Chapter 11
CARMEN
My change in behavior was very obvious hindi lang sa akin kundi pati na din kay Mama.
Kumatok siya sa kuwarto ko while I was getting ready to go to Michelle's place.
Nakatayo ako sa harap ng full-length mirror at tinutupi ang manggas ng black T-shirt na may design ng Greatest Hits album ng Journey.
"Mukhang excited ka anak?" Sabi ni Mama habang pinagmamasdan ako.
"Excited?" Humarap ako sa kanya.
"Oo. Lately, mukhang maganda ang mood mo."
Umupo ako sa gilid ng queen-size bed.
"Ma, I decided na it's time for me to change a little."
"Dahil ba iyan kay Michelle?"
Nagkatinginan kaming dalawa.
Pareho kami ng ugali kaya malimit kaming magkatampuhan dati dahil we don't beat around the bush.
"She's just a friend." Sagot ko.
"Anak, natutuwa ako sa pagbabagong nakikita ko sa'yo. Mabait din si Michelle at mabuting kaibigan ni Christine pero concern lang din ako."
"Bakit naman po?"
"Ayoko lang na masyado kang maging close sa kanya."
"By that you mean you don't want me to like her more than a friend?"
"Yun na nga."
"Is that because she's still married?"
"Kasama na iyan sa iniisip ko."
"Ma," Hinawakan ko ang kamay niya, "bago lang kaming magkakilala. Isa pa, I'm not looking for someone to date."
"Hindi naman ako sa'yo nag-aalala eh."
Kumunot ang noo ko.
"Mabait ka, malambing at mapagbigay. Kapag nakilala ka ng isang tao lalo na mga babae, hindi mahirap na magkagusto sa'yo kasi masarap kang kasama at marunong magpahalaga sa tao. Ayoko lang na matulad din siya sa mga nakilala mo dati na name-misinterpret ang kabaitan mo."
"I don't think she's like that. Isa pa, she's going through a separation. For sure wala din sa isip niya ang maghanap ng makakadate."
"Sana nga tama ka. Pero minsan, nakakagawa tayo ng mga bagay dahil sa kalungkutan."
"Don't worry, Ma. If she ever attempts to kiss me, I'll be the first to look away."
"Puro ka naman biro. Ang sa akin lang, ayokong malagay ka sa alanganin."
"I know that. I'm a big girl now. I think I can handle myself."
Tumayo na ako at hinalikan siya sa noo.
Pagdating ko kina Carmen, pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Dumaan din ako sa Red Ribbon para bumili ng cake.
Since ube na lang ang available, I have no choice but to buy it.
I don't want to go to her house empty handed.
Pinindot ko ang doorbell at si Michelle mismo ang nagbukas ng gate.
Puti ang suot niya na denim shorts at sheer ang long-sleeved sapphire shirt.
Nakatsinelas lang siya showing toes that were painted with red nail polish.
"You look good." Bigla kong nasabi.
"Thank you. Ikaw din. Para kang rockstar sa porma mo."
"Here." Inabot ko ang plastic bag na may lamang cake pagpasok ko."
"Ano 'to?" Sinilip niya ang laman ng bag.
"Ube. Sorry. That's all they have."
"Nag-abala ka pa." Sinara niya ang gate.
"Nakakahiya naman if I just come here without bringing anything."
"Okay lang yun. Ano ka ba?" Pumasok na siya sa pintuan at sumunod ako.
The house was more organized compared to the last time I was here.
Wala na ang mga boxes na nakasalansan sa gilid at nakabitan na din ng dilaw na kurtina ang mga bintana.
Sa gilid ng sofa ay may nakatayong four-level bookshelf na puno ng hardbound at paperbacks.
I saw a collection of Nora Roberts' Novels at mga collection ng children's stories like Hans Christian Andersen's.
Yumuko ako para alisin ang sapatos.
"Uy! Ano ka ba? Huwag mo ng alisin ang sapatos mo." Nasa kusina na siya at pinatong sa lamesa ang cake.
"It's okay. Nakakahiya naman."
"Sus! Baka madumihan ang medyas mo."
"Quite the opposite. Ang linis kaya ng sahig ninyo?"
"Ikaw ang bahala." Bumalik siya ulit sa sala.
"Umupo ka muna. Ipaghahanda kita ng maiinom."
Pumuwesto ako sa kanang bahagi ng sofa.
Kauupo ko lang ng lumabas si Zac sa kuwarto.
May dala siyang comic book at tumabi sa akin.
"How are you, Zac?"
"I'm fine, Tita. How are you po?"
"I'm fine too." Ginulo ko ang buhok niya.
"What are you reading?" Sinilip ko ang hawak niya.
"Spider-Man comic book po." Binuklat niya ang comics at pinakita sa akin ang page kung saan Peter Parker was fighting The Green Goblin.
"Is he the only superhero you like?"
"Yes, Tita." Tiniklop niya ang comics at pinatong sa sofa.
"What do you like about him?"
"I like him because he's your friendly neighborhood Spider-Man."
Natawa ako sa sagot niya.
"What else do you like about him?"
Tumingala siya sa kisame habang iniisip ang isasagot.
"He can swing from buildings and he has his spider sense."
"That is cool, eh?"
"Yes, Tita." Tumango siya.
Natigil ang kuwentuhan namin dahil dumating si Michelle na may dalang baso ng orange juice.
"Uminom ka muna. Ihahanda lang ni Yaya ang niluto niyang pochero. Kumakain ka ba nun?" Umupo siya sa single chair malapit sa pwesto ko.
"Oo naman."
"Anak, nagpalit ka na ba ng damit mo?" Tanong niya kay Zac na pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Hindi pa po, Mommy."
"Eh ano pang hinihintay mo? Nakakahiya kay Tita Carmen mo dahil amoy pawis ka."
"Di naman po, Mommy." Inangat ni Zac ang braso niya at inamoy ang kili-kili.
Napangiti ako.
"Hala! Inamoy pa talaga ang sarili niya. Pumunta ka na sa kuwarto mo at magbihis ka bago tayo kumain."
Tumayo si Zac at pumasok ulit sa kuwarto.
"Pasensiya ka na, Carmen. Lately eh ayaw niyang magbihis at kailangan ko pang pilitin."
"It's okay. Ang cute nga eh."
"Cute sa ngayon dahil bata pa siya. Pero kapag nagbinata na iyan, acute na."
Nagtawanan kaming dalawa.
Lumabas si Yaya sa kusina na may dalang mangko.
Naamoy ko ang tomato sauce na ginamit sa pochero.
"Tara na sa lamesa at kumain na tayo." Tumayo si Michelle.
Nauna ako sa lamesa dahil pinuntahan niya si Zac sa kuwarto pero hindi ako umupo.
Paglabas nila, nagpalit na siya ng jersey shirt na uniform niya sa St. Michael.
Pinauna kong umupo si Michelle.
She sat at the head of the square table at nasa left side niya si Zac.
I sat on the right side at pinaupo din niya si Yaya who sat across from her and closer to the kitchen entrance.
Pinagsandok niya si Zac ng kanin at ulam at bago siya kumuha ng pagkain ay inabot sa akin ang mangko na may lamang kanin.
"You go ahead." Sabi ko.
"Sige na. Mauna ka na."
"Okay." Inabot ko ang mangko and our hands touched.
Nagkatinginan kami ni Michelle.
She was the first to let go of the bowl.
During dinner, it was mostly Zac who talked about school.
Nagtryout siya for the basketball team at excited na siya ulit maglaro.
"Sana nandito si Benji. Mas masarap maglaro."
"Hayaan mo, anak. Invite ko sila during your first game."
"Talaga, Mommy?" Tuwang-tuwa si Zac sa sinabi ni Michelle.
"Oo naman. Kung libre sila, for sure pupunta yun."
"Yehey!" Tuwang-tuwa si Zac.
Pagkatapos kumain, I offered to help clean up pero hindi pumayag si Michelle.
Umupo na daw ako sa sala at si Yaya Imelda na ang bahala sa mga hugasan.
Pumuwesto na ako sa sofa at tumabi sa akin si Zac habang hinahanap ni Michelle ang DVD.
Nang makita niya ito, lumuhod siya sa harap ng TV at pinindot ang player.
Umupo siya sa tabi ni Zac and the three of us watched the movie.
During the middle, nakatulog si Zac.
"Hay naku! Tinulugan na tayo." Inabot niya ang remote para hinaan ang volume at i-pause ang video.
"Wait lang ha?" Tumayo siya at dahan-dahang kinarga ang anak niya.
"Do you need help?" Tumayo na din ako.
"Okay lang. Kaya ko na 'to. Ihihiga ko lang siya. Dito ka lang."
Tinawag niya si Yaya bago pumasok sa kuwarto.
Habang hinihintay siya na bumalik, kinuha ko ang comics na naiwan ni Zac sa sofa at binasa ito.
I was almost at the last page ng lumabas ulit si Michelle at si Yaya.
Nagtanong ito kung may kailangan pa si Michelle.
"Wala na, Yaya. Magpahinga ka na."
"Sige."
Ngumiti sa akin si Yaya bago pumasok sa kuwarto niya na nasa kanan ng silid ni Zac.
"Pasensiya ka na. Naabala tuloy ang panonood natin." Sabi ni Michelle bago umupo ulit.
"No worries. Mukhang nakatulog siya sa pagod."
"Oo. Laro kasi ng laro at hindi natulog nitong hapon kaya hayun knockout."
Napatingin ako sa wall clock na hugis araw at kulay ginto na nakasabit sa itaas ng TV case.
"I should get going. It's getting late."
"Sigurado ka? Ayaw mo bang tapusin ang pelikula?"
"It's okay. Baka pagod ka na din eh."
"Hindi naman pero baka hinahanap ka na ni Tita Nena."
"Don't worry. Nagpaalam ako kaya she won't ground me if I'm past my curfew."
Tumawa si Michelle sa biro ko.
Sabay kaming tumayo at hinatid niya ako sa gate.
Binuksan niya ito pero hindi ako agad lumabas.
"Thank you." Sabi ko.
"Next time, ikaw naman ang pumili ng movie."
"Ibig sabihin there will be a next time?"
"Maybe?" Pilyang sabi niya.
"Maybe." Lalabas na ako when she grabbed my hand.
Her palms were warm and soft.
"Kelan tayo magkikita ulit?"
"Bakit? Do you miss me already?" The moment I said it, I bit my tongue.
It wasn't my intent to come off as flirty but that's how it sounded to me.
"If I said yes, would you hold it against me?"
She was also flirting with me.
"No." Sagot ko.
"When are you free?" Tanong ko.
"Gusto mong sumama sa Tagaytay next Saturday? Gusto daw magpicnic ni Zac."
"Okay. What time?"
"Alis tayo ng nine."
"Sure. I'll be here."
Binitawan niya ang kamay ko but I stepped closer to kiss her on the cheek.
She tilted her face so my lips landed on hers.
I quickly stepped back and saw her cheeks turned red.
For a few seconds, walang nagsalita sa aming dalawa.
I cleared my throat and thought of the only logical thing to say.
"Good night, Michelle."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top