Part 4

(Cellphone ringing)

"Hmm. Hello?" Sabi ko

"Hey! Nicholas to. Are you free this afternoon?" Nicholas

"Sakto lang bakit? " Sabi ko

" kain tayo? " Tanong ni nicholas

"Sige" sagot ko

Kfc scene

"Bakit ba ganun ugali nang kaibigan mo parang may pagka baliw."sabi ko

"Panong pagkabaliw?" Nicholas

"Feeling ko may sayad siya. Iba siya sa mga gustong magbago. Yung tipong lahat gusto magbago na para maging better tapos siya pa worst" sabi ko

Tumingin si nicholas sakin at tumawa

"Bakit? " Tanong ko

"Wala. Talagang ganyan yan si Jecho" sagot niya

"Bakit naman? " Tanong ko

"Kasi yang si jecho, May babaeng minahal yan" Sabi ni nicholas

"Huh? Sino naman? Si hmm. Si joana? Ba yun? " Tanong ko

"Oo. pano mo nalaman? " Tanong niya

"Binabanggit niya yun habang lasing siya" sagot ko

"Ahh. Mabait yan. Matalino. Kaso simula nung nawala sila, Nagulat nalang ako ganyan na siya" Kwento ni nicholas

"Ano bang nangyari sakanila? " Tanong ko

"Pinakawalan kasi ni jecho si Joanna dati eh. Sobrang mahal siya ni joanna, Nagloko si Jecho nung maging kaklase niya si elisa. Medyo Maputi. Di katulad ni joanna kayumanggi. Pero alam mo? Sobrang mahal niya si Jecho. Pero mas pinili ni jecho si Elisa. Tapos nung tumaggal sila dun lang narealize ni jecho na mahal niya si Joanna, " sabe ni nicolas

"Wow. Wow talaga. Bakit hindi niya binalikan?" Tanong ko

"Tinary niya na lahat. Ayaw na ni Joanna. Ikaw ba naman after mong ipagpalit babalikan mo pa? Sobrang hirap din kasi ni Joanna sakanya" sabi ni nicholas

"Ganun? Kawawa din naman pala to si jecho pero siya kasi may mali dun eh dapat lang yun sa mga lalaking di nakukuntento" Sabi ko

"Ano? Uwi na tayo? " Tanong niya

"Oo nga, Napatagal na tayo dito " Patawang sagot ko.

Monday morning

Pagpasok ko nang room nakita ko si jecho. Himala di niya kinakausap yung katabi niya ngayon. At di rin siya lumipat sa tabi ko.

Nakadaan na yung recess at lunch di niya parin ako pinapansin. Dumaan ako sa harap niya

"Ehem... Ehem .. Ehem! " Sabi ko

Ayaw parin aba aba.

"Ehem! Ehem! " Sigaw ko

Lumabas siya at sinundan ko.

"Uy Jecho! " Tinawag ko

"Bakit?" Sagot niya

"Wala lang. Bakit di moko kinakausap? " Tanong ko

"Anong bang sasabihin ko sayo? " Tanong niya

"Uhm.. Wala... Ano.." Sabe ko

Nagpatuloy siya sa paglalakad

"Tungkol kay Elisa" Sigaw na sabi ko

Napahinto siya sa paglakad at humarap

"Anong sabi mo? " Paangas na sinabi niya

"Si... Si.. Pusa oh!" Turo sabay takbo

Tago ako ng tago hanggang sa naabutan na ako ng gabi. Nagdesisyon nako umuwi. Pagbukas ko nang gate ng bahay namin nakita kong may kinakausap si mama,

"Hi ma!" Sabe ko

"Nak! Ginabi ka na ata ah? " Sagot ni mama

"Kasi po naggroup study pa po kami ng kaklase ko, Ma sino yung kausap mo kanina? sagot ko

" Nandyan siya kausap ng papa mo" sabi ni mama

Pagkapunta ko sa kusina nakita ko si papa at nakatalikod na lalaki

"Pa! " Sabe ko

"Oh. Anak, Hindi mo man lang kami pinakilala" sabe ng papa ko

"Pinakilala? " Tanong ko

Humarap yung lalaki na yun sa akin

"Baka po tito nahihiya siya sainyo." Lalaking nakatalikod

" Jecho!" Gulat na sabi ko

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?!

"Anjelica Alejandre Saavedra" Jecho

"Anong ginagawa mo dito?! " Sabe ko

"Ano pa ba? syempre nagpapakilala ako sa pamilya mo" Jecho

"Na? " Sigaw na sabi ko

"Iwan ko muna kayo jecho and Nicholas" sabe ng papa ko

"Huh? Nicholas? " Sabi ko

"Sorry nga pala, tito nakalat ko pa kasi yung sabon niyo na powder sa banyo. Oh, Baby andyan kana pala? " Singet na sabi ni nicholas (kalalabas lang sa banyo)

"Baby? huh? " Sagot ko

"Sige na anak, Papahinga na muna ako. Nicholas! Alagaan mo ah? " Sabe ng papa ko

"Pero pa?" Sagot ko

Ano to? Bakit...tumalikod ako at humarap kay Jecho

"Anong kalokohan na to?!" Sabi ko

"Kalokohan? Anong kalokohan? " Sabe niya

"Pre dun muna ako sa kotse ko, Ikaw na bahala dyan" sabi ni Nicholas

" Ano ba to? Bakit pinakilala mo si Nicholas na boyfriend ko?!" Tanong ko

"Eh bakit kasi pinaghanap mo ako? " Sagot niya

"Eh. Bakit ba ano bang pake mo? " Tanong ko

" Hindi sayo, kay elisa. Kay.." sabe niya

"Kay? Kay joana? " Sabe ko

" Oo" sabe niya

"Wala akong alam kaya tinatanong ko sayo. Pero bakit mo naman ako dinadamay sayo? Ginugulo mo ako eh " sabe ko

"Hindi, tulungan mo ako" jecho

"Paano kita matutulungan? Eh diba? Wala nga akong alam? " Sagot ko

"Halika" Hinila ako at lumabas

"Tita maglalakad lakad lang kami dyan ah " jecto to mama

"Sige ingat kayo " mama

"Anong trip mo? " Tanong ko

"Tulungan mo ako, " Jecho

"Paano?" Tanong ko

"Gusto ko na siyang makalimutan." jecho

"Ano bang nangyari? " Tanong ko

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top