Chapter 31
CARMEN
Bago ako pumunta sa birthday party, nag-usap kami ni Mama.
Nasa kuwarto ako at katatapos lang magsuklay ng buhok ng marahan siyang kumatok.
Hindi na siya gumagamit ng wheelchair dahil she has regained full mobility of her arms and legs.
"Mukhang seryoso na ito anak." Umupo siya sa gilid ng kama.
"Oo nga po, Ma. I'm about to meet her family and I'm nervous."
Tinapik ni Mama ang kama at umupo ako sa tabi niya.
"Sigurado ka na ba kay Michelle?"
"Opo, Ma. I tried to forget her pero hindi ko magawa. I thought kung aalis ako, I would have a new perspective. But the whole time I was in Canada, siya pa rin ang laman ng isip ko."
"Anak," Inakbayan niya ako.
"Basta handa kang panindigan ang desisyon mo, wala kang dapat ikatakot."
"Ang gusto ko lang, maging masaya ka."
"Thank you, Ma."
"Mukha namang seryoso din siya sa'yo dahil halos ayaw ka na niyang pauwiin." Tumawa si Mama.
"Ayaw niya lang po na magbiyahe ako sa gabi." Pagtatanggol ko kay Michelle.
"Di mo kailangang mangatwiran. Naiintindihan ko naman. Ganyan talaga ang mga in-love. Hindi maawat."
"Ma, naman." Nagblush ako sa sinabi niya.
Tumayo na siya.
"Ang mabuti pa, umalis ka na at baka hinihintay ka na ng mag-ina."
"Sige po." Lumabas na kami ng kuwarto at hinatid niya ako sa gate.
Luma na ang bahay ng magulang ni Michelle.
Gawa sa kahoy ang bungalow at malawak ang harapan na natataniman ng sari-saring halaman na nakahilera sa paso.
Pagpasok namin, tumigil sa pagkanta ang tatay niya.
Mataba siya at crew cut ang gupit ng buhok na puro na puti.
Nakausli ang tiyan sa suot na sleeveless yellow T-shirt at kita ang malalaking binti dahil sa maong na cargo shorts.
Maliit lang ang tatay ni Michelle pero parang agila kung tumingin kaya lalo tuloy akong ninerbiyos.
"Mano po, Tay." Sabi ni Michelle sabay abot sa kamay ng tatay niya.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak."
"Si Carmen nga po pala." Humarap sa akin si Michelle.
Inabot ko ang kamay ko sa tatay niya.
"Ernesto Alvarez." Pakilala nito.
Mahigpit na nakipagkamay ito.
Mula sa kusina ay lumabas ang isang matandang babae who I assumed was her mother.
May hawak siyang tuwalya at pinupunasan ang mga kamay niya.
"Nay, mano po."
Sinabit niya ang tuwalya sa balikat.
"Kaawaan ka ng Diyos."
Tiningnan ako ng nanay niya.
Di tulad ng tatay ni Michelle, maamo ang mukha nito.
Dark brown ang kulay ng buhok na apple cut ang style.
Maliit lang siya pero payat.
Ngumiti siya sa akin ng pinakilala ako ni Michelle.
"Ikaw pala si Carmen."
Nagulat ako dahil kilala niya ako pero hindi ako nagpahalata.
"Mariana. Tita na lang ang itawag mo sa akin."
"Nice to meet you po, Tita." Nakipagkamay din ako sa nanay niya.
"Happy birthday nga po pala sa inyo." Inabot ko sa tatay niya ang kahon ng alak.
"Uy!" Umaliwalas ang mukha niya habang sinisipat ang kahon.
"Salamat."
"Wala pong anuman."
Bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang babae na sa tantiya ko ay mas matanda kay Zac.
Naka-French braid ang buhok niya at nakasuot siya ng red frilly dress na kakulay din ng ribbon ng buhok niya.
Kasunod niya ang isang lalake na payat at maliit.
Medyo mahaba ang mukha niya at may suot siyang aviator eyeglasses.
Hindi ko pa siya nakikita.
"Nandito na pala si Kuya Cesar." Sabi ni Michelle.
Lumapit siya sa lalake at pinakilala din ako.
Humalik sa pisngi niya ang batang babae na ang pangalan ay Chelsea.
"Nasaan si Ate Joanna?"
Lumakad ang lalake palapit sa lamesa para ilapag ang dalang blue paper bag na may wrapping paper sa ibabaw.
"Nasa trabaho pa. Susunod na lang daw siya."
Pinaupo ako ni Michelle sa sala at tumabi siya sa akin habang si Zac at Chelsea naman ay umupo sa sahig para maglaro.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang Kuya Alex niya na may kasamang isang lalake na hindi ko pa nakikilala.
May bitbit na plastic bag ang mga ito na puro chips ang laman.
"Nandito na pala sina Kuya." Pinatong ni Michelle ang kamay niya sa hita ko.
Tumayo ako ulit.
Dahil nakilala ko na si Alex dati, tumango lang ito sa akin.
Pinakilala niya ako sa Kuya Roman niya.
Tulad nilang lahat, maliit lang siya at nakaponytail ang mahabang buhok.
Medyo butas-butas din ang mukha niya dahil siguro sa mga acne when he was a teenager.
Lahat ng kapatid ni Michelle, kayumanggi.
Siya lang ang bukod tanging maputi.
Nakipagkamay sa akin ang Kuya Roman niya.
"Lagay lang namin itong mga pulutan sa lamesa." Sabi ng Kuya Alex niya.
"Gutom na ba kayo?" Tanong ng nanay niya.
"Gutom ka na ba?" Tumingin sa akin si Michelle.
"No. I'm okay." Sagot ko.
"Baka si Zac gutom na?"
Tinawag niya ang anak pero hindi pa daw siya gutom.
"Ang mabuti pa, kumanta na lang tayo." Kinuha ng tatay niya ang microphone na nakapatong sa kahoy na centre table.
Sa likod ng TV, napansin ko ang framed family pictures nila.
Nasa gitna ang wedding pictures ng parents niya.
Sa left side nakasabit ang college graduating picture ni Michelle.
She wore a black robe with a gold lapel.
Ang sa mga kuya niya, puro high school graduating pictures.
"Carmen, marunong ka bang kumanta?" Tanong ng tatay niya.
"Po?" Napatingin sa akin si Michelle at pinipigil ang tumawa.
"Mamaya na lang po kapag lasing na ang lahat."
Napatingin silang lahat sa akin.
"Bakit naman?"
"Sintonado po kasi ako eh. Pero hindi halata kapag nakainom na ang mga nakikinig."
Nagtawanan silang lahat.
I looked at Michelle and I think she found it adorable how I shared something funny about me.
"Sige. Basta kakanta ka mamaya ha?" Sabi ng tatay niya.
"Opo."
Nilapag ulit ng tatay niya ang microphone sa center table at nakipagkuwentuhan sa akin.
Nagpaalam si Michelle para tulungan ang nanay at mga kapatid niya ng maghanda ng lamesa.
Habang abala sila sa pagse-set ng table, tinanong ako ng tatay niya kung paano kami nagkakakilala.
I told them she was friends with my sister, Christine.
The questions veered towards my family, what I do for work till I mentioned Canada.
"Matagal ka ba doon?"
"Fifteen years po."
"Aba. Ang tagal din pala." Sumandal siya sa sofa.
"Nagbabakasyon ka lang ba?"
"Hindi po. Dito na po ako magi-stay."
Napatingin ako kay Michelle.
She was looking at me too at mukhang nakikinig sa usapan namin ng tatay niya.
"Ganun ba? Eh bakit ayaw mo na bumalik sa Canada?"
I told him about Mama but left out the details about Helene's passing.
"Tay, tama na muna ang interview." Bumalik sa sala si Michelle.
"Kumain na po muna tayo bago dumating ang mga bisita ninyo."
Tumayo na kami at pumunta na sa lamesa.
Puno ng pagkain ang long table.
May lechon sa gitna ng lamesa, chopsuey, kare-kare, kaldereta, pancit bihon, fried chicken, lumpiang shanghai, spaghetti, sapin-sapin at isang sheet ng chocolate cake na may nakalagay na number seventy sa gitna.
Sinindihan ni Roman ang kandila gamit ang lighter na hinugot niya sa suot na brown cargo shorts at kumanta muna kami ng Happy Birthday.
"Tay, mag-wish muna kayo bago niyo hipan ang kandila." Sabi ni Michelle.
Game naman na pumayag ang tatay niya.
Pumikit pa ito at pagkatapos ay hinipan niya ang kandila.
Nagpalakpakan kami at kinuhanan siya ng picture ni Cesar.
"Bago kumain, family picture muna." Suggestion ni Alex.
I volunteered to take the picture.
Nagsiksikan silang para magkasya sa frame.
Michelle was standing beside her dad, her brothers flanking their parents.
Zac and Chelsea stood in front.
Before I press the shutter, I said cheese.
Sumunod naman sila.
I showed them the picture and they were all smiling.
Binalik ko ang phone kay Alex at uupo na sana ang lahat but Michelle suggested he took one more picture na kasama ako.
"Okay." Tumayo si Alex sa harapan ng table.
Tumabi ako kay Michelle and before Alex took the picture, she gently squeezed my hand.
"Umupo na kayo." Anyaya ni Tita pagkatapos ng picture taking.
Sa head of the table umupo si Mang Ernesto.
Tita took the spot to his right while Alex sat towards the left side.
Hinila ni Michelle ang upuan sa kanan ni Alex at doon siya umupo.
Sa gitna namin pumuwesto si Zac at sa tapat namin nakaupo si Roman, Cesar at si Chelsea.
During dinner, sa akin nakatutok ang conversation.
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Michelle?" Tanong ni Roman habang sumasandok ng chopsuey.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"I think we've known each other for more than a year?" Ako ang sumagot.
Natigilan silang lahat sa sinabi ko.
"More than a year?" Ulit ni Roman.
"Eh bakit ngayon ka lang namin nakilala?"
"Tol, nakilala ko na dati si Carmen." Sagot ni Alex habang ngumunguya ng lumpia.
"Eh bakit wala namang nababanggit si Michelle tungkol sa kanya?" Di pa din tumigil si Roman.
"Kasi bihira lang naman kami magkita dati." Sumagot si Michelle.
"Ah." Sumubo na ulit si Roman.
"May asawa ka na ba, Carmen?" Baling niya ulit sa akin.
Tumawa bigla si Alex at nagulat kaming lahat ng kumalampag ang lamesa.
"Aray naman!" Angal nito habang nakatingin kay Michelle.
"Ba't ka naninipa?"
"Kuya, tumigil ka ha?"
"Ano bang nangyayari sa inyo at para kayong mga bata?" Nagtatakang tanong ng tatay nila.
"Si Michelle kasi naninipa." Parang batang nagsumbong si Alex.
"Tumigil kayong dalawa at nakakahiya sa bisita." Saway ni Tita.
"Wala naman akong sinasabi, nananakit ka." Reklamo ni Alex kay Michelle habang hawak ang tinidor na nakaamba sa kapatid niya.
"Basta pigilan mo yang bibig mo." Banta niya kay Alex na hinila na palayo ang upuan kay Michelle.
"Tama na nga iyang bangayan ninyo." Saway ng tatay nila.
Natahimik ang dalawa at napatingin sa akin si Michelle.
Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya at kahit hindi niya sabihin, I think I understood why she warned her brother.
Katatapos lang namin kumain ng may kumatok.
Dumating na ang mga kaibigan ni Mang Ernesto at pumunta sila sa labas para mag-inuman.
Si Zac at Chelsea naman, umupo sa sofa para maglaro sa iPad na dala ni Chelsea.
Tutulungan sana namin si Tita Mariana na magligpit ng pinagkainan pero hindi siya pumayag.
Nakakahiya daw sa akin.
Isa pa, nandun naman ang mga kapatid niya.
"Sigurado kayo, Nay, na hindi ninyo ako kailangan?" Ulit ni Michelle.
"Oo. Magpahinga na kayo at ako na ang bahala dito."
"Sige po. Punta lang kami sa taas at meron lang akong ipapakita kay Carmen."
Lumakad na siya sa hagdan at sumunod ako sa kanya.
Tatlo ang kuwarto sa taas.
Ang pinakamalaki, kuwarto ng magulang niya.
Sa tabi nito ang kuwarto ng mga kuya niya.
Sa kaliwang bahagi naman ang kuwarto niya.
May twin size bed sa gitna ng kuwarto at lalong lumiwanag dahil sa light yellow na kurtina.
Sa gilid ay may maliit na study table na may nakapatong na lamp shade.
May dresser sa kanan ng kama na may nakalagay na bote ng lotion, baby powder, hair brush at lipstick.
Sinara ni Michelle ang pinto at pinihit ang lock.
Nagulat ako ng bigla niya na lang pinatong ang braso niya sa balikat ko at bigla niya akong hinalikan.
I reciprocated at dahan-dahan niya akong kinabig papunta sa kama pero hindi kami umabot dun.
She hit the dresser with her butt at bigla siyang napaupo.
Naalog tuloy ang mga nakapatong dun at buti na lang nasalo ko ang pulbo bago ito bumagsak sa sahig.
Michelle sat there giggling while I placed the baby powder back in the dresser.
I saw the gleam in her eyes.
Knowing she wanted to do something naughty, I pushed her down by the hips and spread her legs wide.
Since she was wearing a blue floral sundress, I had easy access to her thighs.
I ran my hands to her warm skin and she moaned softly.
Her lips were slightly parted and I reclaimed it, taking small bites on her fleshy bottom lip while my hand busied itself with stroking her moist center.
"Carmen..." She gasped as I pushed deeper.
"I want you inside of me." She whispered, breath hot with passion.
"Your wish is my command." I said.
Pulling her panties halfway down her legs, I positioned two fingers in her wet core, feeling the hardened bud.
Michelle lifted her head and I saw that her eyes were glazed, lost in a trance.
Slowly, my fingers inched inside of her.
She bit her lip to smother the moans.
My left hand was on her back, supporting her tensed body.
I felt her arms circled my back, nails digging into my shoulder blades as her body stiffen from the crashing waves of orgasm.
She bit my shoulder bone as uncontrollable spasms took hold of her.
It took all my strength not to cry out from pain.
Michelle must have a moment of clarity because she released me from her bite.
I stopped stroking when she placed her head on my shoulder.
From outside, I could hear one of the men singing How Can I Tell Her.
Michelle raised her head to look me in the eye.
"I have to tell them about you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top