Team Building

Nakatayo ako sa waiting shed, nag-aantay na dumating ang mga ka-team ko. Ako kasi 'tong naka-motor, kaya siyempre, mas nauna akong makarating sa destination ng team building namin. Wala naman problema 'yun, pero halos tatlumpung minuto na rin akong naghihintay dito. Mga sampung beses na yata akong tumingin sa cellphone ko, nag-aabang ng tawag o chat mula sa kanila. Pero kahit papano, nakakabawas ng inip ‘yung video calls ko kay Elle.

Simula nang sabihin ni Elle na may gusto siya sa akin, parang gusto ko ring subukan, alam mo 'yun? Subukan kung ano ba ang puwedeng mangyari sa amin. Sabi nga ng mga tropa, normal lang naman na ligawan mo 'yung taong gusto ka, hindi ba? Wala namang masama.

Ding! Biglang nag-vibrate ang phone ko. Si Roki, nag-chat.

"Joon, malapit na kami," sabi niya.

Siyempre, sinagot ko agad. "Okay, ingat."

Habang nakatitig ako sa screen ng cellphone ko, tumawag naman si Elle. Agad ko namang sinagot.

"Good morning," bungad niya, boses na parang sinadyang lambingin.

"Magkausap lang tayo kanina, hindi ka ba natutulog?" sagot ko, sinusubukang itago 'yung natutuwa kong ngiti.

"Miss na kita," simpleng sagot niya, walang ka-dalawang isip.

Napangiti tuloy ako nang di-oras. "I miss you too," sabi ko.

"Mag-enjoy ka jan sa team building niyo ha. Sasama sana ako, kaso nakakahiya. Hindi ko naman sila kakilala."

"Sayang nga," sagot ko, sabay tingin sa malayo, "Sana sumama ka. Eh si Jin nga, andito kahit hindi naman namin ka-team."

"Si Jin kasi, support siya. Saan mang team, pwede siyang sumama. Actually, balak ko ngang yayain siya sa team building namin eh."

Sabi ko, "Pupunta 'yon," parang napasigaw pa yata ako.

"Oh, siyempre pupunta ‘yon. Andun si Aries eh, 'yung ka-team ko na ka-asaran niya araw-araw. Bagay kaya sila, 'yung tahimik si Aries tapos maingay si Jin. Para silang aso't pusa kung mag-asaran sa floor. Nakakatuwa silang panoorin. Actually I'm shipping them. "

Napasimangot ako nang hindi niya makita. "'Shipping them'? Papunta saan?"

"Ha?" Parang hindi agad niya nakuha, sabay tawa nang malakas. "Siraulo ka. I mean, I’m rooting for them, to become a couple, kasi nga cute silang tignan. Hindi ko sila ipapadala kung saan!"

"Haha, sorry, slow," sabi ko, pero ang totoo, parang may konting kurot sa dibdib. Bakit ba ang bilis makuha ni Jin ang loob ng mga tao sa office? Hindi lang naman si Aries 'yung ganun sa kanya, kahit yata sino, andun lahat.

“Okay lang ‘yan,” sabi ni Elle, “Malakas ka naman sa akin.” Hindi ko napigilan ang ngiti. Parang umaangat ‘yung tiwala ko sa sarili. Lumalakas na yata ang chance ko na ligawan siya.

Maya-maya pa, dumating na rin sina Roki at ang iba pa. Napatayo na rin ako at lumapit sa kanila. Pero napatigil ako nang makita ko ang suot ni Jin. Naka-black shorts at brown crop top siya, kaya kita 'yung kaputian ng balat niya. Napakaliit at payat pa naman ng katawan, kaya bumagay talaga sa kanya 'yung outfit niya.

"Andito na sila," sabi ko kay Elle. "Tawag na lang ako mamaya."

"Sige, ingat kayo ha," sagot niya, sabay end ng tawag.

Tumayo na ako at lumapit kay Jin. Hindi ko naiwasang itanong, "Bakit ganyan ang suot mo?"

Napairap siya, sabay sagot nang pabalang, "Maghahanap ako ng lalaki. Hindi pwedeng ikaw lang ang may karapatang lumandi." Matapos 'nun, humakbang siya palayo. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

Ano bang nagawa kong masama? Nakasimangot siya buong umaga. Teka lang, selos ba 'yun? Siya 'tong lapit nang lapit kay Gabby, ngayon siya pa may ganang mainis?

"Uy, bakit parang wala sa mood si Jin?" tanong ko kay Danica.

"Hay nako, kasalanan mo," sagot niya na parang nakangisi.

“Ha? Anong ginawa ko?”

"Si Elle," sabat ni Roki, ngumingisi rin. Agad kong nakuha ‘yung ibig nilang sabihin. Gumagana pala ‘yung asar ko sa kanya. Pero teka lang, siya naman ‘tong nauunang magpa-selos.

"Teka lang, bakit ba siya magse-selos sa amin ni Elle, eh siya nga lahat ng lalaki close niya? " tanong ko kay Andrew, na parang hindi naman nila siniseryoso.

“Loko, alam mo naman si Jin. Kailangan niyang maging close sa mga ahente para hindi siya ibagsak sa survey. Eh kung gusto mo talaga malaman kung anong problema, lapitan mo siya at tanungin.”

Napaisip ako nang kaunti. Ganun ba? Pero, bakit nga ba ganun na lang ang init ng dugo niya ngayong araw?

Nakarating na kami sa resort, nagsimula na rin kaming mag-settle at maghanda para sa pagkain. Yung iba, nagluluto na; si Jin naman, umupo lang sa tabi habang nagse-cellphone. Mukhang abala.

"Coach Ricky, pasok muna ako sa kwarto, may meeting lang," paalam niya.

"Biro mo 'yun, naka-rest day ka na, may meeting pa rin," tugon ni Coach Ricky na nagbibiro.

Umiling si Jin, "I know, right," sabay takbo papasok sa loob ng kwarto.

Napabuntong-hininga ako. Parang hindi ko na talaga maintindihan itong nangyayari.

Nagkatinginan kami ni Roki. “Okay ka lang?” tanong niya, na parang nag-aalangan.

“Oo naman,” sagot ko. “Bakit mo naman natanong?”

“Mukha kang balisa, Joon. Hayaan mo lang, mamaya okay na rin ‘yan.” Akma akong sasagot pero tumunog ulit ang cellphone ko, tumatawag si Elle.

“Baka maka-istorbo ako, tulungan ko muna sila sa pagluluto,” sabi ni Roki, sabay layas na rin.

"Elle?" sagot ko agad.

“Nakarating na ba kayo?” tanong niya, boses pa rin niya 'yung kay lambing.

“Dito na kami sa resort. Sobrang init, pero okay lang. Magluluto na kami ng pagkain, tapos may games daw mamaya,” sabi ko. “Baka hindi kita matawagan buong araw.”

“Okay lang, sige, enjoy ka dyan ha.”

Pinatay ko na rin ang tawag. Napahinga ako nang malalim. Masaya naman akong kausap si Elle, pero hindi maalis sa isip ko si Jin.

"PUTANGINA, WALANG INTERNET!" Biglang sigaw ni Jin mula sa kwarto. Agad kaming napatingin lahat.

"Hala," sabay sabi ni Danica, "sinong may data dito? Pa-connect si Jin!"

"Ay, wala akong data," sagot ni Arcel.

“Ako rin,” sabay-sabay na sagot nila Andrew at Clark.

"Bakit kasi walang WIFI dito sa resort na ito! " Saad ni Jin.

Nagkatinginan kami ni Jin. Parang wala siyang balak lumapit, pero natanong ni Danica, "Joon, may data ka ba?"

"Oo, mayroon," sagot ko.

Tumingin lang si Jin sa akin, sabay balik sa pag-check ng bulsa ni Coach Vince. “Kunin mo na lang cellphone ko rito,” sabi ni Coach Vince kay Jin, inabot ng isang kamay habang hawak ang kaldero.

“Ayoko na kumonnect sa’yo,” baling niya sa akin. “Baka maubusan ka pa ng data, hindi mo makausap ‘yung babae mo.”

Halos matawa ako. Ano bang meron sa kanya? Ako ba ang may kasalanan sa kung ano mang kinaiinisan niya?

Lumabas si Jin matapos ang dalawang oras na meeting, mukhang binagsakan ng buong mundo.

“Bakit ganyan ang itsura mo?” tanong ni Coach Ricky, natatawa.

"For promotion ulit ako!" sigaw ni Jin, ngunit kahit masaya 'yung balita, naka-simangot siya.

"Eh bakit naka-simangot?" tanong ulit ni Coach Ricky.

"Nabawasan kasi ng star 'yung ML ni Vince," sagot ni Jin, natatawa, sabay peace sign kay Coach Vince.

Nagtawanan na lang kaming lahat, tapos inaya na rin kami ni Coach Ricky para kumain. Tumabi ako kay Jin habang kumakain kami. Hindi ko alam kung paano sisimulan ‘yung tanong na naiisip ko buong umaga, pero alam kong kailangan kong itanong.

Nagsimula ako, “Jin, ano… bakit parang galit ka sa akin?”

Tumigil siya sa pagnguya at tumingin sa akin, parang napaisip kung sasagutin ba ako o hindi. Halatang may inis pa rin sa mga mata niya, pero pilit niyang pinigilan. Nagtuloy siya sa pagkain, parang hindi narinig ang tanong ko.

“Wala, wala. Huwag mong isipin,” sagot niya, pero alam kong pilit lang ‘yun. Ang dami niyang sinasabi kanina, pero ngayon tahimik siya? Hindi ko kayang tiisin ‘yun.

“Eh bakit nga? May nagawa ba akong mali?” Pilit ko pa ring tanong.

Iniiwas niya ang tingin niya, pero kita sa mukha niya na may gustong sabihin. Maya-maya, huminga siya nang malalim, at parang sinubukang kalmahin ang sarili niya.

“Wala nga, Joon. Huwag na nating pag-usapan,” sagot niya na may kaunting pagtitimpi sa boses.

Pero hindi ako papayag. "Ano ba talaga? Alam kong may problema ka sa akin. Kanina ka pa asar sa akin. Ano bang nagawa ko?”

Napabuntong-hininga siya at nagkibit-balikat. Sa wakas, nagsalita rin siya, pero sa halip na sagutin ang tanong ko, iba ang sinabi niya.

"Bakit? Bakit ba kailangan kong magpaliwanag sa’yo?” Nakatingin siya sa akin nang diretso, may halong lungkot at inis sa mga mata niya. “Kausap mo naman ‘yung gusto mo, di ba? Andiyan naman si Elle. Bakit pa ako?”

Parang sinuntok ako sa dibdib sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko naman inaasahang magiging ganito ka-seloso si Jin. Ang totoo niyan, si Elle lang naman ‘yung nagpakita ng interes sa akin, pero ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko mas mahirap kay Jin.

"Ano'ng kinalaman ni Elle dito?" tanong ko, kahit alam ko na kung saan papunta ang usapan.

Tumingin siya sa akin, halatang nagpipigil ng emosyon. "Kasi nga, Joon," sabi niya, "parang ang dali mong kalimutan na nandito ako. ‘Yung tipong, okay, kausap mo si Elle, masaya ka na. E ako? Ano ako sa’yo?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yun. Parang isang malaking sampal sa akin ang mga sinabi niya. Napagtanto ko rin na hindi ko rin pala siya basta-basta puwedeng isantabi.

Tahimik lang kaming dalawa. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkain, pero ramdam kong gustong-gusto niyang umalis sa tabi ko. Ang hirap tanggapin na ang dahilan ng galit niya ay dahil sa akin, dahil sa mga pinapakita ko na hindi ko naman namamalayan na ganito ang epekto sa kanya.

"Hindi naman sa ganun, Jin," sagot ko nang mahina, pilit na binabalik ang atensyon niya sa akin. "Alam ko naman na nandiyan ka. At hindi naman kita pinapalitan…"

Ngunit bago pa ako matapos, tumayo siya at inipon ang pinagkainan niya. Hindi niya ako tiningnan. “Kumain ka na lang, Joon,” sabi niya, tapos iniwan niya ako sa mesa, na para bang wala na akong puwang sa kanya.

Pakiramdam ko parang lumubog ako sa kinauupuan ko. Gusto ko sanang habulin siya, pero hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Para akong nawalan ng kapangyarihan sa mga nangyayari.

Nang matapos na ang lunch at nagsimula na kaming maghanda para sa mga team games, tahimik lang kami ni Jin. Nagkatinginan kami paminsan-minsan, pero walang imikan. Ramdam ko ‘yung bigat ng mga tingin niya na parang gustong sabihin, 'Sana ako na lang, Joon.'

Wala akong masabi sa mga titig niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top