9 - Her True Identity
May 30, 2019
Finally, dumating din ang pinakahihintay na feedback ni June mula sa kakilalang investigator ni Nanay Remmy. The confidential info about May was sent via email.
Nagkataon lang na busy pa siya ngayon dahil sa pagdagsa ng orders sa farm. Blessing na iyon kung maituturing kaya kailangan niyang kumayod nang husto para naman masuklian ang pabor na ibinigay ni Nanay Remmy.
"Nanay, bukas nga pala ay birthday ni May." Hindi maalis ang ngiti ni June habang ipinaalala ang bagay na 'yon kay Nanay Isay. Nasapo tuloy ng ginang ang kanyang noo.
"Oo nga, baka mag-expect si May na susurpresahin natin siya."
"At dapat nga natin siyang sorpresahin para matuwa siya."
Nagsalubong ang kilay ni Nanay Isay at binato ng mapanuring tingin si June. "Hinuha ko, mahal na mahal mo na nga siya."
"Hindi sa gano'n. Pinangangatawanan ko lang ang ginawa ko. Sooner or later, she will be going to forget all of these. Isipin n'yo na lang na reward ito sa kanya dahil nakakatulong siya sa farm," kaila ni June. Ngunit maisip pa lang na malalayo si May, tila pinipiga kaagad ang puso niya.
He heaved a sigh. Umingos siya at nagkunwaring abala sa pagsusulat ng sales record.
"Kunsabagay, kaya mo akong lokohin pero hindi mo kayang lokohin ang puso mo," pambubuska ni Nanay Isay.
Paulit-ulit na napailing si June hangga't sa makarinig sila ng pagkatok sa entrance door ng bahay. Nagkatinginan silang dalawa dahil alam naman nilang wala silang expected visitor ngayong araw.
"Ako na po ang magbubukas," presinta ni June. Mabilis niyang pinagbuksan ang taong may sadya sa kanila.
"Magandang araw, ano pong sadya ninyo?" magiliw at pormal na bungad ni June. Kaharap niya ang isang babaeng nasa mid-thirties at may makapal na lente ng eyeglasses.
"Sir, nagbabakasakali lang sana ako kung may nakita kayong babae sa lugar ninyo? Heto siya," tugon ng babae. Dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa at may larawang ipinakita kay June.
Malakas ang kabog sa puso ni June nang makita ang larawan. Kahit ilang ulit niyang sipatin, si May talaga iyon. At sa ayos nito sa larawan, mukhang galing ito sa aristokratang pamilya.
"Heto, baka mas mamukhaan n'yo sa ibang picture." The lady swiped her phone's screen. Sunod na nag-flash ang focused na larawan ni May at suot nito ang isang magarbong wedding dress.
She's married?
Tila natuyuan kaaagad siya ng lalamunan at hindi magawang umimik. Gustuhin man niyang sabihin na kasama niya ang taong hinahanap ng babae, hindi pa rin niya magawang magtiwala. Heto na nga ang pinakahihintay niyang mangyari, na mahanap ang tunay na pagkakakilanlan ni May. Pero ngayong may progress na, saka pa siya nag-alangan. At parang ayaw na rin niya itong malayo sa kanya.
"Sir, hindi n'yo talaga siya kilala?"
Nagbalik siya sa wisyo nang magsalita ang estranghera.
"Maybe you should tell me why are you looking for her? Pugante ba ito ng batas?" tanong ni June. Baka sa maging sagot ng babae, tuluyan nang maputol ang iba niyang hinala tungkol sa katauhan ni May.
"But Sir, why do I have to tell you? Gusto ko lang malaman kung nakita n'yo siya o hindi." Bakas ang mariing pagtutol sa tinig ng babae dahil wala itong balak na sagutin ang katanungan ni June.
"You have to tell me because I saw her."
Dinala muna ni June ang babae sa farm kung saan kaunti lang ang taong makakakita sa kanila. Nataon lang din na hindi muna siya nagpapasok ng tauhan dahil wala namang masyadong deliveries ng gulay sa araw na iyon.
Nagpakilala ang babae bilang si Maria Lourdes o Malou, sekretarya ni Vanessa Montefalco.
Vanessa Montefalco— her name sounds so expensive.
Kwento ni Malou, galing sa mayamang pamilya si Vanessa at battered wife ito. Makikipagdeborsyo na sana ito sa asawa pero bigla itong nawala. Akala nga ng mga kakilala nito ay patay na siya.
Pero hindi sumuko si Malou sa paghahanap. Mas lumaki ang pag-asa niya dahil naalala nga pala niyang may binilin sa kanya si May bago ito mawala.
"Malou, just in case na may mangyari sa'kin, mahahanap at mahahanap mo pa rin ako."
Tila alam na nga ng kanyang amo ang kahihinatnan, baka may banta na itong natatanggap. Ipinakita sa kanya ni Vanessa ang relong mamahalin ngunit mukhang ordinaryo.
"May gps ang relong ito. Makikita mo ang location kapag pinuntahan mo ang website na 'to." Vanessa typed the website's address while in front of her laptop. Nasa likod lang si Malou at matamang pinakikinggan ang anumang sabihin niya.
"Huwag na huwag kang magtiwala sa kahit sino, lalo na kay Leonel. At kahit mawala ako, wala siyang makukuha ni isang sentimo," paalaa ni Vanessa. Lumalim ang kunot sa noo ni Malou at niyakap ang pinakamamahal niyang boss.
"Maam, sa pananalita n'yo parang mamamaalam na kayo." Kusang tumulo ang luha niya. Napakabuti kasing amo ni Vanessa at kahit nasisinghalan siya nito, pinasasahuran siya nang tama at tinatrato rin siya na parang tunay na kapamilya. Matagal na rin siyang naninilbihan sa pamilya nito. Teenager pa lang si Vanessa nang kunin siya ng ama nito bilang personal assistant. Masyado kasing conscious sa safety ni Vanessa ang ama kaya kumuha ito ng magbabantay at puwedeng utusan para makatulong sa office tasks, palibhasa bata pa lang at habang nag-aaral pa ay tinuruan na si Vanessa na mag-handle ng negosyo.
Pero bago sagutin ni June ang impormasyong kailangan ni Malou, sinilip niya ang email na binigay ng investigator. It turns out that all informations from Malou and from that investigator were completely similar.
Lalong piniga ang puso niya. He felt bad for May or Vanessa. He even judged her before. Pero 'yon pala ay malala nga ang sinapit nito sa piling ng mapang-abusong asawa.
Kaya ipinagtapat nga ni June ang lahat ultimo ang pagpapanggap niya na asawa siya ni May para lang mapigilan ito sa pag-alis. Wala namang dapat ipag-aalala si Malou dahil sinabi sa kanya ni June na hindi nito ginagalaw ang amo niya. At para makasiguro, kinuha niya ang full information ni June pati ang adress at mga pangalan ng taong nasa paligid niya. Nagpaunlak naman ang binata sa kagustuhan niya.
"Sir June, salamat sa pagkupkop kay Maam Vanessa. At tiwala naman ako sa'yo dahil nag-hire ka rin pala ng investigator para mahanap ang pamilya niya. Hindi ko muna puwedeng dalhin si Maam Vanessa pauwi, masyado pang magulo sa mansyon at delikado pa," nag-aalalang tugon ni Malou.
"Ingatan mo siya please? Mahal na mahal ko ang boss ko na 'yan," dagdag niya pa.
"Oo naman, ipapasuot ko lang ang relo niya at babalitaan din kita sa mga gagawin niya habang magkasama kami," nakangiting sagot ni June.
Nagpaalam muna sa kanya si Malou, uuwi na kasi ito sa Maynila at gagawin na ang sunod na hakbang para sa kaligtasan ni Vanessa.
Naiwang nakatanga si June at nagpasyang mamalagi muna sa kubo. Mag-iisang oras na pala simula nang umalis si Malou pero 'di pa rin mawaglit sa isip niya ang mga bagay na kanyang natuklasan.
Kailangang bumalik ni May sa pamilya nito pero may urge mula sa puso niya na protektahan ito sa tunay nitong asawa. Pero paano niya gagawin? At bakit niya gagawin?— gayong wala naman siyang dapat na ipag-alala pa dahil mapagkakatiwalaan si Malou at hindi naman gano'n kalalim ang nararamdaman niya kay May.
Kung wala pang kumatok sa pinto baka nakatanga pa rin siya hanggang ngayon. As usual, humugot na naman siya ng malalim na buntong hininga at pagkabukas niya ay bumungad ang maaliwalas na mukha ni May.
"Sabi ko na nga ba at nandito ka," magiliw na panimula nito sa kanya.
"Paano mo nalaman?" Niluwagan ni June ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin ang fake wife niya.
"Naramdaman ko lang, gano'n yata kapag mag-asawa na parang magkarugtong na 'yong buhay natin sa isa't isa." Lalong lumapad ang ngiti sa manipis na labi ni May at inilapag niya ang dalawang lunch box sa mesa. "May dala akong pagkain para sa'ting dalawa. May pupuntahan daw kasi si Nanay Isay. Ayoko namang kumain nang mag-isa kasi nakakalungkot."
"Okay, sige. Sabay tayong kakain." Mayroong pait sa bawat salitang binibigkas ni June. Naupo si May sa tabi niya at hinayaan niyang ilapat ang ulo nito sa kanyang balikat.
"Na-miss kita kaagad," sambit ni May at ikinawit pa ang braso niya sa braso ni June.
"Miss din kita. Sobra-sobra kitang nami-miss," he whispered. Totoo, nasanay na siya sa sweetness ni May at siguro dapat na nga niyang aminin na baka tuluyan na rin niyang nakalimutan ang pait na dulot ng pagkawala ni Sasha dahil sa presensiya nito.
At mami-miss kita. Am I falling in love with you?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top