carmen.
"Congratulations." Inakbayan ko siya.
"Thank you."
Nagtawanan ang lahat.
Alas-diyes ng gabi ng magpaalam na kami.
Inaantok na kasi si Zac at nagyaya ng umuwi.
Gusto sana ni Nanay na doon na kami matulog pero wala naman kaming dalang damit.
Pinagbalot kami ni Nanay ng pagkain.
Hinatid nila kami palabas ng gate at nagpasalamat si Carmen sa kanila.
"Ingatan mo si utol ha?" Biglang sabi ni Kuya Alex.
Sinimangutan ko siya pero dahil lasing na, wala ng epek sa kanya.
Binuksan ni Carmen ang backseat at tinulungan kong umakyat si Zac.
Si Yaya Imelda naman, nilagay sa likod ang mga dala naming pagkain.
Bago ako pumasok, humalik ako kay Nanay at binati ulit si Tatay ng Happy Birthday.
"Alis na po kami." Sabi naman ni Carmen bago umakyat sa driver's seat.
"Sige. Ingat kayo."
Binaba ko ang bintana at kumaway sa kanilang lahat bago pinaandar ni Carmen ang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top