Chapter 30
MICHELLE
October 12 ang ika-70thbirthday ni Tatay at kinumbida ko si Carmen.
We were in bed one night ng mabanggit ko ang tungkol dito.
Pumayag siya agad at nag-offer pa nga kung meron siyang maitutulong.
"You just have to be there. Sapat na yun." Sagot ko habang pinaglalaruan ang butones ng suot na purple cotton pajama tops.
Simula ng patulugin ko siya sa bahay, lagi na siyang nagbabaon ng damit.
Kahit gusto niya kasing umuwi, lagi ko siyang pinipigilan kaya sa loob ng kotse niya, meron siyang dalang duffel bag na may lamang damit at toiletries.
Naglaan na din ako ng closet space para sa kanya para hindi niya laging inuuwi ang mga gamit niya.
Doon ko nalaman na ang pabango niya na gustong-gusto ko ay Acqua Di Gio pala ang pangalan.
Tumagilid si Carmen at humarap sa akin.
"Are you sure you want to do this?" Marahan niyang minasahe ang balikat ko.
Hindi ko mapigilan ang mapapikit dahil para akong nakuryente sa hawak niya.
"I'm sure."
"Akala ko ba you want to take it slow?"
"Oo nga pero gusto kong makilala ka ng pormal ng magulang ko."
"Talaga?" Lalo siyang lumapit at naamoy ko ang minty smell ng mouthwash niya.
"Oo naman."
"What if they're not okay with us?"
Hinaplos ko ng marahan ang pisngi niya at tinitigan siyang maigi.
Mula ng magkita kami ulit, naging masaya ang bawat araw sa buhay ko.
Kahit hindi kami araw-araw magkasama, lagi niya akong tinitext.
Kahit stressful sa trabaho, napapatawa niya ako sa mga funny emoji na pinapadala niya sa akin.
Nahalata na nga ako ng mga kasama ko kasi blooming daw ang itsura ko.
Lagi daw akong nakangiti at saka iba ang glow ng mukha ko.
"Expected ko na merong kokontra." Nagsumiksik ako sa may bandang dibdib niya.
"Pero handa naman akong ipaglaban ka sa kanila."
Hinalikan ako ni Carmen sa noo.
Inangat ko ang ulo ko para halikan siya sa labi.
Nag-usap na kami ni Zac tungkol sa Tita Carmen niya.
Nang una niyang makita na natulog si Carmen sa bahay, nakatingin lang siya dito.
Marahil nagtataka kung bakit hindi ito umuwi.
Gusto sana ni Carmen na umalis ng madaling araw para hindi siya maabutan ni Zac pero hindi ako pumayag.
Nauna siyang lumabas ng kuwarto at bumangon na din ako para maghanda ng almusal.
Kahit gawain ni Yaya Imelda na ipagluto kami ng makakain, gusto ko na ako ang mag-asikaso kay Carmen.
Nasa lamesa kaming dalawa ng lumabas si Zac sa kuwarto.
Buti na lang at hindi niya kami naabutan na nakayakap si Carmen sa akin habang pinagtitimpla ko siya ng kape.
"Good morning, Zac." Bati ni Carmen sa kanya.
"Good morning po, Tita." Magalang na sagot nito.
"Do you want orange juice?" Nakahawak na si Carmen sa handle ng glass pitcher.
"Yes, please." Inabot niya ang baso kay Carmen.
Pinuno niya ito ng orange juice bago binigay kay Zac.
Binigyan ko sila ng niluto kong sunny side-up egg.
Over medium pareho ang gusto nila samantalang okay na ako sa kape dahil hindi talaga ako sanay mag-almusal.
That was the very first time na kumain kami ng almusal ng sama-sama.
Nang hapon na iyon, kinausap ko si Zac.
Tinanong ko sa kanya kung okay lang na lagi kong kasama si Carmen.
"Opo, Mommy." Binitawan niya ang binabasang Spider-Man comics.
"Dito na po ba siya titira?"
"Ha?" Ako naman ang nagulat sa tanong niya.
"Eh kasi po, masaya kayo kapag nandito si Tita."
"Kung dito siya titira, okay lang sa'yo?"
Saglit siyang nag-isip at napatingin sa kisame.
Kinakabahan ako dahil baka kung ano ang sabihin niya pero mahalaga na malaman ko kung ano ang saloobin ng anak ko.
"Basta po happy kayo, Mommy, happy na din ako."
Bigla ko siyang niyakap.
Naiyak ako kasi hindi ko ini-expect ang sasabihin niya.
Ang totoo, natatakot ako na baka magalit si Zac.
Pero mabait si Carmen sa anak ko.
Kapag dumadalaw siya sa akin, lagi siyang may pasalubong dito.
Kung hindi pagkain na niluto ng mama niya, may dala siyang laruan.
Hindi lang ako ang nililigawan ni Carmen kundi pati ang anak ko.
Ang isa pang bagay na napansin ko sa kanya, may panahon siya para makipaglaro sa anak ko.
Nung una, dalawa silang bumubuo ng mga Lego landmarks.
Nang matapos nila ang Eiffel Tower, ang sumunod na ginawa nila ay ang Statue Of Liberty.
Hindi lang dun natapos ang bonding nila.
Nagpaturo na din sa kanya si Zac ng mga assignments niya.
Matiyaga naman si Carmen.
Kapag may hindi sila alam na sagot, kinokonsulta nila ang Google o di kaya ang YouTube.
Dahil dito, nagsabi tuloy si Zac na gusto niya din magkaroon ng iPhone pero hindi ako pumayag.
Hindi ko talaga siya binilhan ng iPad o iPhone dahil ayoko na lagi siyang nakatutok sa screen.
"Kapag may trabaho ka na, pwede ka ng bumili ng sarili mong phone." Sagot ko.
Nasa kusina ako at naghihiwa ng mga bell peppers para sa niluluto na menudo.
"Mommy, ang tagal pa po nun."
"Matagal pa nga kaya enjoy mo muna ang magbasa ng mga libro at ang maglaro sa labas."
Nakangiting nakikinig lang sa amin si Carmen.
Nang araw ng birthday ni Tatay, sinundo kami ni Carmen.
Nakasuot siya ng navy blue blazer, white shirt, dark blue jeans at brown loafers.
Hindi masyadong pormal pero hindi din naman sobrang rugged.
Kung sinusundo niya ako sa trabaho at kaming dalawa lang, hinahalikan ko siya agad sa labi.
Pero dahil kasama namin si Zac at si Yaya, simpleng hi at hello lang ang batian namin.
"I brought a gift." Sabi niya habang sumasakay ako sa kotse na kapareho niya ang amoy.
"Anong binili mo?"
Tinuro niya ang backseat kung saan nakapatong ang box ng Chivas Regal.
Tinanong niya kasi ako kung ano ang gusto ni Tatay at yun agad ang naisip ko.
"Balak mong lasingin si Tatay ha?" Biro ko.
"No. Sinabi mo kasi na iyon ang gusto niya so yun ang binili ko."
"Joke lang. Masyado kang defensive."
Natawa siya sa sinabi ko.
Pagdating namin sa bahay nina Tatay, nakatingin ang mga kapitbahay pagtigil ng sasakyan.
Paano ba naman? Ang gara at ang kinang ng brand-new Lexus niya.
Walang may ganung sasakyan sa mga kapitbahay namin dahil mahirap lang ang lugar namin.
Dito kami lumaki kaya kilala nila kami.
Pagbaba ko, binati ako ng mga lalakeng nakatambay sa tapat ng tindahan ni Aling Nena.
"Ang gara ng wheels mo, Michelle ha?" Sabi ni Mang Cardo na nakatayo sa gilid ng tindahan habang naninigarilyo.
"Di po sa akin. Nakikisakay lang." Sagot ko.
Bumaba na din si Carmen at sa kanya napatingin si Mang Cardo.
Sinulyapan siya nito mula ulo hanggang paa.
Hindi ko naman siya masisi dahil bagong salta si Carmen sa lugar namin.
"Pasok na po kami." Sabi ko kay Mang Cardo ng tumabi ako kay Michelle.
"Pupunta po ba kayo sa bahay?"
"Oo. Pero mamaya na kasi wala pa naman ang mga bisita." Sagot niya.
Nagpaalam na ako ulit at pumasok na kami sa bahay.
Sa labas pa lang ay dinig na ang malakas na tugtog galing sa videoke.
Kumakanta si Tatay ng Delilah ni Tom Jones.
Tinulak ko ang pinto at unang pinapasok si Zac.
Pagkaalis ng sapatos niya, tumakbo siya papunta sa lolo niya na nakaupo sa sala habang kumakanta.
Nakasunod sa kanya si Yaya Imelda at naiwan kami ni Carmen.
"Ready ka na?" Pinisil ko siya sa kamay.
"I think so." Sagot niya.
"Huwag kang mag-alala. Hindi naman nangangagat ang mga iyan."
Huminga siya ng malalim.
"Let's do this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top