Mobile Landian

Habang naka higa sa kama ko, di mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina. Naaalala ko pa rin ang mga ngiti ni Jin, yung mga sandaling kahit hindi naman kailangan, bigla siyang napapangiti habang nagtatawanan kami. Parang biglang may lumulutang sa hangin na hindi ko maipaliwanag. Napaisip ako... siya nga ba yung "risk" na handa kong kunin?

Alas otso ng umaga nang mapag desisyunan kong buksang ang chat box ng messenger ko. Saktong pagbukas ko ng phone ko, nag-pop up yung announcement ni Jin sa group chat namin: "Mga ka-team! May ML tournament tayo mamaya."

Napangiti ako. Sakto, kahit papaano'y natuto na rin akong maglaro ng Mobile Legends. Sa totoo lang, dati rati ay hindi ko ito pinapansin-mas nahilig ako sa Valorant. Iba kasi ang thrill ng malawak na screen ng PC, tapos naka-headset ka pa habang rinig mo yung bawat galaw ng kalaban. Marami na rin kaming sinalihang competitions ng tropa ko sa Valorant. Minsan panalo, minsan talo, pero lagi naman kaming nag-eenjoy.

Biglang nag-message si Elle sa'kin: "Joon, tara ML?"

Binuksan ko agad ang ML account ko. Pero pagdating ko sa lobby, natigilan ako. Nagulat ako sa nakita ko-naka-affinity kami ni Elle. At rose pa, na ang ibig sabihin, partner kami. Partner? Kaming dalawa? Ewan ko ba, pero parang bigla akong kinilig.

At parang hindi pa natapos ang sorpresa. Sumunod na message ni Elle: "Yayayain ko si Mhiema!"

Saglit akong natigilan. Si Jin ba yun? Alam kong nickname niya yun, pero hindi ko sure kung siya ba ang tinutukoy ni Elle. Kung si Jin nga ang kasama namin sa lobby... ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang naka-rose affinity kami ni Elle?

Habang naguguluhan pa ako, biglang pumasok si Jin sa lobby. Parang may sumiklab na spark sa paligid ko-parang lumalakas ang tibok ng puso ko. Alam kong mababaw lang para sa iba, pero para sa akin, parang eksena yun sa isang romantic movie.

"Ready na?" message ni Elle.

Napangiti ako ng di oras. "Game!" sagot ko.

Nagstart na kaming pumili ng mga heroes na gagamitin. Si Elle, nag-support role gamit si Angela. Si Jin naman, piniling maging marksman at ginamit si Melissa. Ako naman, nasa EXP lane, gamit si Terizla.

Pagkatapos pumili, nagsimula na ang laban. Ang init ng game, halos kalahating oras kaming nagpupulasan at nagpapasiklaban sa kalaban. Matitindi ang moves nila, pero determined kaming manalo. Tapos, sa huli, kami pa rin ang nangibabaw. Victory! Nakakapagod sa kamay, pero ang sarap sa pakiramdam.

Si Elle, gusto pa ng isa pang round, pero ewan ko ba-biglang naramdaman ko ang antok. Napansin ko rin na nag-leave na si Jin sa lobby. Baka nga naman lunch break lang siya kaya sumali sa game kanina.

"Next time na lang ulit, Elle. Maaga pa pasok ko mamaya. Nice game!" sabi ko.

"Nice game rin!" reply naman niya.

Akala ko tapos na ang araw. Pero habang nakahiga na ako sa kama, nag-pop up sa screen ko ang notification mula kay Jin. Nag-post siya ng story sa My Day niya sa Facebook, at nakita ko ang caption: "Ngayon lang kita naka-laro, may ka-partner ka na pala."

Medyo kinabahan ako. Ako nga ba ang pinapatamaan niya? Gusto ko sanang i-chat siya at linawin ang lahat. Pero naisip ko, mas magandang harapin ko na lang siya ng personal. Parang hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko sa simpleng message lang.

Nang ibinaba ko na ang phone ko, hindi ko napigilang isipin kung ano nga ba ang mas matimbang sa akin. Pagmamahal o pagkakaibigan?

Lumipas ang ilang araw na hindi ko parin makalimutan ang post na yun ni Jin. Pero wala akong pagkakataon na harapin siya kasi busy kami pareho. Nang sa wakas ay nagkita kami, may isang bagay na hindi ko inaasahan.

"Joon, saglit nga," tawag niya sa akin nang nagkasalubong kami sa hallway ng building namin.

Tumigil ako at hinarap siya, medyo kinakabahan. "Oh, bakit?"

Ngumiti siya, pero may kakaiba sa mga mata niya. Parang may halong lungkot at pangungulila. "Kayo na ba ni Elle?" tanong niya, tila nag-aalangan.

"Ah... hindi. Bakit mo naman naitanong?" tanong ko, kahit parang alam ko na ang sagot.

"Kasi... nakita ko yung rose affinity niyo," sabi niya, parang may bigat ang bawat salita. "Akala ko... alam mo na."

Hindi ko alam kung paano sasagutin yun. Biglang parang may nabigat na sa hangin sa pagitan namin. "Nakita ko nga yung post mo," sabi ko na lang, parang defensive na hindi ko alam kung bakit.

Napangiti siya, pero kita kong pilit. "Ay, sorry kung napa-overthink kita. Alam mo naman, minsan lang naman ako mag-post ng ganun, diba?"

Ngumiti rin ako kahit may halong kaba. "Oo naman, Jin. Pero... bakit parang affected ka?"

Tahimik siya ng ilang segundo. Tumingin siya sa akin, tapos biglang bumuntong-hininga. "Siguro kasi... minsan, mahirap kapag may gusto kang sabihin pero hindi mo alam kung paano."

Ayun na yun! Nakaramdam ako ng kaba at excitement, parang gusto kong tumalon, pero hindi ko rin alam ang sasabihin. Kung si Jin lang ang risk na willing akong kunin... baka kailangan ko rin ipakita sa kanya yun.

"Eh, kung... sabihin mo na lang?" sagot ko, parang bumabalik lang ng nakangiti.

Huminga siya nang malalim at tumingin ulit sa akin, diretso sa mga mata ko. "Joon... ikaw kasi yung gusto kong makasama sa bawat ML game, sa bawat round ng buhay ko."

Bigla akong natameme. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita. Ang dami kong gustong sabihin-na siya rin ang gusto kong makasama, na sa bawat notification na naglalaro siya, hindi ko mapigilan ang kilig, na kahit simpleng laro lang ang ML, pakiramdam ko kasama siya sa bawat laban ng puso ko.

Pero eto ako, nanlalamig, kinakabahan, at hindi alam kung paano sasagutin yung simpleng mga salitang yun.

"Eto ba ang time na tatawanan kita at magpapakipot pa?" tanong ko sa sarili ko, pero kitang-kita niya ang expression ko. Tumawa si Jin nang mahina, pero ramdam ko ang tensyon sa tawa niya.

"Alam ko, medyo biglaan... o baka dinadala lang ako ng moment," sabi niya habang umiwas ng tingin, pero ramdam ko pa rin yung lungkot sa boses niya. "Sorry kung masyado akong naging prangka. Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon, Joon."

Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi pa siya tapos magsalita pero parang pinipilit niya akong maging komportable, binibigyan niya ako ng espasyo kahit kita kong nahihirapan din siya.

Pero bigla akong nakahanap ng lakas ng loob. "Jin..." Hinawakan ko siya sa braso. Narinig ko ang sarili kong tawa, yung tipong kinikilig pero nahiya rin. "Ikaw kasi, eh. Bigla ka nalang mag-drop ng ultimate move. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko."

Ngumiti siya, pero halatang nagulat. "Eh, paano ba? Natagalan na rin ako, eh. Baka maunahan pa ako ng iba," sabi niya habang nakatitig sa akin na para bang takot siyang mawala ako.

"Hindi ka naman mauunahan, Jin," sabi ko nang dahan-dahan, halos bulong na. "Hindi mo na kailangan pang maghintay. Kasi... ako rin. Ikaw rin ang gusto kong makasama, sa bawat laban, bawat kwento, at oo-kahit sa mga simpleng laro lang na kasama ka."

Sa sandaling iyon, pareho kaming natahimik. Yung mga mata niya na dati ay tila nagtatago ng sikreto, ngayon ay puno ng kasiyahan at tuwa. Tinawanan namin ang awkward na sandali, pero sa loob, pareho kaming alam na may nagbago.

"Next game?" tanong niya sa akin habang nagkibit-balikat, para bang wala siyang sinabing nakakakilig kanina lang.

Ngumiti ako, sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi ko na mapigilan ang kilig. "Oo na, pero this time, hindi na kita papakawalan kahit sa ML lang."

At sa game na iyon, alam ko, hindi lang kami basta teammates.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top