Chapter 3




CARMEN AND MICHELLE

Niyaya ako ni Christine na sumamang manood ng basketball game ni Benji sa St. Michael's Academy.

Mula daw kasi ng dumating ako, the only time na lumalabas ako ay para samahan si Mama sa doctor's appointment niya sa Santos General Hospital.

Pumayag ako dahil hindi niya ako tatantanan.

Isa pa, excited din ang mga pamangkin ko na sumama ako.

Okay din naman kay Mama.

Ang sabi nga niya, mabuti na mag-enjoy din ako at hindi yung lagi na lang akong nakakulong sa bahay at naga-unpack ng mga gamit namin ni Helene.

     Alas-dos ang simula ng laro.

     Sa St. Michael's kami magkikita at dahil first time ko ulit mag-drive sa Pilipinas, naligaw ako.

     Ten minutes na lang at magsisimula na ang game.

     Kahit gusto kong magmadali, hindi naman pwedeng humarurot sa school parking lot dahil sa dami ng estudyante na naglalakad bukod sa twenty kilometers lang yata ang speed limit dahil ang bagal ng mga sinusundan kong sasakyan.

     Nakakita ako ng puwesto sa dulo ng parking lot at pinaandar ko ang puting RAV4 para pumarada ng biglang may sumulpot na lime green na van at inagaw ang spot na kanina ko pa minamataan.

     Binusinahan ko ang driver.

     Pagbukas ng pinto, lumabas ang isang babae.

     Binuksan niya ang pinto at ni hindi ako pinansin.

     Pinatay ko ang makina at bumaba ako ng sasakyan.

     "Excuse me."

Inangat ng babae ang malaking blue and white duffel bag na may logo ng school.

     Hindi nakalampas sa tingin ko ang anghel na may hawak na sibat na nakatutok sa demonyo na nakahiga sa lupa.

     Lumingon sa akin ang babae.

     Salubong ang kilay niya.

     "I've been waiting for this spot." Inis na sabi ko.

     "Eh ang bagal mo eh." Mataray na sabi niya.

     "That's not fair!" Tumaas ang boses ko. "I've been waiting for five minutes and then you just took it."

     Padabog na binitawan niya ulit ang bag.

     "Imbes na nakikipagtalo ka sakin, bakit di ka na lang humanap ng ibang parking spot?"

     Magsasalita pa sana ako kaso bumukas ang pinto at lumabas ang isang batang lalake.

     Nakasuot siya ng blue and white basketball jersey at tumingin siya sa akin.

     Shit!

     I didn't know there was a kid inside the van.

     Pagtingin ko sa babae, nakatitig siya sa akin.

     "Whatever!" Pabulong na sabi ko tapos tumalikod na.

     "Whatever mo mukha mo!" Sigaw niya.

     Umiling na lang ako.

     "You'll never be a mother of the year dahil sa ugali mo." Usal ko habang pumapasok sa loob ng kotse.

     Pagpasok ko sa gym, nakaupo na si Christine kasama ang asawa niya na si Martin at ang panganay nila na si Paul at ang pangalawang anak na si Elise.

     Nagtext siya dahil hinahanap ako at sinabi kung saan sila nakapwesto.

     They were four rows behind the courtside at halos puno na ang gym.

     Bakante ang pwesto sa kanan ko at ilan na lang ang available seats.

     "Wow! The gym is packed." Sabi ko kay Christine na katabi ko.

     "St. Anthony kasi ang kalaban nila." Sagot niya.

     Midget Division ang maglalaban at center si Benji.

     Angels ang pangalan ng team nila while Guardians naman ang kalaban.

     Inabutan ako ni Christine ng bottled iced tea.

     From the looks of it, mukhang ready sila dahil meron silang baon na hotdog sandwiches bukod sa softdrinks at iced tea.

     Kabubukas ko lang ng drinks ng maramdamang may tumabi sa akin.

     Paglingon ko, it was the same woman from the parking lot.

     Nagkatinginan kaming dalawa at tulad ng itsura niya kanina, tinaasan niya ako ulit ng kilay.

     "Ikaw na naman?" Mataray pa din siya.

     "Ikaw din?" Buwelta ko.

     "Magkakilala kayo?" Sabat ni Christine.

     "No." Inis na sagot ko.

     Hindi niya nahalata na asar ako dahil bigla niya na lang akong pinakilala sa babae.

     "Michelle, this is my sister Carmen. Siya yung sinabi ko sa'yo na nakatira sa Canada."

     I cannot believe that Christine introduced us.

     Manhid ba siya?

     "Siya pala." Matabang na sabi ni Michelle.

     After what happened sa parking lot, wala akong balak na makipagkamay sa kanya at mukhang ganun din siya.

     Ang kapatid ko naman, clueless pa din dahil patuloy pa din sa pagkikwento.

     "Kababalik lang niya last March."

     "Ganun ba?" Medyo bumaba na ang tono ni Michelle at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

     "Oo. First time niya manood ng game ni Benji."

     "I see." Matipid na response ni Michelle.

     Napapagitnaan nila akong dalawa and it felt awkward dahil parang wala ako habang nag-uusap sila.

     Mabuti na lang at may nagsalita sa gitna ng stage para i-welcome ang mga parents at guests.

     Pinatayo kami for the Philippine National Anthem.

     Pinatong ni Michelle ang kamay niya sa dibdib at ganun din ang ginawa ko.

     I felt weird dahil kanina lang, we had a confrontation sa parking lot tapos ngayon magkatabi kami.

     She was smaller than I am but when we had the confrontation, she was very feisty.

     Napoleon complex. Natawa ako sa naisip.

     Ang liit-liit pero hindi papatalo.

     Pagkatapos ng national anthem, we remained standing para magdasal.

     Napalingon ako kay Michelle at nakapikit siya.

     Pinigil ko ang matawa.

     Para siyang maamong tupa.

     Hindi mo aakalain na kanina lang ay handa siyang makipagpatayan para sa parking spot.

     Inalis ko ang tingin sa kanya bago matapos ang dasal.

     Hindi pa din kami pinaupo dahil pinatugtog ang Alma Mater song ng St. Michael's.

     Sa sobrang bilis ng tugtog na violin ang accompaniment, akala mo hinahabol ng demonyo ang gumawa ng kanta.

     Pinaupo kami ng babaeng host at pinakilala niya ang principal na si Sister Margaret.

     Matikas ang pangangatawan ng madre kahit halatang may edad na siya.

     Nagbigay siya ng maikling speech kung saan she welcomed the students, parents and guests from St. Anthony.

     Nang matapos siyang magsalita, isa-isang pinakilala ang mga maglalaro.

     Nang binanggit ang pangalan ni Benji, tumayo sina Christine at sinigaw ang pangalan ng pamangkin ko.

     Nakisali din ako at pumalakpak.

     Nilingon kami ni Benji at kinawayan.

     Cute na cute ang itsura niya habang tumatakbo palapit sa gitna ng court.

     May dimples si Benji sa magkabilang pisngi at kahit he was missing his front tooth, he was all smiles.

     Ang sumunod na pinakilala ay anak pala ni Michelle.

     Zac ang pangalan niya at tumayo din siya para i-cheer ang anak.

     Spike ang buhok ng bata at cute din dahil bilugan ang mata at ang tangos ng ilong.

     Kahit maliit si Michelle, ang laki naman ng boses.

     How I wished I brought earplugs dahil ng magsimula na ang laro, grabe siya kung makatili.

     Pati ang mga nakaupo sa harapan, napapalingon sa kanya.

     Kapag hawak ni Zac ang bola, sigaw siya ng sigaw ng shoot that ball.

     Kung binabantayan naman ang anak niya ng kalaban, todo ang hiyaw niya ng defense.

     Feeling ko, nayanig ang tutuli ko dahil sa vibrations ng boses niya.

     Nanalo ang Angels at two points ang lamang nila.

     Bumaba kami sa courtside para salubungin si Benji at Zac at kahit pawis na pawis ay pinupog ni Michelle ng halik ang anak niya dahil ito ang nagpanalo sa team nila.

     Nai-shoot niya kasi ang bola bago pumatak sa one ang countdown.

     Doon ko nalaman na magbestfriend pala si Benji at Zac.

Magkaakbay ang dalawa ng lumabas ng gym habang nakasunod kami sa kanila.

     May lalakeng naghihintay kay Michelle ng makarating kami sa parking lot.

     Maliit lang din ito at walang leeg dahil sa katabaan.

     Nakasuot siya ng camouflage na shorts, kulay maroon na cotton shirt at itim na tsinelas.

     Kilala siya ni Christine at pinakilala niya ako kay Alex.

     "Siya yung galing Canada." Dugtong ni Michelle.

     "Ah. Siya ba yung tibo?"

     "Kuya, ano ba?" Hinampas siya ni Michelle sa braso.

     Ako naman, hindi nakapagsalita dahil sa gulat.

     It's been a long time since I heard that word at kahit noon, it always made me cringe.

     Hindi ko na lang pinahalata na kinilabutan ako.

     Alam ko kasi ang negative connotation ng salitang iyon kaya naman I felt offended sa sinabi ni Alex.

     Pati iyong mga bata, napatingin.

     "Mommy, what's tibo?" Biglang tanong ni Elise.

     "Hay naku, wala iyon." Sinulyapan ako ni Christine.

     "Ang mabuti pa, sumakay na tayo sa kotse." Binuksan niya ang pinto.

     "Can we go with Tita?" Paalam ni Paul.

     "Why don't you ask your dad?" Nginuso ni Christine ang asawa na nakasakay na sa driver's seat.

     Lumapit si Paul sa unahan para magpaalam at pumayag naman ang daddy niya.

     Tuwang-tuwa sila ng lumapit sa akin.

     "Mommy, pwede akong sumama kina Kuya?"

     "Benji, sa amin ka na sumabay at bibihisan pa kita."

     "But I want to go with them."
     "Huwag na, anak. We will see each other in the restaurant naman eh." Tinulak niya ang anak papasok sa backseat.

     Nagpaalam na si Christine kina Michelle.

     Bago naghiwalay si Benji at Zac ay nag-fist pump ang dalawa.

     Nasa unahan namin sina Michelle at kinuha ni Alex ang duffel bag na dala niya.

     Si Zac naman, nakahawak sa kamay ng mommy niya.

     "Where did you park, Tita?" Hinila ni Elise ang laylayan ng polo shirt ko.

     "Medyo malayo. May umagaw kasi ng parking spot ko eh."

     Napalingon si Michelle.

     Akala ko, magsasalita na naman siya pero hindi siya kumibo.

     Tumigil sila sa tapat ng van at nagpaalam si Paul at Elise kay Zac.

     "Good job, Zac." Sabi ko sa bata bago kami tuluyang umalis.

     For the first time since I encountered Michelle, ngumiti siya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top