Three
Pagkalipas ng ilang oras na pagkakahimbing, tumagaktak ang pawis ni Vanessa dahil nagising siya sa tila bangungot na iyon, na isang lalaki ang bumugbog sa kanya at isang babae na kinaladkad siya hangga’t sa mawalan siya ng buhay. She gasped for air. Nilibot niya muna ang paningin sa bawat sulok ng kuwarto. Siya lang ang mag-isa doon kaya lumabas siya para silipin kung nasaan sina June at Nanay Isay. Mariing napapikit siya dahil walang tao sa salas. Ang hirap nang nararamdaman niya ngayon. She can't remember anything and that dream must be her past. Nakita niyang may makapal na notebook sa mesa at sinuri muna kung may nakasulat ba dahil gagawin niya munang talaarawan para isulat ang mga bagay na nangyayari sa kanya habang wala siyang maalala. Sa unang pahina pa lang, may nabasa siyang pangalan. In all fairness, ang ganda ng penmanship.
"June Ybañez," she read.
"June?" Napaisip ang utak niyang nawalan ng memorya. June nga 'yong lalaking kasama ni Nanay Isay. Si June din 'yong nagpapatigil sa pintig ng kanyang puso tuwing nakikita niya itong concern sa kanya. At kahit ang pagtawag nito sa kanya ng "Puti" ay nagdudulot pa rin ng sigla sa puso niya. But still, she can't trust him.
Baka si June ang napanaginipan niyang bumugbog sa kanya. She kept that notebook and went outside. Kailangan na niyang umalis sa lalong madaling panahon dahil panganib lang ang manatili sa poder nito.
Ngunit napatigil siya nang mapagtantong dis oras na ng gabi pero nagkibit-balikat pa rin si Vanessa at sinunod ang sariling kutob. Tama lang na umalis siya dahil wala pa ang dalawa.
Samantala…
"Kumusta na kaya si Puti?" Biglang naalala ni June na naiwan nila si Vanessa sa bungalow. Alam naman nilang mahaba-haba ang tulog nito palagi pero 'di niya maiwasang mag-alala. Mahirap din na wala itong kasama dahil sa kondisyon nito. Kinailangan kasi nilang iwan ang estranghera upang magbenta ng mga inani nila sa farm.
"Binilin ko naman na kapag nagising siya, kumain agad dahil may ulam sa ref," tugon naman ni Nanay Isay.
"Okay po." Binilisan na lang ni June ang pagmamaneho para makauwi kaagad.
Within an hour nakauwi naman sila. Sumalubong kaagad ang bibong aso na si Puti. "Wow, kumusta? Binantayan mo ba ang bisita natin?" tanong ni June sa aso, as if sasagot ito sa kanya. Lalong lumapad ang ngiti niya dahil kumakawag-kawag ang buntot nito pero nagtatahol na naman kagaya nang ginawa nito noong matagpuan nila si Vanessa.
"Hindi na naman mapakali si Puti," puna niya sabay kamot-ulo.
Napabuntong-hininga si Nanay Isay. "Saglit nga, tingnan ko 'yong si Puti, yong babae sa loob."
Natatarantang pumasok sa loob ng bahay si Nanay Isay. Wala nga doon si Vanessa kaya binalikan niya si June na nakatambay sa labas.
"June, 'yong babae nawawala!"
Mabilis na tumakbo ang asong si Puti kaya sinundan iyon ni June palabas. This time, tiwala siya sa abilidad ni Puti na mahanap si Vanessa at sana nga hindi pa ito nakakalayo sa bayan ng Talisay. Hindi nga siya nagkamali, natagpuan nila si Vanessa sa hintayan ng traysikel papunta sa kabilang bayan. Naibsan ang pangamba ni June nang makita si Vanessa pero nangibabaw ang pagkainis niya sa ginawa nito. Dahil kung may mangyari na namang masama kay Vanessa, baka kasalanan pa niya at paano na lang siya makikipag-coordinate sa mga pulis kapag nawala ito sa pangangalaga niya?
"Ano bang trip mo?"
Napaangat ang tingin ni Vanessa dahil narinig niya ang pamilyar na tinig. Sabay pa iyon sa tahol ng asong si Puti.
"Aalis na ako. Hindi mo na kailangang mag-alala para sa'kin," aniya at hindi magawang salubungin ang tingin ni June. Natakot siya dahil naaninag niya ang galit sa boses at mata nito.
"Alam mo ba kung saan ka pupunta? Huh?" iritableng tanong ni June. Hinawakan niya ang kamay ni Vanessa pero hindi niya expected ang sumunod na ginawa nito. Tinadyakan siya nito sa sikmura at napatumba siya kaagad. He remembered that moves, may kaunting background kasi siya sa martial arts. Now it all makes sense to him, posibleng mafia ang babae o kaya pugante ng batas.
Ika-ikang tumayo si June at bumuntong-hininga. "Look, hindi ka puwedeng umalis ngayong gabi. Bukas na lang!"
"Umamin ka sa'kin, magkaano-ano ba tayo? At bakit tinatawag mo ako sa pangalan ng aso mo?" paangil na tanong ni Vanessa. "Dahil ba aso lang din ako sa paningin mo? At nagagawa mo akong saktan noon?"
"Ano? Ni hindi ko naisip na saktan ang mga babae. May propesyon at dignidad akong inaalagaan. Are you out of your mind?" paangil din na balik-tanong ni June. At sa tanong ni Vanessa, hindi niya alam ang isasagot. He must answer it and the reason must be convincing for her not to leave now.
"Kung gano'n, sino ako? Bakit napanaginipan ko na binugbog ako ng lalaki kasi makikipaghiwalay ako? Ikaw ba ang lalaking 'yon?" Kusang nangilid ang luha sa magandang mata ni Vanessa.
Lubhang nabahala na si June. Kung gano'n, baka mali ang unang hinala niya sa babaeng nasa harapan. Hinapit niya si Vanessa at marahang ginawaran ng yakap. He was surprised because Vanessa didn't move. She's calm now.
"Ako si June. Ako ang asawa mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top