One

"Maria Lourdes," panimula ni Vanessa sa kabilang linya. Binabanggit niya nang buo ang pangalan ng sekretarya kung may urgent siyang ipag-uutos.

"Yes Ma’am?" sagot ni Malou.

"Maghanap ka ng investigator.

Manghuhuli ako ng ahas!" paasik na utos niya.

"Ma’am, puwede namang ipahuli n'yo na lang sa mga taga-wildlife or animal rescuers ang ahas d'yan, delikado baka matuklaw kayo," pabirong sagot ni Malou. Akala niya kasi ay nakikipagbiruan si Vanessa pero minsan kasi ay pagka-naive siya kaya hindi niya kaagad makuha ang ibig sabihin ng amo.

"Seryoso ako. Maghanap ka ng investigator, kung wala kang mahanap na investigator, hanapan mo na lang ako ng funeraria dahil may ipalilibing ako nang buhay!" asik niya at ibinaba ang telepono. Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga at mabilis na nagpahid ng luha. Hindi niya hahayaang maapektuhan siya ng kataksilan ng asawa niyang si Leonel. Pinagtibay siya ng maraming pagsubok sa buhay kaya hindi niya hahayaang lalaking walang kuwenta lang ang magpapabagsak sa kanya. Nahuli niya kasi itong kalampungan ang business partner na si Dianne at naulinigan niya rin na nagbabalak ang dalawa na gawan siya ng masama at palabasin na siya ay maaaksidente para maka-take over na si Leonel sa advertising company na pagmamay-ari niya.

Makalipas ang isang linggo…

"Hindi ka na talaga magpapapigil June? Kung sawa ka na sa farm tawagan mo lang ako huh?"

Mahigpit ang yakap ni Nanay Remmy kay June, ilang sandali na lang ay aalis na siya papunta sa probinsya ng Talisay. Isang guro si June ngunit napagpasyahan niyang iwan muna ang propesyon para makapag-isip isip. Hahanapin niya ang sarili na nawala dahil masyado siyang nag-focus bilang propesyonal na guro.

"Okay lang ako tita, hindi ko pababayaan ang vegetable farm mo," pakli naman ni June at sumakaya na sa kotse.

"Mag-ingat ka huh? Sana sa pagbalik mo doon, maka-move on ka na," madamdaming sagot ni Nanay Remmy. Mapakla ang ngiti ni June at pinaandar na ang sasakyan. Bumyahe siya sa loob ng mahigit anim na oras at pagkarating niya ay agad niyang nilinis ang lumang bungalow na tutuluyan sa tulong na rin ni Nanay Isay, ang matalik na kaibigan ni Nanay Remmy. Ito ang nagsisilbing caretaker sa bungalow at panaka-nakang nagbabantay din sa vegetable farm ni Nanay Remmy.

"Magpahinga na ho kayo. Sisilipin ko lang ang mga gamit na naiwan ko sa lumang kwarto," paalam ni June sa ginang.

"O sige June. Magluluto na rin ako ng hapunan," ani Nanay Isay saka nagtungo sa kusina.

Bumuntong-hininga pa si June nang tuluyan itong makalayo sa kanya.
He went upstairs and as he took a step, his heart is racing so fast. Matagal niyang hinawakan ang door knob bago buksan ang pinto ng partikular na silid. It took almost two minutes before he decided to come inside. Unang tumambad sa kanya ang mga pamilyar na gamit, which made him emotional.

"Sasha," he uttered his late girlfriend's name right after he saw a picture frame of them together. Magpipitong taon nang pumanaw ang kanyang nobya dahil sa sakit na leukemia. Si Sasha ang unang pag-ibig ni June. Nakilala niya ito bilang isang hardworking teacher nang maging volunteer siya sa liblib na lugar sa Talisay. Kakapasa pa lang niya noon sa board exam at sumubok na magkaroon ng teaching experience nang magkakilala silang dalawa. It sounds cliché but they both fell in love to each other kahit maiksing panahon pa lang silang magkasama. Desidido si June na pakasalan si Sasha dahil ilang beses na niyang nasaksihan ang pagiging dedicated nito sa propesyon at mahal na mahal nito ang mag-aaral na tinuturuan sa Talisay.

They made a pact that they will lift up Talisay and build a decent school for everyone. Habang bumubuo ng pangarap, binalak na nilang magpakasal ngunit isang araw, nagimbal sila sa isang balita.

Na-diagnose sa sakit na leukemia si Sasha at isang taon na nakipaglaban sa sakit. Iyon ang unang pagkakataon na parang sinakluban ng langit at lupa si June. Para maka-move on, sumubok siyang mag-participate sa iba't ibang educational orgs para na rin lumawig ang kaalaman niya bilang isang guro. Nagturo din siya sa high school at elementary school. That's the easiest way to forget Sasha, lunurin ang sarili sa trabaho.
Hangga't sa napadpad siya sa isang unibersidad at naging propesor, kaya lang— ramdam niya ang sobrang pressure dahil college students ang tinuturuan niya at mas stressful kung i-handle. Bukod sa hirap siya sa pagtuturo, ramdam niya rin na iilan sa mga kasamahan niyang guro ang hindi natutuwa sa kanya. For them, he's just a young handsome professor na walang substansya kung magturo. Uso kasi sa unibersidad ang pagiging superior ng mas nakatatandang colleagues, alam niyang insecure ang mga ito dahil marami siyang nakukuhang parangal na hindi naman niya inasahang makuha.

Kasalanan ba niyang maging dedicated sa pagtuturo? Pakiwari niya'y toxic na ang environment sa pagtuturo sa unibersidad kaya nag-resign din siya. Naisip niyang mag-focus muna sa probinsya at alalahanin ang masayang memories nila ni Sasha.

Sa sobrang pagod ay nakatulog na sa silid na nagsilbing bodega si June. Kung hindi niya narinig ang kahol ng asong si Puti sa labas, hindi siya magigising. Naka-open kasi ang bintana, maging ang ingay na likha ng patak ng ulan ay naririnig niya. Hindi na rin pala siya nakapag-hapunan. Sinilip niya ang wall clock na nakasabit sa pader. Alas dos na pala ng madaling araw, batid niyang nilalamig ang aso kaya kahit maulan ay lumabas pa rin siya.

"Naku. Nakalimutan kang ipasok ni Nanay Isay," aniya nang balutin sa malambot na tela ang aso. Pero sa halip na tumigil, lalo lang lumakas ang pagkahol ng asong si Puti. Nagpumiglas naman ito at tumakbo sa maputik na damuhan.

"Puti!" habol niya sa aso at may kung anong hinahanap sa damuhan. Na-curious din si June sa ginawa ng aso kaya inilawan niya ito gamit ang flashlight sa cellphone.

There, he found an unconscious body. Biglang nilukob siya ng matinding kaba. Kaya pala nag-iingay si Puti, may itinapon palang bangkay sa tapat ng bungalow. Itinutok niyang maigi ang cellphone at nakumpirma niyang babae ang kawawang tao na nakahandusay. He was hesitant to touch her, pero kailangan niyang gawin para malaman kung buhay pa ito. Luckily, the woman is still breathing. Dali-dali niya itong binuhat at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top