Chapter 12
MICHELLE
Hindi ako makatulog.
Ano bang ginagawa ko with Carmen?
Bakit ako nakikipaglandian sa kanya kahit alam ko na hindi dapat?
Ang mga sagot ko, pwedeng pang Miss Universe Landian Edition.
"If I say yes, would you hold it against me?"
Diyos ko!
Ano ako? Si Britney Spears?
Oo na at mabait siya sa akin lalo na kay Zac.
Nung una kaming pinakilala ni Christine at pinuri niya ang anak ko dahil sa napanalo niya ang team nila, natuwa ako sa ginawa niya.
Magaling naman talagang maglaro si Zac at mabait din ito.
Hindi ako dapat magulat kung magalang ang pakikitungo niya kay Carmen dahil ganun ko siya pinalaki pero nakikita ko din na genuine ang interest na pinapakita ni Carmen sa kanya.
Natural siya kung makipag-usap kay Zac kaya naman open din sa kanya ang anak ko.
Bago ko nakilala si Carmen, hindi naman ako naghahanap ng papalit kay Edward.
Hindi iyon pumasok sa isip ko dahil una, hindi ko alam kung ano ba ang katayuan ng pagsasama namin.
Isa pa, umaasa ako na magkakaayos kaming dalawa.
Mahal ko din naman siya kasi siya ang ama ng anak ko.
Pero ngayong hindi ako dalawin ng antok at nakatitig lang sa kisame, tama ba ang reason ko para magsama kami?
When was the last time we had sex?
Was it even a good one?
Kung hindi ko matandaan, siguro it was that bad.
Kapag dumadalaw siya, si Zac lang ang pinagtutuunan niya ng pansin.
Ni hindi na siya humahalik sa pisngi ko at hindi nagtatanong kung kumusta na ako.
Ilang beses kong naisip na baka meron na siyang iba at tinanong ko siya ng diretso.
Wala daw.
Tamang hinala lang ako pero di ko maiwasan ang mainsecure.
Hindi naman ako panget.
Ang totoo nga, lagi akong pinupuri ng mga katrabaho at kaibigan ko kasi ang bata ko daw tingnan.
Kung di daw nila ako kilala, iisipin nila na nasa early twenties lang ako.
Thirty-four years old na ako.
Bumalik ang katawan ko sa dati isang taon pagkatapos kong ipanganak si Zac.
Bukod sa hindi naman ako malakas kumain, healthy din naman ang gusto kong kainin.
Wala akong sweet tooth kaya hindi ako mahilig sa chocolates at candies.
Ang gusto ko yung maaasim tulad ng manggang hilaw at maalat kaya perfect combo ang bagoong alamang.
Pero hinay-hinay ako sa paggamit ng asin dahil baka tumaas ang cholesterol ko.
Nasa lahi pa naman namin ang ganun kaya si Tatay at Nanay eh parehong umiinom ng gamot para maregulate ang cholesterol nila.
Isa pa, ayokong magkasakit sa bato.
Gusto kong maging healthy para maalagaan ko si Zac ng mabuti.
Masyado na ba akong nagfo-focus sa kapakanan ni Zac na nakalimutan ko na ang personal happiness ko?
Masama ba akong ina kung dumating ang panahon na gusto ko din na may magmahal sa akin.
Dumating na ba iyon sa katauhan ni Carmen?
Hay naku!
Bakit ba siya ang iniisip ko?
Una sa lahat, babae din siya tulad ko.
Noong high school at college, hindi naman sumagi sa isip ko ang magkagusto sa kapwa ko babae.
Yung mga crush-crush, normal lang kasi may mga babae naman talaga na hindi mo maiwasan na hangaan.
Merong matalino, maganda ang height, magaling ang fashion sense o di kaya vibrant ang personality.
Pero iba naman ang crush sa attraction.
Ang nararamdaman ko kay Carmen ay nabibilang sa huli.
Paano ba naman kasi, ang bango-bango niya.
Pati pawis, matamis ang amoy.
Kapag nagkikita kami, laging maayos ang bihis niya.
Hindi ko pa siya nakitang umulit ng suot na T-shirt.
Kahit yung mga pantalon niya, parang laging bagong palit.
Ang labi niya, mapula at ang kinis ng kutis.
Parang lagi siyang gumagamit ng moisturizer dahil hindi dry ang balat niya.
Lately, hindi na din siya laging nakasimangot.
Kabaliktaran na nga kasi laging nakangiti at palabiro pala siya.
Ang thoughtful din kasi lagi siyang may dalang pasalubong at kung kumakain kami sa labas, lagi akong tinatanong kung meron pa akong gustong kainin o kung gusto kong mag-uwi ng pasalubong para kay Zac.
Hindi siya selfish bukod sa responsible siya.
Nung pumunta kami sa birthday ni Tita Nena, nakita ko kung paano niya alagaan ang nanay niya dahil pinagsandok niya ito ng pagkain tapos sinubuan pa.
Paano ka namang hindi mai-inlove sa devotion na pinapakita niya kay Tita?
Nung sinabi sa akin ni Christine ang tungkol sa nangyari sa asawa ni Carmen, naintindihan ko kung bakit parang pasan niya ang daigdig nung una kaming magkita.
Tragic yung nangyari sa asawa niya.
Sa sobrang depression nga daw ni Carmen, nagdesisyon sila na pabalikin ito sa Pinas para maalagaan nila.
Kung nasa Canada nga naman, walang titingin sa kanya at kung kailangan sila ni Carmen, hindi naman tulad dito sa Pinas na pwede kang sumakay ng jeep at nandun ka na sa destinasyon mo.
Two years na mula ng mamatay ang asawa nito pero hindi pa din ito maka-move on.
Hindi naman kasi madaling kalimutan ang nangyari lalo na at hindi naman ito namatay of natural causes.
Kung ako man ang nasa katayuan ni Carmen, baka ganun din ang mangyari sa akin.
Kaso hindi ko na alam kung ano ang nararamdam ko kay Edward.
Yung feelings ko dati na nadevelop, lumabo na kasi hindi naman niya inalagaan.
Nung magkasama kami, kahit puro insulto ang natatanggap ko sa mama niya, pinipilit ko na pakitunguhan at gampanan ang responsibilidad ko bilang asawa.
Pinagluluto ko siya ng paborito niyang kare-kare kahit matrabaho gawin at pinagpaplantsa ng damit bukod sa paglalaba na pinagpilitan ng mama niya na gawin ko.
Ang masaklap nga lang, kapag dumating na siya galing sa trabaho, kahit hinintay ko siya at sinabi na pinagluto ko, nakakain na daw siya.
Diretso ang pasok niya sa kuwarto para magbihis at matulog.
Kung ako lang ang laging magbibigay at hindi naman binabalik ang feelings ko, paano ito mapupunan ulit?
Naubos na ba ang pagmamahal ko para kay Edward?
Nagiging malapit ba ako kay Carmen dahil pinapahalagahan niya ako?
Dapat ko bang ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan ko sa kanya?
Paano kung mahulog ako ng tuluyan?
Sasaluhin niya ba ako o babagsak ako sa lupa at masasaktan lang ulit?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top