MICHELLE
Ang first coffee outing namin ni Carmen ay nasundan pa ng bigla siyang magtext nang Miyerkules ng umaga.
Pinupuno ko ng tubig ang plastic water bottle ng tumunog ang phone ko.
Akala ko si Yaya ang nagmessage kaya nagmamadali kong hinugot ang phone sa bulsa ng palda ko.
Si Carmen pala.
Tinanong niya ako kung libre ako ulit sa Friday.
Gusto niya daw bumawi sa nangyari nung huli kaming lumabas.
"I wasn't very nice to you the last time we went out."
Yun ang text niya.
Nagtatakang binasa ko ang message.
Si Carmen ba talaga ang nagtext?
Baka naman prank lang ito?
Hindi ko man lang inisip kung anong ire-reply ko dahil mabilis akong nagtype.
"May lagnat ka ba?"
Smiling emoji ang sagot.
May lagnat nga siya siguro.
Mabait naman siya pero mukhang bugnutin at sobrang prangka.
Kulang sa brake fluid dahil kapag nayayamot, walang preno ang bibig.
Pero kung iisipin, okay din naman siya kasi siya yung tipo ng tao na sasabihin sa'yo kung may muta ka o kung nagmumukha ka ng tanga.
Hindi niya hahayaan na lalo kang maging katawa-tawa kaya uunahan ka na niya.
"Hindi ako pwede ng Friday night."
Pinindot ko ang up arrow icon para i-send ang text.
Nang sumagot, kelan daw ako pwede.
Sinabi ko na pwede kaming maglunch sa Friday.
"Sounds good."
Eleven ang lunchtime ko at hindi ako nagbaon dahil nga lalabas kami ni Carmen.
Dahil isang oras lang ang lunch break, nagsuggest ako na mauna na siya sa Max's at kung pwede, mag-order na din siya.
Oo daw.
Tinext ko sa kanya ang gusto kong kainin—half-chicken, lumpiang sariwa at iced tea.
Pagdating ko, sakto namang kasi-serve lang ng order namin.
Bukod sa inorder ko, dinagdagan pa niya ng buko pandan with ice cream.
Tumayo si Carmen pagdating ko.
Nakangiti din siya at nakakapanibago dahil kapag nakikita ko siya, salubong lagi ang kilay at akala mo naghahamon lagi ng away.
Hindi nakalagpas sa akin ang ibang customers na napatingin sa kanya.
Maporma kasi siya at magaling magdala ng damit.
Para sa lunch namin, dark na maong ang suot niya na medyo bitin kaya kita ang sakong.
Open ang black jacket niya at kita ang puti at plain cotton T-shirt.
Suot niya ulit ang white Nike rubber shoes na gamit niya noong pumunta kami ng Tagaytay.
Hindi lang ang suot niya ang napansin ko kundi ang pabango na amoy dagat minus the lansa.
Sa totoo lang, ang pogi niya.
Ewan ko pero kinilig ako ng makita ko siya.
Para akong high school na nakita ang crush niya.
"I hope you're hungry." Sabi niya sabay turo sa upuan na nasa tapat niya.
"Gutom na talaga ako kasi hindi ako nakapagsnack dahil sa dami ng ginagawa." Sagot ko habang hinihila ang upuan.
Hindi tulad nung unang lumabas kami na nagkakailangan pa, ngayon mas relax ang usapan namin.
Siya din ang nag-start ng conversation ng sabihin niya na naghahanap siya ng trabaho.
"Kailangan mo ba talaga magwork?"
"I think so." Kumagat siya sa hita ng manok pagkatapos sumagot.
"I don't have to pero pinipilit ako ni Mama. Hindi naman daw niya ako kailangan 24/7 dahil nandiyan naman si Aling Magda. Isa pa, she's doing better everyday at nagagalaw niya na ang mga daliri niya."
"That's good news." Natutuwang sabi ko.
"I know. Masipag naman kasi si Mama na gawin ang mga exercises na pinapagawa sa kanya ng therapist."
"Saan mo balak mag-apply?"
"Sa Starbucks." Walang kurap na sagot niya.
"Manager?"
"Barista."
Ang kilay ko naman ang nagsalubong.
"Why are you looking at me like that?"
"With your qualifications, I thought managerial ang gusto mo."
"I'm not looking for something stressful. I just want to have fun with what I'm going to do. That is if I'm qualified age wise."
"Desidido ka na ba talaga na yan ang gusto mong gawin?"
"I am. If not, I could work sa grocery ni Charles. He offered pero I wasn't keen on doing that before."
"Ano naman ang gagawin mo dun?"
"Tindera."
Pareho kaming natawa sa sinabi niya.
Napatingin tuloy ang mga customers na nasa katabing table namin.
I realized na palabiro din pala si Carmen.
Isa pa, mas lalo siyang naging cute kapag hindi siya nakasimangot.
Hindi ko namalayan na malapit na palang matapos ang lunch break ko.
Bago niya tinawag ang waiter, nagtanong siya kung gusto kong magtake-out.
"Hindi na." Tanggi ko.
"Sobrang busog ko at wala ng space sa tiyan ko."
"Are you sure?"
"I'm sure."
Inangat niya ang kamay para tawagin ang waiter.
Kinuha ko ang wallet sa purse pero sinabi ni Carmen na siya na ang bahala.
"It's my treat this time."
Hinatid din niya ako sa administration office.
Tinanong ko siya kung meron pa siyang pupuntahan.
"I may try and watch a movie." Sagot niya.
"Ikaw lang?"
"Bakit? Gusto mong sumama?"
"Sayang. Hindi ako pwede eh."
"Maybe next time."
"Maybe."
Nagpaalam na ako at pumasok na sa opisina.
Ang susunod na pagkikita namin ay ng magkasalubong kami sa grocery.
Kasama ko si Zac at si Yaya Imelda isang hapon.
Tulak ko ang shopping cart habang nakasakay si Zac ng magkasalubong kami sa aisle ng mga asukal.
Kasama niya si Tita Nena at si Aling Magda at mukhang matatapos na silang mag-grocery dahil puno na ang cart nila.
Yumuko ako para halikan si Tita sa pisngi.
Si Zac naman, nagmano sa kanya at naghello kay Carmen at Aling Magda.
Kumaway naman si Carmen sa akin at ngumiti.
Nakapulang hoodie siya ng hapon na yun, maong at suot niya ang pulang Vans.
Nahiya ako ng makita ko ang sapatos niya at pagtingala ko, nakangisi siya at mukhang nabasa ang iniisip ko.
Kinumusta ko si Tita at ang sabi niya, malapit na siyang makalakad.
"That's good, Tita." Natuwa naman ako sa sinabi niya.
"Makakasama na ako ulit manood ng basketball." Masayang sabi niya.
Nagpaalam na ako sa kanila.
Kumaliwa kami nina Zac ng tawagin ako ni Carmen.
"How about that movie?"
"What movie?" Nagtatakang tanong ko.
"Remember? You said that maybe one day, we'll get to see a movie."
"Yun ba?" Nag-isip ako.
"Busy ako eh."
"Is that your way of telling me no?"
"No."
"It's okay."
Tatalikod na sana siya ng tawagin ko ulit.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"Then what do you mean?"
"Kung gusto mo, punta ka na lang sa bahay sa Sabado ng gabi. Dun na lang tayo manood."
"Okay lang ba kay Zac?"
Nakatingin pala si Zac sa amin.
"Anak, okay lang daw ba sa'yo kung pupunta si Tita Carmen sa house para manood ng movie?"
"Anong movie?"
Nilingon ko si Carmen.
"You pick." Sagot nito.
"Can we watch Spider-Man: Into the Spider-Verse?" Tanong niya sa akin.
"Yun na naman eh ilang beses mo ng napanood yun eh."
"Sige na please?" Hinila pa niya ang laylayan ng blouse ko.
"I haven't seen it." Sabi naman ni Carmen.
Inirapan ko siya dahil sa daming beses na napanood ko yung movie eh memorize ko na ang eksena at linya.
Siya naman, ngingiti-ngiti lang.
"Okay na. Sige na."
"Yehey!" Pumalakpak si Zac.
"Alright. What time on Saturday?"
Sinabi ko na pumunta siya ng alas-siyete.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top